Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Babangon sana ako pero bigla akong nahilo.
"Oh, you're awake?" Naaninag ko si Dice na nakaupo sa couch sa kanan ng bed na kinahihigaan ko.
Pinilit kong tumayo pero umiikot talaga ang paligid ko.
"What happened?" Tanong ko. "And where am I?"
"In my room." He answered while smirking.
Bakit nandito ako sa kwarto niya? Anong ginawa niya sakin? Nakuha na ba niya ang perlas ng silanganan?
Dali-dali kong tiningnan ang ang katawan ko sa ilalim ng kumot na nakabalot sa akin. Suot ko pa rin naman. Napahinga ako ng maluwag. Buti na lang!
"What kind of dirty thoughts are you thinking about?" Nakasmirk pa rin siya. "Uulitin ko, you're nothing but a kid in my eyes." Diin niya.
Umirap na lang ako.
Bigla namang nag-iba ang expression ng mukha niya.
"Alam mo ba, hindi ako nakatulog buong gabi dahil sayo!"
Alam niyo yung sa mga anime? Yung nagkakaroon ng shadow sa ulo nila, specifically, mula sa pinakatuktok ng ulo hanggang sa ilalim ng mata. Ganon na ganon ang nakikita ko ngayon.
"I spent all night, taking care of you." Inilagay nila ang dulo ng mga daliri niya sa magkabila niyang kilay at saka ito minasahe. "What the heck are doing? The doctor said, you are stressed and sleep deprived. Can you please explain kung bakit?"
Why is he angry? Ako na nga 'tong may sakit e.
"That's because, hindi ako makatulog kagabi. And, hindi na ako nakakain ng umagahan at tanghalian kahapon." Pagpapaliwanag ko. "At bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong ginagawa ah? Kasalanan ko ba na hindi kinaya ng katawan ko?"
Napatigil siya. Nakatitig siya sa akin ngayon na para bang gulat na gulat.
"What?"
"Aba't nakakapagsalita ka pala ng ganyan kahaba?" Huminto siya. "Well, look, I'm not angry, I'm just irritated. I hate looking after troublesome kids."
"Fine." Inirapan ko ulit siya.
Maya-maya pa ay mayroong kumatok sa pinto. Pagkatapos ay unti-unting bumukas ang pinto.
"Naistorbo ko ba kayo?" Tanong ni Mommy.
"No Mom. Okay na si Shi." Sagot naman nu Dice. Wala naman akong sinasabi na okay na ako ah? Ni hindi nga niya ako tinanong.
"Is that true, Shi?" Tanong sa akin ni Mommy.
"Opo. Okay na po ako." I answered.
"Kung ganoon, anong gusto mong kainin? May masakit ba sayo? Gusto mo na bang umuwi?" Halata sa mga mata ni Mommy na sobrang nag-alala siya.
"Wag po kayong mag-alala, okay lang po talaga ako. Nag-aalala na po siguro si Mama, kaya sa tingin ko po, dapat na akong umiwi." Pagpapaliwanag ko.
"Ganoon ba. Sige, Dice, send her home." Ngumiti siya sa akin habang si Dice naman ay parang naiirita dahil nautusan siyang maghatid sa akin. "Don't worry, Hija, I already explained to your parents kung bakit ka nagstay dito overnight."
"Btw, hija, wag ka nang magpupuyat kung hindi kaya ng katawan mo and kain ka palagi sa tamang oras, wag kang papalipas ng gutom." Dagdag pa niya. Sobrang natouch ako. Minsan lang ako masabihan ng mga ganoong salita dahil palaging wala sa bahay ang parents ko, lagi silang out of the country dahil sa business namin o di kaya naman ay sobrang busy kaya hindi na nila ako masyadong naaasikaso.
"I'll do that po." I said.
Habang nasa byahe kami papunta sa house namin, hindi mawala sa isip ko kung paano mag-alala si Mommy kanina. Napansin ko rin kahapon na siya ang nagluluto at hindi ang mga maid, katulad kanina bago kami umalis. Tinitulungan lang siya ng mga maid nila.
