webnovel

Laugh Then Love

Eri, who's only thinking about her sister and Jules who's only thinking about hmmmm, specifically nothing. A funny story of a boy who's full of pride and a branded nerd (otaku) girl who both entered a deal and caught themselves falling inlove with each other. Yes, it is their story but, are they meant for each other? *Otaku - a person who is so much addicted to anime and manga. Literally means nerd in Japan ❣️ Just Edited Cover, credits to the owner ❣️

MsGreenErie · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Find Me A Girlfriend

# Chapter Five

*Jule's POV*

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.

Dito muna ako sa bench kumain. Hindi ko kasama si Karl at Justin. Gusto ko munang mapag-isa.

Nakita kong may babaeng nakaupo roon. Pero umupo na rin ako sa kabilang dulo. Malaki naman ang space.

Pamilyar yung babae. Pero hindi ko maalala. Gusto ko sanang palayasin don kaso wala ako sa mood mang-bully.

Nagulat ako na lumapit sa akin yung babae.

"Jules?!" tanong sa akin nung babae.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala hah?!"

Tumawa siya nang malakas.

"Eri. Hindi mo ako maalala?" Lumapit pa siya nang kaunti sa akin at pinapakita ang mukha niya.

Tiningnan ko lang siya nang nagtataka.

"Ah oo nga pala,hindi mo alam ang pangalan ko. Too bad,kung namatay pala ako,hindi mo man lang mababanggit ang pangalan ko sa mga dasal mo" sabi niya habang tumatawa.

Baliw ba 'to? Teka?! Namatay? So siya si.....

"Nerdy?!" gulat na tanong ko.

"Yes! Ako nga. Hay,hindi mo man lang naalala ang itsura ko. Kinakalimutan ba talaga agad kapag nagawan ng kasalanan?" tawa pa rin siya nang tawa. Baliw na ata. Sabagay,baka nabagok, nadamay pati utak.

Pero oo nga noh. Hindi ko siya nakilala. Iba kasi ang ayos niya ngayon. Wala siyang salamin. Naka-contact lens siya at iba ang hairstyle niya. Hindi na siya nakatali,nakalugay na medyo wavy. Hmmm. Well,panget pa rin naman siya.

"Buhay ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Ouch naman! Hinihiling mo ba na mamatay na ako? E ikaw ,bakit malaya ka pa?" mapang-asar na tanong niya.

Tsk. Ipapakulong ata ako nito e.

"Kung iniisip mong ipapakulong kita,nagkakamali ka. Hindi ako ganoon kasamang tao katulad mo noh. Tutal,buhay naman ako. Masaya na ako" sabi niya.

"So okay na tayo? Wala na akong atraso sayo?"

"Yes. Pero siyempre,dahil buhay ko ang muntik nang mawala dahil sa ginawa mo. Hindi lang basta ganun 'yon" sabi niya nang nakangisi.

Ang gulo ng babaeng 'to. Sabi niya okay na kami. Tapos ngayon may gusto pa ata siyang hingin.

"Sige, I will pay you"

"Anong tingin mo sa buhay ko? Nabibili ng pera? Well,hindi kita ipapakulong sa isang kondisyon"

"Ano? Sige gagawin ko" para lang matahimik na ang konsensya ko.

"You should find a girlfriend within tomorrow" pabulong niyang sabi sabay ngisi.

*Eri's POV*

"You should find a girlfriend within tomorrow" pabulong kong sabi sabay ngisi. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"What the fuck?!" sabi niya.

Tinawanan ko lang siya.

"Are you fucking serious?!" tanong niya na gulat ang mukha.

"Yes" sabi ko sabay subo ng kinakain ko.

"You should find a girlfriend na maganda,matalino at sexy tulad nito" ipinakita ko ang picture ng kapatid ko. "Pero hindi siya ang dapat mong maging girlfriend" pagpapatuloy ko.

"Teka nga,anong trip mo? Nasiraan ka na rin ba ng utak?" tanong niya.

"Siguro. Pero tandaan mo pwede kitang ipakulong kapag hindi mo ginawa ang sinabi ko."

"Bakit 'yan ang kondisyon na gusto mo?"

Nilapitan ko siya at tinakpan ng isang daliri ko ang bibig niya na para bang pinatatahimik siya.

"Sshhhh. Just do what I want. Remember, nasa tamang edad ka na para makulong. At kahit na bayaran mo pa ang pinakamagaling na abogado sa buong mundo,sisiguraduhin ko pa rin na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa akin" kinuha ko ang hospital records ko sa bag ko.

"And ito ang records ko sa hospital kaya kahit anong pagtatakip mo sa kasalanan mo,pwede kitang i-involve dahil may record ako at hawak ko ang sirang salamin ko na may footprints mo" sabi ko sabay tawa.

Nakita ko ang reaction niya. Gulat na gulat. Gusto ko nang matawa dahil sa paniwalang-paniwala siya sa akin. Hah! Akala mo ha. Witty ata 'to. Hindi ka makakatakas sa trip ko. Since alam ko ang kahinaan mo,paglalaruan muna kita gaya ng ginawa mo sa akin. Hahaha. Medyo mabait pa nga ako niyan e. Ang dali lang ng kondisyon ko.

