webnovel

Chapter 2: True Colors

"... Is your future husband."

Those words echoed multiple times on my head. Am i dreaming?

"W-what, I don't understand po." Pautal-utal kong sagot.

"Sweetie, you're getting married!" Mommy emphasized.

"B-but—"  Magtatangka pa sana akong tumanggi.

"Anak, it's settled." Seryosong sabi ni Papa.

Sumeryoso na rin ang lahat.

"May I excuse myself? Sa taas lang po muna ako." Pagpapaalam ko. Gulong gulo ang isip ko ngayon. I only turned 17 last month, tapos marriage na agad gusto nila.

Habang papaakyat ako ng stairs, narinig ko pa ang ilan sa pag-uusap nila.

"Im so sorry, nashocked lang siguro si Shi." -Mama

"I apologise too, we'll talk to her later." -Papa

"Its okay, Shion. Bigyan muna natin niya ng time para makapag-isip." -Daddy

"Yes, she's only 17, she's so young compared to our Dice, so siguro magulo pa ang isip niya sa ngayo—" -Mommy

"Hon!" -Daddy

"Mom!" -Dice

Napahinto ako. Anong nangyari? Kinabahan ako bigla dahil doon, what should I do? Is it because of me?

"Are you okay, Grace?!" -Mama

"Y-yes, nahilo lang siguro ako." -Mommy

"Mr. de Dios, can I talk to Shi for a second?" -Dice

Bakas ang awtoridad sa pagsasalita ni Dice. Parang yung kanina niyang paraan ng pananalita na malumanay at gentle, ay biglang nawala.

"Yes, you may, just go upstairs and then turn right. You'll see a pink door, that's her room." -Papa.

Pagkatapos non ay nakarinig ako ng mga hakbang na papalapit sa kinaroroonan ko kaya dali dali akong naglakad papunta sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at saka pinatay ang ilaw. Nahiga ako sa kama saka nagtalukbong ng kumot. Magpapanggap na lang akong tulog para matakasan 'tong problemang 'to.

Inaamin ko, medyo naguiguilty ako dahil sa nangyari kay Mommy kanina. But, paano naman yung kaligayahan ko? Yung freedom ko? Ayoko pang mag-asawa no!

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga katok mula sa pinto ng kwarto ko. Tinakpan ko ang tainga ko para di ko marinig. Nakalock naman 'yon, siguradong di siya makakapasok. Haha.

Mali ako. Mali.

Nagulantang ako nang may marinig akong tunog na parang kinakalikot na doorknob. Pagkatapos non ay ang tunog naman ng pagpihit nito. Waaaaah. I underestimated this guy from Harvard!

Naramdaman ko ang unti-unting pagbukas ng pinto.

"I know you're here. Aren't you eavesdropping earlier?" He said. "Where's the switch?" He whispered. "Ah, here it is." Pagkatapos non ay nagturn on na ang ilaw. Ugh. Pumalakpak naman ako ng dalawang beses para patayin ito. Akala mo ha?

"Alam mo, pwede naman natin 'tong pag-usapan e. If you don't want me to be your husband, then we can plan something para maitigil 'tong arranged marriage na 'to. I won't force you dahil alam kong may sarili ka nang pag-iisip, at di dapat yon minamanipula."

Napabangon ako dahil sa sinabi niya. Bigla naman niyang sinara ang pinto at sinindihan muli ang ilaw. He smiled at me.

"Say something, gagawin natin lahat para matigil ang kasal." He added.

"Really?" Nangingintab ng mata ko habang nakatingin sa kaniya. Mabait naman pala 'to. Para siyang prince charmiiiing, no, an angel!

"Hmmm." -Dice "So let's get started."

"How about, sabihin na lang natin sa kanila na may girlfriend ka na, o kaya ako na lang ang may boyfriend?" I suggested. Siguro naman mauunawaan 'yon ng parents namin, no?

"Ah, that's a great idea!" He praised.

I smiled. Madali lang pala siya kausap. Grabe, ang bait niyaaa!

