webnovel

More than a Friend

SYNOPSIS Si Harrysen Bautista ay isang dating nerdy guy, na masyadong study hard palagi at advance kung mag-isip hanggang sa makilala niya si Mandyzon McBride na akala niya ay pinsan lang ng kanyang kanyang matalik na kaibigan mula bata na si Kriston McBride dahil masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, mula sa panlabas na anyo at ugali ng dalawa. Naging mas matalik na magkaibigan sina Harry at si Mandy kaysa kay Kriston hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala siya kay Mandy. At isang araw sumubok siyang umamin na, kay Mandy kahit alam niyang kaibigan niya si Mandy na baka mafriend-zone lang siya nito na iyon nga ang nangyari dahil may mahal itong iba. At ng pagkatapos ngang umamin ni Harry kay Mandy na may pagtingin siya rito ay lumipas ang mga araw at taon na hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa magdesisyon na siyang magbago ng anyo ng pangangatawan at iba pang stilo niya. Pati na rin ang baguhin ang nararamdaman para kay Mandy, ngunit hindi pala niya kayang limutin ang nararamdaman para sa dalaga. Ano kaya ang gagawin niya kapag mahalata niyang may gusto si Mandy sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ang dalaga? Paano siya makakamove kung sa puso niya ay alam niyang hindi pa niya limot ang nararamdan niya para kay Mandy? Paano kung umamin sa kanya si Mandy na may gusto ito sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ito. Anong gagawin niya kung alam niyang may nagmamay- ari na rito? Paano niya haharapin ang sitwasyong ito kung alam niyang maaaring talo na siya. Guguluhin pa ba niya ang magkasintahan o maghahanap na lamang siya ng mas nararapat sa kanya? Hahayaan ba niyang makasira siya ng relasyon o magmomove na lamang siya? O ipaglalaban niya na lang ang nararamdaman para sa kaibigang dalaga?

darkranger143 · Realista
Classificações insuficientes
27 Chs

Chapter 19

Chapter Nineteen -->> FALLING

Harrysen Bautista Point of View

"Harrysen!!!" sabay na sabi ng dalawa.

"Gulat na gulat, chill lang guys ako lang to, si Harrysen" sabi ko sa mga ito.

"Grabe ka naman kasi alam mo namang may nag-uusap ng masinsinan, susulpot ka lang diyan na parang kabute" sabi ni Mandy sa akin.

"Oo nga Bro, next time huwag kang susulpot na lang kung saan saan lalo na kapag may nag-uusap" sabi naman ni Kriston sa akin.

"Ano bang kinagagalit niyo huh" tanong ko rito.

"Wala!!!" sabay na naman na sabi ng kambal.

"Ano bang kailangan mo sa akin Harrysen" sabi ni Mandy.

"Kriston, pwede mo ba kaming iwan muna, may mahalaga lang kaming pag-uusapan ng kakambal mo" sabi ko kay Kriston, ayaw ko kasi na marinig ang lahat ng sasabihin ko rito sa kapatid niya, malay mo kasi may iba pa akong masabi diba.

"Bakit ba kailangan ko pang umalis. Wala naman sigurong masama kung may marinig akong iba diba lalo na't sasabihin niyo rin naman sa akin ang lahat ng pag-uusapan niyo diba" sabi naman nito sa amin. Well confident siya na sasabihin talaga namin ni Mandy sa kanya kung ano man iyang pag-uusapan namin, asa siya, hindi ko nga pa alam kung about lang sa nangyari kanina ang pag-uusapan namin ehh, malay ba natin kung saan- saan mapunta yung usapan diba, kadalasang ganon ang nangyayari sa pag-uusap.

"Asa ka naman Kriston, kung ano man iyang pag-uusapan namin ni Mandy, sa amin na lang iyon"

"Alis ka na nga kasi kuya, kinakabahan na ako sa kung anong pag-uusapan namin ni Harrysen ehh, sige na kuya" sabi naman ni Mandy rito habang pinapaalis si Kriston aa kinauupuan nito. Umalis naman agad ito at nakasimangot na umalis. "So tell me Harrysen, ano bang pag-uusapan natin" sabi nito ng makaalis na ng tuluyan si Kriston.

