102 My Girlfriend Michelle!

"Masisira yung lipstick ko!"

Pagrereklamo habang bahagya siyang itinulak papalayo sa akin bukod kasi na masisira yung make-up ko male-late na rin kami sa party. Mag seven fifteen na even do alam ko naman di mag start yung party ng seven talaga kasi alam mo naman yung mga Pinoy laging late. Pero bilang host dapat asa baba na siya para tumangap ng mga bisita. Di nga ako nagkamali maya-maya nag ring na yung phone niya malamang yung event organizer yun at hinahanap na siya.

"Hello Mom!"

"Asan ka?"

"Andito po sa taas."

"Bumaba ka na dito andito na kami ng Daddy mo pati sila Lolo at Lola mo."

"Okey po, pababa na."

"Okey!"

Di na hinintay ng mother ni Martin na magsalita siya at agad ng binaba yung phone. Dahil nga sobrang lapit ko kay Martin di ko naiwasang marinig ang usapan nila.

"Tara na?"

Tanong ko kay Martin ng ibinalik niya sa bulsa ng pantalon niya yung phone niya.

"Wait lang!"

Sagot sa akin ni Martin bago siya pumunta sa closet niya at may kinuhang isang maliit na box. Paglapit niya sa akin agad niya itong binuksan at tumambad sa akin ang isang pares ng hikaw at kwintas. Mabilis kumunot yung noo balak ko pa sanang magprotesta pero nauna ng magsalita si Martin.

"Wag ka ng magreklamo pinahiram lang ito ng designer nung damit pag katapos ng party sasauli natin."

Paliwanag niya sa akin habang ikinakabit yung diamong stud earing sa tenga ko. Di na ko tumangi kasi nga hiram lang naman kaya di na ko nagsalita.

Tumaliko ako para mailagay ni Martin yung kwintas sa leeg ko bale nakaharap na ko sa vanity mirror. Itinaas ko yung buhok ko para maikabit niya yung lock ng maayos.

"You're so beautiful Honey!"

Papuri niya sa akin habang dinampian ng halik yung leeg ko nakayapos na yung dalawa niyang kamay sa baywang ko.

"Baka gusto mo lang akong maging maganda para kapag nakita tayo ng Ex mo di ka niya pagtawanan kasi pinili mo ko."

"Ano ba yang pinag sasabi mo, di yun pupunta dito sa isa pa kahit pumunta man siya wala akong pake."

"Huh may hugot ka ah!"

"Wag na natin siyang pag usapan. Tara na!"

Yaya sa akin ni Martin palabas ng kwarto naming dalawa.

Magkahawak kaming kamay ni Martin ng pumasok kami sa venue ng event. Agad kaming pinagtinginan ng mga tao dahil marahil sa matching outfit naming dalawa. Oh sadayang napaka guapo lang ni Martin or napaka ganda ko di ko maiwasang magbuhat ng sariling bangko papano mula entrance hangang sa papalapit kami sa table kung saan naroron yung mga magulang ni Martin ay naka tingin sila. Di ko alam kung anung dahilan pero parang may mali sa tingin nila sa akin particular marahil siguro dahil ngayon lang nila ako nakitang kasama ni Martin. Dahil dun bahagya akong yumuko pero naririnig ko yung tawanan sa lamesa na pupuntahan naming dalawa mukang masaya ang magulang ni Martin.

"Thump... thump..."

Tibok ng puso ko ng makarating na kami sa table ng mga magulang ni Martin.

"Wag kang kabahan!"

Paalala niya sa akin na mga dalawang dipa na lang ang layo namin sa lamesa ng magulang niya halos naka talikod sila sa gawi namin. Agad kong sinagot ng ngiti si Martin para sabihing okey lang ako.

"Oh andito na pala si Martin!"

Narinig kong sabi ng matandang babae na unang naka pansin sa amin. Agad silang lumingon sa direksyon namin. Ang masaya nilang usapan ay napalitan ng katahimikan. Parang nagulat sila sa akin napansin ko rin na tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa at huminto sila ng tingin sa magka holdings hands naming mga kamay.

Nakita ko rin na nagbago yung reaksyon ni Martin ng makita niya yung babaeng naka upo sa table na katabi ng Mama niya. Kumunot yung noo niya at bahagyang humigpit yung hawak niya kamay ko pera saglit lang iyon pero binitawan niya yung kamay ko kaya agad ko pinagtakahan. "Ikinakahiya niya ba ako?" tanong ko sa sarili ko pero biglang nawala yung pagdududa ko ng pagkabitaw niya sa kamay ko kinabig niya ako papalapit sa kanya sa pamamagitan ng palagay ng kamay niya sa baywang ko.

"MY GIRLFRIEND MICHELLE!"

Deklara ni Martin sa kanilang lima na nasa lamesa. Makikita ko sa mga mata nila ang pagkabigla na parang di nila alam kung papano magre-react.

"Good evening po!"

Mahina kong bati sa kanila bahagya pa kong yumuko para ipakita yung sincerity and respect ko sa kanilang lahat.

"This is my beautiful Mom Zenaida, May handsome Dad Mariano and the full of youthness and energy my grandparents Mariano Sr. and Luisa.

"Haha...haha...!"

Tawanan ng lahat ng nasa table.

"Kahit kailan ka talagang bata ka napaka bolero mo parin!"

Sagot ng Lola ni Martin.

"Paupuin mo yung girlfriend mo!"

Utos ng Lolo niya habang tumayo para kumuha pa ng extrang upuan sa kabilang lamesa at inilagay sa tabi niya. Samantalang yung Lola niya ay umusog sa bakanteng upuan dun sa tabi ng babae na di pinakilala sa akin ni Martin.

Inalalayan ako ni Martin para maka upo dun sa upuang inoffer ng Lolo niya bale nasa kanan ko yung Lolo niya at si Martin yung nasa kaliwa ko. Katabi naman ni Martin yun Daddy niya then yung Mommy niya yung girl and si Lola niya. Yung lamesa na para lang sa anim na tao ay naging for seven na.

Kakaupo palang namin ni Martin ng lumapit yung host para ipaalam na magstart na yung program kaya need ng lumapit ni Martin at ng parents niya sa stage. Bilang COO and owner ng kumpanya kailangan andun yung magulang niya. Samantalang si Martin naman ang naka assign for opening speech. Halos sabay silang tatlo tumayo para sumunod sa host pero bago tuluyang umalis di naka limutang magpaalam sa akin ni Martin.

"Saglit lang ha, dito ka muna kina Lolo at Lola balik ako agad."

"Okey!"

Matipid kong sagot hinalikan pa ko sa labi ni Martin at ibinilin sa Lolo at Lola niya bago tuluyang umalis. Ngi di man lang niya tinapunan ng tingin yung babaeng naka tinging samin na parang iiyak pero naka full smile parin.

"Lo at La kayo muna bahala kay Michelle and please ayoko ng mga side comment na maari namin pag awayan."

"Ano ka ba namang bata ka! Alam namin lumayas ka na andun na yung mga magulang mo."

Naiiritang sagot ng Lola niya sa kanya.

"Hon?"

Tawag sa akin ni Martin na parang nag aalinlangang iwan ako mag isa dun sa table kasama yung Lolo, Lola at yung babae na yun.

"Okey lang ako dito, sige na hinihintay ka na nila dun!"

"Sige alis na ko!"

Muli niya kong hinalikan sa noo bago tuluyang umalis papuntang stage.

avataravatar
Next chapter