webnovel

Marry Me, Oppa!

Amanda believed that life is all about the lines and there are some lines she cannot cross and never will. But, fate played an awful trick on her. Kailangan niyang pumunta ng Land of Oppa's and marry her long lost childhood bestfriend na si Young Hoon. It was all part of the plan to convince him to visit his ailing mother. WILL SHE SUCCEED WITHOUT FALLING OUT OF THE LINE ?

WitchyWhich · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter Three

CHAPTER III

"SURPRISE!" sigaw ng mga kaibigan niya. Nakaparty hat pa ang mga ito at may pa banner pa. How can they look so well kahit na halos lunurin nila ang sarili sa alak kagabi? Well, the world can be unfair sometimes.

"What you girls doing here?" nakakunot noong tanong niya.

"Inimbita kami ng nanay mo," Natalie pushed herself inside her condo. Sumunod naman ang iba. Nagtipon ang mga ito sa dining table niya. May mga dala rin itong pagkain. Noise filled every inch of her house. Her inner peace was completely in chaos.

"Saan si Mama?"

"May dadaanan pa daw eh kaya pinauna na lang kami," si Piper ang sumagot.

"Last night was epic!" Natalie giggled. She silently cursed her using her eyes.

"Yeah... at ayaw ko nang umulit pa," aniya. They made her dance with complete strangers. May God forbid at ayaw na niyang maalala kung anumang kagagahan ang ginawa niya kagabi.

"Ay ang kj mo! Minsan lang tayo magparty ng ganun eh," angil ni Reese. Binuksan nito ang isang bag ng cheetos niya at pinapak.

"Ang sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak ata," at napahilot siya ng sintido.

"Gusto mong igawa kita ng gamot?" Candy chimed in.

"Anong gamot?"

She tossed a can beer in her direction. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya at nasalo iyon bago pa magkalat sa sahig.

"Paano naging gamot to eh may hang over nga ako tapos papainumin mo pa ko?" she snorted back.

"Inumin mo na lang kasi."

Nang maubos niya ang laman ng can beer ay sobrang nagulat siya sa epekto nito. Surprisingly, nawala nang sakit sa ulo niya.

"See ?Magic!"

"Magic mo mukha mo. Akala mo mapapatawad niyan ang ginawa mo? Hah?!"

"Anong ginawa?" painosente pa nitong tanong.

"Nilagay mo kami sa magazine mo. O di ba ang saya nun," punong punong ng sarkasmo ang tono ni Mandi.

"What's the problem with that? I mean mas naging kilala tayo di ba?" Si Natalie.

"Ang sabihin mo mas madali kang makakadale ng flavor of the month mo," kantiyaw rito ni Reese.

"Well, that `s one of the perks of being in that Club and my big boobs does the work," hinawakan pa nito ang nakaumbok na dibdib as if giving it a pat. Napangiwi si Mandi. Gross!

"I was doing you guys a favor! Come on, you need to go to the spotlight. The guys are now hunting us down, trying to get into our skirts. Pero syempre hanggang pangarap na lang sila."

"That's not a favor. Sa pagkakaintindi ko ng salitang favor eh, maganda ang kinalalabasan. This? This is chaotic! Alam mo bang muntik na kong hindi makalabas ng building kanina dahil may mga kung sinong lalaki ang nasa labas?" inis na kwento ni Piper.

"Ooohhh… Peymus na `tong pala si Piper. Pa-autograph nemen jen!" tukso ni Reese dito.

"Ewwww. Tumigil ka nga. That is just..... so gross."

At nagsimula ng walang katapusan nilang kantyawan natigil lang ito ng tumunog ang doorbell sa pangalawang pagkakataon. Syempre siya ang nagbukas.

"Happy Birthday, Lil Sis!"

Bumungad sa kanya ang isang cake nadala dala ng Mama niya. Kasama nito ang half-brothers niyang sina Uriel at Gabrielle. Ang lapad ng ngiti ni Gabby sa kanya habang ang kuya Uriel naman niya ay walang reaksyon. Hindi mapagkakailang kambal ang mga ito. They have the same features pero magkaibang magkaiba ang ugali ng mga ito. Gabby is a happy go lucky guy habang si Uriel naman sobrang seryoso which parang siya. Workaholic at laid back.

"Thank you! Mama naman inabala nyo pa sina kuya."

"It no big deal, Mandi. It`s the least we could do for you," sabi ng Kuya Uriel niya. "It is actually a double celebration, consider this as a late celebration of winning another hit case....again."

