webnovel

NOATHAST ACADEMY (SCHOOL OF DEATH)

(TagLish) An evil monster needs a heart that truly loves him in order to make him fully human again, but how is this mystery connected to the most prestigious school in town?

envieve · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 8 (Ava)

Chapter 8 (Ava)

Third POV

I've been admiring him for 2 years already, ngunit wala akong lakas ng loob umamin sa kanya nang harapan. Dinadaan ko lang sa pamamagitan ng love letters na inihuhulog ko sa locker niya, ngunit sigurado akong hindi niya binabasa ang mga iyon.

Pero umaasa pa rin ako na balang araw, mapapansin niya ako.

Hinalikan ko muna ang dala kong love letter, lumingon sa paligid kung may ibang tao ba, saka hinulog ang letter sa locker niya.

"I love you. Sana mapansin mo na ako," sabi ko habang hinahaplos ang pangalan niya na nakasulat sa locker niya.

"Ava?"

Nagulat ako nang may nagsalita. Dahil pa sa gulat, nahulog ko ang phone ko sa sahig. Tinulungan naman niya akong damputin iyon, ngunit mas nadagdagan ang pagkahiya ko dahil napansin niya ang wallpaper ko sa phone.

Agad kong hinablot iyon at tumakbo paalis.

Nakakahiya talaga! Paano nalang kung ipagsabi niya yun? Baka ma-bully ako at sabihing obsessed. Pero hindi naman siguro. Sana.

Sakto pagkasakay ko sa kotse ko, tumunog ang phone ko. Lumakas ang tibok ng puso ko sa text message na nabasa ko.

Unknown

Hi, Ava! I always read your letters and for the first time you finally included your phone number and name. I'm sending you this message because I want to meet and talk to you in person.

Badump. Badump.

Hindi naka-save ang number pero alam ko kung kanino ito galing. Isang tao lang naman ang ginagawan ko ng love letters. At totoong ngayon lang ako naglagay ng phone number sa letter ko.

Hindi ko napigilang mapatili sa loob ng kotse ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay sa kilig. Akala ko hindi niya pinapansin ang mga letters ko, binabasa niya pala. Had I known, matagal ko nang nilagay ang number ko at sana nagpakilala na ako.

Kinuha ko ang salamin sa bag ko at tinignan ang sariling reflection. Maganda ako at maraming nagkakagusto sa'kin. But when it comes to him, my confidence can't be found. I'm from an elite family, ngunit tila bumababa ang tingin ko kapag nakikita ko siya.

Nag-retouch ako. Naisipan kong magpunta pa sana sa salon pero nagtext na siya sa'kin na hinihintay na niya ako. He even provided the location.

Hindi mawala ang ngiti ko habang nagmamaneho.

I texted my best friend about what just happened.

Hindi ako familiar sa lugar at napapansin kong the more na nakakalayo ako, the more na mukhang isolated ang lugar. Nagsimula na akong kabahan dahil baka mali ang itinuturong daan ng Waze, or baka prank text ung natanggap ko?

Agad akong huminto sa gilid at tinext yung unknown number.

Is this a prank?

Nung after 3 minutes wala pa ding reply, nagtext uli ako kung siya ba talaga yun. Mayamaya lang ay may tumawag. Sinagot ko ito agad.

"Hi, Ava."

Lumakas ang tibok ng puso ko. This is really him!

"Sorry, I doubted if it's really you. Wait for me, malapit na ako."

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagka-excite.

Nang makarating ako sa lugar, sumilip uli ako sa salamin bago bumaba sa kotse. Medyo nagulo ang buhok nang humampas ang malakas na hangin. That's when I realized nasa tapat ako ng isang abandunadong gusali.

I looked around the place. Walang bahay o kung ano man. Wala ring ibang tao, at napapaligiran ng mga talahib ang paligid.

Bumalik ang kaba ko.

I'm about to compose another text message when someone covers my mouth. Siniko ko ito at tumakbo palayo ngunit may humawak sa siko ko. Itutulak ko sana siya ngunit nawalan ako ng lakas nang may maramdaman akong matalim na bagay sa tagiliran ko. The next thing I know, may dugo nang tumatagas mula rito at nawalan na ako ng malay.

Follow me on Wattpad @_genibabe. Mas mabilis po akong mag-update doon. :)

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

envievecreators' thoughts