webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Adolescente
Classificações insuficientes
282 Chs

Chapter 16: One Sweet Kiss

Gabi sa bahay ng mga Eugenio. Bahagyang nagkaroon ng ingay ng kami nila'y imbitahan para sa hapunan.

"Naku po tita. Hindi mamaya kami makatulog nito dahil sa busog namin.."

"Ay, wag mandamay. Ikaw lang tong nabusog ng sobra.." pambabara ni Karen kay Winly. Halos nagtawanan kaming lahat.

"Grabe sya. Para namang hindi sya kumain. Muntik mo na ngang maubos yung salad ni kuya Mark eh.."

"Fyi, muntik lang naman. e ikaw, sinimot mo pa talaga yung tapa ni kuya Lance... haha. tignan mo tuloy mukha nya, hindi na maipinta.. hahaha."

"Wahahahahhahaha!.." humagalpak ng todo itong si Bamby. Itinuro pa ang mismong mukha ng kapatid nya. Loko!

Napapangiwi nalang ako dahil pilit kong itinatago ang ngiti para sa kanya. Habang abala naman ang iilan sa pang-aasar ng dalawa naming kaibigan, heto naman ang mata ni Lance na kung tumingin sakin ay para bang gusto na nya akong yakapin subalit matindi nya itong pinipigilan. Yumuyuko na lamang ako sa tuwing natatanaw ko ang mata nyang inaaakit talaga ako.

"Ikaw Joyce, how are you?.." bigla ay naging tanong ito ni kuya Mark. I know that he already knew about us, kaya I feel so awkward today.

"Po?.." kabado kong tanong. Inilingan nya ako't habang lihim na nagnanakaw ng tingin sa kanyang kapatid. Hindi ko mapigilan ang lumunok ng mariin nang dahil sa kanyang titig. "Ahmm.. okay lang po kuya.."

"Hmm.. nice to hear that huh.. I wish na totoong ayos ka lang.." he sounded like he knew something that I'm not.

Wala nang nangahas pa na magbigay ng opinyon patungkol sa huling sinabi ni kuya Mark. Pawang nagpapakiramdaman ang bawat isa. Kahit ang tunog ng mga kalansing ng kutsara't tinidor ay biglang nawala. Tanging ang tunog lang ng mataas na aircon ang syang nagbabasag ng katahimikan sa lahat.

"So.." nagulat ako ng magsalita si tita. Sya ang nakaupo sa puno ng lamesa kung saan pinagigitnaan nina Mark at Bamby. Sa tabi ni Mark ay si Lance, kaharap ko naman ito. Nasa tabi ko si Karen na kaharap naman ni Winly. "Basta wag magpupuyat mamaya ha.."

"Ma naman. Minsan na nga lang ito eh.."

"Wag nang magreklamo Bamblebie.."

"E bat kasi?.." sagot nito sa kuya nyang tinataasan sya ng kilay.

Naku Lance! Wag masyadong istrikto. Lalo akong maiinlove sa'yo nyan.

"Eto na naman sila. Can you guys stop it. Nakakahiya. Ang tatanda nyo na. Hindi tuloy makakain ng mabuti si Joyce sa inyo.."

"Mama oh!?.." nguso ni Bamby sa nga kuya nya.

Hay! Brat nga naman.

"Tama na yan. Kumain nalang tayo nang makapagpahinga na. Bamby, ayusin mo mamaya yung guestroom sa tabi ng kwarto ng kuya Lance mo. Duon na kayo para as one ang hihigaan nyo.."

"Yes po ma. Thanks.."

"Bat doon pa Ma?.." halos sabay na sambit nina Lance at Bamby.

"Saan mo gusto kung ganun bro? Sa silid mo?.." tanong naman ni Kuya Mark.

"Hay! Good idea kuya. Duon nalang kaya kami Ma?." isa rin itong si Bamby. Talaga nga namang inaasar si Lancer.

