webnovel

Laugh Then Love

Eri, who's only thinking about her sister and Jules who's only thinking about hmmmm, specifically nothing. A funny story of a boy who's full of pride and a branded nerd (otaku) girl who both entered a deal and caught themselves falling inlove with each other. Yes, it is their story but, are they meant for each other? *Otaku - a person who is so much addicted to anime and manga. Literally means nerd in Japan ❣️ Just Edited Cover, credits to the owner ❣️

MsGreenErie · Adolescente
Classificações insuficientes
8 Chs

For Her Sake

# Chapter Six

Shit! Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko. Hindi ko napansin na marami pa lang tao.

Nakita kong namula ang mukha nung babae.

"Yes!Yes!" excited na sabi niya.

Shit! Nandito rin pala sila Karl at Justin. Lumapit sila sa akin. Tawa sila nang tawa.

Naririnig ko ang hiyawan ng mga tao.

"Ihhhhh! The prince finally got a girlfriend. I'm jealous" Sabi nung isang babaeng nanonood.

Lumapit sa akin si Karl.

"Nice catch dude" sabi niya sabay tawa.

Yari talaga sa akin ang Nerdy na 'yon kapag nakawala ako sa trip niya.

*Eri's POV*

Boring. Nandito lang ako sa hallway ng 5th floor malapit sa tapat ng room. Nakapangalumbaba. Absent kasi ang prof namin kaya wala kaming klase sa period na 'to.

Nakatingin lang ako sa bench sa baba. Nakita ko si Jules. Aba, mag-isa siya.

Kumakain siya. May babae sa gilid sa tapat ng upuan niya. Sumusulyap-sulyap yung babae kay Jules. Type ata siya. Samantalang busy naman ang mokong na malalim ang iniisip. Siguro nag-iisip na siya ng paraan para magawa ang gusto ko. Hahaha. Buti nga.

Aba,maganda yung babaeng katabi niya ah.

Ah,siya yung beauty queen ng school namin. Pero hindi man lang siya pinapansin ng lalaking 'yon. Walang appreciation. Nagpapapansin na nga yung babae e. Sama talaga.

Nagulat na lang ako nang lapitan ni Jules yung babae at kinuha ang isang kamay nito.

"Would you be my girlfriend?" tanong ni Jules sa babae. Namula naman yung mukha ng babae.

Halata mo naman si Jules na hiyang-hiya sa ginawa niya.

Hahahaha.Hindi ko napigilang tumawa. Nakakatawa yung ginawa niya. Bagay lang sayo 'yan. Good luck sa bago mong buhay hahahaha.

Pumasok na ako sa loob ng room namin. Habang yung mga taong nananonood naman ay nagtitilian.

Jusko,ano 'to? Lovestory?

Bago umuwi ay dumaan muna ako sa bakery malapit sa school namin. Bibilhan ko si Risa ng paborito niyang ensaymada. Masarap ang mga tinapay rito e.

"Ate,pabili po ng tatlong ensaymada." iniabot ko ang bayad at hinintay yung tinapay na binili ko.

Dami kong binili noh? Matakaw kasi yung si Risa. Pero sexy pa rin. Kainggit minsan hahaha.

Pagtalikod ko para umalis na,nagulat ako.

"Ay butiki!" si Jules nasa likod ko pala.

"Mukha ba akong butiki?!" sabi niya.

"Teka anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Naglalakad na ako nang mabilis papalayo sa kanya na para bang hindi ko siya kasabay pero sinusundan pa rin niya ako.

"Nagawa ko na ang sinabi mo. Alam na ng buong campus na may girlfriend ako. Ano nang gagawin ko?" sabi niya. Nasa harap ko na siya. Hinarangan niya ang dinadaanan ko.

"Just be it. Tuloy niyo lang ang relasyon niyo" sabi ko habang nakangiti nang plastic sa kanya.

"Huh?! Tapos na ang pinagagawa mo. Bakit pa ako makikipagrelasyon don?"

"Shunga ka ba? Anong gusto mo? Hiwalayan mo na agad? Kaka-on niyo pa lang ah. I want you to have a girlfriend for the meantime. Ipakita mo sa maraming tao na mahal mo siya kahit kunwari lang. Don't worry kapag satisfied na ako,pwede mo na siyang hiwalayan"

"Kailan ka pa masasa-satisfied?!"

"Don't worry madali lang akong makuntento." sabi ko sabay tawa.

