webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · Urbano
Classificações insuficientes
176 Chs

FIGHTING FOR LOVE

"Nasaan ang singsing?" usisa ni Vendrick sa kanya nang makita ang kanyang mga daliring walang nakalagay na kahit na ano.

"Itinapon ko," maagap niyang sagot.

Ngumiti ito, muling hinalikan ang likod ng kanyang kamay.

"Itinago ko," seryoso na niyang sambit sabay ngiti.

"I know," anito.

"Binbin, sino ang nanakit sa'yo? Ang papa mo ba?" usisa na uli niya.

Umiling ito.

"It doesn't matter now," tipid nitong sagot at mahinang tumawa habang ginugulo ang buhok niyang medyo mahaba na, hanggang balikat niya. 'Di na siya mapagkakamalang tomboy.

"Binbin..." tawag niya.

"Hmm?"

"I love you. Aantayin kitang bumalik ha? Basta pagpunta mo sa Canada, dapat 'di ka titingin sa iba ha? Kahit kay Chelsea ha?" parang bata niyang lambing dito.

Tinitigan na siya uli nito saka parang kinikiliting bumungisngis.

"Lahat ng makita ko ro'n, liligawan ko. Ampangit mo kasi," biro nito.

Bigla ang paghaba ng kanyang nguso, sabay hampas sa braso nito.

Napalakas ang tawa ng binata.

"Hey, nasa labas na si mama, nagbabayad ng bills. Ngayong araw kayo madi-discharge ni lolo." Sumeryoso na ito.

"Galit ba ang mama mo sa'kin?" kinakabahan niyang tanong.

"Nope! Don't worry, hindi ka niya sasaktan. I can assure you that," pagbibigay nito ng assurance bago tumayo at binitawan ang kanyang kamay.

"Lalabas lang ako saglit," paalam nito at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Naiwan siyang tulala. Totoo bang hindi galit ang kanyang madam? Sino pala ang nanakit kay Vendrick? Ang papa nito? Si Gab? o si Chelsea? Nakaramdam siya ng lungkot. Kawawa naman ang binata. Dahil lang sa kanya, nasaktan ito.

Dahan-dahan siyang bumangon at tinanggal ang maliit na tubong nakatusok sa kanyang kamay.

"Arayy!" hiyaw niya nang masaktan sa ginawa, sabay himas sa namamaga nang palad at sinulyapan ang matandang gising na pala, nakikinig lang sa usapan nila ni Vendrick.

Sumulyap din ito sa kanya.

"How are you?" usisa agad.

"Anak, sabi nina Manang Viola, bali daw ang pelvic bone mo?" Gusto niyang kumpirmahin dito.

Dahan-dahan uli siyang bumaba ng kama at isinuot ang naruong tsinelas saka lumapit sa matandang walang makikitang emosyon sa mukha.

"Apo na lang kita sa tuhod pero anak pa rin ang tawag mo sa'kin. Isn't is absurd, huh?" anito ngunit 'di nakatingin sa kanya.

Yumuko siya.

"Sensya na po, nasanay lang po akong gano'n ang tawag sa'yo," sagot niya.

Hindi ito sumagot, sa halip ay tinitigan na uli siya kahit nung mag-angat siya ng mukha.

"Alam ko na pong kamukha ako ng nanay niyo kaya nga po nanay ang tawag niyo sa'kin eh," nakangiti niyang saad nang mahulaan kung bakit ito nakatitig.

"Saang banda?" bara nito.

Namula tuloy siya. Hindi ba talaga siya kamukha ng ina nito o niloloko lang siya?

"Lo, hindi kayo galit sa'min ni Vendrick?" pakli niya, gustong alamin ang side nito.

Tumaas lang ang isang kilay ng matanda saka yumuko.

"The road is yet so long and unpredictable. Worry not about it," makahulugan nitong sambit.

Natural lang na wala siyang maunawaan duon pero tumango pa rin siya.

Saka naman biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang kanyang madam kasama ang guard na nagbabantay sa kanila. Nasa likod ng mga ito si Vendrick, tulak ang isang wheelchair.

Natameme siya. Hindi rin naman siya pinansin ng among babae. Dumiretso lang ito sa byenang lalaking tumingin na sa kawalan na tila walang nakikita.

