Isa pong magandang buhay mga tagapakinig. Ako ay malugod na bumabati sa inyong lahat.
Ang paksang pagbubulayan natin at aking bibigyan ng diin ay ang maagang pagbubuntis ng mga babaeng kabataan natin ngayon sa ating henerasyon.
Sa kabila ng mga tagubilin at pangaral ng ating mga magulang at mga kaguruan sa paaralan ay bakit nakakapuslit pa rin sa mga kaisipan ng mga kabataan ang ganitong pangyayari?
Nagiging mapusok ang karamihan. Ano ba ang mga kadahilanan?
Batay sa aking mga nasaliksik sa mga babasahin gaya ng dyornal at tisis ng mga dalubhasa at pantas may mga dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang biktima ng teenage pregnancy. Isa na rito ang BROKEN FAMILY.
Ang broken family ay pamilyang naghiwalay ang mga magulang at nagkaroon ng sari-sariling pamilya sa iba. Kung kaya't ang mga anak ay naiwan sa lolo o lola, o di kaya sa malapit nilang kamag-anak.
Walang maayos na suporta ng mga magulang. Kulang ang paggabay sa kanila patungo sa mga tamang at nauuwi sa maling gawain.
Kung kaya't ang mga iba o karamihan sa mga kabataan ay nagrerebelde. Ginagawa nila ang mga bagay na alam nila na doon sila sasaya. Iinom ng alak. Sisindi ng sigarilyo. At ang mas malala pa ay titikim ng mga pinagbabawal na gamot.
Kapag sila ay lulong na sa mga bisyong ito. Mayroon na silang lakas ng loob na gawin ang kanilang ninanais. Sa ganitong tagpo papasok ang pakikipag-flirt sa kapwa nila kabataan na iresponsable at nakulangan din ng gabay ng kanilang mga magulang.
Sila ang mga kabataan na hindi pa hinog ang kaisipan. Basta ang alam lang nila ay panandaliang kasiyahan. Panadaliang sarap na ang akala nila ay walang responsibilidad na kaakibat.
Balintuna ang kanilang pag-iisip. Dahil sa kakulangan ng sapat na gabay at edukasyon ay nangyayari ang hindi dapat mangyari.
Maraming nabubuntis sa murang edad at totoong malaking bahagdan na ang kanilang kalusugan ay nangnganib sa dahilang hindi pa hinog ang kanilang katawan para magdalang -tao.
Malaking ang percentage ng mortality hinggil dito. Maraming mga kabataan namamatay sa kanilang panganganak.
Marami rin sa kanila ang iniiwanan ng mga lalaking karelasyon nila pagkatapos malaman na sila ay buntis na. Responsibilidad ang tinakasan. Natatakot sila dahil sa wala pang pantustos sa lahat na maaaring gastusin bilang batang ama.
Takot din sa simula na mabunyag ng magulang ang sitwasyon kung kaya't ang iba na walang takot sa Diyos ay kanila itong pinalalaglag o ang tinatawag na Abortion.
Nagiginh makasalanan pa iba dahil sa ganitong tagpo.
Kaya kayo mga aking tagapakinig. Magulang man o kabataan. Isipin ninyong mabuti ang isang bagay bago dumako sa isang napakahalagang desisyon ng ating buhay.
Makinig ang mga kabataan sa nakatatanda upang hindi humantong sa ganitong sitwasyon ang ating buhay.
Mas dobleng gabay at pagpapangaral dapat ang idildil sa mga anak ng mga magulang upang sa gayon ay maabot nila ang tinatamasang tagumpay at hindi mabaon sa dilemang hantong ng Teenage Pregnancy.
Muli, ako ay nagagalak na nagkadaupang palad tayo sa araw na ito. Nawa'y nakapulot kayo ng mga binhi ng karunungan sa aking mga binitawang kaisipan. Ipagpatuloy natin ang buhay kalakip ang isang panalangin at pagtanggap ng hamon at responsibilidad.
Maraming salamat po.