7 Six

#Wasted Throwback 1.1

Lorence POV

Two months ago.

"Dito na tayo. Malilim dito e" Ani Kiko.

"Oo nga pare. Kakaunti lang naman ang kalat. Mapagtitiyagaan na natin" Ani Juaquin na abalang abala sa pamumulot ng basurang malapit sa amin.

"Okay sige" tugon ni Miguel.

Umupo na silang tatlo kaya umupo na din ako. Ano pa nga ba ang magagawa namin e tama naman si Kiko at Juaquin. Kanina pa kami paikot ikot sa kabilang baybaying ito ng Barangay namin pero kahit saang lingon namin ay may kalat. Kung hindi mga dahon ng puno ay mga plastic naman na pinaglagyan ng pagkain at diaper ng bata ang makikita mula sa ibabaw ng puting buhangin.

Maganda sana ang lugar naming ito, kaso sinasayang lang ng pamahalaan namin at ng mga taong nakatira malapit. Hindi pinagtutuunan ng pansin. Malinaw pa naman ang tubig dagat.

"Uy" agad kong nilingon ang kung sino man ang tumapik sa akin. Si Kiko pala.

"anong iniisip mo?" natawa sya. "ha? at naka ganyan ka pa?"

Itinuro nito ang tuwid at magkapatong kong mga paa.

"Wala" tipid kong sagot at saka na umayos ng upo.

"woooooo! ano pang inaantay nyo dyan, maligo na tayo!" agad naman akong napapikit dahil sa mga butil ng tubig na tumama sa mukha ko. Lintik Juaquin!

Agad namang tumayo at tumakbo papunta sa kanya si Miguel habang naghuhubad pa ng damit.

"Tara na?" tanong ko kay Kiko at tumayo na. Mukhang wala syang balak. Nakatingin lang sya doon sa dalawang nagtatawanan.

Bago pa sya tumayo ay agad ko ng naramdaman ang pagdampi ng tubig dagat sa balat ko dahil sa sunod-sunod na saboy nung dalawa.

"Ganyanan pala ha?!" Sigaw ko at lalo pa nilang binilisan ang paghahampas sa tubig.

Kaagad na tumayo si Kiko kaya tumakbo na din ako.

"Humanda kayo!" sigaw ko.

Imbis na ipagpatuloy nila ang paghahampas sa tubig papunta sa direksyon ko ay agad na lumangoy palayo si Juaquin, alam nyang sya ang uunahin ko, at iniwang mag-isa si Miguel na patuloy lang sa pagbabasa sa akin.

"okay sige pagbibigyan kita Miguel! araw mo ngayon!" Sambit ko habang lumalakad palapit sa kanya habang nakatalikod.

***

"Naaalala nyo din ba yung pumunta tayo dito nung nasa Grade 5 palang tayo? HAHAHA. hinila ka ng nanay mo nun pauwi habang pinapalo! HAHAHA" tawang tawa habang nakaturo si Miguel kay Juaquin.

Napaka pasaway kasi talaga nitong isang 'to. Naaalala ko noon na nung araw na yun ay hapon tapos tumakas lang kami sa mga bahay namin at pumunta dito. Mas malinis pa ang itsura ng baybayin noon.

Bakasyon noon at madami ang mga dikya sa dagat. Kalat na kalat noon ang iba't-ibang uri at laki ng mga dikya sa kung saan-saan.

Tapos habang nagkakatuwaan kami sa tubig, biglang sumigaw si Juaquin noon. Tapos sinabing nangangati na daw yung hita nya. Tapos pagtingin namin sa ilalim ay sobrang dami na pala ng mga dikyang nakapalibot sa amin. Hindi pa namin alam noon ang gagawin sa mga ganung pangyayari kaya tinawag ko yung nanay nya. Akala ko tutulungan nya kami! pero bigla syang pumulot ng pamalo sa tabi tabi at agad yung hinampas sa paa ni Juaquin tapos hinila yung kabilang tenga. Napatayo pa noon sa sakit si Juaquin.

"Tsk. Kayo ang may kasalanan nun e"

"Sya nga pala, kailan ang alis nyo Miguel?" pag-iiba ni Kiko.

Aalis na papuntang Maynila ang pamilya nina Miguel. At, Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Paano na si Joey? e matagal na sya nung gusto.

"Pagkatapos daw ng fiesta e"

"Kailan kayo babalik?" tanong ko.

