"Hindi ako Bakla!" isinigaw ko habang nasa kalagitnaan nang maingay na classroom.
"Oh? Kalma pre. Tinatanong lang namin kasi ngayon lang kami nagkaroon ng kaklaseng may pangalang Gay." paliwanag ni Gabriel.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at kung ano ang pumasok sa utak ko at isinigaw ang mga salitang iyon. Tinapik ni Althea ang aking likuran at may ibinulong sa aking tainga.
"Tumingin ka sa kanila." bulong niya. Tumingala ako at lumantad sa akin ang mga mukhang nakangiti mula sa mga kaklase ko.
"Nice to meet you Gay." sabay-sabay nilang sinabi. Bumalik sa akin lahat ng ala-ala ko noong ako'y bata pa. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon bumabalik ang mga ala-ala ko, ang alam ko lang ay sobrang saya ng nararamdaman ko dahil sa wakas, sa first day of school, naramdaman kong tanggap kaagad ako ng mga kaklase ko.
"Nice to meet you too." masaya kong isinagot sa kanilang lahat. Kaming lahat ay nagngitian. Kakambal ng ngiting iyon ay ang mga tawanan matapos naming mapagtanto na napaka-awkward nang sitwasiyon namin na iyon.
"Pero, ba't nga ba Gay? Ayaw mo ba ng Marcus?" Tinanong ni Ashley sa akin.
"Hindi naman sa ayaw ko nang Marcus. Nakasanayan ko na lang na tawagin akong Gay. Hindi naman ako naiilang eh" Paliwanag ko. Mahaba-haba pa ang mga naging daloy ng aming usapan. Ilang minuto pa ang lumipas na puro tawanan.
Hindi ko lubusang inisip na sa first day ko, ay maraming tao kaagad ang tatanggap sa akin. Marahil nga mapaglaro ang tadhana.
Natapos ang unang araw ng klase. Sa wakas, uwian na, ang pinaka-aantay nang lahat ng estudyante sa paaralan. Walang assignment. Walang project, pawang pamamahinga lamang ang magagawa namin sa bahay.
Naglalakad ako kasama ang dalawa kong mga kaibigan. Habang naglalakad pauwi ay tinapik ako nang kambal at may ibinulong sa akin. Para silang mga konsensya ko, ang kaso lang, parehas silang demonyo.
"Gay, may mangyayari sayo simula bukas." Ibinulong sa akin ni Carl. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya. Natameme ako dahil ano? What do you mean bitch? Napakunot ang aking noo.
"Basta magready ka ah." sinabi ng kakambal niya, si Althea at sabay binigyan ako ng matalim na tingin at mapagsuspetsiyang tingin.
"Ano bang nangyayari sa inyo? Hindi naman kayo ganito dati ah? Aaahhhh!" pang-gagambala nito sa isipan ko.
"Dapat ba akong magdala nang baril?" Pabiro kong itinanong sa kanila. Kaagad naman akong tumawa matapos iyon. Huminto silang parehas at medyo nauna ako ng mga ilang hakbang. Napatigil ako at tinalikod silang dalawa. Nagulat ako sa tingin na ibinigay nila sa akin. Shit? Am I going to die now?
"Oo." sabay na isinagot nang dalawa.
"• • •" awkward. Puro katahimikan lamang ang nangyari matapos iyon. Ilang sandali pa ay nagsimulang tumawa ang dalawa. Halos mamatay silang dalawa kakatawa. Tangina nang kambal na to ah.
"Kung nakita mo lang iyong itsura mo. HAHAHAHAHAHA" pang-aasar sa akinni Carl.
"Grabe, HAHAHAHAHA" Tawa naman ni Althea. Hayop 'tong kambal na 'to. Tumalikod ako at sinabi ang mga katagang "Bahala kayo diyan" at naglakad nang mabilis. Malayo-layo rin ang inabot ko ng bigla akong mapatigil at marinig ang solid 5-minutes... LOL. Solid 5 seconds na pag-ubo ni Althea. Kaagad akong napabalik sa kanilang dalawa.
