webnovel

More than a Friend

SYNOPSIS Si Harrysen Bautista ay isang dating nerdy guy, na masyadong study hard palagi at advance kung mag-isip hanggang sa makilala niya si Mandyzon McBride na akala niya ay pinsan lang ng kanyang kanyang matalik na kaibigan mula bata na si Kriston McBride dahil masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, mula sa panlabas na anyo at ugali ng dalawa. Naging mas matalik na magkaibigan sina Harry at si Mandy kaysa kay Kriston hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala siya kay Mandy. At isang araw sumubok siyang umamin na, kay Mandy kahit alam niyang kaibigan niya si Mandy na baka mafriend-zone lang siya nito na iyon nga ang nangyari dahil may mahal itong iba. At ng pagkatapos ngang umamin ni Harry kay Mandy na may pagtingin siya rito ay lumipas ang mga araw at taon na hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa magdesisyon na siyang magbago ng anyo ng pangangatawan at iba pang stilo niya. Pati na rin ang baguhin ang nararamdaman para kay Mandy, ngunit hindi pala niya kayang limutin ang nararamdaman para sa dalaga. Ano kaya ang gagawin niya kapag mahalata niyang may gusto si Mandy sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ang dalaga? Paano siya makakamove kung sa puso niya ay alam niyang hindi pa niya limot ang nararamdan niya para kay Mandy? Paano kung umamin sa kanya si Mandy na may gusto ito sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ito. Anong gagawin niya kung alam niyang may nagmamay- ari na rito? Paano niya haharapin ang sitwasyong ito kung alam niyang maaaring talo na siya. Guguluhin pa ba niya ang magkasintahan o maghahanap na lamang siya ng mas nararapat sa kanya? Hahayaan ba niyang makasira siya ng relasyon o magmomove na lamang siya? O ipaglalaban niya na lang ang nararamdaman para sa kaibigang dalaga?

darkranger143 · Realista
Classificações insuficientes
27 Chs

Chapter 14

Chapter Fourteen -->> KAKAIBA

Mandyzon McBride Point of View

HINDI KO alam kung bakit parang may ibang kinikilos ang mga kasama ko, si Ericka and Si Kuya Kriston parang nag- iiwasan, si Harrysen naman mukhang may problema, si Queeny mukhang may malalim naman yung iniisip. Mukhang si Mang Ador lang talaga yung walang iniisip, ehh siya tong nasunugan ng bahay. Kami ni Alexander wala lang.

"Alexander, ano yang nasa likod mo?" rinig kong sabi ni Queeny rito. May napansin ata tong kakaiba sa likod ni Alexander, malapit naman kasi ito sa amin, at dahil na rin nakatalikod ito sa kanya, kaya may napansin itong kakaiba ata sa likod ni Alexander. Tiningnan ko naman kung ano yon.

"May balat ka pala sa likod" sabi ko naman rito at pinatalikod ko ito sa akin.

"Ahh, eto wala lang to" sabi naman ni Alexander.

"Ehh wala ka namang ganyan nung grade ten tayo ha! Ang alam ko lang na classmate natin na meron niyan is si Charlie, at kung titignan mo talaga ng mabuti parehas na parehas yung shape ng inyong peklat" sabi ni Queeny, tiningnan ko naman to ng may pagtataka, pano niya naman iyon nalaman.

"Pano mo naman nalaman na walang ganito si Alexander noon" tanong ko naman rito.

"Gurl syempre, may swimming classes tayo non, iba lang talaga time niyong girl diba" sabi lang nito, tama naman siya.

"Queeny, baka hindi mo lang napansin noon. Sa tingin mo, ilang taon na rin yung nagdaan Queeny, At saka hindi ba pwedeng maging magkaparehas yung balat namin ha!" tama nga ito, ilang taon taon na rin yung nagdaan, ang nakakapagtaka lang ehh

"Tama ka naman, pero astig lang talaga kasi magkaparehas na magkaparehas yung balat niyo ni Charlie, halos magkamukha pa naman kayo non, at halos magkaboses rin. Para kayong kambal ehh" may pagtataka parin sa boses nito. "Speaking of Charlie, may balita na ba kayo sa kanya, nasaan na kaya yon no, sayang naman siya, palagi pa namang third honor sa inyong room iyon, diba Mandy"

"Oo nga ehh, nasaan na kaya yun si Charlie, sana walang nangyari sa kanya, simula nong--" hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko dahil hindi naman nila iyon alam, si Charlie kasi ay katulad rin noon ni Harrysen, palaging books, at pag- aaral lang ang alam. Nagkagusto rin si Charlie sa akin kaso lang, kung ano nga ring nangyari sa amin ni Harrysen, ay nangyari rin sa amin ni Charlie. At simula rin non ay nawala na si Charlie sa school namin, hindi ko nga alam kung bakit hindi ako nagkagusto ron samantalang halos parehas lang naman sila ng mukha at boses nitong boyfriend ko ngayonz pero sabi ko nga baka iba lang talaga ugali nila ni Alexander, kaugali kasi ni Harrysen si Charlie ehh.

