webnovel

CHAPTER 14: POINT OF VIEW

Blue's POV

Maagang nagsisimula ang araw ni Leanne, Yes Leanne yung ang gusto kong itawag sa kanya, bukod sa alam kong ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganun, mas magiging madali saken kung sakali man na tawagin ko sya alam kong sa akin sya lilingon at madali nyang malalaman na ako yun,

Di naman mahirap ang trabaho ko, siguro sa ngayon dahil wala pa naman akong nararamdaman na peligro sa buhay nya, pero saken meron, mukhang mapapasubo ako sa pag payag ko na bantayan ang taong to.

Dirediretso kaming pumasok sa opisina nya, hindi ko alam kung para saan ang pasilyo at bakit nilagpasan namen ang office table nya, tila na kami papasok sa isang secret room, Nagulat nalang ako ng makita ko ang isang king size bed sa gitna ng kwarto sa dulo ng pasilyo.

Hindi ko alam kung tama ba na bigla akong na excite sa nakita ko, Inaantok ba ko o gusto ko ng pahinga kaya tila natuwa ako ng makita ko ang kama? Pero hindi may mali, iba ang iniisip ko....

Tumigil ka Blue Jay.. Trabaho to.. Trabaho.. Wag kang haliparot.

Alam kong nakatitig sya sakin habang nakatayo lang ako sa pintuan ng kwarto, alam ko rin na may iniisip sya kalokohan base na rin sa pagkakangiti nya, pero tila ako natuod sa kinatatayuan ko, alam kong may mali, dapat sa mga oras na to may warning sign na na lumalabas sa utak ko, sa mga ganitong pagkakataon nasa gatilyo na sana ng isa sa mga baril ko ang daliri ko, Pero hindi, tila ako naenkanto sa lalakeng kaharap ko na unti unting lumalapit saken.

At nang tanungin sya kundi sya natatakot tila unti unti nang lumalabo ang isip nya sa antisipasyon kung ano ang susunod na gagawin nito. May mali talaga at alam ko yun pero di ko alam kung alin ang mali sa sitwasyon, dapat sa ganitong pagkakataon nakadepensa na ko, bakit tila hinahayaan ko lang sya na gawin ang gusto nya at parang gusto ko rin...

Bakit parang nanghinayang pa ko ng di na nya tinuloy ang balak gawin, nakita ko ang pag titig nya sa labi ko, nakakahiya man pero mejo assumera ko na lalapat ang labi nya saken.. tila lang ako tuod ng lumayo sya pero sa totoo lang napakapit ako ng wagas sa kahoy sa likuran ko, tila naging gelatin ang mga tuhod ko sa sobrang lapit nya kundi nakaalalay ang hamba ng pinto sa likuran ko malamang sa malamang natumba na ko.

Mabilis umusad ang oras, gusto nyang dumaan kami sa designer nya para daw sa gown ko na gagamitin sa dinner with the Wright, I refuse since I dont think its necessary, but he insist for the simple reason that he dont want them to have even a little hint na body guard nya ko. Since I dont want discussion on simple things that I could agree, Umoo nalang ako, at nakita ko ang amusement sa mukha nya sa dali ng pagsang ayon ko.

Meeting. Ramdam ko ang ilang pares ng mata na nakatingin saken, pero namumukod tangi ng nasa tabi ko, na hindi ko alam kung galit ba o ano ang nararamdaman.

Nalilibang ako na asikasuhin sya, iabot ang mga gamit nya, ulirang asawa award goes to me... O stage mother award.. Puede ring supportive girlfriend... Basta alam ko puede akong awardan sa pag aasikaso ko sa kanya. Bago pa ang meeting nag usap na kami ni Lowie na ako ang katabi ni Leanne, pumayag naman ang paminta at marami din daw syang aayusin na documents for the possible merge, nakiusap na rin sya na ako ang kumuha ng minutes ng meeting.Habang nasa meeting alam kong may mga matang nakatingin saken pero di rin nakaligtas saken ang isang pares ng mata na nakatitig sa katabi ko. Alam ko na kanina pa pinagmamasdan ng babaeng katabi ng isang investor si Leanne pero di ko mabasa ng maayos ang ekspresyon ng mukha nya, pero alam kong may mali.

Matapos ang meeting,kanya kanyang lapitan ang mga investor sa mga target partner nila para sa iba pa nilang proposal, Isang matanda ang lumapit sa amin para batiin si Leanne, narinig ko ang pagpapakilala nya sa anak nya na magiging kahalili nya para sa partnership, Hindi ko alam pero tila nakitaan ko ng galit ang mata ng mag ama, kaya nag iba ang ekspresyon ko, saktong paglingon saken ni Leanne at nakita ko kung paano nya dahan dahang binawi ang kamay na hawak ng babae.

Lumayo ako ng kaunti para mapag masdan ko ang galaw ng mag ama, nakita ko rin ang tila gustong pag sunod sa akin ni Leanne, pero dahil may mga ilan pang investor ang lumapit, nakuntento nalang muna sya sa paglingon saken.

Lumipas ang ilang minuto nakita ko na syang palapit habang kausap ko ang isa sa mga business man na kameeting nya kanina.Halatang interesado saken ang isang to base na rin sa paraan ng pagpapakilala nya.

Hi Im Luis Bien Salvador, you can call me Bien or Hon I wont mind. Sabay lahad ng kamay nya.

Napa ngiti ako ng banat nya, halatadong palikero sa paraan ng pag papakilala.

Hindi ko naman tinanggihan ang kamay nya. Im Jay, Mr. La Madrid's assistant.

Oh wala na ba si Lowie? That one is a very effecient assistant, but compare to you I think he's no match, base on my observation lalo na kung paano mo asikasuhin si Mr. La Madrid kanina, parang gusto kong maingit.

Napangiti ako sa sinabi nya, pag lingon ko nakita ko si Leanne na papalapit na tila susugod sa gyera.