webnovel

Marry Me, Oppa!

Amanda believed that life is all about the lines and there are some lines she cannot cross and never will. But, fate played an awful trick on her. Kailangan niyang pumunta ng Land of Oppa's and marry her long lost childhood bestfriend na si Young Hoon. It was all part of the plan to convince him to visit his ailing mother. WILL SHE SUCCEED WITHOUT FALLING OUT OF THE LINE ?

WitchyWhich · Adolescente
Classificações insuficientes
7 Chs

Chapter Four

Ang malas naman ng birthday niya . Sobra. She just met people who betrayed her in the past. Pakiramdam ni Mandi pinagkakaisahan siya ng buong universe ngayon. As asual sa mga sumunod na araw, isinubsub niya ang sarili sa walang katapusang mga paper works, hoping it would ease the feeling building up inside her these pass few days.

How can they be so happy? Nakatatak sa puso't diwa niya ang katanungang iyon pagkatapos ng encounter niya kina Kyle at Ira. How can they be like that all this time habang siya nilulunod ang sarili sa kamiserablehan? In the first place siya ang naagrabyado. Napaka-unfair talaga ng mundo.

Napahigpit ang hawak niya sa mug. Somewhat, the cofee had a calming effect on her. Nakatayo siya malapit sa bintana ng opisina niya. She watched the sun as it slowly departs in the skyline. Shades of orange and pink exploded in the blue sky. The city is just starting to wake at this point. It`s not that she stiil feels the same way towards Kyle, she just felt betrayed through the years. Ikiniling niya ang ulo. Stop it Amanda! Kastigo niya sa sarili. Self-pity would never do her any good. Pero may napakamasokista ng utak at puso niya, mas nanaig ang kalungkutang lumulukob sa pagkatao.

Maybe somehow, her friends were right. She's been making it too hard for herself. Ngayon niya lang napagtantong, ang miserable pala ng buhay niya. Tama si Natalie. Her life was simply boring and monotonous. Ni wala siyang bakasyon nitong mga nakalipas na taon. Tanggap lang siya ng tangghap ng kliyente. Tama! Vacation. She just needs a break ---from all of this. Kinuha niya ang laptop and planted herself in the sofa. Nagbrowse siya sa internet ng magandang pagbakasyunan. Mas gusto niyang mag-out of the country. Japan kaya? O Thailand? Then one particular picture caught her eyes. The guy was smiling brightly sa likod nito ang isang napakalapad na dagat. The white sand beach glimmered in the heat of the sun. Parang pamilyar ang lalaki.

She clicked on the photo. It was taken in Jeju island ayon na rin sa caption sa ilalim niyo. South Korea. Seoul. Oppa. Park Seo Joon. All of those words popped out of nowhere in her mind. She used to dream going to SoKor. Noong kasagsagan ng pagka-adik niya sa mga kpop idol groups at kdrama. She spent most of her free time watching those. Medyo naglie-low lang siya nung magkatrabaho na siya.

She can't let herself drown through the endless seas of remorse and self pity.

" If I had known this would happened, I should have taken my damn vacation earlier," she let out a deep sigh. It's too late now. Nasa punto na siya ng buhay niya kung saan hinahabol siya ng mga nangyari sa sa nakaraan. She just silenty wished this vacation would lighten her burden.

"Hoon..." wala sa sariling usal niya habang mabuting tiniigan ang lalaki sa larawang iyon. He look so familiar. Kamukha nito si Young Hoon. Di kaya... Agad niyang tinype sa search bar ang pangalan nito. Park Young Hoon. Natuptup niya ang bibig. Isa na itong sikat na aktor ngayon.

"In fairness gumwapo siya.." aniya habang binobrowse ang mga larawan nito. Wala na ang mga baby fats nito napalitan na ng well-toned na katawan at syempre, abs.

Bakit di niya dinadalaw ang Ninang dito sa Pinas? Siguro hindi pa rin nito matanggap ang pagdivorce ng mga magulang nito. Pero kahit na, nanay niya pa rin ang Ninang. Kahit bisita lang.

Napabuntong hininga na lang siya at isinara ang laptop. People had already moved on with their lives. Siya lang ang na-stuck sa time warp. Hindi nawala ang mga yun. Akala niya, time will heal everything. Mali siya. They stayed, they left scars on her body and formed the hollow orbs in her soul. And then realization hits her. She actually does not hate Kyle and Ira for cheating right into her face. It was more like she resented herself for being such a monster. Hindi niya alam kung makakaya niya pa uling bumangon kapag naging ---. Hinayaan niyang siya mismo ang magpataw nun sa kaniyang sarili nitong makalipas na mga taon. She wasn't genuinely happy all this time--- it was just an illusion.

LEMERY entered her office with a thud. Bumalik ang wisyo niyang kanina pa nililipad ng hangin sa ibang dako ng kalawakan. May ilang folder itong hawak. The last two days were the longest weekend of her life.