"Pffft." Naupo siya sa kama ko, sa tabi ko pa. Kinilabutan ako nang bigla siyang nagpigil ng tawa.

"You really thought I would say that?" He said habang nagpipigil pa rin ng tawa. Nahiga siya at inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo.

"Haaa?" -Me.

Bigla siyang bumangon at saka nagsmirk.

"It's a praaaank!" He said.

I don't get it. Prank lang yung kasal? O yung mga sinabi niya?

"You're so innocent." He said while bursting out of laughter. "Look at your reaction! Pffft."

"What do you mean?" Tanong ko, naguguluhan na ako sa pinagsasasabi nitong lalaking 'to.

"What I am saying is, we need to get married no matter what." He declared.

"Huh?! Why? Sabi mo pwede naman pag-usapan!" I uttered.

"Nope." Nakasmirk siya ngayon habang umiiling. "I just wanna tease you. Hahaha." Hindi yata pure tawa 'yon, parang demonic.

"Then what do you want?" I asked angrily.

"Do i need to repeat myself? We need to get married!" Sabi niya. Sumeryoso na ang mukha niya ngayon.

"Don't want." I said.

"Sa ayaw at sa gusto mo, itutuloy natin 'to." Maawtoridad niyang sabi.

"Bakit ba gustong-gusto mong ituloy 'to? May gusto ka ba sakin?!" I slightly shouted.

Napatawa naman siya. A savage laugh.

"Ako? May gusto sayo? In my eyes, you're just a little kid!" He slightly shouted too.

A kid huh? E bakit gustong gusto niya akong pakasalan? Ano, dahil gusto niyang mag-alaga ng little kid? Edi sana inampon niya na lang ako!

"HMP. I WON'T TALK TO YOU ANYMORE. WE'RE DONE HERE." Pagsusungit ko.

"Hey, look here, kid. Ayoko din ng kasal na 'to" He said. E bakit gusto niya pa rin ituloy? Tiningnan niya ako sa mata. "I am just simply following orders." He added. Medyo naging sincere ang hitsura niya.

Hindi ko siya kinibo, nahiga ulit ako saka nagtalukbong. Ayoko nang marinig ang boses niya, nakakainis!

"My Mom's sick. She's just 40 years old but she already have two adult sons. She had my brother at 17 and me at... a young age. Alam mo ba kung bakit? Kase noon pa man may sakit na siya sa puso. Her heart is weak. Sabi ng doctor, baka hindi kayanin ng puso niya na magfunction sa mahabang panahon. So she decided to marry my Dad and build a family at a young age." Huminto siya. "Malapit na siyang mag-undergo sa isang operation, a heart transplant. Hindi 100% ang survival rate non, nag aalala siya na baka hindi man lang niya makita ang mga anak niya na ikinakasal. My older brother is already married, 3 years ago. Ngayon, ako na lang ang hinihintay niya na makasal. And since decided na 'to a long time ago, we need to do this." He paused again. I thought he was going to cry. Parang medyo kinukurot din ang puso ko dahil sa naririnig ko. "Aside from that, desidido na rin ako. Kahit labag 'to sa kagustuhan ko, I will do everything to make my mother happy."

Naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa kama ko. Binuksan niya ang pinto. Bago pa man siya lumabas, nag-iwan siya sa kin ng ilang mga salita.

"Tommorow is your final exams, right?" He asked. "I will give you some time to think. I'll wait for you outside your school tommorow, ipagpapaalam na kita sa parents mo. We'll go to our house, pagdating natin doon, sabihin mo kina Mom and Dad kung anong desisyon mo."

Hindi pa rin ang sumasagot. Pero gets naman siguro niya na payag ako.

"Please be careful sa mga sasabihin mo, baka mapano na naman si Mom."