"Gani, buhatin mo na si papa," utos nito sa guard.

Lumayo siya nang bahagya sa kanyang alaga, pagkuwa'y sinulyapan si Vendrick na umaalalay na sa guard para maibaba ang lolo nito sa kama at maiupo sa wheelchair.

*************

Pakiramdam niya, lahat ng mga mata ng mga katulong sa labas ng kusina at ng among lalaki ay sa kanya nakatuon lalo na nang makalapit sila sa elevator kung saan ito nakatayo.

Napakapit siya sa balikat ng alaga sa takot at payukong sumabay lang dito habang itinutulak ng guard sa wheelchair.

Buti na lang, tumabi sa kanya si Vendrick nang nasa loob na sila ng elevator at hinawakan ang kanyang kamay saka pinisil-pisil iyon na tila sinasabing, "Relax. 'Wag kang matakot." Kaya pinakalma niya ang sarili. Wala siyang dapat ikatakot. Sasagot siya pag kinakailangan.

Matagal na katahimikan hanggang sa makapasok na sila sa loob ng kwarto ng alaga.

"Gani, ikaw na ang bahala kay papa. Alam mo na ang gagawin sa kanya." Sa wakas ay nagsalita ang ama ni Vendrick.

"Opo Senyor," sagot ng guard at sinimulang buhatin ang matanda saka inilapag na uli sa kama nito.

Namumula ang mga matang tumingin ang senyor sa kanya at ewan kung bakit napasulyap din siya rito. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit agad din siyang yumuko at nanginginig ang mga tuhod na lumapit sa alaga, kunwari'y gusto niya itong kumutan.

"By the way. Aalis muna ako. Schedule ng therapy ni Karl ngayon, sasamahan ko muna," pakli ng madam, bumaling muna sa byenang lalaki at nagpaalam.

Walang reaksyon ang matanda sa sinabi nito.

Pagkaalis lang ng asawa, bigla siyang dinuro ng among lalaki.

Napakapit na naman siya sa braso ng alaga pagkakita lang sa lalaking nanggagalaiting palapit sa kanya.

"Pa! Pa!" habol ni Vendrick saka siya sinaklolohan at tumayo sa harapan niya.

Mangiyak-ngiyak siyang nagtago sa likuran nito habang nakayuko.

"You fool! Akala mo ba makakaligtas ang gagang 'yan sa'kin? Hah! Nagkakamali ka Vendrick!" hiyaw ng ginoo sa anak.

"Stop it! She's just a vunerable girl. Hit me instead. 'Yon naman ang ginagawa mo eh. Magaling kang manakit sa mga anak mo," malamig ang boses na sagot ng binata, nakipagtitigan sa amang nakarehistro sa mukha ang sobrang galit.

"You damn bastard!" sigaw nito saka sinuntok ang binata, napasubsob ito sa sahig.

Napasigaw siya sa takot, hindi agad nakakilos subalit nang makabawi'y agad na inalalayan itong tumayo.

"Vendrick, 'wag ka nang sumagot kasi," saway niya, garalgal na ang boses.

Hindi ito sumagot, matalim lang ang tingin sa ama saka parang balewala lang na tumayo, kinuberan pa rin siya nang susugurin na naman sila. Duon na umawat ang guard at kumuber din sa kanila.

"Tama na po, Senyor. Baka po makasama sa kalusugan ni Senyor Leo ang nakikita niya ngayon," awat ni Gani.

Nagtatagis ang bagang na bumaling ang ama sa anak maging sa kanya na bahagyang nakalabas ang ulo sa likuran ni Vendrick.

"You stupid bastard! To hell with you! Akala mo ba palalampasin ko ang ginawa mong kahihiyan sa pamilya natin? Gago ka! Nagawa mong ipagpalit ang kaisa-isang anak ng business tycoon sa isang hampaslupang mas masahol pa sa daga! Tarantado!" Sa salita na lang nito ibinuhos ang galit sa anak habang paulit-ulit nitong dinuduro ang binata.

Sasagot na naman sana si Vendrick nang yakapin niya ito sa likuran.

"Tama na, 'wag ka nang sumagot," umiiyak na niyang saway.

Buti na lang, nakinig ito. Hindi na nga sumagot hanggang sa makalabas ang huling panay pa rin ang mura sa galit.