webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

Gold Digger

"Haha... haha....! Tawa ako sa reaction ni Zaida na para bang nagulat kasi nahulaan ko na yung sinasabi niya love of my life niya na kung tutuusin ay napa obiovious naman. Pagdating palang namin sa location agad niyang hinanap sa pamamgitan ng mata niya si Jerold.

"Kumain ka na nga!" Reklamo ni Zaida sakin.

Nasa round table na kaming dalawa na may four seater na upuan. Kaming dalawa lang ang naroon kasi iniwan kami ni Lucas ng tawagin siya ng isang lalaki na di ko kilala kasi daw may gustong bumati sa kanya.

"Ayos pala dito!" Sabi ko habang pinagmamasdan ko yung buong paligid.

Complete entertainment room kasi siya, may videoke para sa gustong kumanta. May billiard table din para sa gustong magpalipas ng oras. May maliit ding mini casino kung saan yung ia ay nagbabaraha. Habang ang nasa gitna ay yung bar kung saan pwedi kang kumuha ng kahit anong alak na gusto mo. May maliit na stage sa gilid kung saan may pole if ever may gustong mag show at sympre yung dance floor na may ibat-ibang ilaw.

"Hi Zaida!" Bati ng dalawang lalaki na lumapit sa kinaroroonan namin.

"Hello!" Matipid na sagot ni Zaida sa kanila.

"Baka pwedi mo naman kami pakilala sa kasama mo!"

"Naku may may-ari na nito bawal ng ipakilala." medyo masungit na sabi ni Zaida.

"Married?" Tanong sakin ng lalaki habang naka tingin sa ring finger ko. Naka suot parin dun yung promise ring na bigay sakin ni Martin dahil nga ayaw matanggal. Dahil nga iniisip ko na baka nasa party din siya inikot ko yung design kaya yung plain lang yung naka labas nag-muka tuloy siyang wedding ring.

"Oo eh, pero kung gusto mo pwedi naman kitang gawing kabit!" Based sa observation ko mukang babaero yung dalawang lalaking.

"Pwedi naman!" Sagot ng isa na umupo na sa tabi ko. Habang inilagay pa yung kamay sa likod ng upuan ko. Feeling close kagad.

"Sige basta may nine-digit yung laman ng ATM mo?"

"What do you mean?" Takang tanong niya sakin.

"Medyo maluho kasi ako nahihirapan na nga yung asawa kong gastusan ako, alam mo na di naman kami ganun kayaman kaya naghahanap ako ng mas mayaman. Actually may bagong labas kasing diamond ring na gustong-gusto ko kaya lang worth ten million kasi siya. Pwedi mo ba ko bilhan?" sabi ko sa lalaki habang humawak pa ko sa damit niya para tuloy akong pusa na naglalambing sa amo niya.

Nanlaki yung mata ng kausap kong lalaki at mabilis na tumayo. "Sorry cannot afford wala akong ganung kalaking pera!" sabay alis nilang dalawa. Natawa nalang kami ni Zaida sa reaction nila.

"Naghahanap ka ng maraming pera, Michelle?" Paglingon ko si Ellena yun kasama si Nika. Nakatayo sila malapit samin, marahil narinig nila yung sinabi ko sa lalaki.

"Ganun talaga kailangan niyang makahanap ng lalaking susustento sa kanya lalo pa nga at iniwan siya ni Martin!" dugtong pa ni Nika na akala mo diring-diri sakin.

"Excuse me ako kaya nang-iwan kay Martin!" gusto ko sanang sabihin pero syempre di ko sinabi, hayaan nalang natin sila sa gusto nilang paniwalaan di naman sila importanteng tao sa buhay ko. Kaya sa halip na sumagot ay tiningnan ko lang sila na parang langaw na lumilipad sa paligid ko.

"Pwedi ba kayong dalawa mind you own business at wag niyo kaming ginugulo dito!" Mataray na sagot ni Zaida.

"Di naman namin kayo ginugulo di lang kami makapaniwala na nakikipagkaibigan ka sa isang gold digger!" Si Nika uli yung nagsalita.

"Wala kang paki kung sino yung gusto kong kaibiganin atleast di siya pakielamera gaya niyong dalawa!" Diretsong sagot ni Zaida.

"Hmp!" nasabi nalang ni Nika sabay hila kay Ellena palayo samin.

Sinundan ko nalang sila ng tingin at nakita kong dumiretso sila sa mahabang sofa kung saan naroroon din sila jerold, Bert at Lucas. Nakita kong umupo si Ellena sa tabi ng isang lalaking naka polo shirt ng itim at di ako maaring magkamali si Martin iyon. Sa kasamaang palad nga lang naka tingin din siya sakin kaya nagtama yung dalawang mata namin. Mabilis akong umiwas kasi wala namang silbing makipagtitigan ako sa kanya. Isa pa gusto ko nga sana di na siya makita kaya lang ewan ko ba laging nag-cross yung landas naming dalawa.

"Busog ka na?" Tanong ni Zaida sakin kasi nga di ko na ginalaw yung pagkain ko, para akong nawalan ng gana.

"Oo, kumain kasi ako sa bahay kanina!" Paliwanag ko.

"Ganun, tara na! Punta tayo sa kanila." Kung pwedi lang tumanggi ay gagawin ko o kaya kung pweding umuwi nalang kaya lang pagtingin ko sa relo ko wala pang . Nakakahiya naman kung aalis ako kagad na karararting ko lang. Kahit labag sa kalooban ko ay tumayo narin ako at sumunod kay Ziada.

Nagtatawanan sila nung paglapit namin mukang may sinabing joke si Lucas.

"Uy Michelle, ikaw ba yan?" sabi ni Jerold sakin. Sabay usog sa bandang gilid para bigyan kami ng space sa gitna ng sofa kung saan kami umupo ni Zaida. Sympre si Zaida yung katabi ni Jerold tapos ako, yung sa kanan ko ay si Lucas.

"Hindi!" Naka ngiti kong sabi.

"Long time no see!" Sabi ni Bert.

"Oo nga eh!"

"Mukang nahiyang ka sa America ah!" si Jerold ang nagsalita.

"Oo nga eh sana di ka na bumalik at mukang mas hiyang ka dun!" Si Nika ang dumugtong.

"Wag kang mag-alala aalis ako kagad!" sagot ko naman sa kanya kasi alam ko naman na may double meaning yung sinabi niya sakin.

Kung mamalasin ka nga naman magkatapat pala kami ni Martin at tanging maliit ng center table lang yung pagitang naming dalawa. Naka tingin siya sakin habang may hawak-hawak na baso na may lamang hard drinks.

"Inom ka?" Tanong ni Lucas sakin habang nagsasalin ng alak sa baso.

"Sige!" Pagsang-ayon ko. Wala sana akong balak uminom kasi nga puro na ko alak nung mga nakaraang araw tapos bukas iinom kami uli nila Anna kaya lang para akog kinakabahan sa pagkakatitig sakin ni Martin at para maiwaksi iyon, inisip ko nalang uminom.

"Kaya mo?" Muling tanong ni Lucas ng mapansin niyang napakiwi yung bibig ko. Ang pait kasi nung alak na iniinom nila.

"Pang-mayaman yann baka di ka sanay!" Muling sabi ni Nika sakin.

"Kailangan kong masanay para kapag naka kita na ko ng mayamang asawa di na ko maninibago." sarkastiko kong sagot sa sinabi ni Nika sakin.