Hindi na nagsalita pa si Lance dahil halata na ang pagka-inis nito sa mukha. Inayos ko ang aking paa sa ilalim ng mesa bago hinanap ang paa ni Lance. Dinunggol ko iyon. Nung una, di sya nag-angat ng tingin sakin pero nung inulit ko ito, umayos na sya ng upo. Ilang minuto ang lumipas bago kami natapos kumain. Nagprisinta kami na kami na ang maghuhugas subalit talaga nga namang tinanggihan kami ni tita.

"No, just go upstairs at ayusin na ninyo yung room nyo doon.."

Agad kaming nagpaalam kay tita at sumunod na nga sa utos nito. Nang lampasan namin ang sala, duon naman nakaupo sina Lance at kuya Mark. Parehong ko silang nahuli na tumingin sakin. I don't know kung sinadya ba iyon ni kuya Mark to tell that I should not make a move just like his brother or baka guni guni ko lang ito. But knowing Lance, alam kong sadya nya talaga ito. Ang titigan ako kahit andyan pa si Bamby. Kung di pa nga naglinis ng lalamunan ang panganay nila ay baka hindi pa nito aalisin ang titig sa akin.

"Kuya Lance, ano yan ha?.." noon ko lang narinig si Bamby nang ganun. Para itong naexcite na may halong pagkairita. Basta yun. Di ko maexplain.

"Tsk.." mabilis pa sa pintig ng puso ko ang pag-iwas nito ng tingin sakin. Damn Lance! Ano ba!?.

"Don't mind him Bamblebie. Go upstairs na. Take a hot shower too ha para maayos tulog nyo.."

"Wow! Thanks sa concern kuya Mark.." tili nitong si Winly.

"Haha.. no problem.." buti pa itong si kuya Mark nakakapagbiro. E yung isa dyan?. Hay! Ang sarap halikan ng nguso!

Hoy! Magtigil ka nga Joyce! Kurutin kita dyan eh!

Nang ako'y tanguan ni kuya Mark para pumanhik na sa taas dahil naghihintay na ang tatlo, ay lakad takbo na ang ginawa ko para habulin ang nauna. Nang nasa taas na kami. Nadatnan ko na silang nag-aayos ng higaan. Nag-uusap sila tungkol kay Kian ata. Di ko sure. Basta narinig ko lang pangalan nya.

"Win, ikaw na muna maunang magshower." ani Bamby dito.

"Bat ako?.." angal nito.

"Malamang, ikaw tong pinakababae samin.." si Bamby naay hinahanap sa kabinet.

"Ikaw nalang kaya Joyce?.."

"Pagkatapos mo nalang.." sagot ko naman sa kanya.

"Karen?.." turo nito dito na prente nang nakaupo sa upuang tabi ng bintanang nakabukas.

"After mo nalang.. tinatamad pa ako eh.."

"Hayst.. oo na nga lang.. kainis kayo.."

"Dun nalang ako sa kwarto ko. Joyce, you wanna come?.." ani Bamby matapos ilapag ang makapal na comforter sa malaking kama. "Dun ka nalang magshower after kom Tas si Karen nalang din dito after ni bakla.. para mas madami tayong oras dumaldal.. hehehe.." she explained. Napaisip naman ako. May punto nga sya. Hindi na ako nagdalawang pa. Umoo na ako.

Iniwan namin si Winly na nasa banyo na at si Karen na may kausap sa cellphone nya. Tatay nya eh.

Nakaramdam tuloy ako ng lungkot ng maalala si Papa. Aminin ko man o hindi. Namimis ko na sya, sila ni Ali, kuya Rozen at kuya Ryle. Simula kasi noon, wala na silang kontak sakin. Di ko alam bat naging ganun. Gusto kong magtampo pero naisip kong hindi ako dapat ganun dahil baka malalim ang dahilan nila. I choose to understand nalang kahit masakit tanggapin.

"Dito ka muna ah. Shower lang ako.." paalam ni Bamby.

"Sige.." sagot ko. Tinanggal nito ang ipit sa buhok saka nakangiti nang dumiretso sa loob ng banyo. Narinig kong dumaloy na ang shower sa loob ng banyo nang biglang may kumatok.

"Bamblebie, can I borrow your laptop?.."

