webnovel

Hey, Kid! (TAGALOG)

"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. "BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman. "Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya. "HMP." pagsusungit ko. "Ano na naman bang problema mo?" - Dice "WALA." "E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" "..." "Ugh. You're making me crazy." "..." "Just fvcking tell me already!" "You!" "What you?!" "You are my problem, Sir!" "Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" "How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako. "Bakit mo ko hinahawakan, pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit, nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin. "YOU'RE MY WIFE." He whispered. Yes. This guy here, is my stupid husband. Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!

emi_san · Adolescente
Classificações insuficientes
39 Chs

Chapter 28: Lost

Pagkatapos naming makipag-usap kay Ate Sabrina kanina ay bumalik na kaagad kami sa hotel.

Nakatapos lang naming magdinner ni Dice at kasalukuyan naman akong nakahilata sa kwarto habang pascroll scroll sa ig.

I just realized that my feed is so plain and boring. I only have 9 post, and mostly, picture namin nina Mama at Papa at yung iba naman ay sceneries ng mga lugar na napuntahan ko kasama sila.

Napatingin ako sa top right side ng phone para tingnan ang oras, it's already past 12 midnight. Kanina pa ako hindi makatulog kaya naisipan kong bisitahin ang mga social media accounts ko. The lights are switched off kaya medyo nasisilaw na ako sa screen.

Maya maya ay narinig ko na paggalaw ng doorknob ng room ko na tila ba ay may nagtatangkang buksan ito. Dahil sa kaba, dinampot ko ang maliit na paso sa ibabaw ng light stand sa gilid ko at dali daling nagtungo sa likod ng pinto.

After a few seconds ay nagclick ang doorknob, senyales na nabuksan na ito. How? Nasa akin ang susi pero how come na nabuksan ito? At sino naman ang magtatangkang pumasok sa kwarto na ito in the middle of the night?

Nang bumukas ang pinto ay mabilis kong naihampas ang hawak kong maliit na paso sa taong nagtatangkang pumasok sa kwarto ko. Laking gulat ko dahil naiwasan niya ito, tanging ang dulo lamang ng halaman ang tumama sa kaniya.

"It's me!" Ani dice, pasigaw.

I immediately switched the lights on.

"S-sorry! Akala ko kasi kung sino na e! Saka... natakot ako. Pano ka nga pala nakapasok?" Tanong ko. Pano nga ba? Hindi naman niya ako masisisi dahil wala namang hindi matatakot kapag may pabigla-bigla na lang na pumapasok sa kwarto nila sa gitna ng gabi.

"Oh, that's right. My bad." Sagot naman niya at kaagad na pumasok sa loob kahit na hindi ko naman siya pinapapasok. Isinara ko na lang pinto at inilock ito. Mahirap na.

Bumalik na lang ako sa pwesto ko kanina at pinagpatuloy ang paggamit ng cellphone habang siya naman ay naupo sa maliit na couch sa tabi ng bintana "Bakit ka nga pala nandito? It's late." I asked without looking at him.

"Can't sleep." He answered.

"Why?"

"Just because."

He looks like he has a lot on his mind so I did not bother to ask him any more. Napatingin ako sa kaniya nang tumayo siya kaniyang kinauupuan at saka humiga sa tabi ko. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa phone ko at nagkunwari na nagsscroll para hindi mahalata na kumakaba ang dibdib ko dahil sa ginawa niya.

Why does my heart... suddenly beats fast when he's near?

Ngayon ko lang napagtanto na nasanay na ako na kasama si Dice. Looking at my lame pajamas na mukang manang (sabi ni Erine), I wonder why I'm not even bothered about him seeing me in these clothes.

"Thank you." He said.

"Para saan?" Tanong ko naman. It's been too long since I heard that word from him.

"Just because." Sagot niya, the same tone how he said it earlier. Medyo kakaiba ang kilos niya... is he drunk?

"Lasing ka ba?"

"A bit...?" He flashed a smile which made my heart flutter. "Why? Are you planning to take advantage of me while I'm drunk?"

"No! W-why would I?" Malakas na pagtanggi ko. Ano bang akala niya sa akin?

"Just kidding, haha." He really likes making fun of me, huh. "Pardon me, I'm just a bit tipsy."

