webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

FRIENDS

"Lokong bata yun di man lang sayo pinakilala si Elena."

"Luisa!"

Saway ng Lolo ni Martin sa Lola niya para putulin kung anu mang gustong sabihin nito. Medyo mataas rin kasi yung boses ng Lola ni Martin marahil natatakot yung Lolo niya na matakot ako. Pero sa tingin ko normal lang yung sa Lola niya parang kasi nasa personality niya na iyon na medyo vocal at strong pero may point naman yung Lola niya parang napaka rude nga ni Martin dahil di man lang sa akin ipinakilala si Elena atleast alam ko na pangalan niya.

Agad akong muling tumingin sa direksyon ni Elena at pinag masadan ko siya. Masasabi kong maganda siya base sa physical na anyo naka lugay yung mahaba at straight niya buhok na hangang baywang. Sa pangangatawanan naman ay balingkinitan siya. I think mas maliit siya sa akin. Morena ang kulay niya at medyo bilugan din ang mata, matangos ang ilong at maninipis na labi. Naka suot siya ng white dress na hapit sa kayang katawan naka sleeve less siya at napa simple niya lang ang tanging pearl earings lang ang suot na alahas. Naka amo nung muka parang laging iiyak.

Di ko maiwasang abutin yung isang basong puno ng tubig na nasa harapan ko kasi alam ko na di lang siya simpleng kaibigan lang at lalo pa nga close siya sa parents and grandparents ni Martin parang bigla akong na insecure.

"By the way Michelle let me introduce to you si Elena Madrigal. Anak siya ng matalik kong kaibigan."

Pagpapakilala saming dalawa ng Lolo ni Martin.

"Hello!"

Pagbati ko sakanya sabay lahad ng kanang kamay ko para maki pagkamay na agad naman niyang inabot. Akala ko deadma niya pero di yun ang nangyari.

"Hi, nice meeting you Michelle."

"Same here!"

Sagot ko sabay ngiti sa kanya. Muling nagsalita yung Lola ni Martin na magbitaw yung kamay naming dalawa.

"Actually si Elena ay childhood friend ni Martin. Baby pa lang sila lagi na silang magkasama paano kasi bukod sa mag best friend ang mga Lolo nila pati mga Mommy nila mag best friend din. Kaya mula nursery hangang high school ay mag kaklase sila. Kahit nga nung college magka iba sila ng course pero pumili parin sila ng school na pwdi silang magkasama. Kaya lang ito si Elena nagpunta ng America para magpatuloy ng kanyang medical degree kaya nagkahiwalay silang dalawa."

Habang nagsasalaysay ang Lola ni Martin di niya mapigilang tapik tapikin pa yung kamay ni Elena na naka patong sa lamesa na parang nang hihinayang sa kina hinatnan ng relasyon ng dalawa.

"Mamu anu ka ba okey lang yun saka mukang mahal na mahal ni Martin si Michelle."

Sagot ni Elena habang ngumiti sa akin. Na sinuklian ko rin ng ngiti kaya lang parang bigla akong naka ramdam ng pagka ilang para kasing ako yung dahilan para di matuloy yung magandang love story ng dalawang childhood sweet heart at ang mga pangarap ng mga magulang at grandparent nila. Kaya di ko mapigilang lumabas muna para maka langhap muna ng sariwang hangin.

Napa tingin ako sa stage kasalukuyang nagsasalita parin si Martin. Dini discuss niya yung tungko sa mga achievement ng company at sa mga future goal nito.

"Excuse me po muna punta lang po ako saglit sa comfort room."

"Okey hija bumalik ka kagad ha! Patapos na yung speech ni Martin baka hanapin ka niya."

"Opo!"

Dahan dahan akong tumayo at bahagya pa kong yumuko para di ako masyadong agaw pansin.