"Actually its all about kanina, sorry talaga huh!!! it's my fault talaga, hindi ko kasi sinara ng tuluyan yung pinto ng Cr. kanina kaya nabuksan mo agad"

"Wala na yon Harrysen, kasalanan ko rin naman ehh, hindi ako kumatok. Dapat nga ako yung mag- sorry sayo kasi binuksan ko yung pintuan ng hindi man lang kumakatok, sorry na rin kasi nakita ko na yung ano mo, yung alaga mo" sabi nito habang tinuturo yung ano ko gamit yung labi niya, it means na nakapout siya. "Next time kasi use underwear, kapag maliligo ka, o kung hindi naman make sure na ni-lock mo na lang yung pinto ng maayos, para hindi ka makitaan ng mga maseselang bahagi ng iyong katawan. Mabuti na lang kung kauri kita, pero hindi ehh."

"Sorry talaga Mandy" sabi ko na lang rito, sa haba ng sinabi niya Sorry talaga Mandy yung sinabi ko.

"Iyon lang ba sasabihin mo" nagtaka ako sa tanong niyang iyon. Kaya binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong.

"What do you mean, ano pa bang dapat kong sabihin sayo" sabi ko rito

"Wala naman, akala ko kasi kung ano na sasabihin mo at kailangan pang paalisin si Kuya Kriston"

"Sinabi ko naman na kasi don yung nangyari kanina sa atin, akala ko naniwala na hindi pala"

"Alam mo naman si Kuya Kriston, minsan may pagkamasuri, hindi lang halata"

"Oo nga ehh, nagpapaka isip-bata na naman yang utol mo"

"Oo nga" sabi pa nito, at pagkatapos non ay nabuhay ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Wala ka ba talagang ibang sasabihin sa akin, Harrysen??" pagpatay ni Mandy sa namumuong katahimikan sa amin.

"Wala na siguro, maaaring meron pero hindi pa siguro dapat sabihin sayo"

"Bakit naman?" sabi naman nito.

"Mandy..." hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil nagsalita na ito.

"Ahh sige na muna Harrysen, pasok na muna ako sa loob" sabi nga nito.

"Ohh..., sige." Iyon na lang ang nasabi ko. Ngumiti naman ito sa akin at tumayo na.

Naiwan naman akong nag- iisa rito, hanggang sa hindi ko na lang namalayan na may tumabi na pala sa akin.

"Sorry Harrysen kung tumabi na lang ako bigla sayo" sabi iyon ng lalaki, at ang lalaking iyon ay si Alexander.

"Hindi, ayos lang"

"Ang totoo niyan, may gusto akong sabihin sayo Harrysen kaya tumabi ako sayo" ano naman kaya iyon, sabi ng isang bahagi ng aking isip.

"Ano naman iyon, Alexander"

"Hindi ko alam kung tama bang itanong ko sayo ito pero..." tumigil siya sa pagsasalita na kinakaba ko naman, pero hindi ko ito pinahalata.

"Sige na Alexander, ano ba iyon" bumuntong hininga muna ito bago magsalita.

"May gusto ka pa ba kay Mandy" sabi nito. Napaatras naman ako sa kinauupuan ko at hindi agad nasagot ang kanyang tanong. "Ano Harrysen, tell me, are you inlove with my girlfriend" halos pag- ulit nito sa tanong.

"No.....no Alexander, mmm... matagal nang wala akong gusto sa Girlfriend mo, matagal ko ng tinapos ang nararamdaman ko para kay Mandy"

"Ehh paano kung bumalik iyang feelings mo para kay Mandy" sabi pa nito.

"Wala na nga Alexander, at wala na rin akong dapat pang ibalik" sabi ko pero mukhang kakainin ko lahat ng sinasabi ko. Ang lahat ng iyon ay may kasinungalinan.

"Siguraduhin mo lang Harrysen, alam mo naman sigurong mahal na mahal ko si Mandy diba, kaya sana naman tama iyang sinasabi mo at walang halong kasinungalingan. Dahil kapag nalaman ko na nililigawan mo na si Mandy, Harrysen. Pasensiyahan na lang tayo kung anong magawa ko sayo" sabi pa nito, pagkatapos ay tumayo na at umalis.

