webnovel

Glimpse of You (San Ildefonso Series No.1)

j0biyaa_ · Urban
Not enough ratings
11 Chs

Kabanata 7

Job

Nakalabas lang ako ng kwarto nang narinig ko ang boses ni kuya Gab.

"Maybe let's wrap it up. We'll continue tomorrow."

"Okay." Sabi ng isa sa kanila sa labas.

"How about your sister, Gab?" Tanong ng isa sa kanila. Siguro ay si Geoffrey dahil pamilyar na ako sa boses niya.

"Patricia? How are you there? We're done." Sigaw ni kuya sa akin.

Hindi ko alam kong bakit ako natatakot lumabas. Dahil ba nandyan sya? Come on, Patricia. He's just nobody. I cleared my throat at tsaka dahan-dahan binuksan ang pinto para wala silang masilip galing sa loob lalong-lalo na ang graduation gift ko para kay kuya.

"Tapos narin ako." Sabi ko kay kuya habang diretsong nakatitig lang sa kanya.

Mukhang hindi pa niya nasasabi kay kuya ang tungkol sa graduation gift ko. Pero wala akong balak na tanungin siya tungkol doon.

Naalala ko ang nangyari kanina sa loob. How he admired and give compliment sa painting ko. Yumuko ako, biglang uminit ang pisngi ko. This is the first time that someone except kuya compliment my work.

Kahit pa paminsan-minsan ay may individual artwork kami sa school, wala ni isang pumuri sa ginawa ko even my parents.

May naramdaman akong kirot sa aking dibdib. Nawala ang ngiti sa aking mga labi.

"A penny for your thoughts, Patricia?" Kuya Gab.

"Ah! N-nothing. Tara na, Kuya." Lumapit na ako sa kay Kuya Gab habang nauna na sa labas ang tatlo.

"You okay?" Malumanay na tanong sa akin ni kuya. I hugged him, niyakap niya rin ako pero ng mas mahigpit pa sa pagyakap ko sa kanya. He kissed my forehead, I close my eyes. Ngayon ay naglalakad kami papalabas ng gate.

"What did you do inside?" Alam ko kung ano ang pinupunto niya at wala akong balak na sabihin sa kanya iyon.

"Basta....secret." I hugged him again.

Nakalabas na sa gate ang tatlo. Kumunot ang noo ko, dalawa lang ang sasakyang nakapark sa labas. Kumalas ako kay kuya.

"See kuya? I'm right." Lingon ko kay kuya na nakatayo sa tabi ko. Kunot-noo siyang bumaling sa akin.

"What?"

"We're going na Gab. Pat, see you around the campus." Si Adam. While western gesture lang ang naging paalam sa amin ni Geoffrey.Tumango lang kami ni Kuya bilang tugon.

Napasulyap ako sa banda niya. Malalim niya akong tinititigan. Hindi ko alam kong ano ang bumabagabag sa kanya dahil kanina pa siyang tahimik at seryoso akong tinitigan making me feel intimidated. Nanakaw lang ang titig niya sa akin nang tinawag siya ni Geoffrey.

"Ano pre? Anong sasakyan mo? Kung gusto mo, dito kana sumabay sa akin." Sabay tap niya ng kanyang sasakyan.

"No, I'm good. Magtataxi lang ako."

So far, this is the first time I've heard him talk that long. The fuck Patricia! Kahit ang mga simpleng detalye lang napapansin mo talaga.

"Okay then. To the both of you, ingat. Gab, alis na kami."

Kalaunan nakaalis na ang tatlo. Naunang nakaalis si Geoffrey at sumunod naman si Adam. Habang si Chaz naman, ay halos limang minuto pa bago nakaalis.

Bumaling ulit ako kay Kuya. "See, Kuya?" tumatango-tango pa ako.

"Hmm?"

"He's poor. Wala siyang car kahit na laptop nalang."

"Ahh.. siya."