Bigla tuloy akong nainggit kay Dice. Ang swerte niya dahil naipagluluto siya ng mga magulang niya. Sa bahay kasi, kadalasan ako lang mag-isa. Mayroon din naman kaming mga kasambahay pero pinipili kong magluto para sa sarili ko kapag wala sina Mommy at Daddy. Kaya habang pinapanood kong magluto si Mommy kahapon, hindi ko maiwasang titigan siya dahil sa expression niya. Parang ang aliwalas niya at masaya siya sa ginagawa niya. Kapag kaya nagluluto ako, ganon din ang hitsura ko?
"Hey kid, we're here. Wala ka bang planong bumaba." Tanong ni Dice. Nasa kanan na pala niya ako, pinagbuksan na pala niya ako ng car door.
Dali-dali akong bumaba kaya nauntog ako.
"A-aray." Napahilot ako sa noo ko. Pinagtawanan naman ako ni Dice kaya sinimangutan ko nalang siya.
"Why are you spacing out?" Tanong niya.
"May iniisip lang ako." Sagot ko. "T-thank you."
"What?"
"I said, t-thank you."
"For what?"
"For taking care of me."
"I'm not taking care of you." He stated. "Let's say I'm babysitting you."
"I'm not a kid!"
"Yes. You are." Walang reaksyon ang mukha niya ngayon. Stone faced!
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at hindi ko na siya pinansin.
---
"Kelan ba to matatapos?" Iritadong tanong ni Dice. One month na rin pala ang nakalipas pagkatapos naming magkakilala. Kasama namin ngayon ang parents ko, at pati parents niya para maghanap ng condominium na titirhan namin kapag kinasal na kami ni Dice.
"Dapat maliit lang muna ang piliin natin dahil dalawa lang naman sila." -Daddy
"Oo nga, tama yan. Dapat magsimula muna sila sa maliit nang maranasan nila kung ano talaga ang tunay na pag-aasawa." -Papa
"Wag naman ganoon, baka naman mahirapan mga anak natin" -Mama
"Oo nga naman, bakit hindi na lang mansion ang bilhin natin." -Mommy
"You're right mare, dapat spacious." -Mama
"Hindi dapat ganon dapat..."
"Yes it should be..."
"No that's not..."
"I suggest..."
Ugh.
Halatang halatang hindi na kayang pagtagalin pa ni Dice ang bait mode niya sa harap ng mga parents namin. Nagkakagulo kasi sila sa pagpili.
"Why are you laughing?" Iritado pa rin si Dice.
"No, I'm not" Pagtanggi ko. Pero inaamin ko na natatawa ako sa kanila. Hahaha.
Sa wakas, nakapili na rin kami. Sakto naman kasi na merong binebentang condominium na medyo malapit sa school ko. Sakto lang naman yung laki niya, kasya lang sa dalawang tao.
Syempre hindi kami magsheshare ng kwarto ni Dice no! Mayroong dalawang kwarto sa loob ng condominium na 'to. May sala, at kusina kaya lang isa lang ang CR.
Nung una hindi ako pumayag na bumili ng condo dahil ayokong tumira sa iisang bahay kasama si Dice, pero ang sabi ng mga parents namin ay kailangan daw. Isang buwan din kaming nagpilitan pero sa huli, ako din ang sumuko. Tinanong ko 'non si Dice, pinilit ko siyang huwag pumayag pero alam niyo ba kung anong sinagot niya sakin? "Do what you want, I don't care." Two faced! Sa harap ng parents namin, oo lang siya ng oo.
Pakiramdam ko tuloy, pinamimigay na ako ng mga magulang ko.
Sa ngayon, we're not yet living together dahil hindi pa naman kami kasal.
Flashback:
3 weeks ago...