"Simula nong ano Mandy" sabi naman sa akin ni Queeny.

"Wala, sabi ko is ahh, simula nong nangibang bansa siya" pagsisinungaling ko.

"Ha! saan mo naman yan napulot" sabi naman nito.

"Bago siya mawala sa school natin, sabi niya baka pumunta daw, siyang ibang bansa, para magpagamot" iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Ha, bakit naman siya magpapagamot ehh mukhang wala naman siyang sakit"

"Malay mo, di lang natin alam"

"Baka patay na!" sabi pa ni Queeny, grabe naman to, at mukhang dahil nga sa sinabi nito ay dahilan pa ng pagkasamid ni Alexander.

"Alexander napapano ka" iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

"Wala, pahinging tubig" sabi naman nito habang nasasamid pa ito. Kumuha naman agad si Queeny ng tubig at ibinigay naman rito.

"Ano ayos ka na ba?" tanong ko rito.

"Oo, salamat babe, sayo rin syempre Queeny"

"Sus wala lang yun" sabi ni Queeny rito.

"Queeny, Alexander, Mandy, alis na tayo, tara na" sigaw sa amin ni Ericka.

"Nandyan na girl" sabi naman ni Queeny. Tumayo na rin kami ni Alexander sa kinauupuan namin at pumunta na sa mga ito, tinulungan naman ni Alexander sina Kuya Kriston na magdala ng ibang gamit namin.

"Ano Queeny, sulit ba, marami ka na na bang ipo- post ha?" sabi ni Kuya Kriston rito. at inilagay sa balikat nito yung isang gamit namin. Naligo lang kami rito pero para na kaming nagcamping.

"Oo naman, sulit talaga" sabi naman nito.

"Bilisan na natin guys, sina Lola Berta lang nandon, baka mapapano pa sila" sabi ni Harrysen.

"Harrysen, nandon naman yung apo, sabi ko nga kanina" sabi naman ni Mang Ador.

"Oo nga pala, iba kasi pakiramdam ko ehh"

"Ganon ba Harrysen, so tara na baka magkasakit ka" sabi ni Ericka dito, mabuti pa sila close. Narinig ko namang tumunog cell phone ni Alexander.

"Babe, may tatawagan lang pala ako" sabi naman sa akin ni Alexander mula sa likod ko. Tango lang ang tinugon ko rito. Pagkatapos non ay nagsimula rin na akong maglakad.

Alexander Kim Point of View

"Hello Bro, Kamusta kayo diyan" sabi nito sa akin ng sagutin nito ang aking tawag

"Bro, mukhang naghihila na sila, ikaw naman rito"

"Huwag kang mag- alala, konting oras na lang ang hinihintay natin, malapit lang rin naman ako sa inyo, nagmamasid rin naman kami ni Dad ehh" sabi ko rito.

"Palit na muna ulit tayo ng position"

"Diba mas mahahalata tayo kung papalit- palit tayo, pero...sige, mamayang gabi, lumabas ka ng bahay, magpalit na ulit tayo ng pwesto"

"Okay, ehh pano kung may makakita sa atin"

"Basta ako nang bahala" sabi nito at binabaan na ako ng telepono.

"Alexander, tara na" tawag sa akin ni Mandy, may kalayuan na rin pala ang mga ito sa akin.

"Nandyan na babe" sabi ko na lang rito, at tinakbo na ang mga ito.

Queeny Point of View

NANDITO na kami sa bahay, halos gabi na ng makauwi kami rito. Pagod- na pagod nga ehh, Pagdating nga namin dito ay nakilala namin kung sino ang apo ni Mang Ador. Pangalan niya is Rafael, matangkad, gwapo, maputi, matso rin. May konting paghanga sa kanya, pero may mahal na ako ehh di King.

Pero hindi iyon yung dapat na alalahanin ko, ang dapat na alalahanin ko ay yung ibang katangian ngayon ni Alexander na meron si Charlie, this past few days na nandito kami, and yung balat niya sa likod. Kung tutuusin nga ehh gusto kong isipin na, na siya si Charlie. Si Charlie na naging crush ko, si Charlie na kamukha talaga ni Alexander, si Charlie na may balat rin sa likod ng gaya kay Alexander or should I say na same size, same shape, and same place pa. Naisip ko nga, maaari ba talagang mangyari iyon.

