KINABUKASAN ay maagang nagising si Jin. Tumawag kasi si Marian at nagpahabiling pupunta roon sa bahay para ihatid ang mga groceries. Sa totoo lang ay mas lalo siyang nahiya kay Marian sa kanilang sitwasyon. Mukhang ito na rin ang bubuhay sa kanya pansamantala. Pero naisip niyang gagawa siya ng paraan para hindi siya maging pabigat sa kasintahan.
Bumangon siya at tumayo sa kama. Kaagad siyang naligo. Nag-iisip siya ng magandang gagawin sa araw na iyon. Nilibot muna niya ang buong bahay. Sa tingin niya ay hindi pa naman iyon kailangang linisin dahil malinis pa naman. Lumabas siya at sinuri ang paligid. Malinis din doon.
"Good morning, dude."
Napalingon siya sa may gate. Ang nakangiting si Roy ang tumambad sa kanyang mga mata. Medyo naasiwa siya dahil naka-boxer lang siya no'n. Gaya ng dati ay napuno na naman ng pagnanasa ang mga mata nito para sa kanya.
"Good morning din, dude," ganting-bati niya at ngumiti rin dito.
"Hindi mo ba ako papasukin sa mansion mo? May dala akong breakfast. Gusto ko sanang sumabay sa 'yo baka hindi ka pa nag-breakfast."
Noon lamang niya napansin ang hawak nitong tatlong tupperware. Sa totoo lang ay nagugutom na rin siya nang mga sandaling iyon.
Napabuntong-hininga siya at naglakad papunta sa gate. Kaagad niyang binuksan iyon. Nang magkaharap na sila ay pumikit si Roy at ang lalim nang hininga nito. Alam niyang inaamoy siya ng kapitbahay no'n. Napailing na lamang siyang tumalikod at naglakad.
"Pakisara ang gate," wika niya at pumasok na sa bahay. Dumiretso siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Kaagad siyang naupo sa mesa.
"Dude, where you at?"
Narinig niyang tawag ni Roy.
"Dito sa kusina!" pasigaw niyang tugon. Nag-umpisa siyang humigop ng kape.
Ilang sandali lang ay naroon na si Roy. Inilapag agad nito ang hawak na mga tupperware. Kanin, adobong manok at ham ang laman niyon. Mas lalo naman siyang nagutom.
Tumayo siya at kumuha ng dalawang plato, dalawang tinidor at dalawang kutsara. Sabay nga silang kumain. Habang kumakain sila ay kung anu-ano ang mga kwento ni Roy sa kanya. Natutuwa naman siya dahil hindi naman nito hinahaluan ng mga kabastusan. Madalas nitong mabanggit ang tungkol sa pumanaw nitong mga magulang na kasaling pumanaw sa isang airplane crush limang taon na ang nakalipas. Ramdam niya ang matinding kalungkutan nito. Napag-alaman niyang nag-iisa lang pala itong anak at tanging mga kasambahay na lang ang nagsisilbing pamilya.
"Sorry sa mga nawala sa 'yo, dude," sabi niya.
Ngumiti si Roy. "Okay lang. Natanggap ko na naman ang nangyari at alam kong palaging nasa tabi ko lang sila."
Natawa si Jin sa sinabi nito.
"Bakit, dude? What's funny?" nagtatakang tanong ni Roy.
"Sabi mo kasi palaging nasa tabi mo lang sila so ibig sabihin alam nilang chumuchupa ka sa kapwa mo lalaki."
Natawa na rin si Roy. "Oo nga 'no? Pero okay lang siguro sa kanila 'yon. Baka nga sila pa ang nagtutulak sa ulo ko, e. No wonder kaya kong i-deepthroat kahit mga eight inchess ang haba," sabi ni Roy at bumunghalit ng tawa.
"Loko-loko ka talaga," ang tanging nasabi ni Jin.
"Seriously, dude, gaano ba kahaba ang sa 'yo?"
Saglit siyang natahimik dahil sa katanungan nito. Nagtitigan sila. Halatang seryoso nga si Roy sa katanungan nito.
"Na-mention mo na kanina," sabi niya.
Kumunot ang noo ni Roy pero bigla ring nagliwanag ang mukha nang may maalala, "Eight inchess?"
Tumawa lang si Jin at hindi na tumugon.
"Puwede ko bang makita, dude?"
Muli siyang napatingin dito. "Sorry, dude. Pero para sa mga mata lang ito ng kasintahan ko."
Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Roy sa kanyang sinabi. "Ang swerte naman ng gf mo kung ganoon."
"Ikaw talaga. Mag-concentrate ka na lang kasi sa mga babae. Ano ba napapala mo diyan sa pagsa-sideline sa kapwa mo?"
"Enjoyment."
"Hindi ka takot magkasakit?"