How can I get angry... kung ngingitian niya ako ng ganoon.

"Why did you drink?" Tanong ko.

"Just because." Pag ulit niya katulad kanina.

Sinamaan ko naman siya ng tingin, but he just laughed it off.

"You really won't take advantage of me?" Tanong pa niya.

"No." I said, acting calm.

"Then... can I take advantage of you?"

Parang nabingi ako dahil sa sinabi niya.

"Ano?!"

"Why? It's unfair... you took advantage of me when you got drunk."

Haaa?! Kailan? Bakit wala akong naaalala?

"Anong ginawa ko?"

"You..."

Mga ilang segundo na ay hindi pa rin niya itinutuloy ang sinasabi niya. I looked at him,

He fell asleep?!

Is he gonna left me hanging like this? Ano ba kasi ang ginawa ko?!

Ibinaba ko ang phone ko at tumingin sa ceiling... what did I do? Mas lalo lang akong hindi makatulog sa kakaisip. I moved close to him. Tinitigan ko ang mukha niya... "who wouldn't fall in love with this man?" sa isip isip ko.

As I looked at our feet close to each other, it looks like we're a real couple. Kaagad kong kinuha ang phone ko, then I snapped a picture. An Ig worthy picture. Sinulit ko na ang pagkakataon at kinuhanan ko na rin ang mukha niya habang natutulog. How can a person still look this handsome while sleeping?! I guess Im really a simp for this man.

Inupload ko muna sa IG ang picture ng feet namin together, pagkatapos ay inilagay ko na sa light stand and phone ko. Napatingin ulit ako sa paa ni Dice at napansin ko na may peklat siya dito.

I want to know where he got it... and I want to see every scar of his.

Wait.

Ano ba 'tong iniisip ko? I didn't mean to see his whole body! Sabi ko scars lang! Why am I getting flustered?!

Ipinikit ko na lang ang mata ko. I felt sleepy because of his scent.

Who said I'm sleepy? Hindi ako makatulog! It's already 3 in the morning, iniisip ko pa rin kung ano 'yung sinabi ni Dice.

Another thing... how can I sleep in this position? He was hugging me so tight I can't breathe. Paano ba kasi napunta sa ganito?

Well. I might as well take advantage of this situation. Dahan dahan akong tumagilid at humarap sa kanya at siniksik ang mukha sa kaniyang dibdib.

Nararamdaman ko ang bawat pagtibok ng puso niya at ang bawat paghinga. Ang sakit ng puso ko, parang may kung anong gustong kumawala rito. Ito ang unang pagkakataon na naranasan ko ang mga bagay na 'to at sa iisang tao lang. If it's not him... I wouldn't want to feel any of these. Ngayon alam ko na kung bakit ko siya nagustuhan, I liked him because it's him, I like every inch of him, I like everything about him, and every flaw he has.

---

Kinabukasan, nagising ako nang wala na si Dice sa tabi ko. Sikat na ang araw sa labas, dahil mahigit alas otso na ng umaga. Ginawa ko muna ang morning rituals ko at saka nagmadaling lumabas para hanapin si Dice. Kinatok ko ang pinto ng room niya pero walang sumasagot kaya bumaba na ako sa lobby. Pagbaba roon ay di ko pa rin siya nakikita kaya dumiretso naman ako sa labas ng hotel hanggang sa makita ko na si Dice sa di kalayuan. Mabilis ang lakad niya at nakalagay ang selepono sa tapat ng tainga. I shouted his name pero hindi na niya ako narinig dahil nakapasok na siya sa kotse niya.

Tumakbo ako papunta sa pinaparadahan ng kaniyang kotse pero hindi ko rin ito naabutan dahil nagsimula na itong umandar palayo. Kaagad kong tiningnan ang phone ko para tawagan siya pero deadbatt na ito.

Bakit ngayon pa, huhu.

I immediately ran, following his car. I know I won't reach him even if I run, but I still tried.

Unti unti nang bumabagal ang takbo ko dahil sa pagod. Pinagmasdan ko na lang na mawala ang kotse niya sa paningin ko. Hindi ko namalayan na malayo na ang narating ko at hindi ko na natatandaan kung saan ako nanggaling kanina.

What should I do?