"What? Why so sudden po?" Tanong ko sa mga parents ko. Ni minsan, hindi ako makatanggi sa parents ko, lagi akong sumusunod sa mga sinasabi nila. Pero 'yung magpakasal sa isang lalaking sandali ko pa lang nakikilala, parang ibang usapan na yata 'yon. At isa pa, ang gusto nila ay tumira kami sa iisang bubong nung Dice na 'yon! Hindi ba sila nag-aalala na baka may gawing something sakin 'yong lalaking 'yon?
"Sinabi naman na siguro sayo ni Dice ang kondisyon ng Mommy Grace mo. Hindi naman sa wala na siyang pag-asang mabuhay, ito kasi ang hiling niya, at isa pa, ito rin ang gusto namin para sayo." Pagpapaliwanag ni Mama. "And if you're going to live together, mas mauunawaan mo din ang lahat."
"Yes anak, I already talked to Dice, wala siyang gagawing masama sayo. Hanggat wala ka pa sa tamang edad, you don't need to sleep in the same room. And besides, sobrang bait ng batang 'yon." Dagdag naman ni Papa.
Sobrang bait? Tss. Umaarte lang 'yon.
"Hindi naman ganoon kalaki ang age gap niyo. Six years laman anak. I know na ipinagkatiwala kita sa tamang lalaki. Trust me, I'm your father and I know what's best." -Papa.
"Your father's right." Pagsang-ayon naman ni Mama. "So anak, you'll do it right?"
Tumango na lang ako. Wala na akong magagawa, ayoko naman din silang suwayin. Napangiti naman sila at saka ako niyakap.
"My dear daughter's gonna be married, and I can't believe it!" Sabi ni Mama habang nakayakap pa rin sa akin. "Right, Hon?"
"I agree, I still can't believe it. Hindi ako makapaniwalang from may 30, hindi na natin makakasama ang anak natin sa bahay." Sabi naman ni Papa.
May 30? Then that's next month.
Ano 'to? Pinapamigay na ba nila ako? Pinapalayas? Ganoon lang ba kadali sa kanila 'to?
"Don't worry anak, someday, pasasalamatan mo kami dahil sa desisyon naming 'to."
Noong gabi ng araw na iyon, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kakayanin ko ba talagang magpakasal sa di ko naman gusto?
Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ako maiyak sa tuwing nakakaranas ako ng ganito. Simula noong namatay si Lola noong 7 years old ako, paunti na ng paunti ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Siguro, dahil nasasanay na ako sa paligid ko, at unti-unti ko nang natututunan ang mga nasa paigid ko. Sanay na rin ako sa parents ko, ni minsan hindi ako sumaway dahil yun ang bilin ni Lola.
Another month passed. Simula noong araw na bumili kami ng condo, hindi ko pa nakikita si Dice dahil marami daw siyang inaasikaso.
By the way, it's May 29. Bukas na ang kasal namin kaya hindi ako mapakali. Parang ginhosting pa yata ako ni Dice.
Hindi naman bongga ang magiging kasal namin. Simple lang at napagdesisyonan na sa beach ito ganapin. Ang dadalo lang ay ang mga malapit na kaibigan at kamag-anak namin.
Nakiusap ako sa parents namin na wag muna ipaalam sa school ko at sa mga kaibigan ko dahil tiyak na pagmumulan ako ng tsismis, pumayag naman sila.
"Anaaaaak!" Sigaw ni Mama. "May naghihintay sayo sa baba."
"Sino po?"
"Si Dice! Nandito na siya sa Balesin, kakarating lang niya kanina. Bilisan mi gumayak ka na! Agahan mo lang ang uwi dahil marami tayong paghahandaan mamaya." -Mama.
(A/N: Sa Balesin ang kasal nila, sanaol.)
"Opo"
Ano naman kayang naisipan ni Dice at gusto akong makita.
Pinagmadali ako ni Mama na gumayak dahil naghihintay daw si Dice. Nakita ko naman siya sa sala ng hotel room namin habang naghihintay.
"I want to take you somewhere." Sabi niya habang hindi makatingin sa akin.
"Bakit?" I asked.
"My Mom forced me." Maikling sagot niya. Para namang bata.