Narinig ko na ang pagsara ng pinto. Tumingin ako sa paligid, wala na siya. Naguilty na naman ako. Ayoko pang makasal dahil sobrang bata ko pa, pero ayoko rin naman suwayin ang mga magulang ko. At higit sa lahat, ayoko ring madisappoint sina Mommy Grace, at Daddy Anton sa akin. Ugh, bahala na, itutulog ko na lang 'to. I'll think about it tomorrow.

---

Kinabukasan, nasa work na agad sina Mama at Papa kaya hindi na kami nagkita. Nagreview na ako last weekend pero nagreview ulit ako kagabi dahil I ended up pulling an all nighter kakaisip.

Pagkarating ko sa school. Maraming bumati sa akin ng Good morning, as usual, nginitian ko lang sila. Hindi kasi ako sanay na makipag-usap sa hindi ko kakilala, or kaclose. Hindi ako nakikipag-usap kapag hindi necessary lalo na sa mga lalaki. And somehow, dahil pagiging quiet ko,  i became popular dahil ang 'cool' ko daw. Pffft. It's not being cool. Im just trying to avoid communication so that they wont be able to take advantage of me.

Buong final exams, nahirapan akong magfocus dahil sa nagyari kahapon so I ended up to be the last one to finish the test.

Ganito lagi sa University of Saint Joseph, one day lang ang exams. Isa din kasi ang university na ito sa mga pinakasikat sa buong Pilipinas. Dinadayo pa nga ito ng mga taga malayong lugar. Malaki kasi ang passing rate ng mga gumagtaduate dito sa mga board exams. Simula Junior high, dito na ako nag-aaral, siguro hanggang college na rin.

So, tapos na ang exam kaya lumabas na ako ng school. Naupo muna ako sa waiting area. Yeeeees! Summer vacation naaaaa!

Napahikab ako dahil sa antok. Di kasi ako nakatulog kagabi. Laking pasalamat ko at hindi ako nakatulog kanina.

Hindi ko naman namalayan na unti-unti na pala akong nakakatulog.

Pagmulat ng mata ko, medyo nasilaw ako sa araw. Pababa na ito at kulay golden na ang paligid. Naramdaman ko namang nakasandal ako sa isang bagay. Wait, tao pala! Dali-dali akong umupo ng diretso, nakakahiyaaa!

"Akala ko hindi ka ba gigising e." Iritadong sabi ni Dice. Napakatwo-faced talaga nito. Minsan mabait, minsan masungit. Hindi pala, mapagpanggap ang tamang tawag don. Nagpapanggap lang siyang mabait! "Kangawit." He whispered. "Tara na, sapat na siguro yung tulog mo sa balikat ko hano?"

May mga mangilanngilang estudyante sa paligid ang patingin-tingin sa amin. Ayan na naman, nakahanap na naman sila ng pag-uusapan tungkol sa kin.

Hindi na lang ako sumagot. Hahaba pa ang usapan kapag nagreact ako.

Pumunta siya sa kotse kaya sumunod na lang ako.

"Ano pang hinihintay mo jan sa labas?" Tanong niya.

Akala ko pagbubuksan niya ako ng pinto, hindi pala. Nakakainis.

"Tss." I muttered. Napairap ako sa inis. Ako na lang ang nagbukas para sa sarili ko. Nagpasak na lang ako ng earphones sa tainga ko para hindi ko marinig ang nakakainis niyang boses.

Ipinikit ko na lang mata ko para hindi na rin niya ako kausapin.

"Hey, Kid, wake up, we're here." Dice said.

Namalayan ko na lang na nasa garage na pala kami ng bahay nila. Nakasakay pa rin ako sa kotse, habang si Dice naman ay nasa kaliwa ko. Hawak hawak niya ang pinto ng kotse  at hinihintay ako bumaba.

Himala, pinagbukas ako ng car door, kanina hindi e. Ah, bait mode siguro siya ngayon dahil nandito kami sa house nila.

Bumaba na ako, pero bigla akong nahilo. Muntik na akong matumba, pero buti na lang nahawakan ako ni Dice sa braso.

Tiningnan ko ang paligid. Malaki rin naman ang bahay namin pero mas malaki ang kanila.