"Ma'am pinapipirmanhan po ni Sir Peter," inilapag nito iyon sa mesa. She scanned the documents thoroughly before signing. She can't afford to miss anything. Itiniklop niya iyo at ibinalik kay Lem

"Do I still have something on my schedule right now?" she unconsciously twirled the pen right between her fingers and leaned back on her swivel chair.

"Isa na lang po ang appointment niyo ngayong araw. May meeting po kayo with our potential client. She wanted to personally talk to you about this matter."

Napailing siya.

"Forget that. I can't meet her. "

"A-ano po?" tanong nito at napakurap kurap sa kaniya. Sigurado siyang naninibago si Lemery sa sinabi niya. It was one of a very few moments na ipinakaca-cancel niya ang nasa sched.

"Make Peter meet her instead. I want you to arrange my leave for next week."

"Magleleave po kayo ma'am?" amused na tanong nito. Pinaningkitan niya ito ng mata.

"Do I have to repeat myself?"

Kung may laser eyes lang siya katulad ni Superman baka kanina pa naging abo si Lemery.

"Sabi ko nga po .Magleleave kayo hehehehe. San po ba kayo pupunta?"

"Sa lugar na walang ikaw."

"Si Ma'am talaga ang hilig magjoke."

"Whatever. I'll be spending my vacation in Seoul. Make sure na mai-book mo ako ng roundtrip ticket. A place to stay and everything else I would need. At isa pa nga pala ayokong maisitorbo ang pagbabasyon ko."

"Pero kasi yung client---"

She cut her off.

"No more buts ,Lem. Si Peter na ang bahala sa kaso niya."

"Uhm..sige po. Ako na pong bahala kumausap kay Sir Peter."

"Good! By the way, hanapan mo ko ng outfit para sa isang kasal and I want it bloody red. I`ll use it pagbalik ko. Got that?"

SHE waited for that dreadful week to end. Pero mali siya , nagsisimula pa lang pala ang lahat. As the days pass, her anxiety is also growing slowly consuming her. She`s voguely herself this past few days. Naging mainitin ang ulo niya. Hinilot ni Mandi ang sintido niya. Medyo nabawasan nito ang migraine niya. It was almost quarter to six. 5:00 pm ang uwian nila pero mas pinipili niyang magstay muna ng ilang minuto. Napagdesiyunan niyang umuwi na lang. Hindi niya kayang magtrabaho ng ganito ang pakiramdam. Nang makalabas na siya ng firm ay nakahanda na ang sasakyan niya. Nakasandal doon si Lemery at busing busy kakacellphone. Ilang metro ang layo niya mula rito ng maramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya. Tumatawag na naman ang mama niya.

" O ,Ma? Ba`t napatawag ka?" medyo iritadong tanong niya rito.

"Mandi, ang Ninang Amelia mo.." Nanginginig ang boses nito sa kabilang pamilya. Siguradong umiiyak na ito ngayon..

"Calm down and tell me everything,ok?Anong nangyari kay Ninang?"

Nawala ang iritasyon niya rito at napalitan ng kaba para kay Ninang Amelia. Wala itong kamag-anak sa Maynila. Tanging siya lang at ang mama niya ang maaasahan nito.

"Bigla na lang siyang natumba ... h-habang nag-uusap kami. Andito kami ngayon sa hospital ng Kuya Uriel mo."

"Sige Ma, papunta na po ako jan," in-end na niya ang tawag.

"Uuwi na po kayo Ma'-am?" nagtatakang tanong ni Lem.

"Sa Sacred Heart Hospital tayo dumeretso."

Wala na silang inaksayang oras at agad na pinahahrurut ang kotse. She clasped her hands in a tight fist. Sana walang nangyaring masama kay Ninang Amelia. Pagkapasok ng ospital ay agad siyang dumeretso sa reception area at ipinagtanong ang kwarto nito. Nasa VIP room ito. Humahangos na pumasok siya sa kwarto kung nasaan ito.

"Ninang?" Nakaratay ito sa hospital bed. May IV na nakakabit dito. Sa kabutihang palad may malay na ito ngayon.

"Oh Mandi," anito at sinubukan nitong bigyan siya ng yakap pero umiktad ito sa sakit. Panay hagulgul ng Mama niya sa tabi nito. Dunaluhan niya ito at hinawakan ang kamay nito.

" May masakit po ba sa inyo?Gusto si Kuya Uriel ang mag check up sa inyo?"

"Hindi na, `wag ka nang magabala pa ,Mandi. Magiging maayos din ang lahat."

"Pero Ninang ..kasi.."

"Tanggap ko nang ilabng buwan na lang ang nalalabi sakin."

"Nang naman. Huwag po kayong magsalita ng ganyan. Mahaba pa ang buhay niyo eh," may nabuong bikig sa lalamunan niya. Ito ang tumayong second mother niya ng nag-abroad ang mama niya. Marami siyang ipinagpasalamat dahil ito ang naging ninang niya. Her eyes started heating up.

" Wag kang umiyak laki mo na iyakin ka pa rin," nakangiting turan nito.

"Eh kayo kasi. Pinapaiyak niyo ko."

