webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Adolescente
Classificações insuficientes
30 Chs

5 Chapter Five

"Ginawa mo yun prenny?" Tanong ni Aliah sakin.

Nandito kami ngayon sa mall at hinila niya ko dito.

"Oo atleast nakabawi na ko sa pantitrip niya sakin." Sagot ko.

"Kaloka ka prenny hahahah" nasabe niya na lang

"Ano bang ginagawa natin dito? May pasok pa tayo." Sabe ko.

"Kakain tayo at mamimili ng mga damit." Sagot niya.

"Hoy Aliah wala kong pera tigil tigilan mo ko." Sagot ko at naglakad pabalik.

Agad naman niya kong hinabol at hinila papasok uli.

"Syempre sagot ko prenny." Sabe niya.

"Pwede naman natin gawin to pagkatapos ng class e. Baka malate tayo."

"Napakahaba pa ng oras natin prenny." Sagot niya at hila na naman sakin.

----

"Prenny bagay sayo to" bigay niya sakin ng isang dress na blue.

"Wag na prenny marami pa kong damit." Sagot ko at binigay uli sa kanya ang damit.

"Sge na prenny mag tatampo talaga ko pag hindi mo kinuha." Sagot niya habang naka pout.

Binigay niya sakin ang damit. Kinuha ko na lang baka magtampo siya na lang kaibigan ko baka mawala pa.

Nerd siya pero maganda siya mamili ng damit.

----

"Prenny ang dami dami na neto tama na prenny puno na yung dalawang kamay ko." Sabe ko.

Grabe naman kasi tong babaeng to kung ano makita bigay, sukat, bili.

"Oo na prenny labas na tayo."

Pinindot pindot niya ang cellphone niya at nilagay sa tenga niya.

"Manong andyan na po kayo?... Ahh ok palabas na kami." Driver niya ata kausap niya.

"Dali prenny andyan na si Manong. Dadaan muna tayong bahay ibababa natin tong mga damit. Kunin mo na lang prenny sa bahay pag uwi natin dadaan tayo dun tapos ihahatid kita pauwi."

"Wag na prenny abala pa sayo." Sagot ko.

"No buts!" Sabe niya

Agad naman kaming nakalabas at sumasakay sa kotse niya.

Nakapunta din kami sa bahay niya. Simpleng bahay lang pala nakatira si Prenny. 2nd Floor hindi mo masasabeng masyon ganun.

Pagpasok namin dumiretso kami sa kwarto niya at nilapag ang mga pinamili namin.

Hindi rin kalakihan ang kwarto niya tama lang parang akin lang din.

"Prenny nasan ang parents mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh ang parents ko nag tatrabaho."

"Ahh so umuuwi rin pala sila dito." Sabe ko.

"Hindi, ang bahay namin nasa (insert place). Etong bahay na to binili ko para sa akin at sa pinsan ko. Humiwalay ako sa parents ko. Malaki yung bahay namin dun pero ako lang lagi mag isa. Wala sila lagi. Trabaho lang lagi iniisip nila. Dito masaya ko kasi may kasama at kausap ako."

Tumango tango ako.

"Ehh si Manong Driver? San nakatira?" Tanong ko.

"Ahh si Manong nakilala ko yun dyan malapit lang hinayr ko siya bilang driver. Ilang taon ko na din siyang driver." Sagot niya

"Ahh ang galing naman." Sagot ko.

Ngumiti lang siya.

"Prenny nasan ang pinsan mo?" Tanong ko uli.

"Ahh nasa school niya. Junior high school palang kasi siya. Next school year lilipat na siya sa Camilluz kasi mag Sesenior High School na siya."

Tumango tango uli ako.

"Tara na prenny baka malate pa tayo." Yaya niya sakin.

Agad naman kaming bumaba at lumabas. Sumakay agad kami ng kotse at pumunta sa School.

Agad naman kaming naghiwalay ni prenny at pumunta sa mga room namin.

Akala ko masaya si prenny kasi may pera siya at nagagawa niya lahat ng gustuhin niya.