"Are you okay? You look so pale." Sabi niya.

"Oo, ayos lang ako. Let's go."

Aalalayan pa sana niya akong makaakyat sa stairs nila pero nagshrug ako ng balikat.

"I said I'm okay." Sabi ko. Ugh, naguilty na naman ako. Rude ba ang ginawa ko?

Habang sinusundan ko si Dice, sinabi niya na nasa kusina ang Mom niya. Nagluluto daw ito, ito daw kasi ang hobby niya.

Pagkarating namin sa kusina. Nakita ko si Mommy na nagluluto nga, ang puti ng awrang pumapaikot sa kaniya, parang ang liwanag tuloy ng paligid.

"Mom, guess who I brought here?" Dice started.

"Oh my Gosh! Shi, why are you here?" Nagliliwanag ang mga mata ni Mommy.

"Maiwan ko muna kayong dalawa." Sabi ni Dice.

"Umm, what are you doing, Mommy?" Tanong ko.

"Im cooking sinigang, Dice's favorite ulam." She answered.

"Ah, can y-you teach me?" Tanong ko uli. Nagluluto naman ako sa bahay kaya lang mga pastries lang. Minsan din nagluluto ako ng ulam, kaya never pa ako nakapagluto ng sinigang.

"Okay, sweetie, if you want."

Habang tinuturuan akong magluto ni Mommy, ramdam kong ang saya niya. Masaya siya sa ginagawa niya.

Dinner na. Inihanda namin ang mesa sa tulong ng ilang mga maid. Tinawag na din ni Mommy si Dice para kumain.

Habang hinihintay namin si Dice. Sinabi ni Mommy na baka daw late na makauwi si Daddy kaya hindi ito makakasama sa dinner namin ngayon.

"Alam mo sweetie, sobrang saya ko at dumalaw ka dito. Matagal ko nang gustong magkaroon ng anak na babae, kaya lang puro lalaki ang ipinagkaloob sa akin. " Kwento nito. "Siya nga pala, bakit kayo magkasama ni Dice?"

"Kasi po, m-may sasabihin po ako sa inyo." -me

"Ano iyon hija?"

"Sorry po sa inasal ko kahapon, nabigla lang po ako." Sabi ko. "Gusto ko rin pong sabihin na, payag na po akong magpakasal sa anak niyo." Oo payag na ako dahil wala naman akong ibang nagugustuhan, at gusto ko ring ifulfill yung wish ni Mommy, I want to make her happy.

"Talaga sweetie? Waaaaah! Im so happy!" Lumapit siya sa kinauupuan ko at saka ako niyakap.

"Mom, I told you, he won't hesitate to marry me." Biro ni Dice na pinanood pala kami.

"Son, come here join us, hug your wife" Pabiro ring sabi ni Mommy.

"Nah, Mr. de Dios will kill me." Sagot naman ni Dice.

"Why? She'll be your wife sooner or later!"

"I better not do anything until she's on the right age."

Napahinga ako ng maayos nang marinig ko ang sinabi niya. Pero medyo nag-alala ako dahil baka mamaya ay bawiin niya rin lahat ng iyon.

8 PM na mahigit ng matapos kami magdinner at mag-usap. Nagpaalam na ako kay Mommy na kailangan ko nang umuwi. Ayaw pa sana niya akong payagan, pinilit lang siya ni Dice.

"We'll be going, Mom." Pagpapaalam ni Dice.

"Don't worry, I'll come over again." I said.

"Wait!" Pagpigil sa amin. "You don't look like you're okay, Shi. You look so pale." Pag-aalala ni Mommy.

"Im really oka—" Bigla akong nahilo, pagkatapos ay nagdilim na ang buong paligid. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na nasa mga bisig ni Dice.

"CALL THE DOCTOR, HURRY!"

Call the FBI! Charot! kung ayaw niyo po ng ganitong story, okay lang hehe. Thank you for reading! If you have reactions, let me know in the comments.

emi_sancreators' thoughts
Next chapter