webnovel

Bar

Hinayaan kong ihatid ako ni Nico hanggang sa tapat ng gate namin. Ayoko sana pero gabi na at takot na akong maglakad o magtricycle mula sa kanto ng Buenavista.

"Dito lang ako." Mabilis kong sambit, saka tinanggal ang seatbelt at lumabas. Bago ko isara ang pinto ng sasakyan ay muli ko siyang sinilip. "Thanks sa paghatid."

Tipid na ngiti lang ang isinagot niya bago niya ako hinayaang isara ang pinto. Huminga ako ng malalim saka pumasok sa gate namin. Doon ay narinig ko na ang pagandar ng makina ng sasakyan niya, ibig sabihin ay umalis na siya.

Sobrang bigat ng dibdib ko. Sa sobrang bigat ay wala na akong luhang mailalabas pa. Para bang sa sobrang bigat ay naging manhid na.

Ang bigat na iyon ay nanatili hanggang sa magtrabaho na ako kinabukasan. Halata iyon ng mga katrabaho ko, lalo na ni Janica na palagi kong kasama.

"Ghorl, ang tamlay mo." Komento niya dahil ngayon ay halos tinititigan ko lang ang pagkain ko.

Napatingin ako kay Janica saka nagsimulang kunin ang kutsara't tinidor na kanina ko pa pala tinititigan.

"Masama lang pakiramdam ko, saka parang wala akong gana." Reklamo ko habang tinutusok tusok ang kanin. "Janica..."

"Oh?" Tinignan niya ako habang ngumunguya.

"Inom tayo."

Nanlaki ang mata niya at muntik na yatang mailuwa ang nasa bibig.

"Ano sabi mo?"

"Inom tayo, ang sabi ko."

"Sure ka ba? Anong iinumin natin?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Alak? Ano bang iniinom mo? Milo?"

Humalakhak siya. "Nako, hindi masama ang pakiramdam mo. Masama ang loob mo! May problema ka ano?"

Hindi ako sumagot.

"Aysos, kompirm!"

Hindi na ako nagsalita at sinubukan na lang kainin ang nasa plato ko para huwag namang masayang.

Natapos ang araw nang hindi ko namamalayan. Hindi ko naman hinahayaang maapektuhan ang trabaho ko, lalo na't kakapromote lang rin sa akin. Hangga't maaari ay sa breaktime lang ako natutulala't hindi umiimik.

Uwian nang madatnan ko si Topher sa labas ng building namin. Hindi naman sa galit ako sa kanya o ano, pero siguro tinatamad lang akong makipagsocialize kaya sinubukan kong iwasan siya, kaya lang ay nakita niya pa rin ako.

"Via!" Tawag niya saka tumakbo papunta sa akin. Mabuti na lang at hindi ko sabay na nag-out si Janica, kundi todo na naman ang asar n'on sa akin.

Hinarap ko si Topher. "Uy..." sambit ko na para bang hindi ko talaga siya nakita kanina.

"Hey... uhm, you're not answering my texts." Aniya.

Kumunot naman ang noo ko saka tumingin sa phone ko. 16 text messages from Topher.

"Sorry, naka-silent." Sabi ko, which is totoo naman.

"You mad at me?" Tanong niya.

Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. "Bakit?"

"Kahapon? Kasi hindi na kita naihatid. I'm sorry. Napahaba lang talaga ang pagtatalo namin ng Mommy ko. Hindi ko siya maiwan kagabi." Aniya. Halatang halata ang pagiging sorry niya sa tono niya.

But I'm not feeling anything anymore...

Hindi ako naiinis o ano. Ang gusto ko na lang ay makauwi agad.

"Okay lang, hindi naman ako galit sa 'yo." Sinubukan kong ngumiti para makumbinsi na siya at hayaan niya na akong maglakad.

"Talaga?" masaya na ang tono niya. "Sabay ka na sa amin!" Aniya sabay turo sa sasakyan niya hindi kalayuan. Doon ay natanaw ko ang panonood sa amin ng isang lalaking may makakapal na kilay. "I'm with Kuya Nico. I just thank him kasi hinatid ka niya kahapon para sa akin."

Ang puso kong akala ko'y manhid na kanina ay muling tumibok, pero may halong sakit. Napatitig ako sa kanya at palagay ko ay gan'on rin siya.

I clench my teeth saka binalik ang tingin kay Topher. Topher's innocent and so pure, sa sobrang bait niya, hindi ko alam kung napapansin niya bang ayokong kumausap ng kung sino ngayon.

"Dala ko ang sasakyan ko e." Sagot ko sa siya tinapik sa braso. "Next time na lang. Hindi talaga ako galit tungkol sa kahapon. Don't worry."