Nanginig agad ako. Bakit ano ito?. Sadya ba ito o tadhana na ang gumagawa ng paraan para makausap ko mismo ang taong gusto ko sanang iwasan?

I open the door without double thinking anymore. Nang makita nya ako. Nanlaki ng bahagya ang mata.

"Oh damn baby.. can we talk?.." agap nyang sambit.

"Nasa banyo si Bamby, Lance.." halos wala na akong boses ng sagutin sya. Hawak ko ang pintuan at hindi ko hinayaan ang sarili kong pagbuksan sya ng todo.

"Just a minute.."

"E baka.." hindi ko natapos ang sasabihn nang itulak nya ako ng marahan papasok at binuksan ang pintuan. Duon sa likod kami ng pintuan nakapwesto. Agad nyang iniharang ang kaliwang kamay sa kanang gilid ko at tinitigan ako ng todo.

"What?. Damn Lance! Si Bamby?.."

"I don't care. All I care is being with you right now.."

"Oo nga.. what if mahuli nya tayo ngayon?.."

"E di maganda para malaman na nya. I'm fucking tired of hiding you like this.. hindi ko gusto.."

Pinaloob ko ang sariling labi saka yumuko nalang. Ramdam ko kasi ang pamumula ng pisngi ko sa narinig. Alam na alam tlaga nito kung paano ako paaamuhin.

"Look at me please.." he whispered. Ginawa ko naman ang utos nya.

Nagtitigan nga kami hanggang sa unti unti na nyang inilapit ang mukha sa akin. Nang maglapat ang aming labi. Para akong nakaramdam ng ilang libong boltahe ng kuryente na dumaloy mula talampakan ko hanggang ulo. Kakaiba ang dulot ng halik nito sakin. Matamis, magaan at dahan dahan. Tinutukso talaga ako na gantihan sya.

Ngunit ilang segundo lamang ay bumitaw na sya.

"Thank you for that one sweet kiss. Labas na ako. Ramdam kong palabas na si Amazona.. tomorrow at dawn, at the garden downstairs, let's see there and talk some staff.. okay?.." mabilis akong tumango. Isang mabilis muli na halik ang ginawa nya kaya napanguso ako. "I love you.."

"I love you too.." sagot ko saka sya hinalikan rin sa pisngi. Dinig ko na rin ang pagpatay sa shower kaya dali dali na ring lumabas itong si Lance. Nagpalipad pa nga ng isang flying kiss. Hay Lance! Ang cute mo talaga kapag ganyang sweet ka. Mas lalo akong nahuhulog sa'yo.

"Your turn girl.." pagkasara ni Lance sa pinto. Bamby comes out of the shower room in just a nano second after Lance left.

Sobrang kaba ko talaga. Na kulang nalang, tumalon din palabas ang puso ko.

"Namumula ka ata?.." Bamby asked nag lagpasan ko sya. Nagpupunas na ito ng buhok. Sinilip pa ang buong mukha ko dahil nakayuko talaga ako sa hiya.

"Ah oo. Kanina pa kasi ako nawiwi?.." pagtatakip ko. Mabagal syang tumango.

"Bat di mo ko kinatok para bilisan ko?. ikaw talaga. Hindi ka pa rin nagbabago. Still so you my friend.."

"Hehehe.. it's okay.. kaya ko pa naman.. pero sa ngayon, parang hindi na.. I'll go inside na ha.." mabilis kong paalam saka pumasok na sa banyo nang di hinihintay ang sagot nya.

"Take your time.. I'll wait for you here.."

"Thanks.." duon lang din ako nakahinga ng maluwag ng buksan na ang shower. Hindi naman ako umihi subalit matapos ang halik na iyon ni Lance ay kusa ko nalang naramdaman ito. Hindi na rin ako nagtagal pa sa loob ng banyo at lumabas na.

Sana lang. Hindi kami nakita. Pero kung sakali man na nakita nya kami. It's okay. Ang sabi ko nga. I'll go with the flow. Kung magalit man sya. I'll let her. It's her choice to judge us especially me. But knowing her. Alam kong naiintindihan nya rin kami lalo na ako. Sana nga ganun! Hindi ang kabaliktaran.