"Mukhang may bisita ka ata ah? Mga kaibigan mo?" She saw a glint of playfulness in Gabby's eyes. Tumango-tango siya. Minsan lang mangyaring ang sarap itago sa kahon ng mga kaibigan niya.

"Ano di pa ba tayo papasok? Sumasakit na ang tuhod ko, `nak," reklamo ng nanay niya.

Nang makapasok na ang mga bagong dating ay halos magpulasan ang mga kaibigan niya sa mesa. Biglang naging self-consious ang mga ito pwera lang kay Piper na inuubus ang cheetos niya. Inilapag nina Uriel at Gabriel ang dalang cake sa mesa. Naiiling na lang siya sa mukha ng mga kaibigan niya. Syempre ang gagwapo kaya ng mga kuya niya. It`s all in the genes.

"Hi!" magiliw na nagpakilala si Natalie. Iniabot ang kamay kay Kuya Uriel niya na hindi man lang ito kinuha. Instead, he just simply nodded at her. Natalie's face turned sour. Mukhang hindi ito sanay mareject ng lalaki.

"Make your self at home,okay? Don't mind these girls."

Pumunta siya ng kusina at hinayaan muna ang mga itong magkailala. Bibong-bibo namang in-entertain ng mama niya ang mga ito. Walang tigil ang bibig nito kakwento ng mga kalokohan niya ng bata pa siya.

"Ba't di mo sinabing ang gwapo pala ng mga half-brothers mo?"

Sumunod pala sa kanya si Candy at si Natalie.

"Oo nga. Hindi man lang kami nakapaghanda. My god! Ang cheap pa naman ng damit ko ngayon."

"Anong cheap jan?" she raised an eyebrow at Natalie. Pinasadahan niya ito ng tingin. Nakasuot ito ng pulang halter dress na tinernuhan ito ng pulang boots. Nakalugay ang mahabang buhok nito at nakafull blown make up. Sa kanilang dalawa, parang ito pa nga ang mukhang may birthday.

"Ah basta i-set up mo ko ng date kay Uriel please," pagmamakaawa ni Natalie.

"No ako ang i-set up mo sa kanya ,Mandi. Mas close naman tayo kesa jan kay Natie di ba?"

"Excuse me?" Sinukbit nito ang braso niya. "We have known her since college days,di ba Mandi?"

She rolled her eyes at them.Ang mga babaeng to talaga! Ang daming kire sa katawan. Binawi niya ang kamay niya kay Natie.

"Walang makikipagdate kay Kuya Uriel . Periodism. Periodic Table. Period. `Wag nyo nang dugtungan ha? Ang daming period na nun."

Kumuha siya ng ilang plato sa cabinet.

"Bakit? Mabait naman kami ah."

"Mabait kayo? Wag nyong isali si Kuya sa mga lalaking winasak nyo ang puso,"madramang sagot niya.

Her friends never take their relationships seriously. Fling lang ang gusto nila.

"Oh come on, we've treated them well naman di ba, Candy," dumagdag pa ang isang to.

"Oo naman. We treat them well ... lalo na sa kama," she gave her a dirty look. Tumaas baba pa ang kilay nito.

"Ewan ko sa inyo. Kayo na magdala ng mga yan. "

Syempre dahil nagpapa-impress sa kanya ang mga ito ay agad silang sumunod sa kanya. At dahil maliit lang ang space sa mesa ay sa sala kumain ang mga bruha. Open space kasi ang condo niya at tanging ang malaking cabinet sa pagitan ng sala at dining area ang humahati dito. Nakaseperate naman ang kusina niya at ang cr.It took them almost an hour and a half. Ang daming kasing kwento ng mga ito tungkol sa kaniya. Naunang umalis ang kambal. May aasikasuhin pa kasi sa Tagaytay ang Kuya Gabbi niya. Ang Kuya Yuri niya may shift sa hospital. Nang makaalis ang mga ito ay nalukot ang mga mukha nina Candy at Natie. Ni number kasi ng Kuya Yuri niya hindi nakuha ng mga ito.

"May IG ba siya? O di kaya Tweeter o Facebook?" ungot ni Natie. Mukhang determinado ang mga ito na bitagin ang kuya niya.

"Meron pero inactive yun. "

"Si Gavriel kaya?" si Reese naman ang nagtanong.

"Hmmm...oo," wala sa mood na sagot niya.

"Gusto nyo ang kambal no? May number ako ni Yuri at Gabby," sulsul ng mama niya.

