webnovel

From The Blade Lies My Skills

Azeirion hates practicing for he does not want to hold any weapons. Some believes he's just ignorant and lacks courage. That day, a moment that will unfold in front of his eyes will change everything.

Gi_Nicole · Fantasia
Classificações insuficientes
7 Chs

Kabanata 4

Kabanata 4: Ang Eskwelahan Ng Nayon

Azeiron's POV

Ang pangalan ko pala ay Azeirion, wala namang pinagbago; inalis lang nila ang dalawang letrang "i" sa aking pangalan.

Ang pinagtataka ko ay tungkol sa aking buong pangalan, ano nga ba ito?

May bigla na lang akong naririnig na katok sa pinto ng bahay na ito.

"Sila na yata 'yon," sabi ni Aleiya kay Puti.

Tumingin nang napakaseryoso sa pinto si Puti, tumayo siya't naglalakad papunta rito.

Binubuksan niya ito at dalawang lalake ang aking nakikita.

Hindi ko sila marinig ngunit sila'y pinagmamasdan ko.

Pinapasok ni Puti ang dalawang lalake, nakasuot sila ng kasuotan na sa tingin ko ay pang guro.

Tumingin ang isang lalake sa'kin na may mahabang maitim na buhok. "Kamusta, Ako nga pala si Anio ang isa sa kakampi ng iyong ama. Malapit kaming mag-

kaibigan noong siya'y nabubuhay pa." Ngumiti siya pagkatapos magsalita.

Nagsasalita naman ang isa niyang kasama habang nakatingin sa'kin. "Ako nga pala si Raveios, ang bunsong kapatid ng iyong ina. Tito mo ako at guro sa eskwelahan na narito sa nayon." Ngumiti siya pagkatapos magsalita.

Bigla na lang bumukas ang pinto, isang babae ang nakikita ko.

Hinihingal siya't napakaganda niya, kaso kasing tanda siya ni Puti.

"Andito ka na pala Flora, kanina ka pa namin hinihintay," sabi ni Aleiya, habang nakatingin sa kaniya.

Tumabi si Flora kay Anio at Raveios, tumingin din siya sa'kin, ba't ang hilig nilang tumingin sa'kin?!

"Ako nga pala si Flora, ang isa sa malupit at magandang kakampi ng iyong ama," sabi niya sa'kin.

"Alam nating kagandahan lang ang meron ka ngunit wala ang lakas." Tumawa si Anio at Raveios nang napakalakas.

Tumingin naman si Flora sa dalawa na may kasamang galit at inis.

"Huwag na tayo magbiruan pa. Ang batang si Azeirion ay nangangailangan na matuto mula sa eskwelahan, kailangan niya rin lumakas," sabi ni Puti, napaka-

seryoso niya talaga kung magsalita.

"Oo nga pala, ano nang plano natin?" tanong ni Anio kay Puti.

Tumingin sa'kin si Puti, napakaseryoso niya pa rin. "Ikaw Azeirion, ay merong abilidad na pambihira sa mundong ito. Napansin namin noong bata ka pa: madalas lumabas sa'yo ang maitim na enerhiya at ang kapangyarihan ng apat na elemento."

Tumingin siya kay Anio. "Si Azeirion ay dapat matuto ng mga bagay tungkol sa mundong ito. Kailangan niyang mag-aral nilang isang estudyante bago isabak bilang isang malemento."

Nagtataas ng kamay si Raveios, nang tingnan siya ni Puti: ibinaba niya ang kaniyang kamay, nagsasalita siya. "Ako na ang bahala sa'king pamangkin, tuturuan ko siya kung paano mambabae, este maging malemento."

"Magaling," sabi ni Puti.

Patuloy silang naguusap, sa mga oras na ito; alam ko na ang aking magiging buhay rito sa nayon.

Nawa'y magkaroon ako ng isang maganda't mahabang buhay.

Susubukan kong sa weekdays, makapag

-publish ng isang kabanata. Para sa mga katanungan tungkol sa nobelang ito: maari po kayong magtanong sa comment section.

Salamat!

Gi_Nicolecreators' thoughts