webnovel

My Beautiful Husband

WARNING- matured content... R-18... SPG? BXB Story He has a dazzling beauty like a girl. Then a handsome fall inlove with him. Read it. If you want to know the whole story. If how they meet. If how thier destiny played with them.

Yu_ChenXi · Outros
Classificações insuficientes
33 Chs

#13: Clyde

13

Napapangiti ako habang naglalakad papunta sa Monster Club building. Hindi mawala wala sa isip ko ang pagtugon ni Zoey sa halik ko kanina. Para akong naglalakad sa alapaap dahil sa saya ko ngayon.  Dalawang araw din akong nawala kaya namiss ko siya ng husto. At masasabi kong worth it naman ang pagkawala ko dahil naramdaman ko na namiss din niya ako. Hindi din siya umiwas habang panakaw nakaw kung hahawakan siya sa kamay habang naglalakad kami kanina. Gusto kung tumalon, magsasasayaw, sumigaw. Pero over naman na yata ang mga naisip ko.

Pasipol sipol na lang ako, kahit pinagtitinginan na ako ng mga nakakasalubong ko pero wala akong pakialam. Sa masaya ako e. Sa hindi ko maitago ang saya ko. Pasalamat sila maganda ang mood ko. Dahil kung hindi dudukutin ko lahat ng mga mata nila. Gusto ko pa ngang kumanta pa kaso pinigil ko na baka bagyuhin pa ang buong unversidad kapag kumanta ako. Imbes na sa north mapunta ang boses ko sa west pa. Kaya huwag na lang. Sisipol na lang ako mas may tuno pa.

Narating ko ang opisina ko sa monster club. At bumungad sa akin sina Jacob na nakaupo sa sofa at abalang ginagamot nina Kelly at Monica ang mga pasa nila.

Kunot nuo ko silang nilapitan at binistahang mabuti ang mga mukha nila. Puro sila pasa. Nangingitin ang paligid ng mga mata, putok ang mga labi at pisngi.

"Anong nangyari sa inyong apat?" Tanong ko, kahit sigurado na ako sa naiisip kung kanino nila natamo ang mga iyon.

Sa totoo lang talagang nagalit ako ng malamang itinuloy nila ang balak kay Zoey. Nag ayaw pa nga kami ni Jacob ng araw na humarang sila sa dinadaanan namin ni Zoey. At sinabing ako ang makaka away nila kung itutuloy nila ang binabalak.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang agarang pinadala ako ni Tita Kylly sa isang event para sa isang unit ko na hawak niya. Kaya wala akong nagawa kundi pumunta at iwan si Zoey kahit alam kung may nag aabang na banta dito mula kay Jacob. Pero bago ako tuluyang umalis ay pinagbantaan ko pa silang muli, na kung uuwi ako na makitang may pasa si Zoey ay mananagot sila sa akin. Na sa bawat dadapong suntok at sipa dito ay ipaparanas ko din sa kanila iyon ng doble sa gagawin nila dito. Pero ang mga luko at itinuloy pa talaga nila. Hindi nila inisip ang magiging galit ko sa kanila dahil sa ginawa nila.

Si Zoey nga ang una kung pinuntahan ng makauwi ako, and i check him kung may mga pasa siyang natamo, and luckily wala ni isa man akong nakitang pasa mula rito. Dahil kung mayroon man. Ewan ko na lang.

At ngayon naabutan ko ang apat na bugok na ito na puro pasa ang mukha. Buti nga sa kanila. Gusto ko mang bigyan ng leksyon ang apat ay saka na. Total, sila naman ang nadisgrasya ni Zoey.

"Inilampaso sila ng love mo, master."sagot ni Monica sa tanong ko pero hindi niya ako tinapinan ng tingin habang patuloy ito sa paglilinis sa pumutok na labi ni Sunny.

"Siya ang gumawa niyan sa inyong apat?"tanong ko. Pero imposeble iyon. Totoong magaling nga si Zoey, pero kung apat sila, hindi maaring hindi matamaan man lang kahit isa ito. Dahil sila ay magaling din sa mga labanan. Hindi nga lang gaya ni Jacob ang tatlo pero may ibubuga din sila. Hindi lang sila puro porma, kaya nga tinagurian silang master ng seven monster dahil sa kakaiba din nilang galing sa labanan. Kaya hindi ako naniniwala na si Zoey lang ang may gawa nun sa kanila.

"Dumating ang hapon na kaibigan niya. Eh."si Bobby ang sumagot. Sinasabi ko na nga ba. Imposeble talaga na walang tumulong sa kanya. "Aray, dahan dahan naman Kelly."napangiwi ito ng madiinan ni Kelly ang bulak na hawak sa pisngi nito.

