webnovel

Maggie

ALAM NIYO BA 'yung feeling na kaunting-kaunti na lang as in ilang inches na lang at mapapasaakin na 'yung blueberry cheesecake pero bigla na lang mawawala kasi panaginip lang pala ang lahat? At wala talaga ako sa loob ng isang Dessert House Buffet dahil ang totoo, nasa loob ako ng isang ospital at nagising sa kwentuhan nina Lucy at ng dalawang lalaking kausap niya.

Pero, wait.Teka lang . . . paanong mangyayaring . .

Seryoso ba 'to? As in . . .

Oh no. Hindi nila dapat mahalata na gising na 'ko. Bakit magkasama sina Brian at Sir? Hindi ako pwedeng magkamali. Si Brian lang ang lalaking kilala ko na may magandang dimple bukod kay Alden Richards. At kahit matagal na kaming 'di nagkikita, alam ng puso kong siya si Brian. At si Sir, 'yung singkit niyang mga mata na kulay kape, siya lang ang una kong Koreanong nakilala na nakausap ko nang malapitan, kaya hindi ako pwedeng magkamali. 'Yung mga titig niya sa akin no'ng nag-date kami, date'yun kasi kumain kami sa magandang restaurant at dalawa lang kami. Talagang hind maikakailang siya ang nandito sa ospital. Wala nang iba . . . si Sir David Kang nga.

H'wag mong sabihing magkaibigan sila. Patay na ko talaga.

"He was actually the first Filipino friend that I have and because of him, I have come to love Tagalog." si Sir David, nagkekwento tungkol kay Brian. Teka lang, akala ko ba sa Japan pumunta si Brian after high school grad, eh Koreano si Sir David. Hmmmm . . . niloko niya ko.

"He helped me with my English too and we are the best of buddies. I could not imagine college life without Brian," papuri ni Sir David kay Brian.

Well, talaga namang mabuting tao si Brian. Kahit noon pa. Naalala ko tuloy no'ng bago pa lang ako sa school namin, si Brian ang una kong naging kaibigan. Paano ba naman, lalampa-lampa ako no'n, medyo nabu-bully rin. There was this one time na sinadya akong patamaan ng bola ng mga schoolmate ko and he came to the rescue. He covered his body just like superman. Wow. Feeling ko no'n ang haba ng buhok ko. From then on, I promised myself, I will be strong para pareho kaming malakas ng superman ko.

"Pare, I won't have survived college without you either. You introduced me to triathlon and it made college really fun! Im pretty sure you'll enjoy when we get to CamSur."Okay. Sige, kayo na ang true friends. Kayo na ang may alam ng likes at dislikes ng isa't isa.

Oh . . . no . . . 'di kaya? Hindi kaya sila? Ang gwapo pa naman nila pareho, Oh my . . .sayang naman. Sinuko ko si Brian para lang siya mapunta sa isang Koreano. Paano na si Bestfriend? Paano na ako?

"Teka lang, hindi ba tayo pwedeng mag-usap ng tagalog na lang? Tutal naman David you know how to speak tagalog at ikaw naman Brian, Pinoy ka,"si best Lucy, nakakatuwa talaga. Oo nga naman, bakit ba English 'yung usapan, di ba? Mabuti na lang hindi bigatin 'yung mga words nila, kundi, baka kinailangan ko pa ng dictionary.

Sa kaiisip, hindi ko na namalayan na nagrereklamo na pala ang tiyan ko. Gutom na nga ako. Ilang araw na ba akong hindi kumakain mula nang mahimatay ako? Bakit ba kasi ako nahimatay? Sobrang gutom? Katakawan, gano'n? Can somebody tell me?!

"Parang gutom na si best. Kawawa naman,'di siya makakain. Mahigit apat na araw na rin." Gano'n na pala ko katagal dito sa ospital? Eh, kung pinapaalis mo na kaya best ang dalawang lalaking 'yan? 'Di ba? 'Di pwede ko nang imulat ang mga mata ko. Gutom na ako. Kailangan ko nang kumain dahil mamatay na ko sa gutom! Promise!

Bakit ba kasi sila magkasama at paano nila nalaman na nandito ako sa ospital?

"Ahm . . . David, I think you better keep going. Just tell our friends that I have to attend to something important. I mean, someone important."Kilig overload. Hanggang ngayon napaka-caring pa rin ni Brian. Oh,puso ko . . . h'wag kang magtatatalon. Kalma lang. Kalma.

"I don't think so. Your friend happens to be my employee and I have to take care of her too. So I am staying."Ako na. Ako na ang may long hair. Ako na talaga! Pati si Sir, concern sa akin. Wow. Pero, paano na?

Hindi pa 'ko handang makausap ulit si Brian. Ayokong sumbatan niya 'ko. Ayokong tanungin niya 'ko ng tunay kong nararamdaman, dahil ang sinisigaw ng puso ko ay siya pa rin. Si Brian lang . . .  Oh, Please . Best, please help me. Please.

"Naku, 'di matutuwa si best sa ganyan. Dahil sa kanya, you will not be able to go to your outing. I know best would like you to enjoy." Ang galling ni Best!Nababasa niya ang isip ko kahit tulog ako. Ganyan kami ka-close ni best.

"Pero kailangan naming mag-usap, Lucy. Ang dami kong dapat sabihin sa kanya," angal ni Brian, parang nagmamakaawa. Ano ba 'yan!? Brian, h'wag mo kaming pag-awayin ng best ko. Please.

"Don't worry. I will update you from time to time. I have your number." Galingan mo pa, best. Galingan mo pang magdahilan. Please!

"Ahmm . . . ibigay mo na lang kaya ang number niya sa akin? Pwede ba 'yun? Para hindi na ako mag-worry at ma-enjoy namin ang outing namin?"

"Naku, ayaw na ayaw ni best na pinamimigay ang number niya. Ako na lang ang ko-contact sa'yo."

"Wait. I have a solution to this. Tutal, I am Maggie's boss, I should have your contact number Lucy and Maggie's number too. So that I will be updated. I will then update you Brian of the happenings with Maggie and maybe, when she's well, I'll ask her if I could give her number to you. What do you think?"

Ano raw sabi ni Sir?

"It's the same thing, David."

"No, its not. She was supposed to report to me last time but she didn't come. She was not able to fill out the employee profile sheet. I need to get in touch with her because any time soon, we will be dealing with our clients."

"May point ka, David. Okay, sige. Here is Maggie's number."

Seryoso!? Binigay ni best 'yung number ko kay David? Nagtiwala siya agad kahit na first time pa lang niyang nakilala ang boss ko? Kung sabagay, addict nga pala 'to sa Korean Drama kaya palagay ko, na-inlove na agad agad 'tong si Lucy. Kung gano'n, mas maganda, kasi sila na lang ni David at kami na lang ni Brian.

"Maggie, I will be back. Please, please, get well soon."Muntik na akong sumigaw sa pagkakahawak ni Brian sa kamay ko.. Kailangan talagang pisilin? Pwede namang tapikin na lang.

"H'wag mong masyadong pisilin ang kamay ni best. Baka mabinat."Oh no . . .  si best. H'wag kang magalit, please. Hindi ko alam na gagawin niya 'to. Promise!

"Maggie, I will pray for your healing. I know God performs miracles. I believe He can make you better."As in? Sa kabilang kamay ko, si Brian ang nakahawak, sa kabila naman, si David. Si David? He believes in God and he will pray for my healing.