webnovel

More than a Friend

SYNOPSIS Si Harrysen Bautista ay isang dating nerdy guy, na masyadong study hard palagi at advance kung mag-isip hanggang sa makilala niya si Mandyzon McBride na akala niya ay pinsan lang ng kanyang kanyang matalik na kaibigan mula bata na si Kriston McBride dahil masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, mula sa panlabas na anyo at ugali ng dalawa. Naging mas matalik na magkaibigan sina Harry at si Mandy kaysa kay Kriston hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala siya kay Mandy. At isang araw sumubok siyang umamin na, kay Mandy kahit alam niyang kaibigan niya si Mandy na baka mafriend-zone lang siya nito na iyon nga ang nangyari dahil may mahal itong iba. At ng pagkatapos ngang umamin ni Harry kay Mandy na may pagtingin siya rito ay lumipas ang mga araw at taon na hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa magdesisyon na siyang magbago ng anyo ng pangangatawan at iba pang stilo niya. Pati na rin ang baguhin ang nararamdaman para kay Mandy, ngunit hindi pala niya kayang limutin ang nararamdaman para sa dalaga. Ano kaya ang gagawin niya kapag mahalata niyang may gusto si Mandy sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ang dalaga? Paano siya makakamove kung sa puso niya ay alam niyang hindi pa niya limot ang nararamdan niya para kay Mandy? Paano kung umamin sa kanya si Mandy na may gusto ito sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ito. Anong gagawin niya kung alam niyang may nagmamay- ari na rito? Paano niya haharapin ang sitwasyong ito kung alam niyang maaaring talo na siya. Guguluhin pa ba niya ang magkasintahan o maghahanap na lamang siya ng mas nararapat sa kanya? Hahayaan ba niyang makasira siya ng relasyon o magmomove na lamang siya? O ipaglalaban niya na lang ang nararamdaman para sa kaibigang dalaga?

darkranger143 · Realistic
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 13

Chapter Thirteen -->> TAMANG HINALA LANG

Ericka Anderson Point of View

"Hi guys, nandito kami ngayon, papunta sa sinasabi ni Mang Ador na falls, maganda raw don and maraming beautiful scenery para makapagselfie, ohh ha! Marami na namang pangpalit na profile pic, at syempre marami rami na naman tayong pang post" sabi iyon ni Queeny habang nakalive sa Facebook.

"Queeny itigil mo kaya muna yang ginagawa mo, tingnan mo yang dinadaanan mo, at baka mahulog ka pa diyan, At tsaka dalhin mo na rin tong meryenda natin." tumingin naman ito sa akin.

"Wait lang bibi, last na to" at humarap ulit sa camera niya. ''Okay guys, bago ako magpaalam kasi nagagalit na si Ms. Anderson, may h$#&]!>%\/ ata si " may hindi ako naintindihang part kaya pinabayaan ko na lang. "Eto pala muna yung mga kasama ko. Ohh ayan Hi naman kayo guys" ginawa naman namin ang sinabi ni Queeny, pagiging supportive na kaibagan lang. "Hindi ko naman na siguro ipakilala yang mga yan Okay, kaya babush, mamaya na lang ulit pagnandon na tayo sa falls, ba bye mga babies ko, mwah mwah chup chup" sabi pa nito at nag flying kiss pa bago nilagay ang cellphone sa kanyang bulsa. Naglakad na lang kaming lahat nagkwe- kwentuhan, yung iba naman panay lang selfie, kaya siyempre ako rin, sayang yun no. Pagkailang minuto naman ay nakarating naman na kami ng maayos, hangang hanga sa ganda ng falls,

"Wow naman" sabi ni Queeny na akala mo ay palaging first time makakita ng falls.

"Queeny, mukhang manghang mangha ka sa falls ha"

"Siyempre it's my first time na makikita ng talon kaya huwago na nga akong pakelaman" taray na sabi nito sa akin, well first timer nga talaga siya hehehe, masyado kasi akong judgemental ehh.