Tumingin ako sa likod ko, hindi ko na maalala kung saan ako lumiko. Nasa crossing ako, sigurado akong lumiko ako kanina before I lost Dice's car kaya dalawa lang ang posibleng tamang daan. I went right, hoping that it's the RIGHT way.

Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay naliligaw na ako. Tama nga ang sinasabi nila tungkol sa akin, I have a bad sense of direction.

I walked and walked but it seems like the road is never ending. Para akong nasa isang maze, at naliligaw. Kanina pa ko paikot ikot at pakiramdam ko ay paulit ulit na lang ang mga nadadaanan ko. Mukang dinapuan naman ako ng swerte dahil nakarating ako sa isang palengke, ito yata ang kabayanan ng lugar na ito. Nagugutom na ako kanina pa kaya naman kaagad akong dumiretso sa nagtitinda ng streetfoods at bumili ng pagkain at inumin.

Nagpasya akong magtanong na lang kay manong na nagtitinda kung saan ang pabalik sa hotel.

"Manong, saan po dito ang daan papunta sa XX Hotel?" Tanong ko.

"Nako hija komplikado ang mga daanan dito saka delikado rin dahil wala masyadong bahay lalo na sa papunta sa hotel a sinasabi mo." Sagot ni Manong.

"Miss ako may alam akong shorkat, sumama ka sakin ituturo ko sayo ang daan." Sabat naman ng lalaki na kasabay kong bumibili kanina. Medyo suspicious ang kilos niya at hindi ko maiwasang magduda. He's a middle aged man, reeking of alcohol and cigarette.

"Hija mag-iingat ka at wag ka agad sasama sa kung sino-sino, mahirap na." Bulong ni Manong na nagtitinda. "Doon sumakay ka na lang ng tricycle. Doon sa kabila nitong palengke, may mga nagsasakay."

"Salamat po." Sabi ko.

Hindi ko na pinansin pa ang lalaking sumbat sa usapan namin kanina ni manong at naglakad na palayo.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay nakaramdam na ako ng masang kutob. Mabilis akong lumingon upang tumingin sa likod ko at kaagad namang nagtama ang paningin namin ng kaduda-dudang lalaki. Mabilis niyang inalis ang tingin niya at humito rin. Sa tingin ko ay sinusundan niya ako. Kumilos lamang ako ng normal at binilisan ko ang aking paglalakad.

I knew it. That suspicious guy from earlier... he's following me.

He must have figured out that I'm not from this place.

Wala sa wisyo akong lumiko papunta sa pinakaloob ng palenke, hanggang sa makarating ako sa tindahan ng mga karne.

So this is what it looks like. Ganito pala ang hitsura ng karaniwang palenke, the goods aint wrapped in plastic like those that are bought in the grocery store.

Oh, that one is a good quality and fresh pork!

Wait, this is not the time for this!

Lumingon ako sa likuran ko at nakahinga naman ako ng maluwang dahil hindi ko na nakita ang lalaking sumusunod sa akin.

"Anak kanina pa kita hinahanap... nandito ka lang pala."

Kinilabutan ako nang marinig ko ang boses na iyon.

That guy! Sinasabi ba niya 'yon para hindi siya pagdudahan ng mga nasa paligid?

Aabutin na sana niya ako sa braso ngunit mabilis akong tumakbo, di ko na inalala ang mga nabubunggo ko. Sobrang ang kaba ko dahil ngayon ay sigurado akong may balak talaga siyang masama sa akin becuase he's chasing me!

Im so afraid.

I wish Dice is here!

I felt stunned nang bigla na lang may humablot sa kamay ko kaya napapikit na lamang ako. I was about to shout pero...

"Hija magtago ka dito bilis!" Bulong ng isang matandang babae sa akin.

Hinila niya ako sa kaniyang stall at pingtago sa mga malalaking supot ng gulay. Tinakpan pa niya ako ng kaniyang balabal.

"Ale may nakita ho ba kayong babae na mukang mayaman, mestiza, mahaba ang buhok at nakablue?" Walang duda, ang boses na iyon ay sa lalaking sumusunod sa akin.

"Bakit sino ba 'yon?" Tanong ng ale.

"Ah, kamag-anak ko ho taga ibang lugar, naligaw dito sa palengke e." Sabi ng lalaki.

