webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · Urbano
Classificações insuficientes
176 Chs

PUSHING TO THE LIMITS

Kumalampag ang pintong pilit binuksan ni Vendrick at nag-iigtingan ang mga ugat sa leeg na sinugod ang amang di agad nakakilos sa pagkagulat nang makita siya.

"Vendrick! What's happening?" gulat na usisa ng inang nanonood ng TV.

"Damn you!" duro niya sa ama, sa halip na suntukin ito'y sa bedside table niya pinatama ang kamao at bigla na lang hinablot ang ginagamit nitong computer saka ibinalibag sa sahig, inapak-apakan at kinuha ang usb na nakasalpak duon.

"You fool!" galit ding sigaw ng ama, inumbagan siya ng suntok dahilan upang mapasubsob siya sa ibabaw ng kama sa di kaluyuan sa kinauupuan nito.

Ngunit balewala ang natamo niyang yun kumpara sa galit na matagal na niyang kinikimkim sa kanyang dibdib, ngayon lang gustong kumawala pagkakita niya sa ilang pirasong mini-cam sa loob ng kanyang kwarto na seguradong ang ama ang naglagay.

Naniningkit ang mga matang muli siyang humarap dito sabay duro sa mukha nito.

"Take those out from my room if you still regard me as your son!" sigaw niya rito.

Kumaripas na ng takbo ang ina para awatin silang dalawa nang akmang susuntukin na naman siya ng ama.

"Tarantado ka! Wala ka na ngang ginagawa para maibalik sa atin ang yaman ni papa, nakikipagharutan ka pa sa hampaslupang yun!" nagpupuyos sa galit na sigaw ng ama.

"She's my wife you fuckin---!" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin, muntik na niyang makalimutang sarili niyang ama ang kanyang kaaway.

Humagulhol na nang iyak ang ina at niyakap siya.

"Ano bang nangyayari, Vendrick? Bakit ganyan ka makapagsalita sa ama mo? Tumigil ka na!"

"Walang galang ang tarantadong yan! Nababaliw dahil lang sa isang hampaslupa!" muling sigaw ni Keven. "Akina'ng usb!"

Nanggagalaiti sa galit na inapak-apakan niya ang usb saka muling dinuro ang ama upang iparamdam ditong namumuhi siya at pinagsisisihan kung bakit pa ito ang kanyang naging papa.

"I really abhor you! The next time you approach her and muddle with our lives, it would be the end of our ties as father and son!" pasigaw niyang pagbabanta sa ama saka nagpupuyos pa rin sa galit na lumabas ng kwarto.

Naiwang namumula sa ngitngit sa Keven at umiiyak naman ang ina.

"Ano ba'ng nangyari, bakit nagalit sayo si Vendrick?" usisa ni Cielo sa pagitan ng pag-iyak habang nakaharap sa asawa.

"That asshole! 'Yan ang nangyari sa mali mong pagpapalaki sa mga anak mo! Walang galang sa ama nila!" singhal nito sa asawa, natuon sa huli ang galit nito.

Walang nagawa ang ginang kundi ang patuloy na umiyak

-------@@@@@----------

Isang oras na ang dumaan pagkatapos ng nangyari, nakaligo na nga siya't lahat ay hindi pa rin bumabalik si Vendrick sa kwarto nito. Kaya minabuti niyang puntahan ang kinaruruonan ng anak na gising na nang mga sandaling yun at nag-aalmusal kasama si Eva sa loob ng kwarto nila noon.

"Mommy, how long are we going to stay here? I like here, mom. Can we just stay here for a couple of years?" bungad agad ni Kaelo pagkakita sa kanya.

"I'll ask Daddy Vendrick later, cutie," sagot niya't wala sa sariling dumiretso sa kabinet na kinalalagyan ng kanyang mga damit noon. As usual kasi, damit na naman ni Vendrick ang kanyang ginamit, pati brief nito. Ang siraulo kasing yun, di man lang siya binilhan kahit dalawang undies, wala tuloy siyang maisuot.