Alexander King Point of View

"Ano Bro, nasabi mo na ba" sabi ni Charlie mula sa kabilang linya.

"Nasabi ko na Bro" sabi ko rito

"Ehh anong sabi ni Harrysen"

"Ayon, wala na raw siyang gusto sa girlfriend mo, matagal na raw niyang tinapos at wala na raw siyang balak pang ibalik iyon"

"Sinigurado mo ba Alexander?

"Oo naman Bro, tinakot ko na rin iyon, baka madala naman ehh"

"Salamat Bro"

"Sus wala iyon"

"Hindi pa ba tayo magsi- switch???" tanong pa nito.

"Hindi pa Bro, Baka sa sunod na araw Bro"

"Ganon, ohh sige na muna Bro" sabi pa nito pagtapos ay binabaan na ako nito ng telepono.

Aalis na sana ako ng tumunog pa ang cp ko, ng makita ko ito ay may tumatawag.

"Hello Pa" sabi ko sa kabilang linya. Tama kayo ng iniisip si Papa ang tumawag sa akin.

"Anong balita diyan Alexander" sabi nito sa akin.

"Ayos naman Pa"

"Ano tong nalalaman ko Alexander na nagpapalitan kayo ni Charlie ng katauhan bilang ikaw, Alexander huh!!!" nagulat ako sa sinabi ni Papa, hindi kasi nito alam ang ginagawa namin ni Charlie na nagpapalit kami ng katauhan ni Charlie bilang ako.

"Pano mo nalaman???" may gulat sa boses ko.

"Ang tatanga niyo" may galit at pang- iinsultong sabi nito, ni hindi man lang nito sinagot ang tanong ko. "Bakit niyo naman ginawa iyon, pano kung dahil diyan sa ginagawa niyo, ay may mahalata kayo at may makaalam pa sa ginagawa niyo. Hindi ba kayo nag-iisip"

"Pa, hindi kami...." hindi ko natapos dahil nagsalita na ulit ito.

"Mahuhuli, ehh nahuli na nga kayo diba, isa sa matandang kasama niyo diba" nagulat ako sa sinabi ni Papa. Pano niya rin iyon nalaman.

"Pano niyo..." hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko.

"Madali lang, si Charlie"

"Ano Pa, si Charlie." Si Charlie talaga, sabi ko sa isip ko.

"So ano, ano ng ginawa mo sa matanda, pinatay mo na ba"

"Hindi...."

"Bakit hindi mo pa pinatay, ehh kung magsalita iyon"

"Hindi na iyon magsasalita Pa, hawak ko na yung matandang iyon sa leeg, at alam kong hindi na tatangkain pa ng matandang iyon na magsalita"

"Siguraduhin mo lang Alexander. Kung gusto mong maging proud ako sayo, gawin mo ang lahat nang nakaayon sa aking plano. Just do what I want,

If you want me to be proud on you" pagkasabi niyon ay binabaan na ako nito ng telepono. ng masiguro ko ng hindi na tumatawag si Papa, ay umalis na ako kung saan naroon.

Mandyzon McBride Point of View

BABALIK sana ako kay Harrysen para dalhan siya ng makakain. May kalayuan pa ako rito ng makita ko si Harrysen at Alexander na masinsinang nag- uusap, kaya hinayaan ko na lang sila.

Aalis na sana ako para makapag- usap talaga sila ng tuluyan. Hanggang patalikod na ako ng magtanong si Alexander kay Harrysen na kinagulat ko, napalakas kasi ang boses ni Alexander ng may itanong ito kay Harrysen.

Hindi ko alam kung anong dapat gawin, kung pakikinggan ko ba ang isasagot ni Harrysen kay Alexander o hindi. Baka kasi pagsisihan ko, pero bakit ko naman pagsisihan diba. Ano bang pagsisihan ko.

At dahil nga pinapatay ako ng pagka- curious ko ay lumapit ako sa kanila para mas maintindihan ko lahat ng pinag- uusapan at pag- uusapan nila.

