webnovel

Hey, Kid! (TAGALOG)

"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. "BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman. "Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya. "HMP." pagsusungit ko. "Ano na naman bang problema mo?" - Dice "WALA." "E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" "..." "Ugh. You're making me crazy." "..." "Just fvcking tell me already!" "You!" "What you?!" "You are my problem, Sir!" "Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" "How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako. "Bakit mo ko hinahawakan, pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit, nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin. "YOU'RE MY WIFE." He whispered. Yes. This guy here, is my stupid husband. Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!

emi_san · Teen
Not enough ratings
39 Chs

Chapter 27: Auction

Parang lantang gulay kong inihagis ang sarili ko sa sofa nang makauwi na ako sa condo. Hindi na ako nag-abala pang tanggalin ang makeup ko o kaya naman ay magbihis. Gusto ko munang humiga dahil sobrang nakakapagod ang araw na 'to kahit na halos nakaupo lang ako buong gabi. Alas kwatro na rin ng madaling araw. I already texted Mama to not wait for me dahil uuwi ako dito.

To be honest, I kind of expected na baka nandito na si Dice pero wala pa rin siya. Saan kaya siya nagpunta?

-----

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Pagdilat ng mata ko ay nakita ko agad si Dice na nasa couch. Doon na rin yata siya nakatulog.

Nagmadali akong maligo dahil kagabi ko pa suot ang gown ko at nakamakeup pa rin ako. Alas 9 na pala ng umaga kaya kaagad akong nagluto ng pagkain. Medyo nagugutom na kasi ako at sure ako na ganoon din si Dice.

Habang nagluluto ako ay may narinig akong ring ng phone. Kay Dice siguro dahil hindi naman ganoon ang ringtone ko. Ilang sandali pa ay tumigil na ito at sinagot na niya ang tawag. Narinig ko na lang ng pagbukas-sara ng pinto. He went out.

Is there something I shouldn't hear?

Matapos ko namang magluto at maghain ay sakto naman na nakabalik na si Dice.

"Let's eat." I said.

Tahimik lang kami habang kumakain. Sanay naman na ako na ganito, hindi ko kasi alam kung paano magsimula ng usapan.

"Kid," -Dice

"Y-yes?" Why am i so awkward?!

"I have somewhere to go today" Aniya. Nakaramdam ako ng pag-aalinlangan. Parang may kakaiba sa tono niya.

Magsasalita pa sana ako pero nagring muli ang phone niya. Tiningnan pa niya ako bago ito sagutin. Parang nagdalawang isip pa siya kung sasagutin ba niya ito o hindi.

"Hello? Yes. I'll be there... i'll personally check the place... no, you don't need to... what do you mean? I'll definitely get that. okay... i understand." Napansin ko ang pagbabago ng reaksyon ni Dice. He seemed genuinely happy but it faded at the end of the call.

Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ng nasa kabilang linya pero sigurado ako... he's talking to a woman. Sigurado rin akong hindi si Julie ang kausap niya dahil kilala ko ang boses ni Julie. Speaking of Julie, she already went back to U.S.

"Gaya ng ng sinasabi ko... I need to go somewhere." Pagpapatuloy niya sa sinasabi niya kanina. "It would probably take a few days."

Parang binagsakan ako ng kung anong mabigat na bagay dahil sa narinig ko. "Ilang araw?" Tanong ko.

"Hindi ako sigurado, baka isang linggo... or less." Sagot naman niya.

"Oh... okay" 'yon lang ang nasabi ko at nagpatuloy nang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad siyang nag-ayos ng gamit. I helped him pack his things. Pero nang mga sandaling iyon lumilipad ang isip ko. Lagi naman akong naiiwang mag-isa sa mansion kapag umaalis sina Mama at Papa. Minsan inaabot pa sila ng one month pero hindi naman ako nakaramdam ng ganito dahil nakasanayan ko na. I felt sad noong bata pa ako pero nawala rin 'yon paglaki ko.

"Ngayon ka na talaga aalis?" I asked. "As in n-now na?"

"Yes. Kailangan." he answered.

After packing his things, he went for a quick shower. Habang ako naman ay nagpunta sa sala, dumbfounded.

Sabi niya babawi siya. Alam kong marami pa namang oras pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw ko siyang umalis.

"Kid, I need to go." Ikinagulat ko nang makitang nakagayak na pala siya. Ang bilis ng pangyayari. Nasa tapat na siya ng pinto, at papalabas na ng condo.

"W-wait!" I shouted. Napahinto siya. Lumapit ako kaagad, not knowing what to say. Bakit ko nga ba siya pinigilan?

"What is it?" Tanong niya.

"Take care." Sabi ko. Wth did i just said? Pinigilan ko ba talaga siya para lang sabihin 'yon?

Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko. "You too." Aniya at umalis na.

"Do you really have to go?" Tanong ko kahit alam kong hindi na niya maririnig dahil nakalabas na siya ng condo.