"Likot mo kasi eh. May pahamon hamon pa kayong nalalaman, wala naman din pala kayong ibubuga."

"Magaling ang isang iyon."si Clark. "Bilisan mo diyan Monic, at ng magamot na din ang pasa ko."

"So,"bumaling ako kay Jacob na walang imik. Seryusong nakasandal ito sa sofa. "Anong masasabi mo Jacob?"tanong ko dito.

"Fuck! Pinahiya niya ako."nanggagalaiting sabi nito at tumingin sa akin. "I will get revenge."

"Hoy! Jacob."si Kelly. "May revenge ka pang nalalaman, ikaw itong naghamon, dapat nga siya ang maghigante sa atin."

"Alam niyong hindi ayon sa akin ang ginawa niyo."seryusong sabi ko sa mga ito at may talim sa mga mata kung tinignan sila isa isa. Tumigil ang tingin ko kay Jacob. "And Jacob, you haven't listen to me. Gusto kong bigyan ka ng suntok dahil duon, ilagay ka sa turture room para magtanda ka. Doblehen ang sakit na nararamdaman mo ngayon sa katawan. Pero dahil hindi mo nagalusan si Zoey, palalampasin ko kayo nagyon. Pero ito na ang una at huling tangkain niyo iyon. Dahil oras na nagkamali pa kayong muli, huwag niyo ng aasahan na may babalikan pa kayo sa loob ng monster club." banta ko sa mga ito.

"Master, sorry. Hindi naman namin balak na saktan siya."si Bobby. "Katunayan nga, sa nasaksihan namin, hindi na namin iyon balak ulitin. Lalo na ngayon, nandito ang isa sa best companion niya sa martial art."

Binalingan ko ito. Iyon siguro ang tinukoy ni Zoey kanina na kaibigan galing sa Japan.

"Remember Azami Tanaka. Ang siñor ni Zoey."patuloy nito. "Siya ang nagbigay sa amin nito."sabay turo ng pisngi.

Tumango ako. Kilala ko siya dahil palagi ko itong nakikita sa mga laban ni Zoey.

"And this."si Sunny na tinuro ang mata. "This is done for Zoey."turo naman nito sa pisngi pa.

"And also this." Si Clark. Turo sa bibig namamaga na. "And also Zoey give this to me." Sabay turo sa may pisngi din.

"Grabe ang love of my life mo Master. Hanep sa galing. Lagot ka kung nagkamali ka Master at nagluko ka." Si Kelly. At masayang masaya pa yata sa natamo ng apat.

"Bullshit." Mahinang mura ni Jacob na hindi na sumali sa usapan. Padabog na tumayo ito at balak kaming iwan. Pero pinigil ko siya sa braso bago pa siya tuluyang makaalis.

"Tanggapin mo ang katutuhanang, hindi lang ikaw ang may lakas Jacob."mahina kung sabi dito. "Hindi lahat ay napapaluhod mo gaya ng gusto mong mangyari. And like what i've said. I don't like this to happen again."may pagbabanta pang tinignan ko ito.

Hindi ito sumagot bagkus iwinaksi lang ang kamay ko na pumigil sa kanya at blankong tumingin sa akin. Tinalikuran na niya kami at tuluyang nilisan ang opisina namin.

"Sa taas ng pride ng isang iyon Master, hayaan mo na lang muna. Total naman, hindi siya basta basta makakaporma kay Zoey sa labanan. At sa takot din sa parusang ilalaan mo sa kanya." Si Sunny at tinapik pa ako sa balikat.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago ako umupo sa bakanteng sofa duon. Pinanuood ko na lang sila habang ginagamot ang sugat nila.

Pero hindi mawala sa isip ko kung paano magbago ang mood ni Jacob kanina. Seryosong seryuso ito at parang may binabalak pang gawin hindi maganda. Wala akong mabasang emosyong sa kanya. Para itong nababalutan ng kadiliman sa lalim ng iniisip. Kaya hindi ko maiwasan ang mag alala kay Zoey kahit alam ko naman na kayang ipagtanggol ang sarili at may lihim na nagbabantay sa kanya. Pero sa hitsura ni Jacob kanina, hindi ko siya mapagkakatiwalaan. Isa siya sa traydor kung kumilos. Palihim. Kaya sana nga lang nagkakamali lang ako sa hinala dahil kung hindi, siguradong hindi ko na siya papalampasin pa.