Kanya- kanya namang naghanap ng pwesto ang iba kong kasama, si, kaya naghanap na rin ako, may nakita akong isang malaking bato at doon na pumwesto. Sina Mandy at Alexander naman ay naligo na sa falls, si Harrysen at si Mang Ador ay nagkwe-kwentuhan, si Queeny panay parin ang blog, nagtaka ako nasaan naman kaya yung kumag na yun, at hindi ko makita, nangiling- kiling ako pero wala akong Kriston na makita. hanggang sa makarinig ako ng boses sa likod ko.

"Ako ba hinahanap mo" sabi nito at ng pagharap ko nga sa dereksyon ng boses ay nakita ko ang topless na si Kriston, napatingin naman ako sa six pack abs nito, kahit pala ang takaw nito ehh may maipagma- malaking katawan. Lumapit naman ito sa akin.

"Kapal mo naman, At tsaka ano naman sayo kung hanapin kita, siyempre obligado ako kung mawala isa man sa inyo, ako yung nagsabing pumunta tayo rito sa CampBarkada" pagkasabi ko non ay tumabi naman ito sa akin, pero dahil may pagkatulak ang ginawa nitong pagtabi sa akin ay muntikan na akong mahulog sa batong inuupuan ko. Mabuti na nga lang ay nahawakan niya yung beywang kong bago ako mahulog.

"Sorry Ericka, napalakas ata" sabi nito at ako na lang ang pinaupo sa bato at tumayo na lang siya. "May Tanong pala ako" sabi nito habang hindi makatingin sa akin ng deretso. "Ahh bakit pala to tinawag na CampBarkada ehh hindi naman mukhang campsite" tanong naman nito at umupo sa tabi ko, nagdahan dahan naman na to, pagkatapos ay hinawakan ang aking kamay, chancing rin ehh, tiningnan ko naman ang kamay ko at mukhang naintindihan niya ang ibig sabihin non, dahilan ulit para tumayo na lang talaga siya. "Sorry ulit" natawa naman ako sa sinabi nito, namumula na kasi ngayon ang mga pisngi nito, siguro ay dahil sa hiya.

"Actually, hindi naman talaga to yung CampBarkada ehh, town house to nina Tito Mark" pauna ko. "Hindi talaga ito yung CampBarkada na sinasabi ko, ginagawa pa lang yun ehh"

"So bakit merong CampBarkada na sign sa gate" sabi pa nito.

"Ha! iyon, wala lang iyon, pang atract lang yun, at saka hindi mo ba nakita may lugar doon sa baba kung saan talaga yung CampBarkada"

"Wala kaya" tipid na sagot nito.

"Baka nahulog lang" tipid ring sagot ko rito

"Baka nga" tipid ulit na sagot nito sa akin.

"Siguro nga" tipid ulit na sab ko.

"Kain na tayo" tipid pang sabi pang sabi nito, ang takaw talaga.

"Maya na" ha'y napapagod na ako,

"Sige na" ha'y mabuti na nga lang nasa mood ako ngayon kung hindi baka nasungitan ko na to.

"Takaw mo"

"Ano naman"

"Ewan ko sayo"

"Nahulog na nga"

"Nahulog?"

"Ak--" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil may nagsalita sa harapan namin, at si Queeny iyon.

"Ano yan patipiran ng masasabi, tong mga to tampo, sweet. Alam niyo para kayong magjowa sa inaasta niyong yan" sabi ni Queeny mula sa harapan namin.

"Yuck, Queeny. Can you please, watch your words" sabi ko naman rito. "Hindi kami magjowa ni Kriston okay, at alam kong hindi naman magiging kami" dagdag ko pa. Umalis naman ng bigla si Kriston, anong problema non.

"Hala ka, bakla. Mukhang na offend mo ata si Kriston, sundan mo na" sabi ni Queeny.

"Queeny, bakit ko naman mao- offend yang lalaking yan"

"Kasi sabi mo hindi magiging kayo, hindi ka pa nga nililigawan binasted mo na"

"Yun na nga ehh, hindi naman siya nanliligaw kaya hindi magiging kami"

"Ehh kung manligaw siya sayo ha!" sahi pa nito at nagtaas- baba pa ang dalawang kilay nito. Oo nga panu kung manligaw yon sa akin, hindi naman ako tangga o manhid ehh para hindi ko maramdaman na may gusto yon sa akin. Hindi ko lang pinapahalatang alam ko iyon dahil baka hindi naman iyon totoo, ilang taon ko na to nakakasama kaya alam ko na halos ugali non. "Hoy Ericka, tinatanong kita, ano?" sabi ni Queeny dahilan para mapabalik ako sa kasalukuyan.

