webnovel

Glimpse of You (San Ildefonso Series No.1)

j0biyaa_ · Urbano
Classificações insuficientes
11 Chs

Kabanata 8

Akala

"Oh? So you're working here?" Tanong ko sa kanya. Malamig niya akong tinititigan.

"Anong order mo?" He said, avoiding my question.

Tumaas ang kilay ko. This arrogant and snobbish guy is asking me in a rude way. I'm a customer, hello? Pagsasabihan ko pa sana siya pero naalala ko, he is my brother's old friend. So ano naman ngayon? Wala naman akong pakialam kong sino pa siya.

"Maybe vanilla iced coffee nalang and isang cold water,"

Paalis na sana siya ng tawagin ko siya ulit. Agad din siyang lumingon para harapin ako.

I twist my hips at itinukod and kaliwang siko sa lamesa. "And please, don't be too stiff and serious. Nakakabawas ng customer iyan, you know that?" Then I smiled.

Pagkaalis niya ay doon ko naman narinig ang halakhak ni Alluiza. Nilingon ko siya. Hindi ko nagawang madala sa tawa niya. Seryoso ako sa sinabi ko pero mukhang iba naman ang interpretation niya.

Ibinalik ko sa ayos uli ang pag-upo. Trying to drown myself on my notes.

"I'm completely turned off, Pat. I really need to share this with Mina. She'll surely be like us." Then she sip on her coffee. Muli ko siyang sinulyapan at mukhang wala talaga siyang balak mag-aral. She's now holding her phone.

Kumunot naman ang noo ko sa huling sinabi niya. Hindi ko alam kong tama ba ang narinig ko. I raised my eyebrow.

"Be like what? Us? For your information, Alluiza labas na ako diyan. Kaya huwag mo akong isama sa karengkengan niyo," I rolled my eyes. Bumaling ako kay Chaz. Likod niya lang ang kaharap ko. Tama nga talaga ako. He's poor.

She rolled her eyes. "Whatever, Patricia. Huwag kang magsalita ng tapos." Napabaling ulit ako sa kanya. What's with this woman? I crossed my arms.

"And what does that mean? Na may maaari akong magkagusto sa kanya? Gross."

I can't even imagine an hour with him.

Natawa nalang siya sa sinabi ko. Napasulyap ulit ako sa dako niya. May hawak na siyang tray at mukhang akin na iyon. Tumuwid ako ng pag-upo na parang may ikakatuwid pa ang pag-upo ko sa ngayon. I crossed my legs habang pinapanood ang bawat kilos niya. Isinantabi ko muna ang ibang mga notes ko na mamaya ko pa naman babasahin habang siya naman ay inilalagay na ang mga inorder ko sa lamesa.

"Here's your order, Ma'am. Have a good day." Masayang sabi niya na habang ngumingiti. Ngumiwi ako, para yata siyang naging timang sa paningin ko. Agad rin siyang umalis kaya hindi ko na nasabi ang reaksyon ko.

Ibinalik ko nalang ang mata sa mga notes ko na kanina pa naghihintay sa akin. Pero wala pang dalawang minuto ay naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko na ipinatong ko sa lamesa. I groaned, lagi nalang may umaagaw ng atensyon ko.

It's Dad. Bigla akong nakaramdam ng takot na baka hindi nasabi ni Mom na nandito ako. Walang pag-aalinlangan kong sinagot ang tawag makatapos ng dalawang vibrate.

"Hi, Dad." I bit my lower lip habang hawak ang ballpen sa kanang kamay. Napatingin rin si Alluiza sa akin. Nawala ang atensyon sa kanyang maliit na notebook. Pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

"Your Mom said na lumabas ka to meet your friends para sa group study?"

Sumandal ako sa backrest ng upuan, guminhawa dahil sa narinig.

"Ah yeah. I'm with Alluiza alone, Dad." Sumenyas ako kay Alluiza na it's okay, pagkatapos niyang marinig ang pangalan. Tumango rin siya at naintindihan ang gusto kong sabihin.

"Your Mom and I will go to Ilocos today. Hindi ka na namin mahihintay sa pag-uwi."

Hindi ko na kailangan pang itanong kung ano ang gagawin nila sa Ilocos. It's all about business, anyway. My father is a businessman while my mother was a former doctor. She had her early retirement dahil nabuo ng maaga si Kuya. Then, after that hindi na siya bumalik. She's now interested in business.

"Okay, Dad. Mag-ingat kayo ni Mom. I love you."

After that, he ended the call without a word. Inilapag ko na ang cellphone ko at muling napatingin si Alluiza sa akin. Simpleng ngiti lang ang ginawad ko sa kanya. Nagpalabas ako ng malalim na buntong-hininga. Muli kong ipinako ang mata at isip sa mga araling nakalatag sa harapan.

Nagtagal kami ni Alluiza sa coffee shop. May mga ilaw narin na nakabukas. Halos wala naring customer ang lugar. Sumilip ako sa bintana na malapit sa akin. Gumagabi na at hindi ko alam kong nakauwi na ba si Kuya Gab.