Please wag kang maniniwala ale! I'm not related to that man at all!

"Ay ganun ba..." no, ale! Wag niyo po akong ituturo huhu! "Nakita ko kanina nagpunta doon oh, liko ka doon." Sagot ng ale.

Ilang sandali pa ay tinanggal na ng ale ang kaniyang balabal sa pagkakatakip sa akin at tinulungan akong tumayo.

"Thank you po..." Yun na lang ang nasabi ko dahil kumakabog pa ang dibdib ko sa kaba.

"Wala 'yon hija, aba e kilala dito ang lalaki na 'yon bilang manyakis. Mabuti pa't dumito ka muna para masiguradong wala na siya." Anito.

"Maraming salamat po talaga... naliligaw po kasi ako at hindi ako pamilyar dito." Dagdag ko.

"Ay ganun ba hija, sasamahan na lang kita mamaya para makarating ka na sa pupuntahan mo."

____

Napasarap ang usapan namin ni Aling Sonya (nagkakilanlan na kami kanina), at sa kaniya pa lang ako naging ganito kakomportable bukod sa parents ko, friends ko, at kay Dice. Nasabi ko na rin sa kaniya ang sitwasyon ko ngayon.

Napansin ko na maaga siyang nagliligpit ng mga paninda niya kumpara sa ibang tindera dito sa palengke kaya tinanong ko siya kung bakit.

Ito na raw ang huli niyang araw sa palengke dahil wala na silang pambayad ng renta para sa pwesto/stall. Pinapaalis na daw siya dahil ilang buwan na siyang di nakakabayad.

Madadaanan daw muna ang bahay nila bago ang XX Hotel kaya inaya niya muna ako sa kanilang bahay upang kumain. Pumayag naman ako dahil gutom na gutom na ako at alas 2 na rin ng hapon.

Kailangan ko rin kasing hintayin si Aling Sonya para masamahan niya ako dahil naghahanap buhay pa siya.

Matapos namin magligpit ay tinulungan siya kaniyang mga anak upang ikarga ang mga gulay sa isang sasakyan na tinatawag nilang "kolong-kolong". Puno na ang sasakyan kaya namasaheros na kami ni Aling Sonya.

Ako na ang nagbayad ng pamasahe nang makarating kami sa bahay nila. Nagpasalat siya sa akin dahil malaking tulong daw iyon para sa kaniya.

Mas lalong madalang ang mga bahay sa kanilang tirahan at ang sabi ni Aling Sonya ay mga anak at ilang kamag-anak lamang niya ang nakatira sa anim na bahay sa area na ito. Bigay lamang daw ito may ari nang ito ay mamatay mahigit isang dekada na ang nakakalipas.

Pinapasok niya ako sa kaniyang bahay at sinabing "Pasensya na ha, maliit lamang ang bahay namin."

"Ayos lang po Aling Sonya." Sabi ko naman.

"Maglulito lang ako ha sabayan mo na akong kumain." Pag-aya niya sa akin. "Siya nga pala... kumakain ka ba ng buro? At nilagang gulay?"

"Kumakain po ako ng gulay... pero hindi pa po ako nakakakain buro... ano po ba iyon?"

"Ay nako, dapat mong matikman 'to. Sandali lang hija at akoy magluluto muna nang matikman mo na ang sinasabi ko."

Maya maya ay nakapagluto na si Aling Sonya at nakauwi na rin ang kaniyang mga anak at asawa.

"Nasaan na kaya si Zenin... Nelson pakitawag mo nga at kakain na tayo." -Aling Sonya.

"Nandon na naman po siguro Nay sa mangahan, nakaakyat na naman sa tuktok ng puno." Sabi ng isa niyang anak. "Ayan na po pala e."

"Oh, may bisita pala tayo, La?" Ani Zen. I think he's around my age.

Halos mapatalon ako nang bigla siyang lumapit sa akin at tinapik ng malakas ang balikat ko.

"W-why did you do that?" Tanong ko.

"Sorry, may ipis e..." he answered.

Napatingin ako sa bahagi kung saan niya ako tinapik. Nakita ko na lamang ang ipis... na napisa na sa damit ko dahil lakas ng pagkakahampas.

"AaaaaaaAaaaaaahhhh!"