Dumiretso ako ng comfort room pero di ako dun nagtagal nag re-touch lang ako ng make-up kasi nga sa totoo lang di naman talaga ako na iihi. Gusto ko lang huminga kaya sa halip ng bumalik sa party

dumiretso muna ako sa may bandang likod ng hotel merun dung maliit na garden kaya naisip kong dumaan dun saglit. Pag dating ko dun agad ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Hays!"

"Pwedi ka bang maka usap?"

Nagulat ako ng may biglang may magsalita sa bandang likuran ko. Nakita ko si Elena nakatayo siya ng isang dipa mula sa akin. Tama nga ako mas maliliit siya sa akin nasa five two lang siya kasama na yung takong niyang nasa three inches.

"Okey lang naman. Tara upo tayo dun!"

Tinuro ko yung mga rattan chair na nasa gitna ng garden. Kaya agad kaming lumakad papunta dun.

Pag upo palang namin dun agad siyang nagsalita.

"Sorry!"

"Bakit ka nag sosorry?"

"Kung alam ko lang na may girlfriend na siya sana di na ko nagpunta dito kaya ako nag sosorry."

"Haha ano ka ba sabi mo nga di mo nga alam saka pasensya ka na rin sa inasal ni Martin kanina."

"Bakit ka nag sosorry dapat si Martin yung mag sorry sa akin?"

Takang tanong din Elena sa akin at halatang ayaw niyang tanggapin yung sorry ko para kay Martin. Napasandal ako sa upuan at ini strech ko yung paa ko at tumingala ako sa langit para pagmasdan yung mga bituin na mga naroon at dahan dahan ako nagsalita.

"Di ko alam yung nangyari between sayo at kay Martin pero bilang girlfriend niya at bilang babae mali yung harap harapang pagiging rude niya sayo. Pero sabi ko nga di ko alam ang nangyari at kung bakit ganun reaksyon niya nung makita ka marahil nasaktan mo talaga siya pero syempre between na yun sa inyong dalawa."

"Actually di lang ako basta childhood friend ni Martin ako din yung first girlfriend niya."

"Alam ko!"

"Sinabi niya sayo?"

"Hindi!"

"So di man lang niya ako nabangit sayo!"

"Hindi din, nag assume lang ako at di nga ako nagkamali!"

"Grabe talaga galit niya sa akin haha!"

Naring kong sabi ni Elena. Tumatawa siya pero alam ko na nasasaktan siya kasi kung pagbabasehan ko yung kwento ng Lola niya malamang di sila childhood friend lang kundi childhood sweetheart at mukang malalalim talaga ang pinagsamahan nilang dalawa. Naka yuko siya marahil ayaw niyang makita ko yung luha niya pero kahit naka yuko siya kitang kita ko parin ang sakit na nararamdaman niya.

"Gusto mo bang maki pag break ako sa kanya?"

"Hindi....Hindi... Di yon ang gusto ko!"

Natataranta niyang sagot sakin. Halatang nag panic siya nung marinig yung sinabi ko. Agad niyang iniling yung ulo niya pati mga kamay niya para assure niya sa akin na hindi yun ang gusto niya.

"Okey!"

Nung marinig niya ko nag okey medyo kumalma siya pero napa hawak pa siya sa dibdib niya na parang kinabahan. Medyo natawa ako sa reaksyon niya kaya di ko napi gilang mapa ngiti at sinuklian niya rin yun ng ngiti.

Pero magulat ako ng bigla niyang hawakan yung dalawa kong palad.

"Michelle alam ko wala ako sa posisyun para humiling sayo pero sana wag mong masamain yung presensya ko. I mean is masaya ako for you and Martin at wala akong masamang intensyon. Sana maging friends din tayo!"

Naka tingin sa mata ko si Elena sa mata ko at nakikita kong sincerity niya kaya pumayag ako. Di naman masama yun di ba? Mas maganda kung mas madami kang friend kaysa sa enemy di ba?

"Wala naman problema dun."

"So friends?"

"FRIENDS"