"Hindi pa naman nangyayari yon ehh, kaya huwag mo na nga muna iyan isipin, lovelife ko naman to ehh" sabi ko na lang rito.

"Okay!!!, pero panu nga kung ganon ha!, manligaw siya sayo" hindi ito tinitignan sa akin,

"Queeny, nagseselos ka ba sa akin, kasi kung ganon sayo na si Kriston, tutal bagay naman kayo" mukhang na-shocked siya sa sinabi ko, napatawa naman ako sa ekspresiyon nang mukha nito.

"Sorry, ka Teh, hindi yan type ko" sabi pa nito.

"Bakit, sino type mo, si King yung nagpunta sa inyo nong mga ilang months nang nakakalipas ha" mukhang mas na-shocked siya sa sinabi ko.

"Pano mo siya, nakilala?" tanong naman nito.

"Nakita ko siya sa house niyo, one time ng nagpunta ako sa inyo, pinakilala nga sa akin ni Tita ehh"

"Si Mama talaga" sabi naman nito.

"Ehh may tanong ako sayo"

"Ano naman iyon?" tanong naman nito sa akin.

"Kayo na ba, Kasi kung hindi baka akin na lang" tiningnan naman ako nito ng masama.

"Subukan mo lang, papatayin talaga kita" sabi naman nito.

"Hahaha joke lang, to naman mabuti ka pa nga ehh, may King" sabi ko pa rito.

"Bahala ka na diyan" sabi naman nito, at umalis na ito.

"Hoy huwag mo naman akong iwan dito, Hoy Queeny" sabi ko rito at sinundan ko na lang siya.

Kriston McBride Point of View

NANDITO ako ngayon nakaupo lang sa isang bato. Nakakainis naman kasi si Queeny, malapit ko nang masabi ehh. Pwede ko naman sabihin sana kahit nandoon si Queeny, para rin may sumaksi sa ginawa ko. Maganda na sana ehh, maganda na yung sinabi ni Queeny, pero mukhang napasama pa kasi sinagot yon ni Ericka, at sobrang sakit sa akin na marinig iyon, hindi pa nga kasi ako nanliligaw basted na agad, hay! nakakainis na nakakalungkot na nakaka ewan ko na kung ano pang gagawin ko.

"Bro bat nag- iisa ka naman dito" sabi ng isang lalaki sa likod ko na mukhang alan ko kung sino, ang partner in rhymes ko na si Harrysen, mabuti naman at siya ang nakapansin sa akin.

"Wala lang Bro?" pagsisinungaling ko rito, pero dahil nga kilala ako nito hindi ko naman na napigilan na sabihin rito ang sinabi sa akin ni Ericka kanina.

"Parang yun lang Bro" sabi nito sa akin, anong akala niya, hindi yun masakit, masakit kaya yun. "Hindi naman talaga magiging kayo ehh"

"Wow kaibigan ba talaga kita" sabi ko na lang rito.

"Oo naman Bro" sabi naman nito, nagbutong-hininga naman ito bago ulit magsalita. "Bro hindi magiging kayo kasi--" hindi na nito na tuloy ang sasabihin dahil inunahan ko na ito.

"Kasi kayo na"

"Hindi Bro kasi--" inunahan ko na naman ito.

"Kasi ano Bro"

"Kasi hindi ka naman nanliligaw" sabi nama nito. Napatigil naman ako sa sinabi nito, ganon nga ba talaga, pero tama siya hindi magiging kami kung hindi ako gagawa ng paraan para magkatuluyan kami. "Ligawan mo na kasi si Ericka, Bro hindi mo makukuhang yumaman kung hindi ka magsisikap."

"Nandoon naman na sana ako Bro ehh, si Queeny kasi nakakainis lang" sabi ko rito.

