webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

Chapter 227

Paglabas ko ng banyo naka bihis na si Martin.

"Bakit suot mo yan?" Agad kong tanong sa kanya.

Paano naka gray jeans siya at naka polo ng black na naka buttom-up habang naka tupi hanggang ibabaw ng kanyang siko napaka smart casual ng porma niya. Ang pinagtatakahan ko lang is yung suot niyang necktie na kulay pink at sa pagkakatanda ko ay yun ang ireregalo ko para sa aking monito.

"Sabi mo maganda ito, kaya sinuot ko. Bagay nga sa porma ko!" Sagot niya sa akin habang inaayos yung kwelyo ng suot niyang damit.

"Eh anong reregalo ko sa nabunot ko?" Takang tanong ko habang kinukuha ko yung damit ko sa cabinet.

"Eh di yung blue necktie na napili ko. Naibalot ko na yun kaya wala ka ng dapat pang alalahanin." Sagot niya sa akin sabay hila narin para paupuin ako sa may harap ng salamin at inumpisahan ng tuyuin ang buhok ko.

"Galing mo ah! Pa-ayaw ayaw ka pa tapos ngayong suot-suot mo!"

"Syempre, alangan namang iba ang magsuot ng bagay na masusing pinili ng fiancée ko? Ano siya swerte?"

"So dapat pala yung pinili mo dun sa monita mo ako din ang mag suot?"

"Wala naman akong pinili para sa kanya kaya wala kang dapat alalahanin. Saka sinabi ko dun sa sales lady yung pinaka pangit yung balutin para sa kanya."

"Ano kaya yun bumili ka pa ng regalo kung pangit din naman yung ibibigay mo?"

"Atleast binigyan ko siya, Kaya dapat makuntento na siya dun. Di ko aaksayahin yung oras kong pumili ng regalo para sa kanya."

"Eh bakit ang tagal mong pumuli ng regalo nung nakaraan?" Takang tanong ko.

Naka kunot pa yung noo ko dahil dun.

"Kasi binili kita ng kwintas." Naka ngiting sagot ni Martin.

Sabay kuha ng alahas na nasa side table ng kama niya. Masusi niya itong inilagay sa leeg ko at ikinabit. Bahagya ko pang hinawi yung buhok ko para di maka abala. White gold siya na may pendant na kulay green na kung di ako nagkakamali ay jade siya. Umabot ang haba nito hanggang dibdib ko at may pares itong hikaw na same design.

"Bagay sayo!" Sambit niya sa akin habang pinagmamasdan niya ko sa salamin.

"Yup, maganda! Salamat!" Sagot ko sa kanya habang hawak-hawak ko yung pendant.

"Bihis ka na, late na tayo!" Naka ngiti niyang sabi.

"Hmp... kanina pa tayo late! Wag kang ano!" Reklamo ko.

"Haha...haha...!" Tawa niya na para bang lalong nang aasar.

Kaya inirapan ko siya bago ako pumasok sa banyo para dun magbihis.

Paglabas ko wala si Martin sa kwarto niya pero narinig ko yung boses niya sa may bandang sala, may kausap sa cellphone niya. Marahil isa yun sa kaibigan niya at hinahanap na siya paano ba naman seven thirty na.

Kaya dali-dali akong nagsuot ng ankle boots ko na kulay brown na nabili namin nung naka raan.

Tapos na kong mag make-up ng light with pink lipstick tapos yung buhok ko hinayaan ko lang nagka lugay. Tinack-in ko ung suot kong damit sa suot kong pantalon at di ko kinalimutang mag belt.

Bahagya ko ring itinupi yung sleeve ng damit ko para lumabas yung kunti kong braso at para makita yung suot kong relo na regalo din ni Martin sa akin.

"Tapos ka na?" Tanong ni Martin ng pumasok sa kwarto hawak-hawak parin niya yung cellphone niya.

"Tapos na!" Sagot ko naman habang sinisipat ko yung likod ko para makita kung maayos ba yung pantalon ko.

"Tara na!" Yaya ko kay Martin ng di siya sumagot. Pero nanatili lang siyang naka tinguin sa akin at di kumikilos.

"Hoy!" Muli kong sigaw ng di siya gumulaw.

"Palit ka ng dami mo!"

"Huh?" Para akong nabingi sa sinabi niya kaya di ako naka kilos pero laking gulat ko ng makita ko siyang binuksan yung cabinet ko at pumipili ng damit ko.

"Seryoso ka?" Di ko mapigilang itanong sa kanya.

"Oo!"Matipid niyang sagot at nagpatuloy sa pagkalkal sa damitan ko.

Mulu kong sinipat yung itsura ko sa salamin at wala naman akong makitang mali sa suot kong damit. Di naman kita yung clevage kasi nga round collar yung suot ko. Naka jeans ako kaya di din labas yung legs ko kaya nagtataka ako sa reaction niya.

"Ito nalang suot mo!" Sabay pakita sakin yung sweat shirt ko na pula.

"Kala ko ba magparty tayo di mo naman sinabi na pajama party pala yun." Comment ko.

"Basta ito suot mo!" Pagpupumilit niya sa akin sabay abot sakin nung damit.

"Gusto mong suot ko yan tapos ikaw ganyan suot mo? Ano ako yaya mo?" Asar kong tanong sa kanya.

Bigla siyang natigilan, marahil naisip niya rin yung sinabi ko.

"Ano bang problema sa suot ko?" Taas kilay kong sagot.

"Ang sexy at super hot mo kasi! At tiyak ko kapag nakita ka ng mga tao dun sa bar, maglalaway sila sayo!" Parang bata niyang sagot sakin.

"So mas gusto mong magmuka akong katulong kaysa sa maging sexy at hot sa paningin ng mga tao dun?"

"Di naman sa ganun Hon, kaya lang alam mo naman ayaw kong titingnan ka nila ng ganun."

"Di ba kita kasama?" Tanong ko.

"Kasama!" Mabilis din niyang sagot.

"Yun naman pala eh, so anong problem?"

"Kaya lang kasi baka tingnan ka nila na may halong pagnanasa!"

"Eh di tusukin mo yung mata nila pag tiningnan nila ako ng masama at saka andun yung Ex mo alang naman papayag akong mas maganda siya sakin, ano siya hilo!" Mataray konh sagot.

Napa iling na lang si Martin sa sinabi ko samantalang ako ay natawa.

"Let's go lover boy!" Sabay hook ng kamay ko sa braso niya pero bago ko pa siya makaladkad palabas agad siyang nagsalita.

"Wait!" Sigaw ni Martin sabay kalas ng kamay sa akin at tumakbo sa cabinet niya. Akala ko may nakalimutan lang siya pero

kinuha niya yung cardigan niyang mahaba na kulay puti at isinuklob sa balikat ko.Usually sinusuot niya ito kapag nag out of town siya sa malalamig na lugar.

"Panira ka talaga ng porma ko!" Irap ko sa kanya.