Bumalik na ako sa table namin dahil na tapos na ang aming sayaw ni Sebastian. Napag-isipan ko rin na tawagin sya sa pangalan niya dahil napatunayan naman niya kanina sa aming sayaw at pag-uusap na mabait pala ito. Hindi pala siya siraulo ngunit decente at mapagbiro.
"Oyyy may crush na sya. Nagdadalaga na ang aming doktora." pang-aasar ni Zara sa akin nang dumating ako sa table namin. Nandito na pala silang lahat nakatingin sa akin na nang-aasar.
Umupo ako katabi ni Sophia at kumuha ng maiinom sa table. Bigla kasi akong inuhaw sa kakadaldal namin kanina ni Sebastian habang sumasayaw. Di ko rin alam ba't ang daldal ko kanina siguro dahil sa alak.
"Gaga ka Ella, Sebastian Salvador lang pala ang itatapat sa iyo para maging ganyan." pangungutya ni Lucy sa akin at binigyan akong knowing look. Hindi ko napigilan at ngumiti sa sinabi niya't umiling. Lakas pa naman maka pang-asar nang mga kaibigan ko.
"OMG! Anong ngiti yan aber?" gulantang tanong ni Vanira sa akin at ibinababa ang kanyang alak sa lamesa.
Ibinalik ko ang aking walang gana na mukha at nagkibit balikat sa pinagsasabi niya.
"Don't tell me Ella na yung kasayaw mo na si Sebastian Salvador na nagmamay-ari ng club na ito and many clubs ay nagustuhan mo?" pangungulit ni Sophia sa akin.
Huh? Pagmamay-ari nang club? Hindi naman yun sinabi sa akin ni Sebastian ah.
"Siya ba yung, The Sebastian Salvador?" ginayang saad ko nung narinig ko sa Cr kanina.
Tumawa na lamang yung apat at tumango sa aking inasta. But when I was with him earlier hindi naman niya ako inusisa tungkol sa aking buhay at ganun rin ako.
Hindi ko nalang pinansin ang mga pang-aasar nang mga kaibigan ko tungkol kay Sebastian. Kaya't tumigil rin sila at napunta ang kanilang atensyon kay Sophia tungkol sa lalaking kasayaw kanina.
Nag-eenjoy lang kami dito na nagchikahan nang magkumpulan sa labas ang mga guests.
"Anong ganap sa labas?" curious na tanong ni Zara at tumayo na.
"I don't know, I wasn't informed by my party coordinator na may rave sa labas." naguguluhang sagot ni Vanira at katulad din ni Zara ay tumayo na ito para tignan kung anong nangyayari.
"Let's go outside, tignan natin dali." nagmamadaling sambit ni Lucy sa amin at tumakbo na ikinatayo nalang namin at sinundan ito.
Habang nakikipag siksikan kami sa mga tao upang makalabas ay napansin ko na nakatutok lang sila sa daan.
When we reached sa front ay lahat kami nang aking mga kaibigan ay nagulat sa aming nakita. Mabilis akong tumakbo patungo sa babaeng buntis nakahilata sa kalsada at may dugo.
"Hey miss, wake up!" saad ko habang pinapaharap sa akin ang babaeng walang malay dahil naka tagilid ito sa akin.
Pero laking gulat ko pa nang mamukhaan ko ang babaeng duguan.
"EVI? WAKE UP! STAY WITH ME!" natatarantang sigaw ko sa kanya habang dinadamdam ang kaniyang pulso.
"You know her?" nag-aalalang na tanong ni Sophia sa akin na hindi ko nalang sinagot.
"CALL 911 NOW!" sigaw ko sa aking mga kaibigan na natatarantang kinuha ang kanilang cell phone at idinial ang 911.
"EVI OPEN YOUR EYES! STAY WITH ME PLEASE." pagpupumilit kong sigaw at isinagawa ang CPR. Naguguluhan rin ako bakit nandito siya. May kilala ba sya dito?
Hindi ko maiwasang matakot dahil hindi pa rin gumigising si Evi. May pulso pa ito pero mahina kaya nag-aalala na ako. Mga ilang minuto rin na dumating ang ambulansya, inalalayan si Evi na binuhat at inilagay sa stretcher tapos pinasok sa loob.
"I'll go with the ambulance." mabilis na saad ko sa aking mga kaibigan na hindi na lumingon sa kanila at pumasok sa ambulansya.
"We will follow you and go there." narinig kong sigaw ni Vanira habang pasara na ang pintuan.
Hinawakan ko nalang ang kamay ni Evi habang minomonitor ang kalagayan ni Evi nang kasama kong ambulance assistant.
