webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Fantasia
Classificações insuficientes
340 Chs

Prince of Darkness

WALA SA SARILING binagsak ni Lexine ang gym bag sa sahig at tinapon ang sarili sa malambot na kama. Pinikit niya ang mga mata. Hindi maalis sa isipan niya ang mga nangyari. Nabuo ulit ang mga luha sa kanyang mata. She feels so lost. She doesn't know what to do. Everything feels like a bad dream, and no matter how hard she tries to wake up, she can't escape this endless nightmare.

Natagpuan na lang niya ang sariling tinatawagan ang numero ni Ansell. Matapos ang pangatlong ring ay sumagot ito. "Hey, Lexi, `sup? Napatawag ka?"

Kinagat niya ang labi upang pigilan ang nagbabadyang iyak pero may makulit na hikbi pa rin ang kumawala roon at hindi `yun nakaligtas sa pandinig nito.

"Are you crying? What happened?"

Tuluyan na siyang bumigay at napahagulgol. "Ansell, please come here, please, I need you badly."

"What's happening to you? You're scaring me, where are you?"

"Home."

"Just wait for me, okay? I'm coming there."

Hindi na niya nabilang kung gaano siya katagal na nakahiga lang sa kama habang nakatulala sa kisame. Nagulat na lang siya nang dumating na ang inaantay. Halos hingal na hingal si Ansell nang pumasok sa kanyang kwarto. Naabutan siya nito sa gano'ng posisyon.

"My God, Lexi!" Agad itong lumapit sa kanya.

Nang sandaling nasilayan ni Lexine ang mukha ng best friend sa kanyang harapan ay agad niya itong sinunggaban ng mahigpit na yakap. Akala niya naubos na lahat ng tubig niya sa mata pero nagkamali siya.

"I'm here. It's okay, it's okay, I'm here." Malumanay ang paghagod ng mga kamay ni Ansell sa kanyang likuran. Sa wakas at nakaramdam si Lexine ng kapayapaan.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. Ilang oras lang siyang umiyak nang umiyak. Hindi rin siya kinulit ng binata na magkwento kung bakit at lihim niya `yun na ipinagpasalamat. Hindi nagtagal at nakatulog siya sa mga bisig nito.

***

MALAKAS ang ihip ng hangin at umaalingasaw ang matamis na halimuyak ng mga bulaklak sa kapaligiran ng malawak na kapatagan. Naalala ni Lexine kung nasaan siya: sa paraiso sa kanyang panaginip.

Isang piraso ng puting balahibo ang lumipad sa kanyang harapan. Sinundan niya `yon hanggang sa dinala siya nito sa gitna ng malawak na kagubatan. Napahinto siya nang matanaw ang bulto ng isang lalaki na nakaharap sa dambuhalang puno. Ito ang lalaki sa kanyang panaginip noong isang gabi.

"Sino ka ba talaga? Bakit `di ka magpakilala sa `kin?"

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingala sa malaking puno. `Di napigilan ni Lexine na muling mamangha nang makita uli ang nagliliwanag at kulay gintong mga dahon ng naturang puno. Nakabibighani sa sobrang ganda. Napakahiwaga talaga ng lugar na ito. Nasaan ba talaga siya at sino ang lalaking ito?

"Nagbalik na siya, Alexine," saad ng binata.

"Sinung nagbalik?"

"Ang nilalang na sumagip sa `yo mula sa kamatayan ay ang prinsipe na nagmula sa kadiliman... ang Tagasundo."

Tagasundo? Tumayo ang mga balahibo niya sa sinabi nito. Ngayon niya lang naalala ang tungkol kay Night. Ito na marahil ang dati pa nito sinasabi sa kanyang magbabalik. Siyang tunay nga ang mga babala ng misteryosong lalaki. Subalit, paano nito nalaman ang tungkol doon?

"Si Night ba ang sinasabi mo?"

"Oo, Alexine, siya nga at wala ng iba. Ang makapangyarihang nilalang na nagsusundo at naghahatid sa mga kaluluwa patungo sa kabilang buhay."

Panay ang pag-iling niya. Humakbang siya paatras."No! I'd never let that happen! Hindi niya `ko pwedeng kunin!"

"Makapangyarihan siya. Ano ang laban mo sa kanya?"

Natigilan siya at nanlulumong lumuhod sa damuhan. "Hindi pwede," aniya nang paulit-ulit. Tinakpan niya ang kanyang mukha at tuluyang humagulgol. "Hindi ako papayag... hindi pwede."

Huminto ang nakapaak nitong mga paa sa kanyang harapan. "Huwag kang mabahala, Alexine. Narito ako upang protektahan ka laban sa kanya."

Unti-unting tumingala si Lexine ngunit tanging nakasisilaw na sinag ng araw at anino lang ng mukha nito ang kanyang nakita.

Hey yah! I would like to express my gratitude to you guys for making it possible to reach this novel into 22,000 reads in just two weeks!! I’m so happy please continue on voting! Please also post your REVIEW it would really help this novel to get recognize. Support Support Pinoy Writers too! Maraming Salamat po!!!!

Because of that! Here’s a mass release for everyone!! Enjooooy!

PS: What can you say about the new cover??? Yay or Nyay?

AnjGeecreators' thoughts