webnovel

Joey, Lorence and Miguel

[Under Revision and still on going] "Kung hindi ba sya nangako, pwede pa maging tayo?"- Lorence

Dhalia_Piandiong · Adolescente
Classificações insuficientes
7 Chs

Five

#Wasted

Lorence POV

MAAGA akong gumising ng malaman ko na dito uli magrereview sa bahay sina Joey. Lagi nilang ginagawa yun. Gusto ko syang makasabay sa pag-rereview. Kahit hindi literal, basta alam ko lang na andito sya sa bahay namin. Kahit na nasa magka-iba kaming kwarto. Kahit hindi ko sya makita o ako makita nya, basta maririnig ko lang ang boses nya. Ayos na ako doon.

Matagal ko na syang gusto pero, Wala e. Wala na akong nagawa, gusto nya si Miguel. Gusto nila ang isa't-isa.

Ang tanging pinanghahawakan ko nalang, ay hindi pa sila. Pwede pa ako. May pagkakataon pa. May pagkakataon pa akong mapalitan iyong posisyon ni Miguel kay Joey. Pero Kung hindi ko man yun magawa, edi wala. Hindi kami para ni Joey. Baka sila talaga, dahil gustong-gusto nila ang isa't-isa. Hahanap nalang ako ng iba, kung yun man ang mangyayari. Ang sabi naman ng tatay ko, maganda akong lalaki.

Pero syempre hanggat wala pa si Miguel, at habang may pagkakataon pa ako, dapat ko ng subukan yung mga bagay na dapat matagal ko ng ginawa.

Dati Wala akong pakialam sa itsura at pananamit ko. Naniniwala ako ng buong-buo sa sinabi ng tatay kong maganda akong lalaki e. Pero habang tumatagal, nag dedemand ng pagbabago yung mga taong nasa paligid ko na akala mo naman perpekto na sila.

Siguro nga kaya hindi ako nagustuhan ni Joey. Mas gusto kasi ni Joey yung lalaking may maayos na buhok. Yung bang parang laging may pormal na okasyong pupuntahan, tulad ni Miguel. Gusto ni Joey yung seryoso at tahimik na lalaki, tulad ni Miguel. Gusto ni Joey yung matalino at masipag tulad ni Miguel, na hindi ko maintindihan sa kanya,ganun din naman ako e!

"Lorence!" ito na naman. Umagang umagang sigaw. Ano na naman ba ang nagawa kong hindi maganda?!

Dali-dali kong sinilip si mama mula sa bintana.

"Sila Kiko at Juaquin an..."

bago pa nya matapos ang sasabihin ay sya namang biglang pagbukas ng pinto ko.

"Lorence"

Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutang may usapan kaming tatlo na dito din sila mag-rereview.

Pagkakita sa akin ni Juaquin ay agad syang natawa. May nakakatawa ba? siraulo 'to ah!

"Bakit?" imbis na sagutin ako ay tuloy tuloy lang sya sa pagpasok at humiga pa sa higaan ko.

"pfft" pagpipigil ng tawa ni Kiko.

Bakit ko pa ba pinapunta ang dalawang 'to?!

"Kailan mo pa ginaya si Miguel?" Bakit? Si Miguel lang ba ang may karapatang manamit at mag-ayos ng ganito? tsk.

"May lakad ka?" Tanong ni Kiko. "Akala ko ba mag-rereview tayo?"

"Mag rereview nga. Nag-ayos lang ako. Para sa pagbabago" Para mapansin ni Joey.

Gusto kong maniwala sila sa sinabi ko, pero ang mga loko tumawa lang. Alin doon ang nakakatawa? Normal lang naman sa tao ang pagbabago.

"Tsk. Pagbabago"

"Lorence! Bumaba ka nga muna" Kahit ayokong lumabas ay napilitan ako dahil sa lakas ng boses ni mama. Baka mamaya isipin ni Joey sakit ako sa ulo ni mama.

Gusto ko sanang tumalon mula dito sa may kwarto ko pababa sa kusina para lang hindi madaanan ang bukas na kwarto ni Mari kaso baka lalo lang lumakas ang sigaw nung nasa baba.

"Anne turuan mo na ako sa Math" Ani Joey.

Matagal na nyang problema ang math, Elementary palang kami.

"Lorence! aba e dalian mo, bakit ba ang tagal mo?"

Kahit na nagdadalawang isip akong dumaan sa harap ng kwarto ng kapatid ko ay ginawa ko nalang. Agad nalang akong tumakbo. Nakakahiya baka pagtawanan din ako ni Joey kapag makita nya ako.

Pero ayos naman 'tong suot ko ah.

Pagkababa ko ay hindi kaagad nagsalita si mama. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa.

"may lakad ka?"

"Wala po" tipid kong sagot. Sa tuwing aalis lang ba dapat mag-ayos?

