webnovel

How I became a Mother (TAGALOG-ENGLISH)

Career & Love Series: 1 Gabriella Divata, a competent Ob-gyn doctor who is a workaholic person and focuses only on being the next Department Head of Obstetrics and Gynecology. But unexpectedly she became a parent guardian to her patient's child, as well as meeting Sebastian Salvador, the long lost father of the child and the well-known CEO of many famous clubs. Will she be able to accept being a substitute mother? Or will she reject the responsibility and give the baby to Sebastian?

soriNotsorry · Adolescente
Classificações insuficientes
10 Chs

Baby Zee

Nanatiling nakatayo lang ako sa harapan ni Dr. Salvador sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad ni Evi na masiyahin at mabuting ina ay wala na. Ang gusto lamang nito ay makapiling ang kanyang anak ngunit hindi parin sya pinagbigyan.

Galit kong tinalikuran si Dr. Salvador at umalis.

"Ella saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni Sophia sa akin.

"Wag mo munang sundan Soph, give her some time." mahinahong saad ni Zara ky Sophia na narinig ko.

Mabilis akong pumasok sa Cr at iniisa isa ang cubicle kung may tao ba doon. Nung napanatag na akong walang ibang tao sa Cr ay inilock ko ang pintuan sa loob.

Unti-unting sumandal pababa ako sa likod ng pintuan at hindi ko napigilang maiyak. Bakit ang lahat nalang kinukuha sa akin nang Panginoon ay yung mga mahal at malapit ko pa sa buhay.

Una ay aking mga magulang nung 5 years old ako dahil na-aksidente, pangalawa si Evi na gusto lamang makapiling ang kanyang anak at naging malapit na sa akin. At pangatlo ang aking lolo at lola na iniwan rin ako.

"B-b-bakit?" utal kong saad habang umiiyak. Ano pa ba ang dapat kung gawin upang hindi mapag-iwanan. Lahat nalang ng mga nagpapasaya sa akin ay kinukuha.

Iyak lang ako nang iyak habang pinipigilan ang aking mga hikbi. Nang naramdaman ko na masakit na ang aking lalamunan at wala nang luha ang lumalabas sa aking mga mata ay tsaka ako tumayo sa aking pagkaka-upo.

Lumapit ako sa sink at hinugasan ang aking mga kamay. Tumingin ako sa salamin at nakitang namamaga ang aking mga mata sa kakaiyak. Binasa ko na rin ang aking mukha at kumuha ng tissue.

Pinunasan ko aking mga kamay at mukha habang tumitingin sa salamin. Inayos ko ang aking sarili at napagpasyahan na bumalik sa aking mga kaibigan.

Pagdating ko doon sa kanila ay nag-alalang tumakbo sila sa akin at hinawakan ni Lucy ang aking kamay.

"Okay ka lang?" saad ni Zara habang nag-alalang tumingin sa akin. Binigyan ko na lamang sila nang pilit na ngiti at tumango. Buti pa sila kahit anong pilit kung lumayo sa kanila ay hindi pa rin sila nagsasawang hilahin ako pabalik sa kanila.

Tama. Hindi lahat ay nawala na sa akin, may mga mabubuting kaibigan pa rin ako katulad nila. Kahit magugulo ito ay mahal ko pa rin sila at nagpapasalamat na nanatiling kasama ko sila.

Habang iniisip ko na maswerte ako sa kanila ay itinabig ni Vanira ang mga kamay ni Lucy na nakahawak sa akin at hinila ako para yakapin.

Hindi ko itinulak ang yakap ni Vanira at hinayaan na lamang siya. Mga ilang segundo rin sya yumakap sa akin at nagsalita na ikinatulak ko sya palayo sa akin.

"I love you Ella." pagtatapat ni Vanira sa akin na inilayo ko ang aking sarili sa kanya at binigyan syang nakakadiring tingin. Tumawa lamang sina Sophia, Lucy at Zara sa ginawa namin.

"Layuan mo ako, ayokong makasama ka." sambit ko sa kanya habang lumalayo sa kanya habang lumalapit pa si Vanira sa akin na umaastang makikipag yakap ulit.

"Hali ka na Beybi, kiss mo ko." pangungulit ni Vanira sa akin habang lumalapit sa akin at umaastang ikikiss ako.

"Vanira lumayo ka nga!" patakbong saad ko palayo sa kanya.

Kaya't ang ending ay hinahabol niya ako sa hallway nang hospital habang ang tatlong kaibigan ko ay tumatawa pa rin. Buti nalang walang pasyente sa oras na ito.

(1 week later)

Isang linggo na rin ang lumipas ng mula nang mawala si Evi at pinaburol. Yung baby niya ay nasa NICU (neonatal intensive care unit) dahil na-obserbahan namin na may breathing problems yung baby. Kaya't napagdesisyon muna namin na magsagawa ng tests para sa kalagayan ni Baby Zee.