"Bro, siguro hindi iyon yung tamang time para sabihin mo yang nararamdamang iyan, para kay Ericka" tama nga si Harrysen, sabi nga There have so many ways to kill a cat, Maraming paraan at maraming panahon, hindi lang dapat sayangin kasi bilang lang minsan ang mga araw na magkasama kayo. Malay mo non bukas, may mangyaring masama na hindi mo inaasahan, malay mo kasama mo siya ngayon pero pagdating ng bagong araw wala na siya. Maikli na lang ang panahon ngayon, kaya wala ng dapat na aksayahin pa.

"Tama ka nga Bro, maraming pagkakataon, ako lang naman yung nag- aaksaya ehh" sabi ko dito.

"So ano nang balak mo" sabi pa nito.

"Sa ngayon akin na muna iyon, ang pakelaman naman natin is yung love life mo" sabi ko pa dito habang taas baba pa ang kilay.

"Ha! bakit naman sa akin napunta yung topic, ehh love life mo yung pinag- uusapan natin" alam ko nang ito ang isasagot niya. Nagtataka lang naman kasi ako ehh ang galing mag- advise tapos hindi niya ma- advise-an yung sarili.

"Ehh, kasi.... Ang galing mong mang advise ehh, parang lahat ng iyon napagdaanan mo na Bro"

"Ganyan talaga pag- wattpader" proud naman na sabi nito. Siguro nga maaaring ganon, syempre love stories yun ehh, pero maaari namang may ganon talagang tao, magaling mang- advise pero di nila ginagawa.

"Sus, base on your experience yan ehh" pang- iinis ko dito. "Siguro, ganyan ginawa mo sa mga naging jowa mo na, no. Ikaw Bro, ha palihim ka palang luma- lovelife diyan ha"

"Bro, never pa akong nagka- jowa no, kung magkaroon man Bro, ehh ikaw yung unang- unang makaka-alam" sabi lang nito.

"Sus, ehh pano mo nga yung mga yan nasasabi ha! based on Wattpad ba talaga o based on experience ha!" nagbuntong- hininga naman ito bago magsalita.

"Okay.... based on experience nga" may konting lakas ang pagkasabi niyon. Mabuti na nga lang ay may kalayuan sa amin yung iba naming kasama.

"So kanino, sinong girl yan--"

"Kapatid mo" sabi naman nito. "Yung mga sinabi ko sayong yon, yon yung ginawa ko. Pero hindi talaga epektibo sa akin. Baka sayo, epektibo lalo na at mukhang mutual kayo ng feelings, di gaya namin, not mutual na nga friendzone pa" sakit nga ng ganon. Pero panu kung ganon rin pala ang mangyari sa akin, not mutual na nga friendzone pa. Ang sakit lang isipin pero, hindi ko rin naman mapigilang umasa lalo na't may sinabi itong mutual yung feelings namin, pero syempre kaibigan ko to ehh, syempre ayaw niyang masaktan yung feelings ko.

"Bro, ayaw ko namang umasa agad ehh, isa pa alam mo naman yung mga tipo nong babaeng iyon. Yung gusto kasi non ehh mabait, hindi papansin, hindi maingay, at higit sa lahat hindi matakaw. At ni isa roon ay wala akong tinataglay"

"Bro, meron naman ahh, mabait ka. Isa pa may ibang bagay naman sayo, na wala sa iba." kinataka ko naman yung sinabi ni Harrysen, ano naman kaya yon. Mukhang nabasa nito ang nasa isip ko, kaya sinagot niya iyon. "Ewan ko na lang kung ano yun"

"Anong ewan, sabihin mo na kasi!" pamimilit ko rito.

"Hindi ko nga alam Bro, kung ano man pero yun, ang alam ko lang, lahat tayo may kanya- kanyang katangian, kaya kung ano man iyon, sigurado naman akong maganda iyon" sabi naman nito.

"Hay! Thanks Bro" sabi ko na lang rito.

"Everything Bro" sabi na lang nito sa akin.

"Kriston, Harrysen, tara na muna rito" narinig naming may tumawag sa amin at boses iyon ng isang bakla na si Queeny.

"Tara na Bro" sabi naman ni Harrysen. Tumayo na lang ako sa batong kinauupuan ko.

"Tara!!!" sabi ko naman na rito. At pumunta na kami s lugar kung nasaan lahat ng kasama namin.

