Isang tikhim ang narinig ko sa likod dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Tumambad sa akin ang kunot niyang noo at igting na panga. Umiwas siya ng tingin saka itinuro ang sofa hindi kalayuan.
"Babalik rin iyon agad, huwag kang magalala." aniya habang nakapamulsa. "Umupo muna tayo doon."
Sinundan ko ang paglalakad niya palapit doon. Umupo siya sa dulo ng isang mahabang sofa, samantalang doon naman ako sa single. Muli ay nakabibinging katahimikan ang namayani.
Ilang minuto akong hindi mapakali at pakiramdam ko aalis na lang ako bigla at kahit hindi na ako magpaalam kay Topher.
"Kamusta ka na?"
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. I look at him. Diretso ang tingin sa akin, habang seryoso ang mukha at natatakpan ng kanyang bangs ang makapal niyang kilay.
He's as if asking how am I after all these years... he's as if asking me if I'm okay pagkatapos ng anim na taon ng paghihintay sa kanya kahit hindi ko alam kung may hihintayin pa ba.
He's aking me as if naaalala niya pa ako...
"I mean, kahapon..." dugtong niya.
Tila ba may bumigat sa dibdib ko. I feel disappointed, kahit pa alam ko naman talaga kung bakit niya ako kinakamusta.
"I'm okay..." iyon lang ang nasagot ko saka umiwas ng tingin.
"Are you crying because of Christopher? Did he do something to hurt you?"
Lumunok ako. "N-No... no... mabait si Topher. Mabait siya sa akin." I said. "About yesterday, d-don't mind it. It's nothing." Marahan akong tumawa upang suportahan ang sinabi ko.
Marahan din siyang tumango-tango.
"Boyfriend mo na siya?"
Muli akong natigilan sa tanong niya. Ilang segundong napaawang ang bibig ko dahil parang sinaksak ng isang daang kutsilyo ang puso ko.
This is already enough to hurt myself more. Talking to him while he couldn't remember me is a torture.
A fucking torture.
"No," sagot ko. "Not yet."
Umiwas na ako ng tingin upang iparating na ayoko nang makipagusap. Masakit na ang lalamunan ko dahil sa kakapigil ng kung anumang luhang gustong kumawala sa mata ko. Ayokong maconfuse siya kung bakit na naman ako umiiyak, ayokong maging mukhang tanga sa harap niya... sa harapan ng bagong Nico.
"I-I need to go." Deklara ko ilang minuto ang lumipas at wala pa rin si Topher. Tumayo na ako kaya napatayo rin siya. "Masyado nang gabi. Baka matagalan pa si Topher."
"Wait, I'll call Topher."
Hinayaan ko siyang gawin iyon. Matapos ng ilang sandali ay hinarap niya ulit ako. "Ihahatid na kita."
Lumakas ang tibok ng dibdib ko dahil doon. Hindi agad ako nakapagreact lalo na noong nauna na siya naglakad palayo sa akin. Hinabol ko ang paglalakad niya.
"W-wait, you don't have to. Kaya kong umuwi mag-isa."
"Don't worry, sasakyan naman ni Topher ang gagamitin natin. I can drive." Aniya.
"It's not that... I--" hindi ko na naipagpatuloy pa dahil hindi ko na alam kung anong idadahilan ko. Mukhang hindi ko na siya mapipigilan.
Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng coffee shop kanina. Agad na pumunta si Nico sa driver's seat saka tumingin sa akin bago pumasok.
"Let's go?"
Tuluyan na akong nagpadala. Sumakay ako sa passenger's seat habang siya naman ang nasa driver's seat.
Kahit hindi naman mainit, pakiramdam ko ay lubos akong pinagpapawisan. Binuksan niya ang bluetooth speaker ng sasakyan at aircon saka iyon itinapat sa akin. Binuhay niya ang makina nito kasabay ang isang masiglang kanta mula sa speaker.
Maingay ang paligid ngunit nananaig ang katahimikan naming dalawa.
"Sabi niya sorry daw." Aniya matapos ang mahabang katahimikan. Napatingin ako sa kanya. Nagdadrive na siya at mukhang talagang marunong na marunong siya. Kung titignan ay tipikal na mayaman, cool at gwapong lalaking talagang hahangaan ng kung sino mang babae.
Bitterness build up around my heart again. Hindi ko pa nga siguro masyadong kilala si Nico... 'yong lumang Nico... si Niconduktor.
Ilang buwan ko pa lang naman siyang nakilala noon pero masyado na akong naattach sa kanya. Masiyado akong nahulog.
I wonder how many girls he dated after me? Habang ako ay patuloy lang na naghihintay sa kanya? I wonder how many girls did he carry on his back like what he did to me last 6 years?
"Si Topher." Nagising ako sa pagiisip dahil sa sinabi niya. Kung may sinabi pa siya bago iyon ay wala na akong maalala.
"Oh, okay." Umiwas na ako ng tingin.
"Kaya ka ba malungkot?"
Napatingin ako muli. "What?"
"Kay Topher. Malungkot ka kasi hindi ka niya naihatid?" Aniya. "Huwag kang magtampo. I think pinapagalitan siya ngayon ni Mrs. Garcia kaya siguro hindi siya makaalis."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Mrs. Garcia? Do you mean your mom?" Tanong ko. Napalingon siya sa akin saglit saka tumawa ng mahina.
"Oo. Topher's Mom." Sagot niya habang nakangiti. "Magkapatid lang kami ni Topher sa ama. Mrs. Garcia is his mother. Tinatawag ko lang na Mommy si Mrs. Garcia when Topher's around. Ayaw niya kasing naririnig mula sa akin na hindi kami magkapatid ng buo. Ang bait niya, hindi ba?"
Hindi ako nakapagreact. So... hindi pala magkapatid na buo sina Topher at Nico? Nagkaroon ako ng awa kay Nico at paghanga na rin kay Topher.
"May favorite playlist ka ba sa Spotify? Iyon na lang ang patugtugin natin kung gusto mo." Aniya noong hindi na naman ako nagsalita.
"W-wala naman. Kahit ano lang. Okay lang." Sagot ko saka muling tumingin sa bintana.
Bakit ba napakatagal ng byahe? Ilang kanta na ang tumugtog at halos wala pa yata sa kalahati ang nararating namin.
Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan. I closed my eyes to make him realize na gusto kong matulog lang at huwag makipagusap... when suddenly a familiar song played on the speaker.
Girl... I've been searching so long
In this world
Trying to find someone
Who could be
What my picture of love means to me
Napatingin ako sa kanya at ganoon rin siya. Bumilis ang tibok ng puso ko at bumalik lahat ng ala-ala at paghihintay ko.
"Can we play the next song?" Namalayan ko na lang na iyan ang nasabi ko.
Hindi niya ako nilingon at nagfocus lang sa daanan. Ilang segundo ang lumipas at siya na mismo ang nagnext nito.
"Sorry, you don't like old songs?" Tanong niya. Malungkot ang tono dahil akala niya siguro'y hindi ko nagustuhan ang kantang ipinarinig niya.
Muli na namang nagkaroon ng inis sa puso ko.
I wonder how many girls he had shared this song with...?
"Yes, I don't like old songs."
Ayaw ko na sa mga lumang kantang magpapaalala kung gaano ako katanga sa loob ng anim na taon.