"Parang ayaw mo naman yata." Pag-iinis ko. "Mukhang napilitan ka lang."
"Napilitan lang talaga ako."
Ano ba yan, akala ko naman maiinis ko siya. I guess I won't with this two faced guy.
We went to the seaside. Hapon ngayon kaya ang ganda ng view. Ngayon lang ako nakakita ng sunset sa dagat. To be honest, ngayon lang ako nakapunta sa beach.
Nakaupo kami ni Dice sa buhangin ang pinapanood ang paglubog ng araw.
"Why are you wearing a hoodie? It's summer, you know?" Panimula ni Dice. Twenty minutes na siguro kaming nandito sa tabing dagat pero ngayon lang siya nagsalita. Nakakainis naman siya, lahat na lang pinupuna.
"Edi huhubarin ko na lang." I said. Tumayo ako. Inunzip ko yung hoodie ko saka ko hinubad. Hinagis ko ito ko kay Dice. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.
Naglakad ako papalayo sa kaniya. Nakaupo pa rin siya doon at parang naiirita na naman.
Nakasuot ako ngayon ng two-piece bikini pero nagdoble ako denim shorts dahil medyo nahihiya ako. First time ko lang sa beach so what's wrong if I show off my body? Pinaghirapan ko kaya 'tong figure ko. Ang dami kong dinownload na app para lang makamit 'to.
Napansin ko na tumitingin sa akin ang mga taong nadadaanan ko kaya medyo nailang ako. Binilisan ko ang paglalakad. Naisip ko, bakit nga ba ako naglalakad? Saan ba ako pupunta? Masyado yata akong nacarried away dahil sa pagshoshow off ko.
Nasaan na ba si Dice? No, nasaan na ba akooo? Tumingin ako sa paligid, papadilim na pala. Dahil malapit nang mag-end ang summer, at summer vacation ng mga students, maraming humahabol sa pagbibeach. Marami pa rin kasing tao dito.
But more importantly, naliligaw na yata akoooo!
"Miss, are you alone?" Tanong ng isang lalaki mula sa likod ko na hindi ko naman kilala. Lumingon naman ako. Hindi pala siya nag-iisa. Tatlo sila.
"I'm fine." Sagot ko naman, medyo nagsuplada ako dahil hindi ko naman sila kilala.
"Mag-isa ka yata, sasamahan ka na lang namin." Sabi pa nung isa sa mga lalaki.
"Oo nga, sumama ka na samin." Hinawakan naman ako nung isa braso.
"Don't t-touch me! I won't go with you!" Sigaw ko, kaya nagtinginan ang mga tao sa amin. Pero wala ni isang tumulong sa akin.
Hinila nila ako sa braso para mapasunod sa kanila nang biglang maramdaman ko na may humawak sa kabilang braso ko. Lumingon naman ako.
"B-bitawan n-niyo siya." Isa pang lalaki na hindi ko kilala. Medyo nauutal pa ito. Pero mas gugustuhin kong sumama sa kaniya kaysa sa tatlong chonggong 'to.
"Bakit? Sino ka ba ha? Bakit ka nangingialam?" Sabi ng lalaking may hawak sa kabilang braso ko. Diininan nito ang paghawak kaya napaaray ako.
"Sino ka rin ba?" Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng lalaking kanina lang ay nauutal. Hinubad nito ang kaniyang salamin saka inipit sa gitna ng colar ng polo niya. Hinawi niya rin pataas ang buhok niya na kanina ay messy. Dumura siya at tumama ito sa paa ng tila leader ng tatlo.
"Ang yabang nito ah!"
Susuntukin na sana siya ng leader pero may isa pang lalaking sumangga sa sa kamao nito.
Si Dice!
Matangkad yung leader nung tatlo pero mas matangkad si Dice kaya sa tingin ko ay kayang kaya niyang talunin 'yung tatlo lalo na kapag tumulong yung lalaking tumulong sa 'kin kanina.