Harrysen Bautista Point of View

HINDI KO parin alam kung bakit ang galing kong mang- advise sa iba, pero sarili ko hindi ko matulungan. Siguro may ganon talagang mga tao, o kaya sadya lang talagang hindi sayo pwede yung advise na iyon. At siguro iba lang talaga yung sitwasiyon ko kesa kay Kriston. Dahil sabi ko nga kanina, mukhang mutual yung feelings nilang dalawa ni Ericka, ehh kami ni Mandy, hindi.

"Ohh Harrysen, bat parang ang tahimik mo naman" sabi sa akin ni Ericka.

"Wala lang, may iniisip lang ako" sabi ko na lang rito, na alam kong maaaring sundan pa nito ng isa pang tanong.

"Eh ano naman iyon. Don't tell me miss mo na si Tita" sabi na lang nito.

"O...Oo yun nga yung iniisip ko, si Mama baka kung ano na kasing pinagga- gagawa non" sabi ko na lang rito.

"Sus, huwag ka ng mag- alala don kay Tita, malakas naman si Tita ehh" sabi naman ni Queeny.

"Oo nga Harrysen, iba na lang yung ISIPIN mo, sa IBA mo na MUNA ituon yang attention na yan. Malay mo may mangyari." sabi naman ni Kriston. Alam ko naman yung tinutukoy nito ehh. Napatingin naman ako sa dereksiyon ni Mandy, at nakatingin rin ito sa akin. Mukhang naiintindihan nga nito yung sinabi ni Kriston ehh.

"Ano ba yang pinagsasa- sabi mo diyan Kriston, may pa- rising intonation pa yang pagaasalita mo" sabi naman ni Queeny.

"Wala, kung ano man iyon, amin na lang yon ni Bro. Diba Bro" sabi nito at tinanguan ko na lang ang sinabi nito. Ang akin lang, pano ko kaya siya iisipin kung makita ko lang na masaya sila ng jowa nito, nasasaktan na ako, pano pa kung sa bawat pag- iisip ko sa kanya ay pumasok naman yung nangyari noon o di kaya ehh yung pagiging masaya niya sa iba, na pinapasaya siya ng iba. Hay hindi ko na alam, akala ko nakamove- on na ako, mag- iisang taon na rin ang nakalipas, at mag- iisang taon na rin sila ni Alexander. Pano kaya kung manggulo ako sa kanila, ano kayang mangyayari. Napatawa naman ako sa aking naisip na mukhang napansin naman ni Ericka.

"Harrysen, Anong nangyayari sayo, bat tumatawa ka naman diyan mag- isa" sabi nga nito. Kahit masama yung iniisip kong yun, hindi ko talaga lubos na mapatawa. Sabi nga kung mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo siya ano man ang mangyari, isa pa hindi pa naman sila kasal ehh, and sure akong matagal pa iyon dahil nag- graduate pa lang kami sa high school. Pero kung ikaw lang talaga ang lumalaban, bakit mo pa itutuloy, diba. Napabago naman niyon ang saya sa labi ko at napalitan ng lungkot. "Ohh ngayon, malungkot ka naman. Ikaw Harrysen pabago- bago yang mood mo, para kang ewan"

"Ehh ano naman, di ba pwedeng magpalit ng mood, at tsaka Ericka, bakit ba ako yung pinapakelaman mo, life mo kaya yang pakialam mo" may konting taray na sabi ko rito. Kinagulat naman iyon ni Ericka at ng iba ko pang kasama.

"Ay... ang taray ni Kuya ohh" sabi naman ni Queeny. "Kumain nq nga lang tayo, then maliligo na ulit tayo, then after that uwian na, baka kung ano pang mangyari, kina Lola Berta don" sabi pa ni Queeny, Oo nga pala, nagpaiwan sina Lola Berta, Manang Selya, at si Angela.

"Huwag na ho kayong mag- alala, nandon naman yung apo ko mga sir at ma'am" sabi ni Mang Ador.

"Ganon ba, oh sige, Magmadali na lang tayo" sabi naman ni Ericka. At iyon na nga ang nangyari nagmadali na kaming kumain. pagkatapos ay naligo na....

Please Vote and Comments po.....