webnovel

God King Heaven Dragon

Editor: LiberReverieGroup

Dahil naramdaman niya ang makapangyarihang Metal Law, nalaman agad ni Zhao Feng na masama ang sitwasyon.

Ang taong nasa harapan niya ay higit na mas malakas sa inaakala niya.

Takbo!

Nang hindi na nagsasalita pa, pinadaloy na ni Zhao Feng ang kaniyan Spacetime Law at biglang naglaho.

"Aalis ka?"

Matamlay na ngumiti ang kulay gintong matanda at siya'y naging isang guhit ng gintong liwanag nang sumunod siya kay Zhao Feng.

"Napakabilis!"

Nagulat si Zhao Feng dahil naramdaman niyang mayroong isang makapangyarihang enerhiyang papalapit nang papalapit sa kaniya.

Nararamdaman niya na ang matandang ito ay hindi lamang batikan sa Metal Law, subalit pati na rin sa Light Law.

Ang dalawang mga Laws ay nagbibigay ng napakalaking karagdagang bilis.

Kasabay pa nito ang katotohanan na mayroong mas mataas na cultivation level ang gintong matanda kaya't siya'y higit na mas mabilis kay Zhao Feng.

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com