Natatakot ako sa kalagayan ni Evi lalo nang malapit na itong manganak. Alam ko kung gaano kahalaga para ky Evi ang kanyang dinadalang anak at parati niya kung sinasabihan na nagagalak na itong makapiling at makita.
Naramdaman kong ginalaw ni Evi ang kanyang hintuturo kaya't tinignan ko ito at hinawakan pa lalo.
"Evi don't worry papunta na tayo sa hospital, stay strong." paniniguradong sambit ko sa kanya.
Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. Nakita kong may isang luha ang kumawala sa kanyang kanang mata at ngumiti ng mapait.
"P-p-please save my baby." nahihirapang saad niya sa akin habang umiiyak ng tahimik.
"We will and I will take care of your baby." I said while giving her a reassuring smile.
Nang makarating kami sa hospital ay dali-daling kinuha ng mga nurses ang bed at itinulak papasok sa emergency room.
"Evi Cruz, 25 years old. Nakita kong duguan na sa daan and I performed a CPR while the ambulance haven't arrived." pagbibigay kong information sa mga nurses na ikinagulat nila.
"Dr. Divata, Ikaw po ba ang doctor nito?" gulat na tanong ng isang nurse sa akin habang papalapit na kami sa operating room.
"Oo and I need help please prepare for an operation." mabilis kong saad sa kanila ngunit before ako makapasok nang tuluyan sa operating room ay napigilan ako ng isang boses.
"Ako ang oopera sa kanya."
Tumingin ako sa kinaruruonan ng boses at umiling.
"Ako ang doctor niya, Dr. Salvador. Kaya't she's my responsibility." pormal kong saad ky Dr. Salvador na nakasuot na siyang surgical scrub.
Lumapit lamang si Dr. Salvador sa akin at inamoy ako na bahagyang ikina-atras ko.
"Naka-inom ka Dr. Divata and you are on a vacation leave." saad niya habang tinitignan ako nang maigi. Dahil siguro ay naka party dress ako at puno nang dugo ang aking damit at kamay.
Iniwasan ko na lamang ang kaniyang mga tingin at kinagat ang aking ibabang labi. Tinignan ko si Evi na naghihingalo sa stretcher at puno ng dugo sa hita.
"Ipasok na ninyo ang pasyente and get ready for an operation." ma-autoridad na utos ni Dr. Salvador sa mga nurses at ipinasok si Evi sa loob. Tuluyan nang nawala si Evi sa aking paningin.
"Tita Gen please save her and her baby." pagmamakaawa ko ky Dr. Salvador at tumingin sa kanya.
Tinapik lamang ni Dr. Salvador ang aking kanang braso at ngumiti.
"I will try my best Ella." huling saad ni Dr. Salvador sa akin at tuluyan ng pumasok sa operating room.
Napa-upo na lamang ako sa upuan sa labas nang operating room at naghihintay. Tumingin ako sa kamay kung puno nang dugo at nag-alala sa kalagayan ni Evi. Nakarinig ako nang mga yapak ng heels at umupo sa aking kanan at kaliwang upuan.
"Ella are you okay?" tanong ni Lucy while catching her breath. Naka-upo sya sa aking kanan at siguro nagmamdaling tumakbo rin sya papunta rito sa kinaruruonan ko.
Tumango na lamang ako sa kanyang tanong habang nakatingin pa rin sa aking mga kamay.
"I'm sure everything will be alright Ella." narining kong saad ni Zara at hinawakan ang aking kaliwang balikat.
Hindi na lamang ako sumagot at natulala pa rin sa pangyayari. Napa-isip ko kung bakit nandun si Evi sa birthday party ni Vanira. Posible kayang may pinuntahan sya doon na importante?
"How do you know her Ella?" curious na tanong ni Vanira sa akin habang naka tayo ito sa aking harapan.
"She's my patient." maikling kong sagot na hindi pa rin tumitingin sa kanila.
"And?" mausisang tanong ni Sophia sa akin.
"We became friends kasi everytime na magpapacheck up siya wala syang kasama, kasi daw she don't have relatives and patay na parents niya at ako pinaglihian niya." pag-eexplain ko sa kanila na hindi naman sila nagtanong pa.
Maybe it answered their curiosity or ayaw na nilang guluhin pa ako.
We just waited for the results ng lumipas ang ilang oras nang lumabas si Dr. Salvador na pawis na pawis. She told me something na nakapag bingi sa akin at na-estatwa ang aking mga kasama.
"I'm sorry we did everything we could, she didn't survived."