webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Truth or Dare?

"Kanta ka Michelle!" sabi ni Zaida para siguro maiba yung atmosphere. Di ko kasi maintindihan kung anong problema ni Nika. Napansin ko lang din wala yung asawa niya kaya walang taga saway. Last time kasi nagkainitan kami sinaway siya ni John para tumigil na.

"Sige!" Pagsang-ayon ko. Inabot sakin ni Zaida ang mic.

"Alam mo yung weak?" Tumango lang ako bilang sagot. mabilis na kiney-in ni Zaida yung kanta na mabilis namang tumugtog.

"I don't know what it is that you've done to me

But it's caused me to act in such a crazy way

Whatever it is that you do when you do what you're doing

It's a feeling that I want to stay

'Cause my heart starts beating triple time

With thoughts of loving you on my mind

I can't figure out just what to do

When the cause and cure is you

I get so weak in the knees

I can hardly speak (I do)

I lose all control (control)

And something takes over me (takes over me)

In a daze, your love's so amazing (amaze)

It's not a phase I want you to stay with me (stay with me)

By my side, I swallow my pride (my pride)

Your love is so sweet

It knocks me right off of my feet

Can't explain why your love, it makes me weak

Time after time after time I tried to fight it

But your love is…"

Nanahimik ang lahat habang kumakanta ako hanggang matapos iyon.

"Panalo parin talaga boses mo!" Papuri sakin ni Lucas.

"Thank you!" sagot ko naman sa kanya at dahil niya medyo nag-dry yung lalamunan ko ay inabot ko yung juice na nasa center table pero bago pa yun maabot ng daliri ko ay dinampot iyon ni Martin at itinulak palapit sakin yung baso ng tubig na narinig ko kaninang nirequest niya sa waiter.

Tiningnan ko siya pero kausap na niya si Bert samantalang si Ellena naman ay may kausap sa phone kaya di niya napansin yung ginawa ni Martin at dahil nga nauuhaw na ko dinampot ko nalang iyon. Maligamgam iyon, tamang-tama para sa katatapos lang kumanta kaya di ko nanaman maiwasang mapatingin sa kanya at gaya kanina kausap parin niya si Bert. Bigla akong napa tingin sa direksyon ni Ellena at sakto namang nakatingin siya sakin. Yung tingin na para bang nagbabanta na tigilan ko yung pagtingin sa fiancee niya.

Napa-iling nalang ako sa reaction niya kasi kumapit pa siya sa braso ni Martin na para bang dinedeclare sakin na kanya lang ito.

"Wag mo kasing tingnan!" Bulong sakin ni Zaida.

"Guapo eh!" sagot ko naman sa kanya at muli kong tiningnan si Martin para lalong asarin si Ellena.

"Naman, ganyan talaga lahi namin!"

"Pero parang mas guapo na si Lucas!" sabi ko sabay baling kay Lucas na nasa tabi ko.

"Naman, pero wag mong sabihin yan sa kanya lagot ka!" Bulong nito sakin.

"Bakit natatakot ka sa kanya?"

"Oo naman, baka nakakalimutan mo Boss ko yan!"

"Oo nga pala baka bigla kang sisantehin!"

"Haha...haha... tama!"

"Haha...haha...!" Tawa ko rin. Napatigil ako sa pagtawa nung pagbaling ko kay Martin ay naka tingin din siya sakin ang kaso yung tingin niya ay yung parang gusto akong pagalitan. Marahil naingayan samin ni Lucas kaya tumigil na ko sa pakikipagharutan.

Niyaya pa uli ako kumanta ni Zaida pero tumanggi na ko kasi nga umiinom ako ng alak, ayaw ko naman masyadong abusuhin yung lalamunan ko. Di ko na namalayan kong naka ilang baso na ko ng alak pero di pa naman ako lasing medyo tippsy lang.

"Truth or Dare tayo!" sabi ni Jerold habang may dalang baraha. Siguro na bored na kasi di naman pweding makipaglandian sa iba kasi andiyan si Ziada at di rin niya naman malandi ito kasi andito si Lucat at Martin.

"Sige!" Pagsang ayon ko. Inumpisahan kong ibaba yung ibang bote na walang laman sa sahig at ganun din yung iba. Maliban saming anim may iba pang sumali kaya medyo dumami yung participant.

Ang sistema ng laro kung sino makakuha ng king na diamond siya ang mag-uutos tapos yung Ace na flower siya naman yung uutusan. Dahil nga nasa 20's lang halos ang kasali binawasan ng ten cards yung baraha para tig-dadalawa yung bigay.

Gaya dati kapag ayaw mong sundin yung inuutos ng King pwedi kang tumangi at ang kabayaran kailangan mong uminom ng hard liquor na isang baso. Ewan ko nalang di sumakit yung baga mo nun.

Naka ilang round na pero di ko nakuha yung King at kahit yung ace, para sakin okay lang naman. Mas maganda kung taga panuod ka lang sa mga kalokhan nila.

Akala ko hanggang matapos yung laro di na ko makakakuha pero sa round na ito ako yung naka kuha ng King.

"Uy King!" sabi ni Lucas ng makita niya yung baraha ko kaya mabilis ko iyong pinkaita sa lahat.

"Sino yung ace?" tanong ng madami. Tinitingnan ko yung bawat kasali kung sino yung naka kuha ng ace pero wala sa kanila pag baling ko sa harap ko doon ko nakita na hawak ni martin yung Ace of flower na card, so siya yung slave ko.

"Truth or Dare?" Mahina kong tanong. Nasa mata kagad ni Ellena yung pagbabanta sakin pero di ko siya pinansin nanatili lang ako naka tingin kay Martin habang hinihintay yung sagot niya.

"Dare!" Dahang-dahang sagot ni Martin sakin na para bang napaka sexy ng boses niya. "Shit!" nasabi ko sa sarili ko paano parang gusto ko ng lumapit sa kanya at kumandong at pugpugin siya ng halik.

"Sabihin mo sayaw siya budots!" utos ni Lucas sakin na natatawa.

"Pakantahin mo!" sabi naman ni Jerold.

"Tol naman kapag si Martin yung kumanta malamang mag-uwian na tayo, okay nalang na si Michelle nalang pakantahin natin!" Pagbibiro ni Bert na agad naka kuha ng masamang tingin mula kay Martin.

Mabilis na nagtawanan ang lahat dahil dun.

"Sabihin mo na yung utos mo!" Naiiritang sabi ni Ellena. Kaya humnto ang lahat at muling tumingin sakin.

"Kiss me!" Diretso kong sabi.

Bigla ko kasing naalala yung utos dati ni Ellena kay Martin nung kami pa. Dahil nakaka inis yung smug sa muka niya kanina pa na para bang kung makabakod kay Martin akala mo daig pa ang security guard. Maka-pang asar lang kaya yun ang naisip kong iutos.