"Marble, ako na ang magbabantay kay Kaelo ha? Sabihin mo kay Senyorito Vendrick, ako na ang yaya ni Kaelo," pakiusap ni Eva na sumunod sa kanya sa may kabinet, iniwan ang batang kumakain sa sofa.

Sasagot na sana siya sa babae nang sa pagbukas sa pinto ng kabinet ay bumulaga sa kanyang paningin ang kanyang mga damit, nasa ayos pa rin, parang hindi man lang nagalaw sa loob ng limang taon.

"Bakit andito pa rin ang mga damit ko?!" bulalas niya.

"Ah, hinayaan lang yan ni Senyor Leo na nakalagay dyan. Sabi ng kanyang bodyguard dati, ayaw daw yan ipagalaw ni Senyor kasi inaantay ka daw niyang bumalik rito eh di ka naman na bumalik," pakaswal lang na sagot ni Eva. "Andyan pa nga yung pinakaluma mong damit, yung suot mo habang nasa luneta pa kayo ni senyor."

Maluha-luhang hinanap niya ang damit na suot nang mapunta siya sa manila. Ang alam niya, may 500 pesos pang nakalagay sa bulsa niyon, yung ibinigay ng kanyang tatay sa kanya.

Nang makita ang hinahanap ay magkahalong lungkot at tuwa ang kanyang naramdaman at nagmamadaling isinuot ang pantalong iyon na nakapagtatakang kasya pa rin sa kanya, saka dinukot ang bulsang kinalalagyan ng sinasabing pera. Aba! Naruon pa nga iyon pero kupas na dahil nabasa sa tubig nang malabhan. Binuklat niya yun sa harap ni Eva, pagkuwa'y muling ibinalik sa bulsa at nakangiting bumaling sa katulong.

"Ate Eva, pakitingnan muna si Kaelo ha? Bibisita lang ako sa puntod ni senyor," aniya.

"Alam mo ba kung saan siya nakalibing?"

Tumango siya. Natatandaan niyang sinabi iyon ni Gab nang magkita sila sa sementeryo noon. Ngayon niya lang din naalalang ang lalaking ilang beses niyang nakasalubong sa sementeryo ay si Vendrick dahil sa gamit nitong pabango.

Hindi na siya nagpalit ng damit. Ewan ba pero ayaw niyang hubarin ang damit na yun kahit ang brief ng asawa.

Nagpaalam muna siya sa bata bago lumabas ng kwarto at bababa na sana sa hagdanan nang marinig ang boses nina Chelsea at ama ni Vendrick sa kanyang likuran. Kung saan nanggaling ang mga ito'y hindi niya alam gayung nasa ikalawang palapag naman ang kwarto ng senyor.

"Ang kawawang Marble. Tsk! Tsk! Tsk! Hindi niya alam na pinaglalaruan lang siya ni Vendrick," pagpaparinig ni Chelsea habang papalapit sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad ngunit hindi humarap sa dalawa.

"Look at this, Marble. Ano sa palagay mo ang laman ng mini-cam na ito? At sino ang nagbigay nito sa'kin?" anang senyor.

Duon na siya salubong ang kilay na humarap sa mga ito at takang pinagmasdan ang hawak ng ginoong tatlong piraso ng--- mini-cam?

Biglang kumabog ang kanyang dibdib at nanlalaki ang mga matang tumingin sa senyor na biglang humalakhak nang mahulaan kung ano ang laman ng kanyang isip.

"Matalino ka talaga, Marble." Pumalakpak ito saka humakbang pa lalo palapit sa kanya at itinapat sa kanyang mukha ang isang mini-cam.

"Tama ang hula mo, galing ito sa kwarto ni Vendrick at siya mismo ang nagbigay nito sakin para mapilitan kang ibalik samin ang yaman ng papa ko," anang senyor.

Napahagikhik naman si Chelsea sa sinabi ng kasama.

