webnovel

Break Up

SPOKEN POETRY

Sa lahat ng dinanas sa matamis na pagsusuyuan, nakarating sa aplaya...aplaya ay hangganan na mararamdaman sa kasalukuyan. Pasakit sa bawat oras na hinagpis at lungkot . Lungkot ng mga alaala na iyong iniwan. Iniwan mo ako, tayo ay naghiwalay. Naghiwalay at nagpahimakas sa magandang suyuan.

Ating pagsusuyuan na parang kailan lang. Sinabi mo sa akin na ako Lang. Na laging ako Lang sa iyong puso at isipan. Natatandaan mo pa ba ang mga sumpaan na sabi mo ay walang hangganan. Mga umagang nagpapasaya at tigib ng tuwa . Dahil ikaw ang unang nagpapangiti sa mata. Mga txt at chat mo na mahal na mahal kita. Miss na kita at mga paalala na kumain ka na ba?

Nasaan na aking pita mga matatamis na salita na daig pa ang tsokolote at pulot ng mga bubuyog sa kagubatan. Parang gubat ang sukal ng aking damdamin. Madawag at masuksok, puro tinik. Halos panaghoy. Daig ko pa si Florante na puro panaghoy. Hirap at sakit habang nkatali mga kamay at paa. Hindi mawari bakit nagtaksil ang mahal na irog.

Ang prinsesang si Laura ay parang ikaw. Kaysaya ng mga araw habang ikaw ang kasayaw. Ngunti unti-unti nang tumigil ang tugtog Tugtog na umiindayog ng sigla sa sayaw ng bawat isa. Wala ng pag-asang namumutawi sa bawat umaga. Wala na ring sinag na tanglaw ng buwan na nakangiti. Ngiting tatambad sa ating pagmamahal.

Kaya isang araw, isang umagang hinintay ng chat at text mo Laurang mahal. Wala na ang Ilove you at I miss you hirang. Bigla akong sinampal ng Break-up natin mahal. Hindi ko na kaya ang iyong tinuran. Sawa na ako at nasasakal. Paalam ang ibinigay. Paalam. Paalam.