Sinuri ko ang paligid. Napatingin ako sa counter. Wala na siya. Siguro tapos na ang oras ng trabaho niya at dumiretso na sa pag-uwi. Ngayon si Alluiza naman ang tinititigan ko. She looks tired and sleepy. Mukhang dapat na nga yata kaming umuwi.

"Let's go?" Tango lang naging tugon niya.

Nasa labas na kami ng coffee shop, naghihintay ng taxi. Alluiza and I will have to wait two different cabs dahil magkaiba kami ng subdivision.

"Pauwi na kayo?" Rinig ko galing sa likod.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa baritonong boses palang ay kilala ko na. Akala ko ba umalis na siya?

"Ah...O-oo." Sabi Alluiza. Mukhang nagulat rin. Humakbang siya papunta sa tabi ko. Nasa kanan ko si Alluiza at mukhang pinipigilan ang tawa.

What's funny?

"I'll go with you guys." Agad-agad akong napabaling sa kanya. Isa pa 'to!

"Uuwi na kami. Wala kaming planong gumala." Sabi ko dahil iyon naman ang totoo at kung gumala man kami, ay wala naman akong plano na isama siya.

Suminghap siya. "Wala naman akong sinabing gagala ako." Kalmado at klarong sabi niya.

Hindi nagtagal ay may dumating na isang taxi. Nagdedesisyon palang ako sa utak ko kung sino ang dapat mauna pero binuksan na ni Chaz ang pinto ng taxi at nauna ng pumasok si Alluiza.

"Good luck sa studies, Pat. Ah..C-chaz, una na a-ako." The she gives him her precious smile. Akala ko ba hindi na niya gusto 'tong lalaking ito? Bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin?

Tumulak na ang taxi at kami nalang dalawa ang naiwan. Mistulang ang ilaw sa poste nalang ang nagiging ilaw sa kalye. I can also hear some fireflies around.

Walang may naglakas magsalita and because of that, mas naririnig ko ang maliliit na ingay sa paligid. I look up to the sky. Nagkataon yatang maraming bituin ngayon.

"Ang ganda." Sabi ko. Amazed by how beautiful the sky is.

"You like stars?" I look at him then I smiled.

"Sino namang hindi. They're beautiful."

He smiled too then he nod, agreeing for what I have said. Nagkatitigan kami ng ilang segundo at sa ilang segundong iyon, ay mas nasuri ko ang kanyang mukha.

Just like stars, his eyes... are beautiful. Kumikislap ito dahil narin sa repleksyon na nangagaling sa poste ng ilaw. Ang kanyang kilay ay parang laging galit at kunot ang noo. He also has a narrowed nose and sexy lips na natural ang pagkapula.

I looked away then shake my head. Anong mga pinag-iisip ko?

I can hear my heart beating so loud. What is happening with you, Patricia? Pull yourself together!

I cleared my throat. Sobrang tagal naman yata ng taxi. Sinulyapan ko siyang muli. May tinitigan siya sa cellphone niya, kunot parin ang noo. Then nang nakita niya ang pagsulyap ko ay agad niyang pinasok ang cellphone sa bulsa.

Ayan ka na naman, Patricia.

Bumuga ako ng malalim na hininga ng nakita kong pumara siya ng taxi. Parang may celebration sa loob ng katawan ko. Sa wakas, aalis na siya.

Napatigil ako ng binuksan niya ang pinto ng sasakyan at hinihintay akong makapasok. Dahil sa gulat at lito, ay naituro ko ang sarili kung ako nga ang kinakausap niya at tango lang ang naging tugon niya sa akin. Dahan-dahan akong pumasok.

"Thank you at paalam--" Mas nagulantang ako ng pumasok rin siya sa loob. Laking gulat ko sa sunod na sinabi niya.

"Metropolis Subdivision po, Kuya."

Nalilito na ako sa ikinikilos niya. Bakit naman siya sasama sa akin? Kung may pupuntahan siyang malapit lang sa amin, bakit dito pa siya sumakay? Uh, pwede nga naman pala. Pero the hell? Kanina sa coffee shop ay wala na siya. Akalain mong kasama ko pa siya ngayon. Hindi kaya...tama ang hinala ko?

Tinitingan ko siya. Hindi na kinaya ang mga tanong na gumugulo sa akin.

"Chaz, do you like me?"

Napabaling rin siya sa akin. Ang kunot na noo'y mas kumunot pa. Then I saw a smile on his lips pero walang bahid ng tuwa.

He titled his head and bend towards me. He narrowed his eyes.

"Why? Because of this?" Pabalik na tanong niya.

Wala akong naisagot sa tanong niya. My heart is beating so loud inside my chest at nakakahiya kapag narinig niya iyon kaya ako na mismo ang umusog dahil narin sa kilos niya. He always makes me feel intimidated.

"Don't worry. I came for your brother."

Dahil sa hiya, sa bintana nalang ako nakatingin buong biyahe.