webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Teen
Not enough ratings
282 Chs

Chapter 17: Speechless

Isang mahabang kwentuhan ng kung anu-ano ang nangyari hanggang hating-gabi. Kung hindi pa kumatok si tita ay hindi pa siguro kami natapos. Nagtawanan kaming lahat ng sabihin nito na baka sumugod bigla si Lance at magreklamo sa ingay namin. Subalit hindi iyon nangyari. Nagtaka pa nga si Bamby dahil kahit anong lakas ng boses raw namin ngayon ay walang nambulabog na tao. Habang sinasabi naman ito ni Bamby ay lihim kong nahuhuli ang mata ni tita. Nang magtagpo ang aming mga mata, ay doon nya ako nginitian.

"Good night ladies. Matulog na tayo.." anya at tumayo na galing sa pagkakaupo sa kami. Mismong tabi ni Bamby.

"Opo tita. Good night din po.." ani Karen

"Good night tita.. love you.." si Winly ito. Natawa tuloy si tita. Lumingon muli sa amin at ngumiti ng napakalaki.

"I love you too.." anya na sa akin na nakatingin. Parang may kung anong kumiliti sa akin kaya napangiti ako.

"Good night po.."

"Hmmm.. good night hija.." kakaiba kung paano nya binigkas ang good night hija. Para bang sa pandinig ko ay may nagpaabot ito mula sa kanya. Nagpalipad sya ng halik saka na tuluyang isinarado ang pintuan. Kumalabog ng isang beses ang dibdib ko. Isang beses lang iyon subalit sobrang lakas. Natakot ako bigla. Hinawakan ko pa nga ito dahil nakaramdam ako ng kirot sa bandang puso ko.

"Guys, put down all your phone and let's sleep na.." Bamby announced. Hindi ko naman hinawakan cellphone ko pero kinabahan ako ng sobra. I dont know why. Sana lang, walang mangyayaring masama.

Humiga na silang tatlo kaya sumunod na rin ako. Sa kanang gilid si Winly tabi nito si Karen tapos ako at katabi ko naman si Bamby sa kaliwang banda. Malapit sa may bintana kung saan tanaw mula rito ang madilim ngunit puno ng mga bituin na kalangitan.

"Alam na ba ni Jaden ang alis nyo girl?.." ang buong akala ko, tulog na ang bakla. Hindi pa pala. Gumalaw si Karen patihaya. Ganun din si Bamby.

"Hindi pa. Maybe after our trip to South Korea.."

"Ay sana all.. talagang sasama sya?.." bumangon pa itong si Karen para tanungin ito.

Umungol lang din ang katabi ko. "Oo, gift ni Papa sa kanya.."

"Oh my goodness! Bat kami wala?.."

"Bwahahah.. wag ka te. favoritism nga kasi.. hahaha.."

"Hindi ganun yun guys.. ang totoo, nirequest ko kasi iyon.. dream destination ko iyon alam nyo yan, kaya ayun.."

"Tsk.. tsk.. iba na talaga pag galante.. sana man lang kahit taga bitbit lang kami girl, para man lang masilayan at maamoy namin ang lugar kung saan naninirahan ang paborito kong iKON.."

"Oo nga..kahit mapuntahan lang namin yung perfume store ni Kim Hanbin okay na samin yun..."

"Sino yun?.." tanong ko. Di ko na kasi kilala mga pinagsasabi ng dalawang to.

"Hay naku girl.. yung kumanta ng sarangeul hetda uriga manna.." nalukot mukha ko. Hindi ko talaga alam. Kahit kantahin nya pa buong kanta, hindi ko alam. I'm not anti fan, sadyang wala lang ito sa isip ko dahil sa dami ng iniisip ko. "Rhythm Ta pa girl.." dagdag ni Winly kay Karen.

"E yung Perfect?. Kantahin mo nga?.." ani Bamby kay Winly.

"Wag na guys, na-a-out of place si ate girl eh.." inginuso ako niting bakla. Buti alam nya. Hehe.

Kaya ayun nagchange topic sila. At sa akin nga napunta yung usapan.