Amanda gave her a disapproving look. "Ma naman, 'wag nyo nang i-encourage 'tong mga 'to."

"Wala namang masama kung ibigay ko naman di ba?" pilyang sagot nito.

"Ang bait bait mo talaga, Tita! Hindi ko alam kung saan nagmana yang si Mandi eh. Parang punong puno ng bad vibes."

Tinampal niya ang balikat ni Candy.

"Heh! Higit kanino man kilala ko ang takbo ng mga utak oy. Sinasabi ko sa inyo ,'wag ako."

"Sizt bitter ka lang. Sabagay matagal nang di nadidiligan ang pechay mo!" napahagikhik naman ang mga ito sa kumento si Natalie.

Hinampas niya ito ng throw pillow.

"Ha-ha-ha. Nakakatawa yun?" nakataas kilay niyang lintaya dito.

"Si Ninang nga pala ma? Ba't di nyo sinama?"

"Masakit ang tuhod eh. Nirarayuma. Pero pinabubugay niya sakin to," iniabot nito sa kanya ang isang paper bag. Nang buksan niya ito ay tumambad sa kanya ang isang photo album.

"Teka ito yung..." Hindi na niya natapos ang sasabihin . It was her and her childhood bestfriend Young Hoon. They were around five years old when this was taken. Sa isang swing yung sa probinsiya. Ang lapad ng ngiti nila. For a minute her mind drifted to his whereabouts. Kamusta na kaya ito? He never came back pagkatapos nitong bumalik ng Seoul.

PAGKATAPOS nilang magpark sa basement ng mall, maingay na pumasok sila sa loob nito. Their shopping spree lasted for almost two hour. At dahil sale gastos dito ,gastos doon ang ginawa nila. Napagdesisyunan nilang kumain sa isang chain ng Mang Inasal sa ground floor. Maya-maya pa at nagpaalam ang Mama niya na mauuna nang umuwi dahil sumasakit ang tuhod nito. She insisted of accompanying her pero sinabi nitong maiwan siya at magpakasaya. Magpakasaya? Ni hindi niya nga magawang enjoyin moment na dahil sa hindi nakaligtas sa paniningin niya ang mga tingin na natatanggap nila sa mga taong nanduon, mabuti nalang at walang naglakas ng loob na magpapicture sa kanila o kung ano pa man. Pinili nila iyong pwesto na medyo secluded iyong hindi masyadong lantad sa mata ng publiko.

"Namiss ko to!" Igik ni Reese ng dumating na ang order nila. "Dito nauubus yung allowance ko dati eh."

"God, I`m starving!" si Candy.

Piper made a face. "Kanina ka lang kumain, gutom ka na agad?"

"Pipes, wag kang magmalinis. Inubus mo ata yung Cheetos ko!" pasaring niya rito. Nag-peace sign naman ito sa kaniya. They finally dig in. Syempre unli rice yung pinili nila, may sisig at halo halo pa iyong kasama. It was the perfect combination to remind her of her college days. The good old days at home. Sa isang sikat na unibersidad sa Iloilo sila nagkakilala at nagsipagtapos. They moved to Manila to persue their graduate studies at dito na rin nagsitrabaho. Pero iba pa rin talaga ang buhay sa probinsya higit sa lahat walang trapik.

"Miss ko na ang SCC," bulalas ni Piper mula kung saan.

Ang St. Catherine's College ay isang pribadong paaaralan na isang oras ang layo mula sa syudad mismo. Para iyong resort na nasa gitna ng asul na karagatan at malapad na kabukiran. Despite of that, modernisado ang mga ammenities nito. Sariwa pa isipan niya ang mga walwal nights nilang magbabarkada. Madalas silang ma-lock out da dorm noon kaya sa likod ng gym sila natutulog o minsan pa sa mga tricycle na nakaparada sa harap nito. Her life in college was suppose to be a beautiful dream until it became a nightmare because of Kyle.

"Me too! I've heard inilipat na nila ang CAS Building malapit sa College of Technology. Sayang kung kelan tayo graduate na eh dun pa nila pinarenovate ang CAS," segunda ni Reese.

Kakarag-karag na kasi ang CAS noong mga estudyante pa lang sila. Nang minsan ngang lumindol habang nag-e-exam sila, hindi niya alam kung sinong unang babagsak ang building o siya sa exam.

"Holy f---" hindi na naituloy ni Natalie ang sasabihin niya. Otomatikong sinundan ng tingin niya ang mga mata nitong nakatutuk sa pintuan. The rest of her friends looked at them, confused.