"Sir, baka pwede naman nating pag-usapan 'to. Wag tayong bayolente kung di natin kayang panindigan." Sabi ni Dice. Mahinahon naman siya pero may halong yabang. Nakangiti siya kaya sumisingkit yung mata niya pero parang nakikita ko na naman sa imagination ko yung shadow sa mata ng mga anime kapag nagagalit.
"Isa ka pang mayabang e! Anong pinaparating mo ha?"
Hinawakan ni Dice sa balikat yung lalaki. Napangiwi naman ito dahil sa pagdiin ni Dice. Binitawan naman ako nung isa sa tatlong lalaki na madiing nakahawak sa braso ko para tulungan yung leader nila. Yung lalaking tumulong naman sa akin ay binitawan na rin ako.
Hinawakan ng dalawang lalaki si Dice sa magkabilang braso kaya nag-alala ako. Waaaah! Dehado si Dice sa ganyang position kahit di hamak ang tangkad niya!
Susuntukin na sana siya pero bigla niya itong sinipa sa... s-sa birdie nito kaya napaupo ito sa sahig.
"Ang sexy oh!" Sabi ni Dice kaya napatingin naman sa ibang direksyon yung may hawak sa kanya. Nawala siguro ito sa focus kaya nakawala siya.
"May I take my wife?" Sabi niya sa lalaking tumulong sakin saka hinawakan ako sa kamay para tumakbo. Hinahabol kami ngayon ng tatlo pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ako natatawa. Tumatawa din si Dice kaya napatitig ako. Ang genuine kasi, iba sa mga tawa niya dati. Parang hindi siya nagpapanggap ngayon.
Nang maramdaman namin na hindi na nakasunod 'yung tatlo, huminto na kami. Madilim na ang paligid at lumalamig na rin.
Humihingal ako sa pagod kakatakbo kaya napayuko ako. Nagulat naman ako nang bigla akong sinakluban ni Dice ng hoodie. Napansin ko na kanina pa 'yon nakasabit sa balikat niya. Kanina pa pala niya dala ang hoodie ko.
Dali-dali ko namang sinuot yung hoodie ko na sinaklob niya sa 'kin dahil nakatabing sa mata ko. Pagkasuot ko, nakita ko na nakahoodie na rin si Dice.
"Para di lang ikaw ang mukhang tanga." Sabi niya. Hindi ko alam pero bigla kaming natawang dalawa. First time ko lang makita ang expression niyang 'to aside sa pagpapanggap niya. And it makes me curious, parang gusto ko pang makita ang ibang sides niya.
"It's good to see you happy. You look like an alien." He said. As usual, pamwisit. Wala nang bago.
"You too, you look like an—" Bigla niyang tinakpan ang bibig ko saka ngumiti na naman, yung ngiting nakakatakot.
"Ako lang ang may karapatang mamwisit dito." He whispered.
Ilang segundong katahimikan rin ang nagdaan pagkatapos niya ialis ang kamay niya sa bibig ko.
"There's no turning back tommorow." He said out of nowhere.
"Yeah." I said. "There's nothing else we can do."
"Seems like I'm gonna spend a lifetime with a troublesome kid huh."
"Do I look like a kid?"
"Yes." He answered without hesitation.
"Seems like I'm gonna have a sugar daddy."
"Seems like I'm gonna be a babysitter for a lifetime."
"Seems like I'm gonna spend a lifetime with an old man."
Sige tingnan natin kung sinong unang susuko.
"Tommorow is my birthday." He said.
O diba suko ka na.
"Oh."
"As a birthday gift, wag mo akong iiwan sa altar, kung hindi pagsisihan mong nabuhay ka sa mundo." Tumingin siya sakin habang nakangiti na naman ng nakakatakot kaya napalunok ako. "Another one, I wish you will not draw a line between us." Napakunot ako. "I mean, don't pretend while you're with me."
I don't get it. What pretend? Isn't he the one who's pretending?
"I'll try." Sabi ko na lang para hindi humaba ang usapan.
"Then, lets get married peacefully."
"Yeah. Let's get married."