He just smiled at me. Nauna na siyang pumasok sa bahay.Dim light filled the living room. Wala siyang naging tugon sa sinabi ko. It's past 9pm na at wala parin sina Dad and Mom.

"I don't know why it is so big deal to you." Patay niya sa mahabang katahimikan na lumamon sa buong bahay. We're heading to our bedrooms.

"I don't understand why he's one of your friends, Kuya,"

Dahil sa sinabi ko ay bumaling siya sa akin. Nasa kalagitnaan kami ng hagdanan. I was shocked by his sudden movement. The way he stares at me is like digging out the other meaning of my words.

"A-and I find it weird...very weird."

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad paitaas, at sumama narin ako. Wala siyang naging sagot doon. Hindi ko tuloy alam kung may nasabi ba akong masama pero I am just stating the truth. Nauna na akong nagbukas ng pinto at narinig kong tinawag ako ni Kuya.

"What, Kuya?" Papasok narin siya sa kwarto niya. We're both holding our doorknobs.

"I know, hindi mo pa ito alam," kalmadong sambit niya. Sa sahig lang siya nakatingin, ignoring my gaze at him.

"But he's an old friend of mine." Now he's staring at me. He smiled nang nakita niya ang kuryusidad sa mukha ko. Gusto ko pang magtanong kung hindi lang siya naunang pumasok sa kwarto niya.

Pumasok narin ako at naghilamos ng mukha.

Old friend? Kailan lang? But he doesn't seems familiar to me. And besides ano ang kinalaman non sa tanong ko sa kanya kanina? Ano ngayon kong magkaibigan sila noon pa, he's still poor. It's known that we don't socialize with any poor family. So nice naman ni kuya para makipagkaibigan sa kanya at ngayon ko lang talaga nalaman ang tungkol sa kanya. He must be important.

Kinaumagahan ay nagulat nalang ako na nasa hapag na sina Dad at Mom. Nakauwi na pala sila. I glanced my watch, it's already 10pm. Tinanghali yata ako ng gising.

"Mommy, what time kayo nakauwi?" Sabay upo ko sa tabi niya. Wala akong ganang kumain kaya nagkape nalang ako.

Natatandaan ko noon, ayaw pa ni Dad itong pagkahilig ko sa kape. Hindi naman ako mahilig sa puro, I love my coffee with creamer on it.

"Kanina lang, my dear but it's okay."

Pinagmasdan ko si Mommy. She's getting skinnier. Naalala ko sabado pala ngayon.

"Any work for today, Mom?" Masigla kong tanong sa kanya.

"Uh.. I think hindi na ganoon karami. Why iha?" Pabalik na tanong niya sa akin matapos siyang sumimsim sa kanyang kape.

"Why don't we go for shopping, Mommy?" Mahina ko siyang yinugyog.

"You can't." Dad said with dismissal. Napahinto ako sa pagyuyogyog kay Mommy nang nagsalita si Dad na nakaupo sa aming harapan.

Kumunot ang noo ko. Tumuwid ako sa pag-upo.

"Why Dad? Isn't it a good time to shop?"

"I heard that you're final exam is fast approaching," he said while his eyes are directly towards his plate.

"You must better focus on studying hindi iyang paglalakwatsa." He seems calm pero ang mga salita niya ay parang punyal sa akin. I just want to have a date with Mom na kahit sa ganoon lang ay makapag-aliw naman siya.

Hindi na ako umimik. I just focused on my coffee. Ngayon ko lang napansin na parang pumait ang kape ko.

Walang nangahas na magsalita. Mistulang mga kubyertos lang ang nagbibigay-ingay sa hapag. I hate this awkward atmosphere o sadyang ako lang ang nakakaramdam.

"Where's Kuya Gab, Mom?"

"Uh.. Ang alam ko lang ay maaga siyang umalis." Patapos na siya sa kinakain habang ako ay kanina pa tapos sa aking kape.

"School. Meeting his friends for their thesis," Dad said. Tumango lang ako.