Naglakad na ako sa harap niya. Uuwi na ako. Baka mabangungot na naman ako ng lalaking 'to kapag matagal kong nakita ang mukha niya. Baka malasin na naman ako.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin.

"Teka. Kailangan kong maging sweet sa kanya? Paano? Hindi ko alam" tanong niya sa akin.

Natawa ako sa sinabi niya.

"Bakit? Huwag mong sabihing hindi ka pa nagkaka-girlfriend?" pang-aasar ko sa kanya.

"A-a-and so?" nauutal na sabi niya.

Tumawa lang ako.

"Ang mayabang na katulad mo?! Wala pang naging girlfriend? So virgin ka pa?" sabi ko sabay tawa.

Tinulak niya ako at isinandal sa pader. Itinaas niya ang dalawa kong kamay at ini-lock sa pader. Inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Gusto mo bang ngayon hindi na?! Pwede namang ikaw ang mauna sa akin" sabi niya sabay ngisi.

Sinipa ko ang tuhod niya. Bwisit talaga 'to. Manyak pa.

"In your dreams!" sabi ko habang nakataray.

"Aray! tsk. Akala mo naman papatulan kita" sabi niya sa akin habang nakahawak sa tuhod niya.

Naglalakad na ako papalayo. Naba-bad mood na naman ako sa lalaking 'to.

"Wait" tawag niya sa akin.

"Please. I'm dead serious. Tulungan mo ako kung papaano um-act bilang boyfriend. Ayaw kong magmukhang tanga. At ayaw kong kulitin ako ng babaeng 'yon" sabi niya. Nilingon ko siya. Mukha siyang kawawang devil.

"Let's see. Ayaw ko kasing naiistorbo e. Bye,bye" kaway ko sa kanya at naglakad na papalayo. Buti naman at hindi na niya ako sinundan.

*Risa's POV*

Nabalitaan ko. May girlfriend na ang ultimate crush ko. Wahhhhh! Gusto kong umiyak ngayon sa room na 'to. Kaso magmu-mukha akong tanga. Alam kong hindi kami,pero masakit. Matagal ko na siyang pinapangarap e.

Umuwi ako nang bahay. Maaga pa. Wala pa si Eri.

Dumiretso ako sa kwarto ko. Iyak ako nang iyak. Hindi ko kaya. Nadurog ang puso ko. OA na kung OA pero ayun ang totoo.

Bakit iba pa? Akala ko okay na kami ni Jules kasi medyo kinakausap na niya ako. 'Yon pala may pinopormahan na pala siya. Kaya pala hindi siya nakikipag-close sa iba pati sa akin. Waahhhhh!

Iyak lang ako nang iyak. Hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto.

"Risa?!" gulat na tanong sa akin ni Eri.

*Eri's POV*

"Risa?!" nagulat ako nang makita ko si Risa. Humarap siya sa akin. Iyak siya nang iyak.

"Sis!!! Wahhhh! Hindi ko kaya. May girlfriend na ang crush ko" iyak siya nang iyak.

Ah okay. Alam na niya. Sorry sis. Para sayo 'to. Don't worry,sandali lang 'to. Makakalimutan mo rin ang lalaking 'yon. Kailangan kitang ilayo sa kanya. Kung hindi baka paglaruan ka lang niya.

Niyakap ko lang siya. Hayaan mo Risa. Tutulungan kitang maka-move on. Hindi ka deserve ng mokong na 'yon.

Maya-maya.

Tulog na si Risa. Namumugto ang mga mata niya. Siguro sobrang sakit ng nararamdaman niya. Pero sis,para sayo itong ginagawa ko.

Maya-maya ay nag-vibrate ang phone ko. May tumatawag,unknown number.

Hinayaan ko lang. Hindi ko sasagutin. Hindi ko naman kilala e. Tsaka gabi na. Hindi ko rin siya ma-e-entertain.

Huminto na ang pag-vibrate.

Papikit na ako nang bigla na namang umugong ang phone ko.

Tsk. Ang kulit. Sino na naman 'to?

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at kinuha ko ang phone ko. Buti at tulog na si Risa.

Pumunta ako sa veranda.

"Hello?" pabulong kong sagot.

"Is this Nerdy?" tanong nung lalaki sa kabilang line. Nerdy? Teka hindi kaya.....

"Jules?!" tanong ko. Tsk.

-----------------------

❤️❤️❤️❤️❤️