webnovel

Jin (Chapter 72)

"DUDE, okay ka lang?"

Hindi namalayan ni Jin na napatulala na pala siya. Napaisip lang kasi siyang bigla na parang isinumpa nga yata siya kaya kahit saan pa magpunta may mga kapwa lalaki talagang mahuhumaling sa kanya.

"Okay lang. Hindi lang ako sanay sa mga katulad mo," sabi niya kapagkuwa'y sunod-sunod na hitit-buga ang ginawa sa hawak na sigarilyo.

Natawa si Roy. "So wala pang nakatikim sa 'yo na bakla o bisexual?" tanong nito.

"Wala," pagsisinungaling niya rito.

"Talaga, dude? Swerte ko pala."

Napatingin siya rito at hindi niya napigilan ang pagkunot ng noo sa sinabi nito.

"Joke lang, dude," natatawang sabi ni Roy. Sinuklay nito ang buhok gamit ang mga kamay at nakita ni Jin ang mabuhok nitong mga kilikili.

"Sayang ka, dude. Kung ako sa 'yo, ilalaan ko lang ang sarili ko sa mga babae," sabi niya.

"Gano'n? Mas cool nga ang ganito, e. I can taste both at puwede rin nila akong tikman," nagmamalaki pang turan ni Roy.

"Ah... ibig mong sabihin hindi lang din babae ang nakakatikim sa 'yo, pati mga bisexual at bakla rin?"

"Exactly! Sarap nga, e. Hindi ako nabo-bored sa sex. Iba-iba ang pakiramdam."

"Saan ka mas nasasarapan?"

"Hmmm... sa mga bakla. Mas masarap sila chumupa, e," natatawang tugon ni Roy.

Napangiti na lamang si Jin. Mukhang gumaan na ang loob niya para sa bagong kapitbahay nang mga sandaling iyon.

"Ah... hindi ba bisexual ka? Masubukan nga 'yang chupa ng mga bakla na sinasabi mo. May mga bakla ba rito?"

"Ang sakit naman, dude. Puwede namang ako na lang, e."

Natawa siya sa sinabi nito. "E, sabi mo kasi mas masarap ang bakla chumupa kaysa gaya mong bisexual."

"Magpapakabakla ako para sa 'yo," mabilis na tugon ni Roy.

Mas lalo siyang natawa sa sinabi nito. Pero sa isip niya noon, hinding-hindi niya talaga pagbibigyan si Roy o kahit na sinumang bakla sa lugar na 'yon na matikman siya.

"Yap!"

Napalingon si Jin kay Marian at parang tumalon ang puso niya sa sobrang saya. Patakbong lumapit ito sa kanya at niyakap siya nang buong higpit.

"Yap, I miss you..." malambing na sabi ni Marian.

"Miss na miss din kita, yap," tugon niya.

"Pasensiya ka na kung medyo natagalan ako, ang tagal kasing umalis ni daddy, e. Hindi agad ako nakalabas."

"Okay lang 'yon, yap. Naiintindihan ko."

Ipinikit niya ang mga mata. Iniisip niyang silang dalawa lamang ni Marian ang nasa paligid nang mga oras na 'yon.

"Ehem... Dude, I think I have to go."

Napakalas ang magkasintahan mula sa mahigpit na pagyayakapan.

"Hi..." bati ni Marian kay Roy.

"Hello... you look familiar to me. Hindi ko lang alam kung saan kita nakita," sabi ni Roy.

Napangiti lamang si Marian. "Baka dito mo lang ako nakita kasi may mga kaibigan ako rito saka paminsan-minsan bumisita ako sa bahay namin," sabi ni Marian.

Napatango-tango si Roy. Labas na labas ang mga dimples nito sa lapad ng pagkakangiti.

"Buti naman at may kakilala agad dito ang pinakamamahal ko."

Nagtinginan sina Roy at Jin. Nanahimik lang ang huli nang mga sandaling iyon.

"Ah... kasi ginamit ko ang taxi namin kanina then pumara siya kaya pinasakay ko na rin. One way lang naman kasi. Dito rin pala ang destinasyon niya. Diyan lang ako nakatira," sabi ni Roy sabay turo sa bahay nito.

"Buti naman para maaliw si Jin. Sana maging magkaibigan kayong dalawa," natutuwang sabi ni Marian.

Napabuntong-hininga si Jin. Sa isip niya, kung alam lang ni Marian na may ibang binabalak si Roy sa kanya.