Hanggang nga sa sagutin na nga ni Harrysen ang tanong ni Alexander. "No.....no Alexander, mmm... matagal nang wala akong gusto sa Girlfriend mo, matagal ko ng tinapos ang nararamdaman ko para kay Mandy" iyan, iyang ang saktong sinabi ni Harrysen kay Alexander. Hindi ko alam kung ano bang dapat na isipin ko. Kung malulungkot ba ako, kung magiging masaya ba ako kasi maaaring hindi masira ang kung ano meron sa amin ni Alexander.

Gusto ko pa sanang makinig sa mga sasabihin nila pero, gumalaw na lamang ang mga paa ko patalikod sa kung nasaan ako at pumunta sa hindi ko alam, hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko sa kusina at biniba na ang pagkaing para kay Harrysen. At pagkatapos noon ay hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, parang may masamang ginawa sa akin si Harrysen, dahil nanggigigil ako sa inis na hindi ko alam kung bakit.

"Ohh Mandy anong nangyayari sayo" sabi ng matandang babae sa likod ko, pagtingin ko ay si Lola pala.

"Ohh Lola nandiyan na pala kayo, ano ng lagay ni Manang Selya" sabi ko rito.

"Ayos na si Selya, wala namang dapat na ikabahala. Ikaw, ayos ka lang ba" napangiwi ako sa sinabi ni Lola.

"Oo... Oo naman po lola bakit naman po ako hindi magiging okay huh"

"Mandy matanda na ako para hindi pa malaman ang mga kinikilos mo" hindi ko maintindihan anh pinupunto ni Lola.

"Anong ibig mong sabihin lola"

"Wala naman, sige na dito na ako" sabi ni Lola. At pagkatapos ay umalis na si lola, hanggang sa ako na lamang ang narito sa kusina. Hindi ko alam pero alam kong may ibig sabihin ang mga sinabi ni Lola sakin. Hindi ko lang talaga matukoy ang kahulugan niyon.

"Mandy" may nagsalita ulit sa likuran ko na kinagulat ko.

"Ano ba Harrysen, huwag ka ngang manggugulat" sabi ko rito, oo si Harrysen ang nasa harapan ko ngayon, at ang mas nakakagulat pa ay bottomless na naman ito. "Harrysen, bat ka ba bottomless, magdamit ka nga" sabi ko rito.

"Mainit ehh" sabi naman nito.

"Magdamit ka na nga lang" sabi ko rito habang hindi nakatingin sa kanya.

"O...o sige" sabi naman nito. Habang naghihintay ako na magsalita ito ay....

"Ma... Mandy" sabi nito habang nauutal.

"Ano, sabi ko diba sayo Harrysen magdamit ka na" hindi pa kasi ito nagdadamit.

"Ma... Mandy" sabi ulit nito.

"Ano ba iyon Harrysen, para kang nakakita diyan ng multo" hindi na rin kasi ito gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Ma...Mandy tu...tumingin ka...ka sa...sa likod mo" nagtaka naman ako sa kung ano iyon, kaya tiningnan ko kung ano iyon.

"Aaa.....Ahas" iyon na lang ang nasabi ko ng makita ko ang isang malaking ahas sa ibabaw ng lababo, dahilan para mapatakbo ako pero dahil nasa unahan ko nga si Harrysen ay nabangga ko ito, dahilan kaya napahiga kami sa sahig. Matagal rin akong nakadapa sa katawan ni Harrysen, ang sarap pala sa feeling na nakahiga ka sa bisig ng lalaki. Bigla kong naalala itong nangyari sa amin ay nasa aking sign, so tapos na kompleto na ang signs ko at kay Harrysen iyon nakumpleto.

"Guys ano iyon" may nagsalita na mukhang si Queeny iyon, at kalaunan naman ay nakita nito ang ahas na kinatili rin nito. Sunod naman na dumating si Kuya Kriston, at katulad rin ni Queeny ay napasigaw rin si Kuya Kriston.

"Hoy, kayong dalawa, hindi pa ba kayo tatayo diyan, magpapatuklaw na ba kayo sa ahas" sabi ni Kuya Kriston sa amin, dahilan para tumayo na kami.

"So anong gagawin natin, pano natin iyan aalisin" sabi ni Queeny.

