webnovel

Kabanata isa

Tumingin ako sa harap ng isang apartment kung saan ay inilalabas nang dalawang lalaki yung mga gamit namin mula sa truck na inarkila ko papasok sa apartment ang magiging bagong bahay namin ni Ate Francine.

"Pakilagay na lang po dito sa tabi salamat po" sa wakas ay tapos na din kaming hakutin yung mga gamit namin dito sa bago naming tirahan ni Ate Francine, nagpasalamat ako kay Manong at nagbayad sa kanya tsaka siya umalis sinara ko na ang pinto ng aming bahay at bahagyang itinabi ang karton na may laman na mga gamit, kung tutuusin wala naman kaming masyadong gamit kaya hindi na ako nahirapang ayusin itong mga damit namin ni Ate, at ilang mga mahalagang kagamitan man lang lahat hinakot ko walang nagawa ang pagbubunganga ni Tiya kanina at hindi ko narin siya pinansin alam kong pambabastos ang hindi ko pagpansin sa mga sinasabi niya pero masyado lang akong focus sa pag-aayos ng mga gamit namin ni Ate, dahil sa wakas ay makakaalis narin kami ni Ate sa bahay nayun.

Nang maka-graduate ako ay agad akong nagtrabaho kinuha ko yung offer ng isa sa mga proffesor ko bilang isang office worker sa isang kompanya sa Makati. Kahit noong una ay nahirapan ako sa byahe dahil malayo ito mula sa bahay namin sa Bulacan, sa mga nakalipas na buwan ay kinaya ko at pinagbutihan ko ang pagtatrabaho at nag-ipon ako, sa limang buwan ko sa trabaho ay nakaipon din ako at ito na nga nakakuha na ako ng studio type na apartment dito sa Makati, malapit lang din sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko pwede nga lang siyang lakarin may dalawang kwarto ito may sala at kitchen at sakto saaming dalawa ni Ate, malaking magsweldo sa pinapasukan kong trabaho at may mga benepisyo rin at kahit papaano ay wala akong nagiging problema sa trabaho ko.

"Akira pakiramdam ko ay maganda ang bahay na nakuha mo hind kaya malaki ang babayaran mo dito." Nagaalalang turan ni Ate Francine, na nakaupo sa sofa lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

"Ate wag kang mag-alala ok kaya kong bayaran ito tsaka ini-advance ko nang bayaran yung tatlong buwan kasama na ang tubig at kuryente atsaka mabait ang may-ari ng bahay dahil may discount tayo dito." Napangiti narin siya sa huli nakapagtataka man dahil para nga saakin ay may kalakihan ang bahay na ito at masasabi kong nasa ligtas kaming lugar isa sa mga kaibigan ko at ka office worker ang nag-alok saakin sa lugar na ito kaya abot-abot ang pasasalamat ko sa kanya, pero nagtataka parin ako dahil mababa masyado ang babayaran kong upa dito bagay na pinagpapasalamat ko nang mabuti sa poong maykapal siguro ay blessing narin niya ito saamin ni Ate.

Nang gabing yun ay masaya kaming naghapunan ni Ate, kahit naman kasi bulag si Ate ay hindi siya nagiging pabigat dahil narin siguro sa lalong lumakas ang pakiramdam niya ay nakakakilos parin siya katulad ng normal  kinalimutan narin namin ang mga bagay na iniwan na namin sa dati naming bahay pero iyon parin ang lalong nagpapalakas saamin at magiging bahagi parin ng aming buhay.

"Ate! papasok na ako ha ikaw na bahala dito tatawag ako sayo mamaya sa tanghali." Hinalikan ko si Ate sa pisngi na ikinatawa niya lang.

"Ano kaba kahit papano ay nakakaaninag ako ng konti alam ko narin kung nasaan ang kusina, banyo, kwarto at sala at kung paano ko initin sa microwave ang tanghalian ko ok kayang kaya ko na dito" masayang turan ni Ate kaya napanatag ako.

Umalis na ako sa bahay at naglakad na pumasok sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko ng pumasok ako ay binati ko si Manong guard, sumaludo siya saakin at ngumiti.

Nasa Fifth floor ang opisina namin kaya sumakay na ako ng elevator bumabati din ang mga kapwa ko katrabaho kaya napaka ganda ng atmospera sa paligid lahat sila ay palangiti at palakaibigan kaya laking pasasalamat ko dahil nakapasok ako sa kumpanyang lahat ng tao ay mga palakaibigan at mababait.

Nakarating ako sa Duplex namin at pumunta sa lamesa ko saka ko inayos ang mga gamit ko at umupo, may umuusok na kape na ipinatong sa lamesa ko pag-angat ko ay si Shiela, na nakangiting nakatingin saakin.

"Good morning singkit kape para sayo libre ko" napatawa ako sa sinabi niya 'singkit' o kaya naman ay 'tisay' kung tawagin ako ng mga katrabaho ko dahil sa pagkakaroon ko ng dugong hapon ang aking Ama ay isang purong japanese na nakilala ni Mama ng magtrabaho daw ito sa Japan yun ang sabi saakin ni Tiyo noong bata pa ako wala akong alam sa totoo kong mga magulang ang alam ko lang ay namatay na ang aking ina sa panganganak saakin at wala silang alam kung sino ang totoo kong ama.