"Joyce, pwede magtanong?." umpisa ni Bamby.

"Hmm.. ano yun?." walang kaba kong sagot.

"Do you like my brother?.." yung kaninang walang kaba na nadarama. Bigla itong dumagundong, na para bang pinabibingi ako. Nanuyot ang lalamunan ko kahit hindi ako nauuhaw. Namuo ang butil ng pawis sa ilong ko kahit ang lamig sa buong kwarto.

What the hell! Ano nga ulit yung tinanong nya?.

"Or do you love him?.." akala ko, iyon lang ang tanong nya. May sumunod pa pala na talaga nga namang hindi ko na kinaya pa.

Hindi ako makahanap ng tamang salita para magpaliwanag sa kanya. Eto na yun eh. Bakit bigla akong nagkaganito. Hindi makabuo ng sasabihin o kahit nalang ang tumango.

"It's okay. You don't need to answer me. But if your answer is yes, kung pwede, wag mong pagsawaan ang kapatid kong mahalin, dahil alam mo kung bakit, he really wishes someone... someone that can truly love him."

Hindi pa nga ako nakakahinga ng normal dahil dun sa sinabi nya, heto muli sya. Damn! I am truly speechless!.

"He actually needs you kahit sabihin nya pa sayong hindi ka nya kailangan. Kuya is so sweet at bihira nya talaga iyon kung ipakita. Kaya maswerte ka na kung ganun sya sayo.. I'm saying this not because I'm a pro or anti to anyone who loved my brother, I'm saying this para alam mo na, they knew na they are both lucky to have each other.. kahit na minsan ay loko sya o tinatopak, dinaig pa ako.." she paused and laughed. Natawa din naman ako. "Hinding hindi ka nyan iiwan.. iwan mo man sya, pagtabuyan o durain pa siguro, hahabol at hahabol pa rin sya sayo if he knew that you are worth for it.."

"Grabe! Pwedeng akin nalang sya?.." walang anu ano'y singit ni Winly.

Natawa naman si Bamby. "Try mo munang, kausapin sya ng ilang minuto. Kung lumagpas ka duon at naging limang oras, bilib na ako sayo, baka iyon, pwede na siguro... hahaha.."

"Ang sama neto.. sige, masubukan nga, para may jowa na rin ako.."

"Alam mo Win, stop chasing someone who is not meant for you.. mapapagod ka lang.."

"Hindi ako mapapagod kung sya lang rin ang hinahabol ko.."

"Bakit ka magpapakapagod habulin ang isang taong may hinahabol na rin?.."

"Ay yun lang girl.. masakit pag ganun.." duon lang din sumingit si Karen.

"Hindi sa ayaw kong habulin mo ang isang tao, pero dapat matuto kang alamin kung hanggang saan pa ba ang kaya mong takbuhin para sa kanya. Hindi yung habol ka lang ng habol. Mapapagod ka lang, masasaktan ka pa. Kaya tama na kung alam mo ng masakit na."

"Oo na.. oo na.. maghahanap nalang ako ng iba.." pagtatapos nya sa usapan.

"Sino naman kung ganun?.." si Karen pa rin.

"Subukan ko kaya si Kian?. What do you think Bamblebie?.."

"Hahaha.." tumawa lang ito bilang sagot sa kanya.

"Ikaw talaga. Kung ano anong iniisip mo. Matulog na nga tayo. Ala una na oh.." nag-asaran pa silang dalawa hanggang sa pareho na rin silang napagod.

Bumabagsak na rin ang takukap ng mga mata ko subalit hindi pa rin matigil sa pagtatanong ang isip ko.

Bamby knew. Sa lahat ng naging tanong ko, iyon ang pinakamabilis at totoong sagot sa lahat. She already knew at parang alam pa ang lahat ng nangyayari. Wag ka ng magtaka pa Joyce. Si Bamby ay matalinong babae, wala kang maitatago sa kanya lalo na kapag tumahimik ito sa isang gilid. She is a keen observer and an advisor. Magaling sya at walang duda iyon.