"Guys anong nangyari" sabi naman ni Ericka na kakadating lang.

"May Ahas bakla, anong gagawin natin" sabi ni Queeny na halatang takot na takot na.

"Nasan" sabi ni Ericka.

"Ano nang gagawin natin guys" taranta ng sabi ni Queeny, habang kami ni Harrysen ay wala parin sa kasalukuyan. Hanggang sa lumapit na nga sa amin ang ahas... Bumaba naman na ito sa lababo, at humarap sa amin.

"Hoy guys ano ng gagawin natin, magsalita naman kayo" sabi ulit iyon ni Queeny na magagakas sa mukha nitong natatakot siya. Habang kami ay wala paring kibuan, hindi ko alam kung anong iniisip nila pero mukhang kami lang ni Harrysen ang hindi nag- iisip ng gagawin sa ahas. Hanggang sa dumating naman agad si Alexander.

"Guys anong nangyari sa inyo" sabi naman nito.

"May Ahas Alexander, anong gagawin natin." sabi naman ni Queeny rito.

"Nasaan" sabi rin nito. Nakita naman agad ni Alexander ang ahas. Ngumanga pa ito sa amin at pqra akala mo ay kakainin kamo ng buo.

Tinanggal naman agad ni Alexander ang damit niya at inihagis sa mukhang ahas, at sentro naman ito sa mukhang ng ahas. At pagkatapos ay lumapit na ito sa ahas at hinawakan ang ulo ng ahas para hindi na makagalaw ng husto at hindi na ito makatuklaw. Pagkatapos na ngang mahawakan ni Alexander ang ahas ay tumayo na ito at nagsalita.

"Ano ba kayo guys, tutuklawin na kayo, Wala parin kayong ginagawa" sabi ni Alexander.

"Syempre hindi naman namin alam kung ano gagawin namin ehh" sabi ni Ericka.

"Ede sana tumawag na lang kayo ng tulong" sabi pa ni Alexander. "May sako ba rito, Ericka"

"Bakit Alexander?" tanong ni Kuya Kriston rito.

"Paglalagyan ko nito, tumawag na rin kayo sa DENR para marescue to" sabi pa nito, kumuha naman na si Ericka ng sako at si Queeny naman ang tumawag sa DENR. Habang kami naman ni Harrysen ay hindi man lang kumikilos.

Ako alam ko kung anong dahilan ng pagkatulala ko, pero si Harrysen hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkatulala niya. Pero sa tingin ko about kanina, and ako naman hindi parin maka-move on sa mga sign na hiningi ko kay lord kasi, kasi nakumpleto na ang limang sign na hiningi ko at ang lahat ng iyon ay lumabas kay Harrysen.

Ano ba, dapat ko bang sundin iyon o hindi. Sign lang iyon at hindi kung ano mang bagay, sign lang iyon na hinihingi natin para maging gabay kung nararapat bang gawin natin lahat ng bagay na naaayon sa nararapat. Sign na.... Hindi ko na natapos ang iniisip ko dahil may tumawag sa pangalan ko.

"Mandy, dito ka lang ba" may nagsalita sa likod ko at pagtingin ko ay si Alexander.

"Ha... Huh" sabi ko na lang habang nakanganga.

"Dito ka lang ba, sabi ko" sabi naman nito.

"Oo Harrysen, dito na muna ako" sabi

"Ahh okay, ohh sige na muna Mandy, dito na muna ako"

"Ohh sige, Harrysen" sabi ko naman rito, pagkatapos niyon ay umalis na ito. Ako naman inisip ko kung maniniwala ba ako sa mga nangyayari sa sign ko, hindi ko alam kasi kung maaaring nagkataon lang talaga, o sadyang gumawa lang talaga ang tadhana para mangyari lahat ng iyon.

Pagkailang minuto ay lumabas na rin ako sa kusina. At makalipas naman ng halos isang oras ay dumating na ang DENR na kukuha sa ahas na nahuli namin, kaya binigay na namin iyon.

[A/N: Ito na ang pinakamatagal na update ko. Pls. support parin po kahit may katagalan na sa pag- update.... hehehe]

Please Vote and Comment po....

@darkranger143