"Kumusta pala ang pinuntahan mo Master?"pagkuway tanong ni Kelly para mawala ang ilan sa mga nasa isip ko.

"Maayos naman, nakakuha ako ng mga ideya para sa pinaasign ni tita Kylly sa last project ko this year."

"Mabuti kung ganun master, siya nga pala. Napansin kong masaya ka ng bumungad ka kanina. May nangyari bang maganda sa pinuntahan mo?"tanong pa nito.

Sumilay sa mga labi ko ang mga ngiting hindi ko mapigilan kanina ng maalala si Zoey.

"Sort of. Dahil kung hindi ako nawala ng dalawang araw, hindi ko malalaman na naminiss din ako ng love ko."sagot ko dito.

"Tang-ina master. Hindi bagay sayo."nakangiwing buska ni Bobby sa akin. Ano ang ibig sabihin nito na hindi bagay sa akin?

Tumawa naman sina Sunny at Clark. Pero napalitan iyon ng ngiwi ng diinan nina Monica at Kelly ang hawak sa mga bulak sa mga pasa nila.

"Ano ba, may galit yata kayo sa amin ah."si Clark pero hindi naman iniwas ang mukha kay Monica.

"Sa ang likot niyo eh. Saka, pasalamat kayo good mood si master ng dumating dahil kung hindi, siguradong dagdag pasa kayong lahat."sagot ni Monica.

"Nagniningning ang mga mata mo Master, naka score ka na ba?"si Bobby ulit sabay siko sa akin.

At ang walang hiya, kumikindat kindat pa at pangiti ngiti.

"Gago, baka gusto mo dagdagan ko ang pasa mo." Binigwasan ko ito ng batok pero mabilis na umatras ito palayo sa akin.

"Hehe! Itanggi mo man master, halata sa ngiti mo na naka first base ka na sa kanya." Abat ang luko ipinagpatuloy pa. "Kailan master?"

"Akoy tigilan mo Bobby,"

"Pero nagtataka nga din kami master, bakit galit na galit siya sayo ng nakaraan, ano ba talagang ginawa mo na ikinagalit niya ng husto?" Tanong naman ni Sunny.

"Some kind of misunderstanding. Wala ng iba."sagot ko sa mga ito. "Eh kayo, anong ginawa niyo sa dalawang araw na wala ako?"pang iiba ko ng usapan para hindi nila halungkatin ang totoonh nangyari sa pagitan namin ni Zoey. Saka na lang ako mag kukwento kapag tuluyan na siyang naging akin.

"Wala namang pinagbago Master. Hindi parin nababakante ang torture room. Madami padin pasaway, hindi sila nadadala eh."sagot ni Clark.

"At gustong gusto niyo naman."sita ko. Wiling wili sila pag may pinaparusahan ang mga ito. Kung lalaki, tudo ang pagpapahirap ng mga ito. Kung babae naman, asahan mo ng papahirapan nila ito sa pagpapasarap.

"Iyon na nga master eh, walang magandang nangyari sa torture. Kaya nga tigang na tigang na kami."si Bobby. Sa sinabi nito binigyan siya ni Kelly ng nakamamatay na tingin. Pero hindi ito nagsalita.

"Ehm!" Si Sunny na nahalata din ang masamang tingin ni Kelly dito. Pero ang luko. Hindi yata napansin na pinapatay na siya ng tingin ni Kelly.

Pilit man na itago ni Kelly ang pagkagusto kay Bobby ay nahahalata parin ito paminsan minsan. Lagi itong nakatitig kay Bobby tuwing hindi ito nakatingin. Kapag napapalaban naman kami, ito at ito ang lagi niyang inuunang asikasuhin sa aming lima kapag nasugatan man kami. Kapag nag i effort naman itong magluto kapag may okasyon kaming pito, siya itong unang pinatitikim. Kapag may agaran namang lakad ang mga ito na hindi niya nalalaman. Siya agad ang hahanapin at tatanungin kung saan sila nagpunta. Pero kapag nagsama naman, naku asahan ng palaging nag aasaran ang mga ito kahit nagkakasakitan na sila ng damdamin dahil nauuwi sa personal na asaran ang dalawa hanggat mauuwi iyon sa away.

Ewan ko na lang kung hindi napapansin iyon ni Bobby, nuknukan ba naman ng pagkamanhid. Lagi pa niyang inaasar si Kelly. O sadyang paraan lang ni Bobby iyon para pagtakpan din ang nararamdaman dito. Kung may nararamdaman nga siya para kay Kelly.