Papunta ako ngayon sa NICU upang dalawin si Baby Zee. Ako kasi ang appointed doctor nito at I don't mind na rin kasi baby ito ni Evi. Napag-usapan namin ni Dr. Salvador na kapag maayos na ang kalagayan ng bata ay ibibigay namin sa orphanage na kakilala ni Doc kung wala talaga kaming mahanap na relative nito.

"Hi baby Zee." malambing kong saad sa kanya habang naglilikot ito. Inabot ko ang aking hintuturo sa kanya na hindi ko rin alam kung bakit, nang hawakan nito ng mahigpit ang aking hintuturo. Nagulat ako sa ginawa niya dahil ang lakas nang pagkakapit sa aking hintuturo na sinasabing wag akong umalis.

Minulat nito ang kaniyang maliliit na mata na nakuha ata sa ama nito at tumitig sa akin. Ewan ko ba't ngumiti ako sa ginawa ni Baby Zee at hinayaan sa pagkahawak ng aking hintuturo.

"Wow Doc, ang lakas nang grip ni baby sayo ah. Parang ayaw ka niyang mawala." manghang saad nang neonatal nurse na kasama ko sa loob.

"How was he yesterday?" tanong ko sa kaniya at tinignan siya habang naghihintay ako sa kaniyang sagot.

"Okay lang po yung kalagayan niya pero hindi namin matigil sa kakaiyak. Ngayon nga lang po yan tahimik na dumating ka po eh." pagrarason nang neonatal nurse sa akin habang kinukuha ang vital charts sa gilid at ibinigay sa akin.

Tinanggap ko yun gamit ang isa kong kamay at tinignan. His vital records says normal pero may remarks sa ilalim na hindi matigil sa kaka-iyak.

"Siguro naaalimpungatan lang sya kaya umiiyak nang masyado. Okay lang ba sya sa formula milk?" nag-alalang tanong ko sa neonatal nurse.

"Okay lang po pero madali po siyang magutom." Sagot nang neonatal nurse sa akin habang nakatingin pa rin sa aking hintuturo na hinahawakan ni Zee.

"That's normal kasi hindi breast milk yung iniinom niya. Basta update me pa rin sa kalagayan niya ha?" mahinahong utos ko sa neonatal nurse at ibinalik ang vital charts ni Baby Zee sa kaniya tapos tinanggap niya ito.

"Opo Doc." sagot naman nito at tumango.

Tumingin ulit ako ky Baby Zee na hindi pa rin binibitawan ang aking daliri. Titig na titig pa rin ito sa akin at ang likot likot.

"Baaahh!" pag-aaliw ko nalang sa kaniya na ikinatawa naman nito. Ang cute niya, manang mana ang kaniyang mga ngiti sa kaniyang ina na si Evi.

Hindi ko namalayan ay nakadalawang oras na pala ako sa loob kasama si Baby Zee kaya dahang-dahan kong inalis ang aking hintuturo sa pagkakahawak niya.

Nang hindi pa ako tuluyan maka-alis at nasa pintuan na ako ay umiyak ito nang malakas na ikinataranta nang neonatal nurse.

"Oh tignan mo Doc, ganyan na ganyan po sya kahapon." pagdadahilanan nang neonatal nurse at pumunta sa tabi ni Baby Zee.

Tinignan ko si Baby Zee at hindi ko rin alam kung bakit ko siya kina-usap.

"Baby I will be back tomorrow so please be a good boy while I am away, okay?" malambing kong pakikipag-usap sa kaniya na ikinatigil naman nito ang pag-iyak.

Hala na-intindihan niya ba ako?

"Grabe Doc sobrang talented mo talaga. Napatigil mo si baby sa kaka-iyak na ako nga kahapon eh ang hirap hirap patahimikin sya. Akala niya siguro ikaw yung mama niya." manghang saad nang neonatal nurse na binigyan ko na lamang nang maliit na ngiti at ikinatango ko nalang tapos umalis.

Habang palabas nang NICU ay napa-isip ako sa huling sinabi nang neonatal nurse. Kailangan kaya ako magiging katulad ng ibang ina na masiyahin at proud na may anak?

Sa lahat kasi nang mga buntis kong pasyente ay araw-araw nila akong sinasabihan na sobrang nagagalak nilang makasama ang kanilang unborn child. Naniniwala daw kasi silang ang ugnayan nang isang ina at anak ay "the purest bond in the world" at "the only true love that we can ever find in our lifetime."

Ngunit sana hindi ko nalang napag-isipan kung gaano kalalim ang pagmamahal nang isang ina sa kaniyang anak.

Dahil sooner or later mararanasan at mararamdaman ko rin pala ang pagiging isang ina.