Mabuti nalang at doon na sila nagplanong gumawa ng thesis nila. I can't imagine him being here again. Ayaw kong magkrus pa ang landas naming dalawa pagkatapos ng nangyari kagabi.

"Kaya sana, make your brother as your role model. Tingnan mo, he's running for Magna Cum Laude."

"Yes, Dad." Mahinang sambit ko. Nawawalan na ng gana.

Tumayo na ako, pumunta ng kitchen para uminom ng tubig. Kahit pa sobrang lamig ng tubig ay hindi nababawasan ang init na nararamdaman ko sa aking dibdib.

Umakyat ako sa kwarto, hindi na kinaya. Humiga ako sa kama ko at tinakpan ang sarili ng unan. I cried myself. Punyeta naman ang aga-aga umiiyak ako.

For so many years, Dad never compliment me for what I done and support me for what I can do. He's always comparing me with Kuya Gab. Kaya ko nga kinuha ang engineering pareho ng kay kuya kasi nagbabakasakali ako noon na magbabago si Dad, pero hindi. Mas lalo lang yatang lumala.

I am thankful na hindi ganoon si Kuya.

"You're doing your best, Patricia. You know you did." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

I fake a smile just to lift up my mood. Natuyo na ang mga luha.

Anong gagawin ko ngayon? Pagagalitan niya naman ako paglumabas ako ng bahay. But the hell naman oh! I'm fucking bored. It's saturday at gusto kong gumala. It's been awhile since the last time I shop.

I decided to call Mina and Alluiza. Pero si Alluiza lang ang sumagot. Mina seems busy.

"Wanna go shopping?"

"Uhh.. actually andito lang ako malapit sa inyo eh." Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga.

"Where? I'll go there. Text me the address."

Naligo na ako at nagbihis. Sa baba ay si Mom lang ang nasa sala. Busy with her laptop. I sighed, kahit sa bahay nalang ay busy parin sila.

"Mom, pakisabi kay Dad sa malapit na coffee shop lang ako. Group study."

Tumango lang si Mom. I decided to take a cab instead of our car. I'm sure, mahaba-habang araw ito.

I am now wearing a ripped jeans and a plain white shirt paired with my favorite sneakers na kakulay ng top ko. Mas gusto kong ganito ang suot baka kasi may magtangkang pauwiin ako mamaya, at least makakatakbo ako.

"Hi! Mina seems so busy. And... I don't know that you're studying here." Agad na sabi ko kay Alluiza. Ang layo kasi ng subdivision nila dito sa amin and besides mas maraming coffee shops na mas malapit sa kanila. It's weird na mas pinili nya pa dito sa amin.

Hindi siya umiimik. Diretso ang tingin sa malayo.

Nilapag ko sa desk ang libro ko at isang notebook. I also printed all the documents na sinend ng professors namin sa group pages sa social media. Tiningnan ko ang mga gamit niya, mas marami pa yata itong dala ko. Isang maliit na notebook lang ang dala at may iced coffee sa gilid niya.

"Are you really going to study, Alluiza?" Narrowing my eyes, sinusuring mabuti ang kanyang ikinikilos.

Ngayon ay nakuha ko ang atensyon niya.

"Ayaw ko na sa kanya. Tama nga ang sinabi ng iba." Sumimsim siya sa kanyang kape.

"Who? Ikaw ha, you're not keeping me updated. Another lovelife?" My eyes narrowed. Sabi ko sabay taas ng kamay para tumawag ng waiter.

"Hindi mo ba alam na dito siya nagta--"

"May I get your order Ma'am?"

Napatitig ako sa nagsalita. I look up at laking gulat ko na kahit dito ay makikita ko siya at mas nagulat ako nang nakasuot siya ng kapareho noong ibang empleyado. Naestatwa ang kamay ko sa hangin. Hindi ako makahinga, sobrang lapit niya sa akin.

He is working here?

"...trabaho." Dagdag ni Alluiza sa kanyang sinasabi.

Hindi ako mapaniwala sa nangyayari. Pinaglalaruan yata ako.