Namula agad ang kanyang pisngi! No! Hindi gagawin yun ni Vendrick! Kilala niya ang asawa, kahit ganun yun, hindi siya nito babastusin at bababuyin sa ganung paraan!

Pero ewan kung bakit biglang namalisbis ang luha sa kanyang mga mata sa harap ng dalawa.

Magkasabay na nagpakawala nang malulutong na halakhak ang mga ito.

Hindi! Hindi siya pwedeng magpadaig sa emosyong nararamdaman.

Mabilis niyang pinahid ang luhang naglandas sa kanyang magkabilang pisngi at patuyang tumawa.

"At ano naman ang mapapala niyo sa ginawa niyong 'yan? Sa tingin niyo ba matatakot niyo ako dahil lang sa maliit na camera?" tumawa siya nang malakas.

"You whore!" singhal ni Chelsea. "Pirmahan mo ang papeles na to!" Isinampal nito sa kanya ang hawak na papel.

Ngumisi lang siya't hinablot dito ang papel saka pinunit nang pinung-pino.

Nanlisik na naman ang mga mga mata ng dalawa at sa isang iglap lang ay dumapo ang kamay ng senyor sa kanyang pisngi.

"Hampaslupa!" sigaw nito.

Tiim-bagang na matalim siyang tumingin sa mga ito at taas noo pa ring nagsalita, "Hindi kayo ang magpapayuko sakin." Ininda niya ang sakit ng sampal na natamo.

Sasampalin sana siya ni Chelsea ngunit nahuli niya ang kamay nito'y itinulak na ito palayo na napasubsob agad sa sahig.

Ang senyor nama'y susugurin din siya pero nagulat na lang ito nang mabilis na kumilos ang isa niyang paa at binigyan ito ng isang side kick dahilan upang mapasubsob din ito sa sahig.

"Damn you, you slut!" hiyaw ni Chelsea.

"Ang tapang mong walanghiya ka!" sunod na sigaw ng ginoo.

"Sinabi ko na sa inyo, hindi kayo ang magpapayuko sakin!" matigas niyang sambit at naniningkit ang mga mata sa galit na bumalik sa kwartong kinaruruonan ng anak.

Nagpupuyos sa galit ang dalawang di man lang nakaganti sa kanyang ginawa.

Pagkapasok lang sa loob ng kwarto'y nakita niya ang namumutlang mukha ni Eva, halatang nasaksihan ang nangyari sa labas.

"Kumuha ka ng bag! Ilagay mo ang lahat ng mga damit ko!" mariin niyang utos.

Agad itong tumalima't binuksan ang lahat ng mga pinto sa kabinet at kumuha ng bag duon saka nanginginig ang mga kamay na pinaglalagay ang kanyang mga damit sa loob ng bag.

"Mommy, where are we going?" usisa ng anak na katatapos lang mag-almusal.

"Somewhere else!" tipid niyang sagot.

Natahimik bigla ang bata nang maramdamang galit siya, tumulong itong maglagay ng mga gamit sa loob ng bag.

"Yaya Eva, hurry up. Mommy is angry," bulong ng bata sa katulong na sumulyap sa kanya at nagmamadaling isinara ang zipper ng bag at agad iyong binitbit.

Siya nama'y binuhat na ang anak saka mabilis ang mga hakbang na lumabas ng kwarto pababa ng hagdanan at nagtungo sa kwarto ni Vendrick para kunin ang kanyang sling bag, dumiretso sa labas ng bahay kasama ang nakabuntot lang na si Eva.

Samantalang sina Keven at Chelsea ay tila bumahag ang buntot, di man lang nagawang harangan sila, sa halip ay umatras pa nang makita silang pababa ng hagdanan.

Nagtataka man ang dalawang gwardya sa may gate kung bakit may bitbit na bag si Eva ay hindi nagsalita ang mga ito't binuksan na lang ang gate ng malaking mansyon at hinayaan silang makalabas.

Ngunit sinenyasan ni Eva ang mga ito na tumawag kay Vendrick pagkatapos, naintindihan naman yun ng dalawa.