Napaupo na lang ako sa sahig at niyakap and tuhod ko. I didn't even had the courage to ask kung saan siya pupunta at kung anong gagawin niya doon.

Napayuko ako. Ngayon ko lang narealize. I felt jealous dahil sa nakita kong ekspresyon ng mukha ni Dice noong kausap niya 'yung babae.

At higit sa lahat, I felt lonely.

"I was left alone... again."

Do i really have to go through the same sadness I felt before?

Being left alone... is one of the things i fear the most.

Why? Dahil wala akong magawa. I am too scared to stop them.

Laking gulat ko nang bigla na lang bumukas muli ang pinto, dahilan para iangat ko ang ulo ko. It's Dice.

He came back.

Agad akong napatayo. Nakakahiya!

"B-bakit ka bumalik, may nakalimutan ka ba?" Tanong ko.

"Yes." Sagot niya. Oh. Nawala 'yung katiting na pag asa kong hindi na siya tutuloy.

It's just a few days, Shi. Para kang bata.

"What is it? Kukuhanin ko na para sayo." I said.

"No... I forgot to ask," Aniya. "Do you want to come with me?"

"H-ha?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Ayaw mo ba?" Tanong ulit niya.

"No! Gusto ko."

"Then pack your things, you'll come with me."

Thank God, I wasn't left alone again.

_____________________

Nasa byahe na kami. Nakapagpack na rin ako ng mga damit ako at nakapagpaalam na kami sa parents ko. Papa is away pero pinayagan naman ako ni Mama dahil Christmas break naman na at wala nang pasok.

"You should get some sleep, malayo pa tayo." Sabi ni Dice. Nasa passenger seat ako habang siya naman ay nagddrive. Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Ayokong mamis ang view na nakikita ko.

Halos one hour lang biyahe. We already arrived at a small hotel. I guess we'll have to stay here.

Dice booked a separate room for us. Room 206 sa akin at room 207 naman sa kaniya. Maliit lang ang hotel na ito at di ganoon ka luxurious pero malinis namang tingnan. Napansin ko kanina na kaunting bahay lang ang nadadaanan namin at hindi pa modern ang style. Nasa paanan kasi ng bundok at maraming puno.

Maya maya pa ay nagvibrate ang phone ko. Nagtext pala si Dice.

'Stay at the hotel for now. I'll fetch you at 6:30. Get ready and wear the dress I told you to bring.'

That's what he said on the text message.

Nagvibrate ulit ang phone ko. May pahabol pa yata si Dice.

'Stay within the hotel, don't go anywhere. May aasikasuhin lang ako.' dagdag niya. Hanggang ngayon, parang bata pa rin niya akong itrato.

I did what he said. Natulog na lang ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa senior night kagabi. Buti na lang ay nagising ako sa oras at nakapagbihis na pagdating ng alas 6:30. Nakarinig ako ng mga katok sa pinto. Si Dice na siguro 'yon.

Nagmadali akong lumabas at sakto namang tumambad sa harapan ko si Dice paglabas ko ng pinto. He is also wearing a formal attire.

"Let's go." He said.

"Saan ba tayo pupunta?"Tanong ko.

"At an auction." Sagot niya.

Auction? For what?

Halatang nagmamadali si Dice kaya naman hindi na ako nagtanong pa. Kaagad na kaming nagpunta sa kotse niya at umalis.

Nakarating kami agad sa auditorium na venue ng auction. Pagpasok namin sa loob ay binigyan kaagad kami ng bidder card. Dice got number 28.

Naupo kami sa pangatlong row ng upuan mula sa harap. Iyon na lang kasi ang pinakamalapit na pwesto sa harapan. Mukhang determinado si Dice na makuha ang gusto niya sa auction na ito dahil nakikita ko habang tinitingnan ko siya, he's trembling.

Makalipas ang halos isang oras, maraming item na ang na ang nakatapos na ipaauction at ni isa dito ay wala pang nakakakuha sa atensiyon ni Dice. Hanggang sa ilabas na nila ang isang kuwintas na may locket. Halatang luma na ito dahil hindi ito katulad nang mga usong necklace ngayon. Pero kahit na ganoon ay nahuli nito ang atensiyon ko. Kahit na luma na at wala na sa panahon ang style nito, somehow, it's gold color and the little diamonds at the locket is mesmerizing. What could be inside it? I wanna know.

Nagulat ako dahil itinaas ni dice ang number na hawak niya matapos sabihin ng host ang initial price at sinabing "100,000"

Pero nagtaas din ng number ang nasa harapan namin at sinabing "150,000"

Nagpatuloy pa ang pagtaas ng presyo hanggang umabot ito sa Php. 500,000 at sa huli ay si Dice rin ang nakakuha.

"It's just an old necklace, hindi naman worth it. I don't understand why y'all are competing over that. Hindi nga 'yon pore gold." Rinig ko mula sa mga nasa likod namin.