"Ah, gan'on ba?" Ani ni Topher. "Sige, samahan na lang kita sa sasakyan mo. Saan ka ba nagpark?"

I nod to Topher's idea. Lumingon muli ako kay Nico sa hindi kalayuan at hindi ko mabasa ang reaction niya. Ang alam ko lang ay sinusundan niya lang kami ng tingin.

Ibinalik ko na ang tingin kay Topher saka ko siya hinayaang sabayan ako sa paglalakad.

...

Lumipas ang halos isang linggo ng gan'on gan'on lang. I didn't see Nico on that days. And even Topher, na aniya'y busy sa band rehearsals nila.

Joke lang naman 'yong sinabi ko kay Janica last time, pero mukhang sineryoso talaga ni babaita. N'ong thursday ay sinabihan niya na akong may plano na ang team mates namin na mag-bar this Friday after work.

Madalas silang mag-bar, hindi nga lang ako sumasama dahil kay Mama. Pero ngayom raw ay kailangan kong sumama dahil isinet nila ang lakad na ito dahil sa request ko.

"AHHHHHCK! 6:00 PM na it's party party time!!!" Sabi ng kateam mate ko na si Torie sa GC namin. Syempre hindi naman kami pwedeng magingay sa office dahil baka pagalitan kami.

Sinali na nila ako sa GC nila na "FRIDAY MIDNIGHT". Noon ay hindi ako kasali dahil hindi naman daw ako sumasama sa gimmick nila. Ngayon daw ay official member na ako. Lol.

Kalvs: Wear your best mga baks dahil a-aura tayo tonight!!!

Irish: Asus, panlalaki na naman ang bet!

Pat: Guys welcum naman natin si Via :D

Via: Hahahahaha!

Yan na lang sinabi ko. Nakakatamad e.

Isa isa na nga kaming nagsialisan sa office. Hindi kami nagpahalata dahil ayaw rin naman naming malaman ng boss naming conservative na magba-bar ang mga empleyado niya.

Torie: Mga bakla, sunod na lang ha!

Sabay kaming nag-out ni Janica at dumaan muna ng Mall para doon mag-bihis. Si Janica lang pala ang magbibihis, dahil okay na ako sa suot ko.

"O ganyan ka na? Hindi ka na magbibihis?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. I'm wearing spaghetti strap dress inside. Naka-black jacket lang ako ngayon na mamaya ay huhubarin ko rin dipende sa mood ko. Samantalag siya naman ay naka-spaghetti strap sando black sando at kumikinang na silver short.

Simpleng babae lang si Janica pero maganda kapag nabihisan at na-make-upan.

I also applied make up on my face. Pero sakto lang. Red lipstick, foundation, and eyeliner. 'Yong babagay lang sa primrose spaghetti strap ko.

Hindi na ako pinakialaman pa ni Janica at naglakad na kami papunta sa sasakyan ko. 10 minute-drive lang naman ang bar mula sa work place namin. Nagpark ako sa parking lot ng bar, saka inilagay ang susi ng sasakyan ko sa bra ko.

Napahalakhak na lang si Janica.

"Unique ng lagayan mo ng susi ah!" Natatawang puna ni Janica.

"Wala akong pouch o bulsa e. Baka mawala. At least dito, safe." Humalakhak na rin ako.

"Wow, ang yabang porket may ibubuga!" Aniya.

Ingay ang agad na sumalubong pagpasok namin. Medyo kumunot rin ang ilong ko sa ilang usok ng sigarilyong pumapasok sa ilong ko. Hinawi ko ang ilan dito pero nananatili pa ring malabo ang paligid. Mukhang natural na yata iyon, na sinasayawan pa ng makukulay na ilaw na sumasayaw.

Habang pumapasok kami ni Janica ay lalong dumidilim ang paligid. Parang 7:30 PM pa nga lang yata. Ang alam ko'y hindi pa ito ang peak ng party.

"SAAN SILA?" Sigaw ko kay Janica dahil sa ingay.

"WAIT, HINAHANAP KO RIN. SABI SA GC SA LEFT SIDE DAW SA LOOB."

Ilang paglalakad pa ang ginawa namin at nahanap rin namin sila. Mukhang meron  na agad silang nakilalang kung sino, dahil tanaw na namin na halos nasa sampu na sila sa isang large table.

"O ayan na pala sina Via e!" Ani ni Torie noong makita kami.

"Hi guys!" Bati ni Janica sa lahat, samantalang ngumisi lang ako.

Pinagmasdan kami ng lahat. Gan'on rin ako. Ang ilan sa mga tao doon ay namumukhaan ko.

"Didn't expect you here, Via." Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko na si Jason pala. Napalayo ako ng kaonti dahil amoy alak na siya.

Mabuti na lang at hinila rin ako palayo ni Janica.