"Mang Ador!" dumaan ito sa harap ko kaya tinawag ko muna. "May gusto lang ako g itanong sayo"

"Ano naman yun Queeny?" sabi naman nito at lumapit na sa akin.

"Maaari po ba, na magkaroon ng mga taong parehas na may balat tapos same size, same shape at same place pa"

"Maaari naman Queeny, bakit?"

"Wala lang po, Mang Ador"

"Bakit sino ba iyang dinedescribe mo ha"

"May nagtanong lang pong kakilala sa akin, di ko po alam yung sasabihin ehh"

"Ahh ganon ba, sabihin mo na lang sa kakilala mo na baka ngkataon lang, hindi naman iyon imposible"

"Okay po, thanks"

"Walang anuman Queeny, oh sige dito na muna ako may gagawin lang ako"

"Okay ho, Mang Ador" at umalis na nga ito. At dahil nandito ako sa sala ay naisipan ko na pumunta na muna sa aming kwarto kung nasaan yung tatlong tokmol. Pagtaas ko naman ron, ayun natutulog sila, mukhang ako lang naman yung hindi pa tulog ehh. Kaya naisipan ko na ring matulog, tutal nakaramdam naman na ako ng antok, na dahil na rin siguro sa pagod.

Alexander Kim Point of View

PAPUNTA ako ng kusina ng makita ko si Queeny na nasa sala, nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Lalapitan na ko sana ito ng dumaan si Mang Ador at tinawag nito. At pinag- usapan ang tungkol sa aking balat sa likod. Mukhang nakakahalata na rin ito. Ngayon lang sana kami hindi magpapalitan ni Bro ng positon, dahil may gagawin sila ng ama niya pero mukhang kailangan na nga muna namin magpalit ng lugar.

Ng makita kong tapos na silang mag- usap ay tumayo naman ito sa kinauupuan at mukhang may balak ng tumaas. Halos liparin ko naman ang aming kwarto para lang hindi ako nito mahuli, baka isipin pa nito na narinig ko yung usapan nila, na totoo naman pero syempre kung malaman niya na narinig ko sila ni Mang Ador ay baka anu- ano pang excuses ang sabihin nito para lang hindi ko paniwalaan ang narinig ko.

Well tama naman ako, pumunta nga ito sa aming kwarto, ilang segundo naman pa itong nakatayo bago humiga sa kamang hinihigaan nila ni Harrysen. Ilang minuto pa ako nagpanggap na natutulog para na rin ma- sure na tulog na nga silang lahat. Sinuri ko muna ang mga kasama ko kung talagang tulog na at mabuti naman at tulog na tulog na ang mga ito, kaya lumabas na ako ng kwarto namin.

Tatawagan ko si Bro, para maitanong kung anong oras kami magpapalitan ng position. Pero pagbukas ko ng cell phone ko ay may isang message na lumabas. Ng pagbukas ko ay galing kay Bro 'Bro, nandito kami sa may gate, punta ka rito' iyon ang nabasa ko, dali dali naman akong tumakbo sa may gate, bakit naman napa aga kagabi kasi ng magpalitan kami ay madaling araw na, baka mabuking na agad kami ng mga nito, na alam kong malapit na ngang mangyari. Gusto ko pang tumagal yung ganitong set- up namin, gusto kong makasama ko pa sila, lalo na si Mandyzon, itong way lang ang alam ko para maging akin si Mandyzon.

At dahil nga may kalayuan yung gate sa bahay ay hingal na hingal na akong nakarating roon. Napahawak narin ako sa aking tuhod dahil na rin sa pagod at yumuko, narinig ko naman na may tumigil sa harapan ko. Humarap naman ako rito at nagsalita ito.

"Hi Bro"

Mang Ador Point of View

NASA harapan kami ng bahay ng asawa kong si Selya at nag- uusap tungkol sa pag- tour ko sa mga batang kasama namin ngayon rito sa bahay. Ng makita ni Selya si Alexander na tumatakbo, halos liparin na nito yung pagtakbo kaya nagtaka naman ako, may problema ba.

"Selya, dito ka lang muna ha! susundan ko lang yung batang iyon, parang may problema ehh" sabi ko rito. Tango lang ang tinugon nito. Kaya tumayo na ako sa kinauupuan namin ni Selya. At sinundan na ito, nadatnan ko naman ito malapit na sa gate. Saan naman to pupunta, lalabas ba to. Tumigil naman ito, siguro ay nakaramdam na ito ng pagod. At ilang sigundo pa ang kinatagal nito sa positiong ganon ng may lumapit sa kanyang lalaki. Masyadong madilim na rin dahil magga- gabi na kaya hindi ko makilala kung sino. Ang kinataka ko lang ehh, ng makita ito ni Alexander ay napatayo ito ng tuwid.

