Chapter 7
HABANG nagdi-discuss yung prof namin, nararamdaman kong may nagmamasid sa'kin. Actually medyo kanina pa at medyo nakakaramdam ako ng pagiging uneasy. Kaso, feeling ko nag-a-assume lang ako. On the other hand, my head has been wanting to tilt to the side—sa side kung nasaan si Hades. Katabi ko siya pero ang mga desks ay hindi dikit dikit. Parang may isang ruler ang agwat.
Eto na nga. Hindi ko na natiis. Lumingon ako kay Hades. Para tuloy akong napahiya sa sarili ko nang makita ko siyang seryosong nakatingin sa prof namin at nakikinig. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya tapos bahagya akong tinaasan ng isang kilay para bang nagtatanong bakit ko siya tinitingnan.
We all know how charismatic this guy is, however, unless you're in my position (or ng ibang babaeng matingnan siya sa personal), it's hard to explain how he can attract someone's attention by simply looking straight in the eye as if he's using huge amount of magnet. Mahihirapan ka talagang umiwas. I can say that I enjoy looking at him and would not mind kung ilang oras ang masayang ko.
"Your partner will be your seatmate. I'll be dismissing this class early so you can discuss it with your partner." Yun nalang ang narinig ko sa prof ko kaya tumingin ako sa harapan.
Mabuti nalang at may sinulat siya sa blackboard, title ng documentary na papanoodin namin tapos format ng reflection paper at kung saang email address namin ito ise-send. Nakasulat din kung kailan ang deadline.
Binaling ko uli ang tingin ko kay Hades, tumingin din naman siya sa akin. Ah, so nakikipagtitigan ka talaga?
Teka, bakit ko nga ba uli siya tinitingnan in the first place? Ayos, nakalimutan ko na agad!
Napansin kong bahagya siyang ngumiti. Lumitaw tuloy ng kaunti ang dimple niya sa kaliwa.
Tangina. Napakagwapo talaga ng katabi ko.
"Hades! Let's be partners!" Nabalik ako sa earth nang marinig ko ang maarteng boses ni Janessa.
Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa bag. Dahil umalis na ang prof namin, unti-unti nang nagsisialisan ang iba kong kaklase. Medyo maingay sila kahit na papalabas na ng room, pinag-uusapan kung saan sila manonood ng documentary at kung kailan gagawin. Narinig ko pang sinabi ni Jimin sa partner niyang si Irene na siya na bahala manood tapos si Irene na ang gagawa sa reflection.
"Wow, perfect yan. Mukhang di naman ako lugi don?" reklamo ni Irene.
Natawa ako ng mahina sa kanilang dalawa.
"I know a place where we can watch the documentary. I can assure you the place is cozy and no one can disturb us so we can focus and—" Before Janessa could even finish her words, Hades cut her off.
"Stop blabbering. You're not my seatmate."
Meaning, stop being illusional, Janessa! Di kayo partners!
But... kami ang partners.
Napatingin ako kay Hades. Nakatayo na siya... at nakatingin din sa'kin. Ngunit nagbawi naman din siya ng tingin. Inayos niya yung blazer niya at kinuha yung bag niya. He did not bother to give Janessa a one last glance, umalis na siya.
"So feeling bida ka na naman? Partner kayo? Well, good luck kung makikipagkita sa'yo si Hades. I believe he will watch the documentary and make the reflection on his own, therefore, don't even bother to talk to him. Gumawa ka nalang din ng sarili mo."
Natawa ako sa sinabi niya. "Alam mo? Ang dami mong sabi palagi."
She rolled her eyes and stomped her foot. With her alalays waiting, umalis na sila sa room. Nilingon niya pa ako uli bago siya tuluyang makaalis.
Natawa na naman ako. Jealous girls are always funny.
Ako nalang pala ang naiwan mag-isa sa room. I checked my wristwatch. I have 45 mins pa before my next class. Pwede pa akong matulog.