Umiling-iling sya at nilingon ang pagkaing nasa plato.

Wow. Awtomatik na napaawang ang bibig ko. Minsan lang gumawa si mama ng salukara. Hindi okasyong pagkain ang salukara pero tuwing may okasyon lang gumagawa nito si mama. Ano bang meron ngayon?

"Dalhin mo ito sa kwarto ni Mari. Wag mong babawasan. Bilang ko yan" hindi ba ako anak?

Tsk. Edi wag. At least makakakain si Joey.

"Oh pagkain nyo" agad kong ibinaba yung plato sa mesa ni Mari.

Kitang-kita ko mula sa peripheral view ko yung paglingon sa akin ni Joey. Mukhang seryosong seryoso sya sa ginagawa nya dahil nakadikit pa ang dulo ng panulat nito sa papel na nasa harap nya.

Hindi ko nagustuhan ang naging reaksyon ng kapatid ko at ni Anne kaya agad akong umalis. tsk. Palibhasa kasi saka lang nag-aayos sa tuwing aalis. Pakiramdam ko tuloy mali 'tong ginawa ko.

Mali nga ba?

***

LINGGO na ngayon, at kahit na puyat na puyat sa pag-rereview ay pinilit ko pa ding gumising ng maaga. Akala ko kasi babalik sila Joey dito para magreview. Kaso hindi.

Akala ko nga nung una ay tahimik lang silang nag rereview sa kwarto ni Mari kaso umabot na ng tanghali ay tahimik pa din sila. E hindi naman pala sila pumunta. Nainis siguro kay Juaquin at Kiko.

"Ninang, si Joey po?"

Nang malaman kong magpapahatid ng ulam si mama kila Joey ngayong gabi, inako ko kaagad. Hindi ko alam kung bakit. Dahil gusto ko syang makita? Basta mabilis pa ako sa alas kwatro nung inako ko ito kahit si Mari ang inutusan.

"nasa taas iho, nag aaral sa kwarto nya. Bakit? may kailangan ka? tatawagin ko"

agad akong umiling.

"Ah hindi po. Akala ko po kasi nasa bahay sila kanina. May itatanong po sana ako tungkol dun sa isa naming subject. Hindi ko po kasi maintindihan" pagpapalusot ko.

"nako ganun ba? gusto mo bang pababain ko sya? Sandali lang ha?"

Lagot.

Akma ng tatalikod si ninang ng kaagad kong kinuha yung lagayan ng ulam na hawak hawak nya.

"Nako hindi na po. Hehe. Sa kapatid ko nalang po itatanong" biglang nagsalubong ang mga kilay ni ninang. Iniisip nya sigurong 'buti naisip mo'. E may kapatid naman akong kaklase namin.

"O sige" alangan nyang sagot.

Ngumiti nalang ako pabalik at saka umalis.

Bakit naman kasi yun ang nasabi ko.

Agad agad akong umuwi at umakyat sa kwarto. Mamaya nalang siguro ako kakain? o dun nalang ako kakain? o hindi na siguro? Panonoorin ko nalang si Joey.

Magkakalapit lang kami ng bahay. At, tanaw ko mula sa bintana ng kwarto ko ang kanya. At dahil dun, kaya ako nagka-gusto sa kanya, dahil sa mga nakita ko mula dito sa bintana. Habang tumatagal gusto ko syang nakikita mula dito. Hindi ko alam kung paano nag-umpisa. Nangyari nalang. Nangyari nalang yung bawat araw, gusto ko syang makita mula sa bintana bago nya ito isara.

Nakikita ko mula dito yung mga simple nyang tawa at inis, at sobrang ganda nya. Kitang kita ko din mula dito kung gaano sya kasaya sa tuwing umuuwi sya matapos silang mag-usap ni Miguel. Nakita ko mula dito kung gaano sya kasaya nung nalaman nyang pareho pala sila ng nararamdaman ni Miguel.

Pero matapos kong makita ang mga yun, gusto ko nalang syang makitang mag-aral. Yun lang. Pasimpleng silip. Akala ko kasi hindi na kami pwede tapos kaibigan ko pa si Miguel. Pero ngayong umalis na si Miguel, nagbago na isip ko.

Pwede pa pala.

"kuya? anong tinitingnan mo dyan?... si Joey?!"

Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa biglang pag-upo ni Mari sa tabi ko.

"anong pinagsasabi mo?"

"sinisilipan mo ba sya?!" agad nyang tinakpan ang bibig nya kaya naman bahagya ko syang binatukan.

"Aray!"

Pag-iisipan pa ako ng masama.

______________

Note: Salukara- is a type of rice pancake of the Waray people in Samar, Philippines. It is a variant of the more common bibingka rice cake and uses the same ingredients of rice flour, coconut milk, sugar, and water. Pero minsan hinahaluan sya ng tuba.