"Oh? Anong nangyari?" nagaalala kong tinanong sa kanilang dalawa. Muling napa-ubo si Althea. Alam kong may mali, hindi iyon ang ubo nang naubusan lang ng hininga kakatawa. Ang ubo niya ay parang may mali sa lungs niya? Oo, alam naming pareho ni Carl na may mali sa pagiisip niya, pero sa ibang organ niya? Di ko sure.
"Wa... wala ito. Naubo lang ako kakatawa." matapos ang kaniyang pagubo ay sinabi niya ito sa akin at binigyan ako nang maamong ngiti.
"Pero pramis, maghanda ka bukas, magbabago buhay mo for sure." muling ibinalik ni Carl ang topic na ito. Ngumisi na lamang ako at tumango na lamang. Inakbayan ko silang dalawa at nagpatuloy na kaming maglakad.
Ako ang unang humiwalay ng landas. Malamang, kambal sila, siyempre ay nasa iisang bahay lamang sila. Ang bahay nila ay medyo malayo sa aking bahay. Oo, mayaman sila, bakit hindi sila nagkokotse? Itinanong ko na rin iyan sa kanila. Noong una ay sinagot nila na...
"May trabaho kasi si Papa sa Manila. Si Mama naman palaging inaasikaso yung company. Ayaw naman nilang maghire ng driver at baka daw maaksidente kami..."
Pero alam kong hindi iyon ang dahilan. Nagaral mag-drive si Carl at napakarami nilang kotse. Para sakin, kaya hindi sila nagkokotse ay upang samahan akong maglakad. Ang assuming ko naman 'no? Pero iyon ang pakiramdam ko eh.
"Ma! Nandito na ako!" pagbati ko pagpasok ko nang pinto. Walang sumagot sa akin, kaya't hinanap ko si Mama. Pinasok ko ang kaniyang kuwarto nakita siyang nakahiga at tulog. Nilapitan ko siya at hinalikan ang kaniyang noo.
"I love you ma. Salamat sa lahat." Lumabas ako at isinara ang pintuan.
Malapit na ring mag alas-6 kaya't napagdesisyunan kong maghanda na nang hapunan. Nagbihis ako at kaagad na bumaba upang tignan kung ano ang maaari kong iluto.
Binuksan ko ang Ref. Mayroong dalawang itlog at ang kaning lamig na naiwan kaninang umaga, marahil ay hindi naman ako nakapag-almusal. 'Bat ko ba kailangang sabihin sa inyo?
May luncheon meat din sa may cabinet. Napag-isipan kong isangag ang kanin at i-sunny-side-up ang dalawang itlog at iprito ang luncheon meat.
Pinihit ko ang kalan. And guess what, wala kaming gas.
"Wtf? Pano ako maghahanda ng hapunan? Paano? Hindi ako mabubuhay nang walang hapunan! Gutom na ko! Paano na kami ni mama? Kung hindi ako maghahapunan ay hindi ako makakatulog! Hindi ako makakapasok! Paano na?!" isinisigaw ko habang ako'y nagpapakabaliw sa kusina.
"Hoy Marcus Gay Aguirre! Napaka-OA mo! bilisan mo at magbihis ka na riyan, aalis tayo pupunta tayo sa malapit na kainan diyan dahil wala tayong Gas." sinita ako ni mama sa kalagitnaan nang pagwawala ko sa kusina. Ngumiti ako at tumakbo papalapit sa kaniya at saka siya binigyan nang mainit na yakap.
"I love you ma!" paglalambing ko sa nanay ko.
Kaagad akong umakyat sa aking kuwarto upang magbihis. Isinuot ko ang paboritong damit na ipasuot sa akin ni mama. Kahit na alam kong hindi ito angkop sa edad ko. Ito ay isang paraan para sa ipadama kay mama na mahal na mahal ko siya. Isasanatabi ko ang reputasyon ko para kay mama.
Bumaba ako at sabay na inakbayan si mama. Umalis kami ni mama at pumunta sa pinaka malapit na kainan. Gaya nang dati, nagaasaran kami ni Mama habang kumakain. Punong-puno nang tawanan at kuwentuhan ang hapag naming dalawa. Matapos naming kumain ay umuwi din kami kaagad.