Hindi pala.

--------

*RINNNNNNGGGGGG*

Nagsitayuan na ang mga classmate ko.

"Ang assignment gawin ahh." Paalala ng teacher namin

Inayos ko na ang mga gamit ko.

"Ms. Agustine"

Napatingin naman ako kay Mrs. Sta. Catalina.

"Pwede mo ba iabot to kay Ms. Dela Vega?"

"Opo ma'am" sagot ko at kinuha ang envelope.

"Nasa faculty siya ngayon. Salamat." Sagot niya sabay labas sa room.

Lumabas na din ako sa room at agad na pumunta sa faculty.

Nakita ko naman agad si Ms. Dela Vega at binigay ang envelope.

"Hay naku Mr. Buenaventura. Kailangan mong bawiin ang mga grades mo! Mag remedial ka sa akin bukas!"

Napalingon ako sa galit na teacher.

At ayun si Eight nakaupo lang at parang walang pakelam sa teacher. Napatingin din siya banda sakin. At tinignan lang ako saglit at binalik ang paningin sa teacher. Pag tinignan niya ang teacher parang walang kwenta lang sa kanya.

"Ms. Agustine salamat." Napalingon ako kay Ms. Dela Vega

"Welcome po Ma'am" sagot ko at lumabas ng faculty.

Talagang tarantado ang Eight na yun.

"Wahhh!!" Napasigaw ako dahil may humila sakin.

"Hi"

Ang panget!!!

Nakasandal ako sa pader at nakatingin sakin ang panget na to.

Hinawakan pa ang bewang ko.

"Bastos kang panget ka!" Sigaw ko at sinampal ko.

"Choosy ka pa! Eh panget ka rin naman!" Sabe niya

Naglakad na ko paalis

"Hey halika dito. Liligawan kita. Wala ng papatol sayo dahil ang panget mo ako na lang."

Naramdaman kong niyakap niya ko mula sa likod.

"Wahhhhhh!!" Sigaw ko.

Agad kong siniko ang muka niya.

"ARAY!!!"

Nakatakas ako sa yakap niya.

At sinipa ko ang gitna niya.

Tumakbo ko ng mabilis.

Nakita ko pa si Eight na nag lalakad pero di ko na lang pinansin at nilagpasan ko na lang siya.

Namilipit na ata yung lalaki dun kasi sinipa ko yung ano niya. Kawawa naman kasi siya ehh. Ang manyak niya kasi yan tuloy.

Pumunta ako ng bench at umupo.

Nasan kaya si prenny?

"Talaga?"

"Oo sis sino kaya ang bubogbugin nila?"

"Ayan na sila!!!"

Napalingon naman ako sa pinupuntahan ng mga tao.

WAHHHHHHHH!!

ANG BIG 8!!

Bakit may mga dala silang baseball bat?

Wahhhh nalaman na ata nila yung ginawa ko wahhh. Wahhh papaluin ata nila ko.

Napunta sila sa harap ko.

"Boss eto yung nakita kong naglagay ng pintura at nag dikit ng sapatos niyo sa puno" sabe ng maputing lalaki.

Napatingin ako kay Eight.

Naiiyak na ko. Yung tibok ng puso ko sobra na ang kabog. Wahhh bubogbugin talaga nila ko. Wahhhh!!

"Tara na. Maya ko na babawian ang babaeng to. Kailangan mabanatan pa natin ang isang yun nang hindi na umulit." Sabe ni Eight at umalis nag sisunudan naman silang lahat.

Nakahinga naman ako ng maluwag akala ko ako yung babanatan nila hays.

Nagpunas naman ako ng luha. Naluha ako hahahaha.

"Hi bekang"

Napatingin naman ako sa gilid ko. Ang gwapo naman hahahahaha.

"Hi Zake"

"Kamusta?" Tanong niya.

"Ok lang naman" sagot ko.

"Akala ko may gagawin sayo ang BIG14 eh." Sabe niya.