Bakit nga ba? Why is Dice so eager to have that old necklace? Kailan pa siya nagkaroon ng interes sa mga ganoong bagay? Sigurado ako na pambabae ang kuwintas na iyon... hindi rin naman niya 'yon maisusuot.

Lumipas pa ang ilang minuto ay may inilabas naman na picture sa projector.

A small house in the middle of a field full of flowers. Mga 100 meters ang layo nito sa ilang kabahayan. Maganda ang view. Sobrang refreshing.

Dice immediately raised his bidder card matapos sabihin ng host ang presyo nito. Dice offered 10M pero kaagad namang may nag-offer ng mas mataas pa dito.

He's trembling got more instense. Kapag may nag offer ng mas mataas sa kaniya ay kaagad naman din siyang magtataas ng presyo.

I held his other hand to calm him. I noticed that he flinched, pero kumalma rin makalipas ang ilang segundo. Hindi muna ako nagsalita, I know there's a reason why he's so determined to get that house. I can tell na ito yung dahilan kung bakit siya nagpunta dito.

The price went higher and higher hanggang sa umabot ito ng 50M.

"60M." Ani Dice. Ramdam ko sa boses niya ang desperation. Gustong gusto talaga niya 'yung bahay na 'yon.

Why? Hindi naman sa nangingialam ako pero sobrang nacucurious talaga ako kung bakit sobrang persistent niya na mabili ang lupa at bahay na 'yon.

What about that woman on the phone? May... kinalaman ka siya?

"...goes to number 28."

Nagulat ako nang higpitan bigla ni Dice ang pagkakahawak sa kamay ko. Doon ko lang naalala na siya nga pala ang bidder number 28. Nakalimutan ko dahil sa sobrang pag-ooverthink.

He stood up kaya tumayo rin ako. Hindi pa man natatapos ang auction ay umalis na kami sa seat namin at nagpatangay na lang ako kay Dice na hawak pa rin ang kamay ko hanggang ngayon.

Nagpunta kami sa backstage ng auditorium, pinapasok naman kami ng guard pagkatapos itong kausapin ni Dice. I saw a lot of different items na ibinibid. Everything is so amusing.

"Mr. Lucrenze?"

Nang marinig namin iyon ay kaagad namang binitawan ni Dice ang kamay ko.

"Ah, here you are, Ms. Prinsesa."

Prinsesa?

He let go of my hand the moment he saw her.

"So... nakuha mo nga 'yung gusto mo." Ms. Prinsesa said. By the sound of her voice, alam ko na siya yung kausap ni Dice sa telepono. My instinct is telling me that. Napahinga ako ng malalim. I felt jealous of someone kahit hindi naman dapat.

"Pwede bang maayos na kaagad ang mga papeles? I want to own it as soon as possible." Tanong ni Dice.

"Tbh, pwedeng matagalan ang pagproseso pero... ito na ang huling araw ko sa pagtatrabaho dito, at maswerte ka dahil nandito pa ako, haha. Ican speed up the process for you." She answered.

"Thank you very much, Ms. Prinsesa, I really appreciate it." Sabi ni Dice at nakipagshake hands kay Ms. Prinsesa.

"Ano ka ba, Sabrina na lang Mr. Lucrenze. We're going to be workmates soon. Wala pa akong kaibigan doon kaya lets drop the formalities, please." Sabi pa nito.

"Okay, I'll call you Sabrina." Sagot ni Dice.

"Pwede rin ba kitang tawagin sa first name mo?" Tanong pa ni Ms. Prinsesa.

"Sure." -Dice

"Yay!"

Wow. She's so chearful.

"Btw, sino tong cutie na kasama mo? Paano siya nakapasok? 16 and above ang age limit namin." -Ms. Prinsesa.

"Anak ng kaibigan ng Dad ko. They entrusted her to me." Sagot ni Dice. "Nagpupumilit sumama... and she's 17." bulong pa niya pero narinig ko naman.

Why did he lie tho. I understand na ako yung nagsabi na ayaw kong malaman ng iba ang komplikadong relasyon namin, pero malayo naman ang lugar na 'to e. Wala naman sigurong nakakakilala sa akin dito.

"Hi! What's your name?" Tanong sa akin ni Ms. Prinsesa.

"Shihandra." I answered.

"Nice to meet you, Shihandra!"

Parang nasilaw ako dahil sa sobrang bright at cheerful niya. She emits this bright and shining aura that drains the shit out of an introvert like me.

"Nice to meet you... ate Sabrina." Sabi ko.

"How cuuute!" Puri niya sa akin.

She's nice.

"Uhm, pasensya na kayo ha, i have to go back to work na, I'll call you when everything's settled, Dice." Pagpapaalam niya.

"It's okay, we also have to go already. It's past the kid's bedtime." Ani dice. Di ko alam kung seryoso siya o pinagtitripan na naman niya ako.