Hindi ako si Gay. Sinasabi ko na at baka ma-misinterpret ninyo ako. Ako, ako si Carl Vincent Trinidad, kaibigan ni Gay. At oo, ako ang nanalong President ng 4th Year-Class A.
"Class A! Makinig!" isinigaw ko sa kalagitnaan ng maingay na klase. Kaagad namang tumahimik ang aking mga kaklase. Lahat sila ay nagtinginan sa akin habang ako ay nasa harapan ng classroom.
"Mamaya ay kailangan nating magbayad ng 50 pesos para sa class fund. Initial payment lang iyon kaya later on this year, baka magbayad parin tayo, pero yung mga bayad na 'yon ay piso-piso nalang naman..." paliwanag ko sa klase. Hindi ko naman talaga inaasahang magiging President ako, so it's not my fault if tingin nila ay bida-bida ako. I'm not Jollibee by the way.
"Kay Althea at Gay tayo magbabayad bukas. So make sure na may matitirang 50 sa mga pera ninyo since this is required." sinabi ko, tipikal na walang nakilinig sa akin, of course, hindi kami magkakakilala. There are only few students na nakikinig, yung talagang tahimik at may natitira pang hiya sa katawan nila.
"Fuck off!" isinigaw ko sa klase. tumahimik ang lahat. I thought na dahil sa mura ko iyon, pero nasa gilid na pala ng classroom namin si Sir. And yes, he heard my curse word.
I still wear that mean face since I don't care at all kung mapapagalitan ako. Why? We're now Seniors, cursing is just a natural thing.
"Sit down" sinabi ni sir. No other words than that. Kaagad akong umupo sa upuan ko dahil hindi ko naman gustong tanggalin ang pagiging magalang ko. Tumabi ako sa mga kaibigan ko.
"Ang boring nang klase natin. Baka naman may puwede kang gawin bukas..." Suspiciously, binulong sa akin ng kakambal kong si Althea. She gave that evil smile na lagi niyang ginagawa pag may gusto siyang ipagawa sa akin.
"Ano na namang gusto mo?" I asked her. No answer, just that evil smile.
I just Ignored it and focuses in the class, but there's still a part of me na nabobother about sa sinabi niya. Lumipas ang buong araw. Like the normal days, puro kami kuwentuhan, tawanan tuwing lunch. Harutan, pero siyempre hindi mawawala yung pag-aaral.
Finally, Uwian na. Sabay sabay kaming lumabas at naglakad pauwi nila Gay. As usual, hihiwalay siya sa aming magkapatid by the time na matapat kami sa street ng bahay niya.
When we got home. Gaya nang lagi kong ginagawa, gawa muna nang mga homeworks. Review then hilata at phone. This is my daily life I think.
"Sir Vincent, Maam Althea. Handa na po ang dinner ninyo sa baba. Kakain na po." Sinabi ni Ate Lily, ang life-long yaya namin ni Althea.
"Opo ate, baba po kami later." Sagot naman ni Althea. Magkatabi lamang kami ng bedroom.
"Ah sige, basta huwag kayong magpapatagal at baka lumamig ang dinner ah? Sige mauna na ako." Sinagot ni Ate Lily. Umunat ako sa aking kama at saka muling tumulala. Muli ko ring naalala ang mga sinabi ni Althea sa akin kanina.
"Boring?" I asked myself. Later on, kumulo na ang tiyan ko, I'm now hungry. Lumabas ako ng kuwarto ko at kinatok ang kuwarto ni Althea.
"Thea, Let's eat." Sinabi ko. noong una ay wala akong naririnig, pero later on ay narinig ko na naman ang kaniyang malakas na pagubo. Kaagad kong binuksan ang pintuan at nakita kk siyang nakahilata sa sahig habang naghihingalo kakaubo.
"Thea!" Napasigaw na lamang ako at dumeretso sa kaniya. Hinimas ko ang kaniyang likuran habang naghihingalo siya sa bisig ko.
"Ate Lily! Iyong mga gamot po!" I shouted. Kaagad namang may umakyat na isang maid namin.
Pinainom namin si Althea nang kaniyang gamot at tubig. Mabilis naman siyang kumalma and her coughing stops.
"Are you okay?" I asked her. She nodded her head. I know she's fine for now.
"Kain na tayo kuya." sinabi niya sa akin at binigyan ako nang masayang mga ngiti.
Dahan-dahan kaming bumaba habang ako ay naka-alalay sa kaniya. While eating, ay may binuksan siyang conversation.
"Carl, may sasabihin ako." sinabi niya sa akin. With the confused look, our telepathy works. Ganun kaming magkapatid. Something special for the bothe of us.
"Matagal na nating kaibigan si Gay diba? Uhm, ano kasi eh..." pinutol ko ang sasabibin niya at saka ko siningit ang mga salitang...
"Crush mo siya?" kaagad siyang namula at tumahimik.
"Alam mo?" Itinanong niya.
"Of course. And I also love him" I responded.
"Eh lalaki kayo ah? Hahaha." binigay niya sakin ang mga tawang iyon.
"Not like that." Sagot ko
Out of nowhere ay bigla na lamang nag-pop-up sa isipan ko ang sinabi ni Althea kanina. Lahat ay nagiging buo sa isipan ko ngayon. Tumayo ako at sabay tumakbo papunta sa aking kuwarto.
Tama, Tama. That's right. Iyon ang gagawin ko para hindi maging boring ang klase.
I jumped and shouted. Finally may naisip akong bagay na puwedeng gawin at pagkasiyahan. Lumipas ang Gabi na iniisip ko parin ang tungkol sa balak kong gawin.
Kinabukasan, sa school, I know it's the perfect timing. Absent si Gay. For no reason, nag-chat na lang siya sa akin na aabsend daw siya ngayon. Time passes by, pero sobrang tagal nito. Seconds turns into hours and each hour feels like a decade. I can't wait to announce kung ano ang balak kong gawin.
Last subject, Pre-calculus. It's about math so napaka-tagal nang oras. If the other subjects feels like a decade, this subject feels like forever.
Finally. Natapos na ang klase at may chance na akong sabihin ang kanina pang kina-kakati nang bibig ko. Kaagad akong tumakbo at tumayo sa harap. Bago pa mag-alisan ang mga classmates ko ay sumigaw ako.
"Class A!" malakas kong sinigaw. Napatigil silang lahat at tumingin sa akin.
"Bakit na naman?"
"Nagbayad na kami ng 50 ah?"
"What now?"
"Nabo-bored ba kayo sa klase natin?" I asked them. Seems I got their attention. Since tumahimik sila at umupo.
"Bakit? Anong balak mo?"
I smiled and confidently grin.
"Well, I dare all of you. Basically just the boys. But yeah. I dare all of the boys here in this classroom!" I yelled.
Ang mga reaksyon nila ay halo-halo. Iyong iba ay curious, while the others ay natatawa nalamang.
"Dare? Anong Dare?" Tanong ng isa sa mga kaklase. ko.
Again, I smiled and said.
"Gawin niyong bakla si Gay..."