"May sakit ako. Ovarian Cancer. Stage 3 na. Hindi na ako maaagapan pa,iha."

" No don`t say that. Magpapa-chemo kayo hindi maman porket stage 3 na yan eh wla nang pag asa," pagpupumilit niya.Pero umiling lang ito.

"Hija Mandi, p-pwede bang humiling ako sayo ?" Her eyes wereso full of sadness and longing, it makes her heart swell. Her Ninang has always been the cheerful type, yung palangiti at sobrang positibo ang outlook sa buhay and it pained her seeing her like this.

"Gusto nyo pong mag bora? Ako na pong gagastos. O baka naman gusto nyong makadate si Hyun Bin?Kukunin ko siya sa Sokor at ipapadala dito? Sabihin niyo lang po gagawin ko lahat."

Medyo gumaan ang pakiramdam nito sa biro niya at isang tawa ang lumabas sa nanginginig nitong bibig. "Gustuhin ko man na ganun eh, isang bagay lang gusto kong mangyari ngayon. Gusto ..g-gusto kong makita si Young Hoon kahit sa nalalabing oras na lang ang buhay ko."

"Sige po ipapakaladkad ko siya dito sa Pinas. Ako po ang c-contact sa kanya. Sasabihin ko ang kalagayan niyo ngayon."

Umiling ito.

"Hindi na kailangan pang malaman niya ang kondisyon ko. Ang masilayan siya sa huling pagkakataon ay sapat na para sakin hija."

"Pero Ninang, kailangan niya pong malaman."

"No. I want him to remember me as a beautiful memory. Alam kong masyado siyang nasaktan ng magkahiwalay kami ng Papa niya. Kasalanan ko iyon. Alam kong hanggang ngayon hindi niya pa rin ako napapatawad." Tuluyan nang tumulo ang luha niya. It must have been too painful . "Gusto kong humingi ng tawad kay Chan sa nagawa ko Kahit na walang kapatawaran iyon."

Napakagat labi si Mandi. Pinipigilan niyang humikbi. Tagos na tagos kasi ang sinasabi ni Ninang Amelia niya. Masakit malagay sa sitwasyon nito.

" Pero paano ko po makukumbinsing umuwi dito? Matagal na po kaming walang komunikasyon."

"Alam kong hindi madali ito para sa iyo,anak… pero ito lang ang nakikitang paraan namin ni Ninang mo," si Mama niya ang sumagot. "We want you to marry Young Hoon."

What? Marry him?Siya ?

Magpapakasal kay Hoon ? T-teka hindi niya option ang pagpapakasal kailanman .

"Hah?!" napaawang ang bibig niya..

"Don't worry iha, tutulungan ka ng Papa niyang kumbinsihin ito. At saka magkaibigan naman kayo di ba?"

Magkaibigan. More like magkaibigan noon. When she first meet Hoon, aloof ito sa ibang tao. Tuwing bibisita ang Ninang niya sa bahay nila ay nagtatago lang ito sa likod ng nanay niya. At dahil siya ang tinaguriang most friendly sa kalse ay pinilit niyang makipaglapit dito na napagtagumpayan naman niya .Naaalala niya pa na ang lakas ng iyak niya ng bumalik na ito Korea. After that she never heard of him. End of story.

"You made him opened up in the past. Makakaya mo siyang kumbinsihin iha."

"Nagbago na po siya at higit sa lahat nagbago na po ako," malungkot niyang turan.

"But you will try right? Para sa kin?" She sounded so hopeful about that. Ayaw naman ni Mandi na sirain iyon. Napabuntong hininga siya.

"Next week magleleave po muna ako sa trabaho."

"Dahil ba sakin?Hindi mo naman kailangang agad agad na pumunta doon, iha."

"Naku hindi po sa ganun," aniya. "Nakaschedule na pong magtake ako ng vacation. I was actually planning to visit SoKor. Just to unwind at makapagrelax na rin."

"Pero masisira iyon dahil sa akin," she said with so much guilt.

"'Wag nyong pong sisihin ang sarili nyo ,Nang. Walang may gustong mangyari to. Dont worry, ako nang bahala. Kung kinakailangan kakaldkarin ko si Hoon dito. At saka may divorce naman sa SoKor di ba? It would be easy."

Sana nga ganun lang yun kadali.

"Thank you iha.For your understanding."

"It will be ok, Ninang. You will be okay. It`s just marraige on paper. No harm done."

"Pero mas maganda sana kung totohanin mo na lang ,nak. Gwapo naman si Hoon at siguradong magkakaroon kayo ng cute at singkit na chikiting," singit ng ina niya.

"Ma...!" saway niya rito.

"Eh totoo naman ah! Naaalala mo naglalaro pa nga kayo nun ng kasal-kasalan. "

"Jusko, Ma. Bata pa kami nun ."

Ang hiling lang naman ay mabawasan ang bigat sa kalooban niya pero ayaw yatang makisimpatya ng universe sa kalagayan niya at ngayon dinagdagan niya.

Mukhang hindi ito ang bakasyong inaasahan niya.