"Hindi ko pa alam e. baka tuwing bakasyon"

Ito na kaya yung oportunidad na inaantay ko para masabi ko kay Joey na gusto ko sya? Maging possible na kaya yung mga bagay na naiisip ko, kapag umalis na si Miguel?

"Anong gusto mong gawin?" napakunot noo kami sa tanong ni Kiko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yung mga bagay na gusto mong gawin dito bago kayo umalis"

"Pinapatay mo na ata ako e!" Hinampas nya ang babang parte ng ulo ni Kiko.

"Ano ba? seryoso yun!"

Kahit hindi dapat, ay nakaramdam ako ng kaba. Ano nga ba ang gusto nyang gawin?

Biglang natahimik si Miguel.

"Hindi ko alam e. Pero may gusto akong makausap. Naduduwag nga lang ako"

Kahit walang kasiguraduhan ay agad na nanukso si Juaquin. Babae kaya ang tinutukoy nya?

"Babae ba yan, ha pare?" ani Juaquin.

"Wala ka na dun" kahit na hindi direktang sagot yun, halatang babae ang ibig nyang sabihin dahil sa ngiting sumilip sa labi nya.

"Si Erica yan ano?"

Sa pagkakataong ito, hindi sya sumagot. Dali-dali syang tumayo at nagpalit ng damit.

"Bakit?" tanong ko.

"Tumayo na kayo, bumalik na tayo. May kailangan akong kausapin"

Ayaw pa sana naming umalis dahil napakaganda ng oras na ito para magbabad sa ganitong lugar, kaso wala kaming nagawa dahil isa-isa nya kaming pinaalis at itinulak palayo doon sa itinakas nyang panglatag mula sa mama nya.

"Panira ka naman e" pagrereklamo ni Juaquin.

Hindi na nagsalita si Miguel at nag-umpisa ng maglakad kaya sumunod na din kami. Kaso bigla syang tumakbo.

Hindi naman gaanong malayo ang mga bahay namin mula roon sa baybayin kaya kaagad naming natanaw si Miguel. Lalo pa kasi nyang binilisan ang pagtakbo kaya hindi na namin sya naabutan.

Kausap nya si Joey.

Kitang kita ko mula dito yung magandang ngiti ni Joey.

Kailan ko kaya sya mapapangiti ng ganyan?

"Ayos lang yan"

Ano bang pinag-uusapan nila?

Hindi ko alam kung alin ba ang dapat kong pagtuunan ng pansin, ang bantayan ba ang bawat ngiti at kilos ni Miguel at Joey o ang suntukin ba si Juaquin sa pang-aasar.

Susuntukin ko palang sana si Juaquin ng mapansin kong wala na pala sila sa likuran ko. Nag si-uwian na ata.

Ayokong maiwang mag-isa sa kalsada habang pinapanood ko sila kaya umuwi na din ako at umakyat sa kwarto.

"Ang saya nya" bulong ko sa sarili ng makita ang pagpasok ni Joey sa kwarto nito at nagtatatalon. Ano bang mayroon kay Miguel at ganyan ang energy na binibigay nya kay Joey? Kahit simpleng kilos lang nya ay napapangiti na nya si Joey. Ano pa kaya na nag-usap uli sila ni Miguel kanina. Pareho lang naman kaming lalaki. Gwapo sya. Gwapo din ako. Anong pinagkaiba namin?

Huli na kaya ang lahat? bakit kasi ganyan ang reaksyon nya? Hindi naman yan ang normal nyang saya kapag nakaka-usap si Miguel e.

Huling-huli na nga ba?

Pero baka naman hindi pa. Baka naman mali lang ako ng iniisip. Kasi unang-una hindi ko naman narinig yung pinag-usapan nila. Saka imposible namang magka-gusto si Miguel kay Joey, kung tama man ang iniisip ko.

Sabihin ko nalang kaya sa kanya ang totoo? yung nararamdaman ko.

Pero baka naman lalo syang lumayo sa akin. Baka hindi na sya pumunta dito sa bahay. Baka mag-iba ang pakikitungo nya sakin. Baka.. baka masira ko iyang maganda nyang mood.

Naiinis at nagseselos ako sa tuwing nakikita ko syang napapangiti ni Miguel ng walang kahirap-hirap. Pero mas gusto ko syang makitang nakangiti, dahil sobrang ganda nya.

Gusto ko ding maging rason ng pag ngiti nya! pero ayoko namang isang araw, iiwas at maiilang nalang sya sa akin dahil umamin ako.

Kikimkimin ko nalang ba 'tong nararamdaman ko?

avataravatar