"Akala ko nga din ehh iiyak na ko hahahahaha" sagot ko.

Natawa din siya.

"Bilisan niyo!!"

Napalingon ako sa sigaw ng isang nurse.

May binubuhat silang lalaki.

Hala! Yung lalaking manyak!

Napatayo ako at tinignan ko siya.

Wahh puro pasa ang muka ni manyak at mga katawan niya puro sugat. Anong nangyare sa kanya?

"Mukang may binugbog na naman sila."

Napalingon ako kay Zake.

"Una na ko bekang" dagdag niya at tumakbo.

Kawawa naman si manyak. :(

-------

Katatapos lang ng klase at uwian na.

Nagkita din kami ni Aliah. Dinaanan namin yung mga binili niya sakin at umuwi na ko.

"Bye prenny!" Sigaw ni Aliah at nagbabye na din ako.

Pag pasok ko sa bahay ni Tita.

"Oh ayan na pala si Bekang." Bungad ni Nancy sakin.

"Bekang na sayo ba ang kwintas ko?!!!" Sigaw ni tita.

"Ano po tita? Wala po sa akin" sagot ko.

"Sinungaling ka nakita kitang pumunta sa kwarto ni Mommy at kinuha mo yung kwintas!!" Sigaw ni Nancy.

Nilapag ko ang bag ko.

"Tita kahit tignan niyo pa ang gamit ko." Sagot ko.

"Tignan mo mommy nag shopping pa siya. Nabenta niya na ata ang kwintas mo!"

"Tita hindi po bigay po sa akin to ng kaibigan ko" sagot ko.

"Sinungaling!!"

"Titignan ko na lang ang bag mo bekang." Sabe ni tita.

"Sge po tita" sagot ko.

Malakas ang loob ko dahil wala akong ninakaw.

"Wala nga dito" sabe ni Tita.

"Ako maghahanap" sabe ni Nancy at hinalungkat ang gamit ko.

May nilabas siyang box na pahaba.

"Ehh ano to?" Sabe sakin ni Nancy

"Pano napunta yan dyan?" Tanong ko at gulat na gulat.

"Syempre ninakaw mo. Sinungaling ka!" Sigaw ni Nancy

Kinuha ni Tita ang box at tinignan yun.

"Tita---

"Bakit mo ginawa to bekang?" Tanong ni tita

"Tita wala po ko ng ninanakaw. Hindi ko po alam kung bakit napunta sa bag ko yan" sagot ko.

"Sinungaling! Dapat sayo lumayas ka na dito sa bahay! Magnanakaw ka!" Si Nancy

"Tita--

"Lumayas ka na bekang!" Sagot ni Tita

"Tita wala po kong---

"Wag ka ng mag salita lumayas ka na ngayon!!" Sigaw ni Nancy

Umakyat na si Tita sa taas.

Wala po kong ninanakaw Tita.

"Lumayas ka na bekang. Excited na ko hahahahaha." Si Nancy

Tumaas na ko sa kwarto ko at kinuha ang maleta.

"Hoy bekang! Bilisan mo!" Sigaw ni Nancy

Umiiyak ako habang tinutupi ang damit ko sa maleta.

"Ang bagal bagal mo naman bekang tutulungan na kita" sabe ni Nancy.

Kinuha niya lahat ng damit ko sa cabinet at nilagay agad sa maleta. Walang tupi tupi.

"Ayan bekang tapos na umalis ka na dali"

Umalis na kagad ako sa bahay ni Tita.

Anong gagawin ko? San ako titira? San ako magpapalipas ng gabe? Wala kong pera kahit piso.

Naglakad na lang ako palabas ng village.

Sino kaya naglagay ng kwintas na yun sa bag ko?

Hindi ko ugaling manguha ng hindi akin.

Umupo na lang ako dito sa tabi ng kalsada.

Hindi ko talaga alam kong saan ako pupunta ngayon.

"Hey!"

Napalingon ako sa harap ko. Nakatigil ang isang kotse.

"Eight?"

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Yashnien_Baculinacreators' thoughts