"Alexander masyado pang maaga, baka kung sino pang makakita sayo" sabi nito, bakit tinatawag ni Alexander na Alexander yung kausap niya, mukhang may kakaibang nangyayari sa dalawang ito.

"Charlie, huwag mo akong tawaging Alexander, baka may makarinig sayo" iyon naman ang sabi ng kausap ni Alexander, astig rin kasi magkaboses sila. Ano bang meron sa mga to, bakit tinatawag ni Alexander na Alexander yung kausap niya, tapos tinatawag naman siyang Charlie ng kausap niya. Lumapit naman ako ng konti para makita ang mukha nig kausap ni Alexander o si Charlie na iyon ang tawag ng kausap nito, mabuti na lang at lumabas na ang buwan sa ulat dahilan para masinagan na ang mukha nito. Nagulat naman ako sa nakita ko, magkahawig ang dalawang nag-uusap. Magkahawig na nga, magkaboses pa. Napaatras naman ako sa aking kinatatayuan, para sana ay bumalik na, dahil mukhang kakambal lang naman ni Alexander ang kausap pero mas pinili ko pa ang makinig sa mga usapan ng mga ito kaya bumalik na lang ako sa kanina kong pwesto.

"Bakit napaagap nga ang pagpa- palitan natin" pagpapalitan? anong ibig sabihin nito? bakit kailangan nilang magpalit?

"Bro, sa tingin ko, kailangang ako muna yung maging Alexander, na ako naman talaga?" sabi naman nito, so sino yung isa kung siya si Alexander, bakit kailangan nilang magpanggap. "Mga ilang linggo lang naman"

"Anong balak mo, naghihinala na sina Harrysen, mukhang si Mandyzon, Lola Berta, Angela at yung dalawang gurang lang naman iyon hindi nakakahalata ehh. Sana na nga lang hindi na tayo sumama sa trip na to ehh, Anniversary na namin ni Mandy sa makalawa, baka ma etsapwera pa yung pinangarap ko at mga plano ko" sabi pa nito, sorry siya, may isa ng gurang ang nakakaalam, at mas marami pang alam.

"Pwede ba Bro, kung magkataon man na magkaalaman na masisira rin plano namin ni Daddy no, at kung ganon nga ako yung malalagot kay Daddy, hindi ikaw" Ano namang plano yung sinasabi ng mga ito, may masama bang balak sila sa mga kasama nila rito, hindi pwedeng mangyari iyon, kahit halos dalawang araw pa lang namin nakakasama ni Selya ang mga batang ito, ay napalapit na agad sa amin ang mga ito, at isa pa pamangkin parin ni Sir Mark si Ericka na naging mabait rin na amo sa amin ni Selya at ng sa iba ko pang anak at apo.

"So ano ngang plano, pano natin makukumbinsi na wala tayong kahinahinalang gagawin" sabi pa ng sa tingin ko ay ang impostor na Alexander.

"Diba ikaw yung matalino, ede mag- isip ka" sabi naman ng totoong Alexander.

"Kahit naman matalino ako, ehh na ma- mind block rin ako, no" Ilang minuto naman natahimik ang dalawa.

"What if...." sabi pa ng sa tingin ko ay totoong Alexander bago may ibulong sa isa pang Alexander.

Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan ng may naapakan akong tangkay, dahilan para gumawa ng ingay.

"What's that?" rinig kong sabi nila.

"Si Mang Ador..." sigaw ulit ng isa sa kanila, hindi ko matukoy kung sino sa dalawa ang nakakita sa akin, pero sure akong maaaring habulin nila ako pero walang humabol sa akin. Nakarating na ako sa kinauupuan ni Selya pero hindi parin ako ng mga ito hinabol.

"Ador, bakit parang nakakita ka ng multo ano bang nakita mo ron, bakit mukhang nagmamadali si Alexander

" salubong naman nito sa akin.

"Wala naman, tara na sa loob" sabi ko na lang rito at pumasok na kaming dalawa. Talagang kakaiba ang natuklasan kong iyon, sigurado akong kinaumagahan ay isa sa mga iyon ang kakausap sa akin. Ilang beses na akong nakatagpo ng mga ganto sa mga pelikula kaya, ang dapat na gawin ko na lang ay ang maghanda at mag- isip ang dapat kong gawin.

Please Vote and Comments po.....