"Safe sex naman ako palagi, e. Aware ako sa bagay na 'yan. At marunong ako kumilatis ng mga taong pinapatulan ko, 'no."
"Sure kang safe ako para sa 'yo?" seryoso niyang tanong.
"Oo naman. At saka kahit pa may AIDS ka, hindi talaga ako matatakot na tikman ka. Ang sarap mo, e."
Tumawa si Jin. Ginulo niya ang buhok ni Roy. "Ewan ko sa 'yo, dude. Basta ito lang ang masasabi ko, wala kang pag-asa kaya tigilan mo na 'yang libog mo para sa 'kin. Maging magkaibigan na lang tayo."
"Bakit hindi ba puwedeng magtikiman ang magkaibigan? Friends with benefits, 'ika nga."
Tumayo si Jin at dinala ang pinagkanan sa lababo. Kapagkuwa'y humarap siya kay Roy. "Dude, ang katawang ito, para lang kay Marian. Lalo na itong alaga ko," sabi niya sabay dakot ng pagkalalaki sa harap ng boxer.
Napalunok naman ng laway si Roy sa kanyang ginawi.
"Hindi puwedeng kahit isang beses lang, dude?"
"Sorry, dude, pero hindi talaga puwede." Nang mga sandaling iyon ay hindi alam ni Jin kung bakit tila nagigising ang kanyang alaga. Bago pa mapansin iyon ni Roy ay nagpaalam na siya rito. "Pakihugasan mo na lang ang mga 'yan, dude. Alam kong mayaman ka pero sa pamamahay na ito ako ang amo," natatawa niyang sabi at tuluyang lumabas ng kusina.
Dumiretso siya sa kwarto at kumuha ng damit. Kaagad niyang isinuot iyon. Hinubad niya ang boxer at nagsuot ng brief kapagkuwa'y nagsuot din ng maong na shorts. Sinadya niyang ganoon ang kanyang ayos para hindi masyadong lantad sa mga mata ni Roy ang kanyang katawan. Mas lalo lamang itong mag-iinit sa kanya kapag tanging boxer lang ang kasuotan. Nangako siyang kahit ano ang mangyayari ay hindi siya sasakay sa panunukso nito.
Hindi agad umuwi si Roy. Nakinood ito ng palabas na kanyang isinalang sa player. Isa iyong horror movie. Nasa sopa siya noon at nasa kalapit na upuan naman si Roy. Bandang kalagitnaan ng naturang palabas ay hindi na nakaya ni Roy ang matinding takot. Lumapit ito sa kanya at yumakap.
"Hmp... tsansing na 'yan, dude, ha," nakangiti niyang sabi.
"Hindi! Promise matatakutin talaga ako, dude. Hindi ko kayang manood ng mga ganyang uri ng palabas," pabebe namang sabi ni Roy.
Sumiksik pa ito sa bandang kilikili niya. Alam niyang inaamoy siya nito sa bahaging iyon. Hinayaan na lamang niya ito pero nang maramdaman niya ang pagpatong ng kamay nito sa kanyang kanang hita ay kaagad siyang tumayo.
"Mukhang libog na libog ka na sa akin, dude, ha," sabi niya.
"Huh? Hindi, 'no," pagkukunwari nito.
Napapailing na pinatay na lamang ni Jin ang palabas.
"Yosi na lang tayo. May dala ka ba riyan?" tanong niya.
"Wala, e. Bili na lang tayo sa labas, dude." Tumayo rin si Roy.
Lumabas nga sila at tinungo ang sinasabing kalapit na tindahan. Ang daming mga bakla na tumatawag sa kanilang dalawa. Gusto pang magpakilala kay Jin pero pansin niyang parang iniiwas siya ni Roy sa mga ito. Tawa nang tawa si Jin dahil inamin ni Roy na halos lahat ng mga bakla sa lugar na iyon ay nakachupa na rito.
"Ganyan ako kabait, dude. Bali gift ko na lang sa kanila ang gatas ko. May napapasaya na akong bakla, heaven pa ang kapalit 'di ba? Ang sarap kaya machupa."
"Ah... sige, gagayahin kita, dude. Gagawin kong gift sa kanila ang katas ko."
Parang nilamukos na papel ang mukha ni Roy sa kanyang sinabi.
"Oh, bakit, dude?"
Napaismid si Roy. "Mangako ka, dude. Kung hindi lang din ako, h'wag mong pagbigyan ang iba. Magseselos talaga ako, dude, kapag nangyari 'yon," seryoso nitong sabi.
Napabuntong-hininga si Jin. Naisip niyang mukhang mabilis na nahulog ang loob ni Roy sa kanya. Naguguluhan tuloy siya. Alam niyang mabait din naman si Roy pero ayaw niya talaga ang nais nitong mangyari.