"Oo nga, e. Sana nga maging kaibigan ko boyfriend mo."

Ngumiti lang si Jin. Ilang sandali lang ay siya na mismo ang nagpaalam na papasok na sila sa bahay kasi medyo mainit na rin sa labas no'n. Humirit pa si Roy at nagyayang makipag-inoman sa kanila kapag may panahon. Tumango na lamang siya pero sa isip niya noon, alam niya ang rason kung bakit gusto nitong makipag-inoman sa kanya.

Pagsara pa lang ng pintuan ng bahay ay kaagad na niyakap ni Jin nang mahigpit si Marian at siniil nang maalab na halik sa mga labi. Lumaban naman kaagad ang dalaga. Sabik na sabik sila sa isa't isa. Unti-unting nahubad ang mga saplot nila sa katawan. Isinandal ni Jin si Marian at kaagad na ipinasok ang naninigas niyang laman. Hinawakan niya ang magkabilang hita nito at mabilis na naglabas-masok sa basa nitong pagkababae. Kapwa sila naliligo sa pawis dahil patay pa ang aircon. Halos sabay nilang narating ang rurok ng kaligayahan sa posisyong iyon.

Pero hindi pa kontento si Jin at may sapat pang lakas ang kanyang pagkalalaki. Binuhat niya si Marian at inihiga sa sopa. Kaagad niya itong dinaganan at muling inangkin. Napuno ng mga ungol at halinghing nilang dalawa ang buong bahay.

"I love you so much, yap," humihingal na sabi ni Marian. Mahigpit ang yakap nito kay Jin.

Si Jin naman ay nakadagan pa rin sa malambot na katawan ng kasintahan. Matigas pa rin siya nang mga sandaling iyon pagkatapos nang pangalawang pagpapalabas kaya nanatili lamang siya sa loob nito.

"Mahal na mahal din kita, yap," tugon niya at siniil ito ng maapoy na halik sa mga labi. Muli rin siyang umindayog.

"Yap, kain muna tayo. Wala pa tayong agahan," natatawang sabi ni Marian.

"Ito na agahan natin araw-araw, yap," natatawang sabi ni Jin kapagkuwa'y mabilis na naglabas-masok sa pagkababae ni Marian.

Sa pangatlong pagkakataon ay narating nila ang langit.

Nang araw na iyon ay ginugol nila ang panahon sa pagtatalik. Pinuno nila ng pagmamahal ang kanilang bahay. Mag-uusap lamang sila saglit at mangangarap para sa bubuuhin nilang pamilya at muli na naman nilang pinagsasaluhan ang masarap na handog sa kanila ng tunay na pagibig.

Alas otso ng gabi nang magpaalam si Marian sa kanya na umuwi. Muli silang parang nauntog sa katotohanang hindi pa talaga puwedeng ilaan nila ang isa't isa na magkasama palagi. May mga hadlang pa sa kanilang pagmamahalan. Pero alam nilang balang araw ay magiging malaya na rin silang dalawa na parang mga ibong nakakalipad sa himpapawid kung kailan gugustuhin ng mga ito.

Kakasara pa lamang ni Jin ng gate nang biglang tinawag siya ni Roy.

"Jin, inoman muna tayo saglit. Pampatulog lang. Alam kong umuwi na ang kasintahan mo."

Kumunot ang kanyang noo. Naisip niyang baka naghihintay nga ito sa paglisan ni Marian.

"Antok na ako, dude. Sa susunod na lang," pagtanggi niya rito.

Kitang-kita niya kung paano naglakbay ang mga mata nito sa kanyang kabuuan. Tanging itim na boxer lamang ang kanyang suot nang mga sandaling iyon. Bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki sa harap. Napalunok si Roy na animo'y uhaw na uhaw.

"Ang ganda ng katawan mo, dude," papuri nitong nakatingin sa malapad niyang dibdib.

"Salamat, dude. Sige pasok na ako, ha. Enjoy sa pag-iinom," paalam niya rito.

"Ay... kahit saglit lang, dude," pamimilit nito.

Nakaramdam siya nang pagkainis. Alam niyang init na init na ito sa kanya.

"Sorry, dude. Pero wala na akong tamod sa ngayon. Inubos na ni Marian," mariin niyang sabi sabay talikod. Hindi na niya ininda pa ang mga sinasabi ni Roy at pumasok na sa bahay.