webnovel

CHAPTER 15:SUIT AND GOWN

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko ng makita ko si Blue na kausap ang isa sa mga investor na kameeting ko kanina. Ang tamis ng ngiting ibinigay nya sa binata, malayo sa reaksyon na palagi kong natatanggap sa kanya na kundi pormal ay tila wala namang emosyon

Nakita ko ng lumingon sya saken, nakita ko ang biglang pagbago ng reaksyon nya, mula sa magandang ngiti nya kanina ay bigla na naman itong naging pormal ng makita ako, agad itong nagpaalam sa kausap at lumapit sa akin, Tahimik ko lang syang sinulyapan at nag patuloy na sa pag lakad, di ko mawari bakit tila nayayamot ako sa reaksyon nya ng makita ako. Ang hirap bang ngumiti pag kaharap ako?.

Boses ni Blue ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Sir our next stop is at the designer's botique.

Napakunot naman ang noo ko ng mapalingon ako sa kanya. Hindi na sya nag antay na magtanong ako dahil mukhang alam na nya ang dahilan ng pag bago ng expression ko.

They request us to be early since as per Lowie it takes times for the gown to be fitted, mas mahabang oras daw ang kaylangan nila para sa gown compare sa suit mo. Mahabang paliwanag nya saken.

Just make them sure that my time will worth it. Bulong ko nalang sa sarili ko.

Are you saying something sir?

Nothing, lets call Lowie I need to get something from the office and one more thing Blue. Stop calling me "Sir".

Then how do you want me to call you then, because I think its very inappropiate to call you by your first name in front of your business collegues, I can call you by your name when we're alone.Mahabang paliwanag ni Blue.

Napakamot nalang ako ng kilay habang naiiling sa sinabi nya. Babae nga naman, wala lang syang emosyon pero madaldal parin.

Hinayaan ko nalang sya sa gusto nyang gawin, Ang pakilala ko sa kanya executive ko sya para di sya masyadong mapaginteresan ng mga kasosyo ko.

Good afternoon Sir and Madam this way please. Pag pasok palang ng botique isang crew na ang nagaabang sa labas, ang ipinagtataka ng dalaga nakapaskil ang Close sa labas ng pinto ng stablishment.

We have your request ready and as your provided preference we choose suit that will also compliment with madam's gown.

Mahabang paliwanag ng team leader ng kanyang designer. Sabay senyas sa ibang crew na ilabas ang mga damit.

Limang pares ng suit and gown ang nasa harapan nila ngayon, Alam ni Blue na mayaman ang binata pero di nya alam na kaylangan pa nito ng designer para lang sa isang dinner event. Kaya naman bahagya syang nagulat na di lang simpleng designer's botique ang pinuntahan nila, at mukhang sadyang pinasara ito ng binata.

Boses ng binata ang nakapag palingon kay Blue,

You have to choose, which color you prefer? Or do you want to, fit them one by one? Sunod sunod na tanong ni Ryle sa dalaga.

Bahagyang nanlaki ang mata nya sa sinabi ng binata,

Isa isang ififit ano ko model? Bodyguard ako, baka lang nakakalimutan mo. Apela ni Blue sa isip nya. Ngunit iba ang lumabas sa bibig nya.

Can I eliminate the other three I just want to fit the blue and the black one.

Ang tatlong style na pinaalis nya ay masyadong magagarbo ang itsura at kulay bukod sa alam nyang magiging pansinin sya sa red gown na sobrang baloon, mahihirapan syang kumilos sakali mang may mangyari, ang dilaw naman masyadong mahaba ang slit makikita ang lalagyan nya ng baril sa hita kung magkataon, ang old rose naman, sadyang di nya lang trip ang kulay at design na kulang nalang habulin sya ng paru paro sa dami ng bulaklak na burloloy.

Royal blue and black ang naiwan sa mga pag pipiliin ni Blue,

Can I fit them now?paalam nya sa binata.

Go ahead, please assist her. Turan naman ng binata sa isa sa mga crew.

No thanks I can manage, sabay hila sa trolley papasok sa fitting room, tinanggihan nya ang mag aassist dahil gusto nyang makita ang itsura at maikamada ng maayos ang armas nya kung suot nya ang gown.

Una nyang sinukat ang blue na may mga crystal simple lang ang cut ng gown na ankle lenght ang haba, naiayos naman nya ang mga gamit nya pero ng iangat nya ang palda medyo matagal bago nya nahugot ang baril nya. Dahil sa haba at bigat ng tela.

Sa labas naman ay tila naiinip na ni Ryle,

Bakit ang tagal naman mag sukat nun, sabay silip sa relo, halos fifteen minutes na sya. Saktong angat ng mukha nya ang pag labas ng dalaga na bitbit ulit ang trolley at nakasabit na ulit ang gown. Kaya di nya maiwasang taasan ito ng kilay.

Masyadong mabigat, simpleng sagot ng dalaga sa tanong sa mukha ni Ryle.

Ill try this one. Habang hila nya na ang trolley pabalik ng fitting room.

Black with the touch of royal blue ang gown, above the knee ang haba kaya litaw ang halos kalahati ng kaliwang hita nya, with small cystal sa mga edge na nag pamukha lalong elegante sa damit may kaunting ruffles sa gilid na na dedetached kung gugustuhin. Astig na prinsesa ang itsura na damit that suit with Blue's character. Desidido na sya ito talaga ang para sa kanya. Lumabas sya na suot ang gown para ipakita sa designer, ngunit sa paglabas nya ng pinto, mata ng binata ang nakasalubong nya na kasalukuyang inaayos ang suit na katerno ang kulay ng suot nyang gown.

Kitang kita ang paghanga sa mga mata nito ng makita ang suot na gown ng dalaga. She looks like a princess.No.shes a queen pagtatama ni Ryle sa unang naisip ng makita nya ang dalaga na suot ang gown na akala mo'y sadyang ginawa para sa kanya, hapit ang design na gown sa parteng balakang kayat kitang kita ang kurba ng katawan nito, ang ruffles sa dulo ng gown ang nag sisilbing pampalambot sa character ng may suot, pero makikita mo parin ang pagiging dominante ng mag susuot.

Im willing to be dominated my queen, bulong ni Ryle sa sarili.

Si Blue naman ay bahagyang nagulat sa nakitang suot ng binata, tila ito katerno ng gown na suot nya, sa kulay at may isang tila piraso ng ruffles na nakadesign sa dibdib ng suit na sinusukat ni Ryle.

That one suit's you. You look like a queen.di mapigilang compliment ni Ryle.

Sayo din bagay sayo yung kulay ng suit mo. Simpleng tugon ng dalaga. Sabay yuko na tila tinitignan ang gown na suot, ngunit makikita mo na sadyang itinatago nya lang ang hiya dahil sa nakita nyang terno ang susuotin nila.

Napaangat naman ang mukha ng dalaga ng iabot sa kanya ng crew ang isang mascara na may mga swarovski at feather. Hindi nya maiwasang magulat ng makita ang mascara. It remind her of herself as Lady Bria sa isang mission nila. Nang lingunin nya ang binata nag susukat din ito ng mask na teterno sa suot na suit.