"Ayun oh!" Ininguso nito ang magkasamang ababe at lalaki. Magkahilding hands at sweet na sweet sa isat isa. Nakaumbok na ang tyan ng babae at panay naman haplos dito ng lalake.

"It cant be..."

Sa lahat ba naman ng lugar sa Maynila dito pa talaga? It was Kyle and Ira. Pakiramdam umakyat ang dugo sa utak niya.

"Kaya pala magpapakasal ..."

"Hindi ako makapaniwalang sila pa rin hanggang ngayon. Ang taray naman."

"Ang kakapal ng mukha.."

"Bagay na bagay sila. Isang mang -aagaw at isang nagpaagaw."

Parang wala siyang narinig at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi naman siya mabubusog kapag tinutugan niya ang mga ito no!

"Ok ka lang ,Mandi?" nagaalalang tanong sa kanya ni Piper sa kaniya.

She smiled at her, "Why wouldn't I be?"

"That's my girl!" tinapik tapik pa siya ni Reese

"Wag kang manghinayang, Mandi. Kung gusto nilang magpakasal magpakasala sila."

A huge lump is formed in her throat. Hindi niya alam kung nakalunok ba siya ng buto ng manok o ano. She felt uneasy seeing them happy all of a sudden. Bakit ang saya nila? Siya ang natapakan pero bakit siya ang malungkot ngayon?

"Chin up girl. Hindi sila kawalan."

Ngumiti siya hoping it would erase the sadness in her. Naging mas malala pa ang sitwasyon ng pumasok sa kinaroroonan nila ang dalawa. Her feet suddenly had the urge to get the hell of this place.

'Oh ,shit.Shit.Shit.Shit'

"Aba't ang mga walangya .."

"It's ok, Reese. Let them be." Hindi na siya nagtaka pa ng tumigil sa mesa nila sina Kyle at Ira.

"Andito rin kayo?" Ira's high pitch voice seemed to irritate her more. Parang nangangati ata kamay niya ngayon at ang sarap manampal.

"Bakit sayo ba to ha?" mataray na sagot ni Natalie.

"Hanggang ngayon masungit ka pa rin ,Nat," nginitian siya ni Kyle-iyong nag-aalinlangan na ngiti. Oh, how she wanted to scrape that smile off his face.

"I saw you. Sa Eye Candy ," tukoy nito sa magazine na pinapangunahan ni Candy

"Multimillionaire na pala kayo ngayon?Good for you!"

"Ang plastik ," bulong sa kanya ni Reese.

"Yeah. As much as possible we wanted to be low key. Alam mo na hindi naman kasi kami mga feeling .." kinurot niya ang hita ni Natalie at pinandalian. Of course, she hates that girl pero baka kung anong isipin nito sa pagtrato ng mga niya sa kanila. Napansin naman nitong hindi siya kumportable sa usapan and painted her lethal sweet fake smile, "Fame whores. Anyway highway, you guys are getting married right?"

"Yes. Next Month. Nagmamadali kasing lumabas si Baby" si Kyle ang sumagot at hinimas pa ang nakaumbok na tyan ng fiancee. He look so happy and contented. Ibang iba nung sila pa. She's glad- really walang halong galit o poot seeing him happy kahit na hindi na siya ang dahilan niyon. But she can't stop herself from thinking of what could've been if they were still together, siguro siya ngayon ang nasa pwesto ni Ira. Siya ang magiging asawa ni Kyle at nanay ng mga anak nito. A jolt of guilt and envy swept through her skin.

"Kayo? Anong ginagawa nyo rito?" natigilan si Ira saglit at eexagerrated na lumuwa ang mata nito. "Oh my gosh! Birthday mo pala ngayon ,Mandi. Happy birthday!" she squeaked and gave her a hug. She just fake a smile at her.

Such a two face bitch!

Fortunately, Ira released her bago pa niya ito maitulak palayo. The girl keep on giving her creeps.

"Happy birthday,Mandi," si Kyle.

Isapa to!Ang kapal ng mukha!

"Uhm...thanks ?" she replied uneasy.

What an awkward situation to be in! She just wanted this to be over now. Biglang tumayo si Piper. "So tara na?" anito

"San? Di pa ako tapos eh," reklamo ni Candy.

"Ipabalot mo na lang. Sige mauna na kami ha," ito na rin ang nagpaalam sa kanila. Walang lingon lingon silang umalis. Nakalimutan pa nilang iapbalot ang tira pero nevermind. She just want to get out of their as soon as possible.