"Salamat Ate Shiela." Ngitinitian ko din siya saka umupo sa katabi kong lamesa, bahagya kong inamoy  ang mabango na umuusok na kape.

"Your wellcome! sabay tayo magtanghalian mamaya ha." Masaya niyang turan tumango ako sa kanya at nagsimula na kaming magtrabaho sa mga sumunod na oras ay naging maayos naman ang lahat tahimik ang lahat at abala sa kanya-kanya nilang trabaho ang mga kasamahan ko.

Pagsapit ng tanghalian ay tumawag ako kay Ate, gaya nang lagi kong ginagawa.

"Mahal na mahal mo talaga ang Ate mo hindi man lang yan magawa ng mga kapatid ko alam mo ba." Napangiti ako sa sinabi ni Shiela, alam ng lahat dito na may pinsan ako at hanga sila saakin dahil sa pagmamahal na ibinibigay ko kay Ate.

"Siya na lang ang nag-iisa kong pamilya kaya kahit papaano ay malaki ang pasasalamat ko na hindi siya kinuha saakin noon, kaya mahal na mahal ko si Ate." Hinawakan ako sa kamay ni Shiela ng mahigpit na parang maluluha pa kaya nginitian ko siya matamis.

"Maiba nga pala tayo tatlong araw mula ngayon ay darating si Mr.Monterio kaya lahat ay magiging mas abala nanaman may medyo pagkasungit yun kaya kailangan nating pagbutihan pa sa trabaho" napatango ako kay Shiela, at napaisip dahil sa halos mag-iisang taon na ako dito ay hindi ko pa nakikita ang may-ari ng kumpanyang ito, may mga naririnig lang ako tungkol sa kanya na istrikto nga ito pero fair naman siyang magsahod sa mga empleyado niya, namamalagi daw ito lagi sa Singapore, dahil nandoon ang pinaka kumpanya nila isa lang pala itong pinagtatrabahuan namin sa mga branch ng kumpanya kaya napakayaman nga ng may-ari nito.

"Ano ba itsura niya matanda na ba?" Pabulong ko kaya Shiela kaya natawa siya at umiling-iling.

"Hindi pa siya matanda kung makikita mo siya makalaglag panty dahil halos lahat ng kababaihan dito ay inaabangan ang kagwapuhan niya." Napaangat ako ng tingin so...bata pa pala ang big boss namin pero hindi ko binigyan ng pansin yung huling sinabi ni Shiela hindi na ako interesado doon kung sino man siya ay salamat sa kanya dahil malaki ang tulong saakin nang pinapasweldo niya.

Naglalakad na ako pauwi ng mapansin kong parang may nakatingin saakin tumingin tingin ako sa paligid pero wala naman akong makita kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, pero maya-maya pa ay may nabanga akong matigas na bagay kaya bahagya akong napaatras pero matutumba ako kaya napapikit ako at hinintay na bumagsak ako sa isang mainit na bagay ang biglang yumakap saakin at nang imulat ko ang mga mata ko ay isang pares ng bughaw na mga mata ang bumungad saakin at nakahawak sa baywang ko para hindi ako tuluyang matumba.

"Ayos ka lang Binibini?" Tanong niya ang husky ng boses niya yung tipong sexy sa pandinig mo tsaka medyo hindi tuwid ang tagalog niya. Binitiwan niya ako at bahagya kong kinalma ang sarili ko at pasimpleng hinawakan ang dibdib ko tsaka tumingin sa kanya nakatayo lang siya at naghihintay nang isasagot kaya bahagya akong tumikhim para kasing nagbara bigla ang lakamunan ko.

"I'm ok Mister thank you" sabi ko sa kanya bahagya siyang ngumiti kaya namula ako ang gwapo ng mamang ito parang artista. Bahagya siyang lumapit saakin kaya atomatiko akong napaatras pero patuloy lang siya sa paglapit 'ano ba problema nito?'. Umaatras ako pero lumalapit siya kaya tumigil ako kaya tumigil din siya.

"San..da...li Mister, ok na ako kaya aalis na ako" lakas loob kong turan sa kanya muli ko siyang tiningnan pero matiim parin siyang nakatingin saakin nakakunot ang noo niya.

"We finally meet so i want to know you more better than before." Malambing niyang turan kaya kinabahan ako sa sinabi niya kaya nagmamadali akong lumakad palampas sa kanya. Nang nasa distansya na ako ay muli ko siyang tiningnan kumabog ang dibdib ko nang malakas at itaas niya ang kamay niya pahiwatig nang pagpapaalam muli akong naglakad paalis sa lugar na iyon at tinahak ang daan pauwi.

*Zeref pov*

Napatingin ako nang biglang tumabi saakin si Dylan, na nakatingin kung saan lumakad paalis si Akira.

"Nagkatagpo din kayo Lord mukhang natakot siya sainyo" mababa niyang sabi kaya napabuntong hininga ako.

"Sasanayin ko siya kung ganon magkikita kami araw araw para hindi na siya makaramdam ng takot saakin" matagal ko na siyang gustong lapitan at ipakilala ang sarili ko ngunit hindi pa ito ang tamang oras, pero sa mga susunod na araw ay sisiguraduhin kong makikilala na niya ako na ako ang nagmamay ari sa kanya... 'hintayin mo ako prinsesa ko malapit na tayong magkasama...'