webnovel

David

I WAS SHOCKED with what I saw. My reflection is telling me that anytime soon, someone from Walking Dead will phone me and will tell me that I passed the audition. No. I didn't audition myself but perhaps this mirror would tell them that I am a ZOMBIE.

Napakalalim na ng eyebag ko. Hindi kasi ako makatulog. Tatlong araw na rin. Syempre nag-adjust ako sa climate dito sa Pilipinas at hindi rin ako nakakakain nang maayos. Siguro dahil sa pag-aalala. Hindi pala, pagkainis pala. Oo. Naiinis ako kay Maggie. Kung sino man siya. May kasalanan din naman ako kasi hindi ko kinuha ang full name niya.

Ang hirap tuloy maghanap sa Facebook ng Maggie lang.  I checked more than 2,000 accounts and counting. Siguro nga, ako ang may kasalanan kasi wala akong cellphone number niya.Pero hindi, siya pa rin ang may kasalanan. Ang sabi niya papasok siya. Ang sabi niya kailangan niya ng trabaho. Pinaasa niya lang ako. Paasa siya.

Kung sa bagay, wala naman talagang dahilan para umasa ako. Pare-pareho lang naman ang mga girls. They will make you feel special tapos wala naman pala. Masyado rin kasi akong feeler.The way she looked at me when we had our lunch was telling me that I am the most handsome man in the world . . . or maybe not.

Kasi hindi 'yun naging sapat para tuparin niya ang pangako niya na she will report to work.

Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko rin sa kanya.

"Bro, tuloy pa ba 'yung lakad natin?" I dialed my friend's number. May invitation kasi na mag-beach hopping. I had to decline at first kasi may work nga. Maggie and I agreed that we will make plans for our English Center pero hindi naman siya dumating and I guess,hindi na siya darating dahil three days na rin naman, I better enjoy the Philippines. Our first stop is Batangas.

"Yeah. Tuloy, pero may dadaanan lang ako. Okay lang ba?" Okay lang kahit saan kami pumunta. Gusto ko lang kalimutan ang babaeng paasa.

"Yes, bro. I just have to get out of here, mababaliw na ko." Tumingin ako sa apat na sulok ng English Center. Maganda naman talaga ang place pero I'm dead bored.

"Alright. Paliliparin ko na ang kotse."

"WHAT!?" I screamed at my friend. Paano kung makatingin, nakakaloko. Hindi mo maintindihan ang gustong sabihin.

"Chill, David. I am just curious, bakit parang hindi ka kasi mapakali. Sa tuwing may makikita kang chubby eh, napapalingon ka. Nagbago na ba ang standard natin, pare?" Kilalang-kilala na nga talaga ako ng kaibigan ko. I met him three years ago and we became really good friends. He taught me how to speak FIlipino and the reason why I am fluent is because of him. I taught him Korean too but he said our language is too hard to understand so he just stopped learning.

"Alam mo, tigilan mo 'ko. May hinahanap lang ako." Okay, addict na kung addict. Nagbabakasalaki lang naman akong makikita ko si Maggie. I want to see her and tell her how unprofessional she is. And that I will never let her step in my English Center again.

"Paano 'pag di mo siya makita? Ano'ng gagawin mo?" 'Yung ngiti niya, nakakaloko talaga.

"Kaysa sa kung anu-ano ang iniisip mo, bakit 'di ka na lang mag-drive diyan."

"Don't worry, talagang excited na kong makapunta do'n."

"You said were going to the hospital. Eh, bakit excited ka?!"

"Kasi matagal ko na siyang hindi nakita kaya masaya akong makikita ko siya ulit." Malakas ang pakiramdam ko na inlove 'tong kaibigan ko. Parang bata kung ma-excite, eh. Kung sa bagay gano'n naman talaga ang love. It makes you ecstatic, fulfilled, loved.