Hindi siya makaimik. Nadadala na siya sa pang-aasar ko.

"Teka Miss Nerdy. Kahit ano huwag lang 'to. Ayaw ko ng babae sa buhay ko" sabi niya na nagmamakaawa.

Umiling-iling ako.

"Not my problem. Remember,within tomorrow, a sexy, beautiful and smart woman. Dapat ipakilala mo sa buong campus. And remember, hindi ang babaeng pinakita ko sa picture"

Lumapit ako sa kanya at ipinakita ko ang ID ko.

"And Eri. Tandaan mo 'yan. I am your worst enemy" sabi ko sabay talikod.

Umalis na ako nang nakangisi. Makakaganti rin ako. At maililigtas ko pa ang kapatid ko.

*Flashback*

Okay na ako. Papasok na ako mamaya. Pero si Risa hindi pa.

May tatlong oras pa ako para makapagpahinga bago pumasok.

Kinausap ko muna si Risa pati na rin si Mama about sa lagay ko. Gusto kong gumaan ang pakiramdam nila dahil alam kong nag-aalala sila.

Nandito ako ngayon sa kwarto. Nakaupo at nag-aayos ng gamit. Humarap ako sa salamin. Okay na ang paningin ko. Malinaw na. Pero wala akong salamin. Binilhan ako ni Risa ng contact lens bilang alternative since mahal magpagawa ng salamin. Next time na kapag kumita na ako. Buti na lang talaga at may sobra pa sa ibinigay sa amin ng nakabangga sa akin. Mabait ang lalaki na 'yon hindi tulad ni Jules.

Pumasok si Risa sa kwarto ko.

"Sure kang kaya mo nang pumasok sis?" tanong sa akin ni Risa.

"Oo kaya ko na"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang buhok ko. Inaayos niya ito at sinusuklay.

"Ayan,mas bagay sayo ang nakalugay. Pati ang contact lens mo bagay na bagay sayo. See, maganda ka kapag nag-aayos" sabi niya sabay ngiti.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Oo nga noh. Iba ang itsura ko ngayon. Mas maayos at mas maganda. Mas nagmukha akong babae. Hihihihi.

Malapit na ako sa school. Kagabi ko pa iniisip kung anong gagawin ko. Since nakita ko na ang tunay na ugali ng mokong na 'yon,kailangan ko talagang gumawa ng paraan para mailayo ang loob ni Risa sa lalaking 'yon. Kasi hindi malabong magustuhan din siya ni Jules. She's an ideal girl.

Naisip ko na kapag nalaman ni Risa na may girlfriend na si Jules,hindi na siya aasa o lalapit rito. Ganoon din si Jules. Gagawin ko ang lahat para mailayo ang kapatid ko sa mokong na 'yon.

Since ako ang may advantage rito dahil sa ginawa niya sa akin ako ang masusunod. Hahahaha. Alam ko na ang gagawin ko.

*Currently*

*Jules POV*

Baliw ba yung babaeng 'yon? Anong trip niya sa buhay?! Pinaglalaruan niya ako. Alam niya ang kahinaan ko. Tsk.

"Karl! Look for a sexy, beautiful and smart woman, for me. Now" utos ko kay Karl.

Tumawa sila nang malakas ni Justin.

"'Pre? Anong nainom mo?" sabay tawa ni Karl.

Hindi ko pwedeng sabihing utos 'to sa akin ni Nerdy. Kundi lalo akong pagtatawanan ng mga 'to.

"I-i-i- just want to be serious now" sabi ko na lang.

Tumatawa pa rin sila.

"'Pre,malakas na ang tama mo." lumapit sa akin si Karl at bumulong. "Minulto ka ba?"

Oo nga pala,hindi alam ni Justin ang nangyari.

"Gago!" sabi ko na lang.

"'Pre kaya mo 'yan" sabi ni Karl sabay layo. Umalis na silang dalawa. Aba,iniwan ako sa ere.

Tsk. Saan naman ako hahanap ng babaeng sinasabi ng Nerdy na 'yon? Marami namang may gusto sa akin pero hindi katulad ng sinasabi niya.

Umupo ako sa bench. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakainis ang babaeng 'yon. She's making fun of me. Pero sige,sasakay ako sa trip niya. Ngayon lang naman 'to. Gagawa ako ng paraan.

Nandito ako ngayon malapit sa park. Nagpapahinga habang nag-iisip.

May nakita akong babae sa gilid na nakaupo malapit sa bench na inuupuan ko.

Teka pamilyar siya ah.

Ah alam ko na, siya yung babaeng sikat na palaging nananalo sa mga beauty contest sa school namin.

Tiningnan ko siya. Maganda naman siya,sexy at siguro matalino naman kasi nananalo sa contest e.

Mag-isa lang siya. Nakatingin siya sa akin.

Alam ko 'to. Type ako nito. Tingin pa lang e. Sigurado hindi 'to tatanggi.

Pwede na 'to.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang isang kamay niya. Nakita kong nagulat siya.

"Would you be my girlfriend?" tanong ko sa kanya.

----------------------

❤️❤️❤️❤️❤️