"Hindi mo ipagluluto ngayon si Zoey master?" Pang iiba ni Sunny sa usapan.

"No! Kasabay daw niya mag didinner ung hapon na iyon." Nabuhay naman ngayon ang inis ko dahil sa naalala ko kung bakit ako tinanggihan ni Zoey. "Pasundan mo si Zoey, alamin mo kung saan sila mag didinner ng kaibigan niya."utos ko kay Sunny. "Then we need to go together, kung saan sila mag didinner."

"Sige ba master, basta sagot mo kaming lahat."nakangiting tumalima ito at may tinawagan para pasundan si Zoey.

"How about Jacob?"

"Hayaan na muna natin siya. Nasagi lang ang pride nun."sagot ko. Tumayo na ako at tinungo ko ang office table ko at umupo duon. Tinignan ang mga papel na makapal ng nagkapatong patong. "Bakit madami yata ako ngayong pipirmahan?"kunot nuong tanong ko ng binasa ko ang nasa ibabaw at hinalungkat iyon hanggang sa kailaliman.

"Higit isang linggo ka ba naman hindi naglalagi dito master."si Monica na lumapit sa akin. "Ang iba diyan ay approval ng mga bagong transfery, tapos mga event na gaganapin sa Monster building. At ang iba approval din sa mga bibisita sa universidad."sagot nito.

"Eh yong sa kaibigan ni Zoey, paanong nakatransfer siya dito kung wala ang approval ko."kunot nuong tanong ko sa mga ito.

"I think, tito Brix approved it."

"Papa approved it?"pang uulit ko. Paanong nanguari iyon. Wala naman pakialam si papa sa universidad mula ng ipinahawak niya sa akin ito. Bakit bigla siya nag approved ng estuyante?

"Yes, kaya agad na naka transfer ang isang iyon. Sa tingin ko, kilala ni tito Brix ang papa ng hapon na iyon."

Napatango tango ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang papa.

"Hey! You punk. Nakaalala ka yata." Malakas na boses na bungad ng papa sa akin ng sagutin ang tawag ko.

Nailayo ko tuloy ang phone ko sa tainga ko ng wala sa oras at napangiwi.

"Papa, stop calling me punk."sita ko.

"Bastard, I call you what I want. Why the sudden call?"tanong nito.

"Just want to know, do you know, Azami Tanaka? Napag alaman ko na kayo ang nag approved ng tranfery letter niya."

"Yes, ako nga. Nakilala ko ang papa niya tatlong taon na ang nakakalipas dahil isa siya sa business partner sa bago kung negosyo na ipinatayo sa Japan. At nagrequest ang anak niya na lumipat diyan, balak yatang sundan si Zoey. Kaya naisip ko, total naman pinadala si Zoey diyan para itago sa nagkakainterest sa kanya, mabuti na rin iyon para may dagdag bantay siya."mahaba habang paliwanag nito. Ni hindi na niya ako binigyan pa ulit ng pagkakataong magtanong dahil nasagot na niya lahat ng katanungan sa isip ko. Iba talaga ang papa. Muli akong napailing.

"Nasagot ko na ang mga tanong mo. May sasabihin ka pa ba?"

"Mga tanong? Isa lang yong tinanong ko papa, pero ang haba na ng sagot mo."

"Eh, sigurado naman na iyon ang mga sagot sa mga itatanong mo. Diba tama naman ako."

"Sige na, tama na kayo, kailan ba ako nanalo sa inyo."

"Your dad is here, I hang up now. Alam mo na."narinig ko pang tumawa ito ng mahina bago ako pinatayan ng cellphone. Hindi man lang niya tinanong kung gusto kung makausap ang Daddy. Saka kailangan pa ba niyang ipahalata sa akin ang pananabik niya dito.

Damn you old man! Mura ko sa isip ko kay papa. Ininggit tuloy niya ako. Bigla ko tuloy naisip si Zoey ng araw na inangkin ko siya at parang gusto ko tuloy ulit maranasana ang sarap sa piling nito.

Geez! Dahil sa naisip ko biglang nagreact ang alaga ko. Hindi tuloy makahinga iyon dahil biglang sumikip ang pantalon ko.

"Are you ok master?"tanong pa ni Monica ng mapansin yatang para akong pinagpawisan. "May sinabi ba si Tito na hindi maganda?"

"No! Wala. I mean, siya daw ang nag approved."sagot ko. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang sagot ko sa tanong niya dahil sa biglang pag iinit ng katawan ko sa naiisip kong gawin kay Zoey.

Fuck. I want him. And I really miss him.

@YuChenXi