Kabanata 5: Ang Buhay Bilang Isang Estudyante
Azeiron's POV
Ako ay ginigising ni Aleiya, pagkagising ko: ang bumungad sa'kin ay ang ngiti ni Aleiya, habang nakatingin sa'king mukha.
"Magandang umaga Azeirion! Ngayong araw ang unang araw mo, sa pagpasok sa isang eskwelahan!" naghahagis siya ng mga makukulay na papel.
Bumangon ako at tumingin sa kaniyang mukha, ngumiti naman ako't bumati rin ako sa kaniya. "Magandang umaga rin, ayoko munang pumasok."
Bigla akong nakakaramdam ng isang malakas na hampas sa aking likod.
"ARAY KO!"
Bumukas bigla ang pinto at nakikita ko si Puti na mukhang nababahala.
"At ano ang sigaw 'yon?!" tanong niya sa'min.
"Itong bata mo, ayaw pumasok sa eskwelahan," sagot ni Aleiya kay Puti, mukha siyang masungit.
Ngumiti bigla si Puti. "Akala mo naman na si Azeirion lang ang ayaw pumasok, ikaw rin kaya! Sinundo pa kita noon sa bahay ninyo upang ihatid ka sa iyong eskwelahan."
"Aba!" Tumakbo si Aleiya upang habulin si Puti.
Tumakbo na rin si Puti palabas ng silid, hinahabol naman siya ni Aleiya.
Tumayo ako't nakumbinsi ako sa nangyari kay Aleiya at Puti: na pumasok ngayong araw.
Kahapon, tinuruan ako ng aking tito na si Raveios at tita na si Flora: kung ano ang aking gagawin; una, ang tumingin ng kasuotan sa aparador na nasa kwartong ito, pangalawa, ang kumain at kumilos katulad ni Azer.
Si Azer ang aking ama ngunit hindi ko magustuhan at maintindihan kung bakit ang bilis niyang mamatay; hindi naman siya mahina kundi napakalakas na nilalang.
Kumuha na ako ng kasuotan sa loob ng aparador, isang kasuotan na kulay asul ang aking pinili.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa unang palapag ng bahay na ito, na ang may-ari ay si Aleiya.
Tumingin ako sa kusina at nakikita ko si Puti na naglilinis ng sahig.
Lumapit sa'kin si Aleiya, inaayos niya ang aking kasuotan.
"Azeirion, huwag kang mahihiya sa'kin at kay Puti. Mabait naman siya ngunit seryoso kung makipag-usap, maasahan mo siya at pati ako sa lahat ng bagay. Azeirion, mag-iingat ka sa eskwelahan ah."
Tumango ako na may kasamang ngiti sa harapan ni Aleiya.
Hinalikan niya ang aking noo, bago ako lumabas mula sa bahay na ito.
Ang sapatos na suot ko, ay matibay at garantisadong hindi masisira.
Naglalakad ako papunta sa eskwelahan, ilang oras din ang nilakad ko bago ako makarating dito.
Tinuro sa'kin ni Aleiya ang pagpunta rito kahapon, pumunta rin kami rito ng limang beses.
Iniwanan niya rin ako kahapon, upang ako na ang mag-isang pumunta sa eskwelahan.
Huminto ako sakto sa harapan ng malaking eskwelahan na ito.
Teka, maraming estudyante sa paligid. Halos hindi ko na sila mabilang pa.
Lumapit sa'kin ang isang babae at lalake.
"Kamusta, ako nga pala si Ifria, anak ako ni Flora at Raveion," nagpakilala sa'kin ang babae na may maiksi at pulang mahabang buhok. Ang kasuotan niya ay kulay rosas.
"Ako naman si Rezion, ang anak ni Anio at Elia," nagpakilala naman sa'kin ang lalake na may nakababang asul na buhok, ang kaniyang kasuotan ay kulay asul.
Ipinakikilala ko rin ang aking sarili sa kanila. "Ako nga pala si Azeirion, ang anak ni..." Huminto ako sa pagsasalita nang may naramramdaman akong matinding enerhiya sa kapaligiran ko.
Tumingin ako sa aking paligid, mukhang wala namang kakaibang nangyari o nangyayari.
Tumingin ako sa nagtataka na si Ifria at Rezion, itinutuloy ko ang naudlot kong pagpapakilala sa kanila. "Ako ang anak ni Aleiya at Puti."
Naalala ko ang sinabi ni Aleiya at Puti sa'kin: bawal ko raw sabihin sa kahit sino na ako ay anak ni Azer at Raven.
Para sa proteksyon ko raw 'yon.
Kitang-kita ko sa mukha nila ang gulat.
"Aba! Hindi namin alam na may anak na pala si tito at tita," sabi ni Rezion sa'kin.
Natatawa na lang ako sa reaksyon ni Rezion, sa sinabi ko.
Para naman walang butas ang aking paggawa ng kwento: na hindi naman totoo. Gumawa na rin ako ng dahilan.
"Ah... Ayaw talaga nila na ako'y ipakilala sa mga tao. Nahihiya sila't gusto nilang... Hindi sila mahilig sa sorpresa."
Natatawa si Ifria sa'king sinabi, tumingin sa'kin si Rezion at ngumiti. "Talagang, ayaw nila sa mga sorpresa."
