webnovel

Chapter 228

"Iniisip ko nalang naman yung daliri ko Hon!"

"Bakit?" Takang tanong ko.

Naglalakad na kami palabas ng kwarto habang nasa baywang ko yung kanang kamay niya at yung kaliwa naman ay may dala nung paper bag kung saan naglalaman ng pang exchange gift namin para sa party.

"Isipin mo na lang kung ilang mata yung tutusukin ng daliri ko kapag di kita pinag suot ng ganyan." Ipinakita pa sakin yung magandang daliri niya na halatang di nagtatrabaho ng mabigat.

"Di sana sinabi mo nagdala ako ng tinitidor para sure na mabubulag sila." Sagot ko naman sabay tabig ng kamay niya. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng elevator at pababa na sa parking lot.

"Ano ka ba Hon, kapag tinidor di yung babaon kasi nga diba apat yung tusok nung so kung itutusok ko yung need ko ng malas na pwersa mahihirapan akong tusukin yung dalawang mata."

"Eh di chopstick na lang!"

"Ganun din yun Hon kasi di matulis yung dulo nun."

"Sige kutsilyo na lang yung matulis yung dulo para wala ka ng masabi."

"Di tayo papasukin sa bar kasi may deadly weapon kang dala."

"Ewan ko sayo! Bwisit ka!" Naiirita kong sabi habang nauna na kong lumabas ng elevator. Wala na kasi akong maisip na isasagot sa kanya na wala siyang maisasagot pabalik sa akin.

"Haha...Haha...!" Lakas ng tawa ng niya.

"Tusukin ko mamaya mata mo!" Pandidilat ko sa kaya.

"Cute mo tala!" Sabay pisil sa pisngi ko.

Pagkatapos niya yung gawin inalalayan na ko papasok ng kotse niya. Sa likod kami naka pwesto kasi pinag drive kami ni Mang Kanor papunta sa venue ng party. Naka simangot parin ako kahit tuwang tuwa yung katabi ko sa kalokohan niya.

Pagdating namin sa Bar, Agad kaming pinapasok nung guard marahil kilala na niya si Martin. Di na ri kasi tinanong ni Martin kung saan yung location ng party at dumiretso na kaming umakyat sa second floor.

Yung ground floor nung Bar is parang open area kahit sino pweding uminom at mag party-party. Samantalang sa second floor meron mga private room kung saan pweding magdaos ng mga event.

Pagpasok namin sa isang room agad nagsilingunan yung mga tao sa loob.

"Finally dumating ka narin!" Sigaw ni Lucas na may hawak na ng microphone.

Meron din kasing vedioke sa loob ng kwarto.

"Special!" Sigaw ni Jerold.

"Hmp!" Tanging sagot ni Martin sa kanila habang sinara niya yung pinto. Samantalang ako nanatiling naka tayo at hinihintay siya.

"Michelle!" Sigaw ni Zaida na agad kong hinanap yung pinanggagalingan ng boses niya. Andun pala siya sa gitna kasama yung iba pa. Di ko siya dun napansin kasi kanina nung tumingin ako dun muka ni Elena kagad yung nakita ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin maliban dun madilim din kasi yung pwesto ni Zaida.

Agad ko siyang nginitian at lumakad ako palapit sa kanya kasi sinenyasan niya ko na dun na ko umupo at sa tingin ko naman kasya kami dun ni Martin.

Habang naglalakad kami papunta dun nasa lubong namin si Bert na agad akong nginitian.

"Nice necktie!" Bati nito kay Martin.

"Naman! Pinili yata 'to ng fiancee ko!" Taas noong sagot ni Martin.

Inakbayan pa ko para ipakita sa lahat na proud siya sa akin.

"Ang guapo mo ngang tingnan eh! Bagy sayo!" Sagot ni Zaida na tumayo na sa pagkakaupo niya para salubungin kami.

"Ikaw ano naman yang naka balot sayo?" Baling niya sa akin.

"Tanungin mo yung pinsan mo!" Iretable kong sagot.

"Gusto niya siya lang guapo!" Sagot ni Zaida sabay hablot nung cardigan ni Martin na nakabalot sa akin ang masama pa hinagis niya ito kay Martin na sinalo naman ng isa. Pagkatapos niyang gawin iyon ay hinila na ko paupo sa mahabang sofa.

Sumunod narin si Martin na umupo narin sa tabi ko.

"Dahil andito na ang ating VIP, umpisahan na natin yung party. Itaas na ang inyong baso ang let's have a cheers to every one and buttoms up!" Sabi ni Lucas sa Mike.

Kaya naman sabay-sabay ang lahat na dumampot ng inumin nila, dahil nga kadarating lang namin wala pa kaming baso ni Martin pero mabilis akong inabutan ni Zaida samantalang siya naman ay inabutan ni Bert at take note parehas puno yung baso namin.

"Wait bakit samin lang ang puno?" Reklamo niya.

"Kayo lang kaya late!" Mabilis na sagot ni Lucas.

"Parusa yan!" Segunda ni Jerold.

Dahil nga aminado naman kaming late kami wala kaming nagawa kundi itaas yung baso.

"Wag mong pilitin kong di mo kaya ha!" Bulong sakin ni Martin at tanging ngiti lang ang itinugon ko sa kanya.

"Game.... one.... two... three.... Inom......!" Sigaw ni Lucas na naging hudyat para tunggain namin yung alak na nasa baso namin. Di ko pa nakaka lahati yung sakin ng hablutin ito ni Martin sa kamay ko at tinungga. Di na ko naka pagreact sa ginawa niya pero nakita iyon ng lahat.

"Down!" Sagot ni Martin sabay lapag ng dalawang baso sa gitna ng lamesa. Pinunasan pa niya yung gilid ng labi niya ng kanyang hinlalaki dahil nga sa mabilis niyang paginom di maiwasang may matapon.

Nanatili lang ako naka tingin kay Martin at mukang naramdaman niya iyon kaya tiningnan din niya ko pero laking gulat ko sa ginawa niya dahil hinalikan niya ko di lang basta halik kundi torrend ang ginawa niya sakin.

"Woah.....!" Sigaw ng lahat

Kaya nung bitawan ako ni Martin agad ko siyang kinurot sa tagiliran. Feeling ko talaga namula yung muka ko dahil dun. Di ko maiwasang mapatingin sa direksiyon ni Elena kung saan naka tingin sa akin ng masakit katabi niya si Nika yung na meet ko din last time sa event ng company ni Matin.

"Ang hot nun ah!" Sabi ni Zaida sa akin at bahagya pa kong tinapik sa balikat

Nginitian ko lang siya kasi di ko alam isasagot ko, samantalang yung salarin nakikipag usap na kay Bert na naka upo sa gilid niya na para bang walang nangyari.

"Hays!" Buntong hiniga ko. Iniabot ko yung baso ko kanina na kinuha ni Martin at pinalagyan ko kay Zai ng alak na agad naman niyang pinuno pero bago ko pa iyon mailapit sa labi ko agad akong binulungan ni Martin.

"Dahan-dahan sa alak Hon."

Next chapter