Tumawa rin siya, pati ako'y nakikisali na rin sa kanilang pagtawa.
Lumakad kaming tatlo papasok sa loob ng eskwelahan, habang naglalakad kaming tatlo; hindi nawawala ang kwentuhan.
"Azeirion, ano bang elemento ang nakokontrol mo?" tanong ni Ifria sa'kin, habang naglalakad kaming tatlo na magkatabi.
Tumingin ako kay Ifria, teka! Wala pa akong ni-isang elemento na nakokontrol, anong sasabihin ko sa kaniya.
Katulad ng kanina, gumawa ako ng kwento. "Ako'y nasa sampung taong gulang pa lang. Ang sabi ni mama at papa sa'kin: hindi ko pa raw kayang kontrolin ang kahit isang elemento, bata pa raw kasi ako."
"Nakapagtataka, dahil ang elemento ko na hangin ay lumabas noong, ako'y nasa siyam na taong gulang pa lang," sabi ni Ifria sa'kin.
"Hayaan mo na Ifria, lalabas din ang elemento na kokontrolin ni Azeirion, may mga bayani rin na ganiyan ang naging kalagayan. Mga nasa labing limang taong gulang na sila noong lumabas at makontrol nila ang kanilang
elemento," sabi ni Rezion kay Ifria.
Huminto kami sa harapan ng isang pinto ng isang silid, si Rezion ang nagbubukas ng pinto.
Pagkabukas ng pinto, tumama sa mukha ni Rezion ang isang lobo, ngunit siya'y tinulak ko at ako ang tinamaan ng lobo na naglalaman ng pulang pintura; tumama ito sa'king mukha.
Naiinis ako sa nangyari sa'kin, pinupunasan ko ang pulang pintura na nasa aking mukha.
Tumawa ang lahat at lumapit sa harapan ko, ang isang lalakeng matangkad na ubod ng pangit.
Tumingin siya sa'kin na para bang nang iinis. "Bakit? Lalaban ka ba?"
Lumakad ako at siya'y aking binubunggo, napaupo siya at umupo ako sa nakahanay na mga upuan sa harapan.
"Gara no'n! Binubunggo ka lang niya Chester! Gara no'n!"
Narinig ko ang nagsabi no'n; boses babae na ubod din ng panget sa mukha, tumingin ako kay Chester habang siya'y tumatayo mula sa sahig. Tumingin siya sa'kin na naiinis.
Lumapit siya sa'kin at huminto sa'king harapan. "Ikaw! Bago ka lang dito, hindi mo pa ako kilala!"
Kumuha ako ng pera sa'king bulsa at ito'y ibinibigay ko sa kaniya.
Tumingin siya sa pera at sa'kin at siya'y nalilito. "Para saan itong pera na'to?"
Tumingin ako sa kaniyang mukha, nang seryoso. "Hanapin mo ang aking pake."
Ang lahat ng estudyante na narito ay humiyaw, dahil sa'king sinabi.
Itinatago ko ang perang inaabot ko kay Chester.
Tumingin siya sa'kin, at masasabi kong mas naiinis siya sa'king sinabi.
Binabantaan niya ako ng kaniyang kamao, nakahanda rin ang kanang kamao ko sa pagsuntok sa kaniyang tiyan.
"Chester Livios! Anong ginagawa mo kay Azeirion?"
Tumigil si Chester sa tangkang pagsapak sa'kin, tumingin siya sa lalakeng pumasok na si Raveios: ang aking tito at guro rito.
"Ah, wala po, nakikipagkilala lang po kay Azeirion." Tumingin siya sa'kin nang ilang segundo, na para bang inuutusan niya ako na manahimik.
Tumayo ako mula sa aking upuan at sumigaw ako kay Raveios. "SI CHESTER PO AY BINATO PO AKO NG LOBO NA NAGLALAMAN NG PULANG PINTURA. HINDI PO SIYA HUMIHINGI NG TAWAD SA'KIN!"
Lumapit ang kasama niyang babaeng estudyante sa'kin, tumingin siya kay Chester na may kasamang galit.
Tumingin siya sa'kin, na para bang nag-aalala siya sa'kin; kumuha siya ng tuwalya mula sa bulsa ng kaniyang palda: ginagamit niya ito pang punas sa'king mukha, siyempre basa ito, habang pinupunas niya sa'king mukha.
"Pag pasensyahan mo na si Chester ah, talagang ganiyan siya," sabi ng babae sa'kin.
Hininto niya ang pagpupunas sa'king mukha at ipinapakita niya sa'kin ang tuwalya niya na kulay puti, na naging pula dahil sa pintura na nasa aking mukha.
"Bakit ka humihingi ng tawad kung hindi naman, ikaw ang gumawa no'n?" tanong ko sa babae.
Tumingin siya sa'kin, na para bang nahihiya siya. "Isa kasi akong babae na mahilig sa mga espiritu." Tumingin siya sa gilid.
Natatakot ba siya, na baka pagtawanan ko siya, hinahawakan ko ang kaliwang kamay niya.
Tumingin siya sa'kin, at sinasabi ko sa kaniya. "Huwag kang mahihiya, dahil hindi kita pagtatawanan."
Para bang natutuwa siya sa'king sinabi, dahil sa ngiti sa kaniyang mukha.
"Salamat, Ako nga pala si Viora," sabi niya sa'kin.