webnovel

FREEDOM IN YOU (FILIPINO)

si Aiserize ay isang top student, ngunit simula nang lagi ito binubully ni lucy wala siya ibang magawa kundi mag cutting para maiwasan si lucy. pumunta si Aise sa park nung araw na yun at dun niya nakilala si hiro na nag cutting din dahil wala itong ka interest interest sa pag aaral. pero si hiro ay isa rin na top student, at sa park nag simula ang kanilang kwento.

mxxaise · Urbano
Classificações insuficientes
25 Chs

FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

nakabalik na ako sa school at buong akala ko nandito na sila hiro, pero wala pa rin. dahil sa nakita ko sa kanya kanina Lalo siyang di mawala sa isip ko

ang hot nya teh! kung nakita niyo lang!

habang patagal nang patagal ko siyang nakakasama Lalo akong nahuhulog sa kanya, hindi ko rin napansin na in love na ako sa kanya

(A/N: hala si ante nakita lang naka suit si Hiro na inlove na. I mean sinong hindi ma iinlove diba?)

di na ako bumalik sa room at dumeretso sa pinagprapractice-an namin sa baba

"Rize, laro" pag aaya ni jay at umiling ako

"maya maya kapag nandito na si hiro" saad ko

"Kahit ilang game lang" saad nito at pumayag ako

"ilang araw na lang mag uumpisa na yung event, kaya dapat alam mo na basic skill ng badminton" saad nito at biglang sumakit ko nang sinabi niyang ilang araw na lang

pucha lagging sumasakit tiyan ko kapag kinakabahan

"ano ba mga basic skill?" tanong ko sa kanya, di ko rin alam e basta naglalaro ako

"ganto" saad nito at naglakad papalapit sakin, inayos niya yung paghawak ko at yung postura ko

"o tapos?" tanong ko rito

"kapag malapit na sayo yung shuttlecock sabay ganto" saad nito at hinawakan ang kamay ko saka niya ginalaw kung paano saluhin yung shuttlecock

girl Kahit baby alam kung paano 'to

"tabi"

napalingon ako nang maranig ko ang boses ni hiro at nagsimula na naman bumilis ang tibok ng puso ko

"ah hiro, nakarating ka na" saad ko rito, at tinignan ko siya ulo hanggang paa. naka pagpalit na siya

"ako na magtuturo kay Ise" saad nito habang di pinansin ang pag tawag ko sa kanya

"sige, ituro mo sa kanya mga basic skill" saad nito at tumabi sa isang gilid

"kumusta?" tanong ko rito at hinawakan niya ang kamay ko

"ayos lang naman naging takbo, e ikaw na enjoy mo ba ginagawa mo kanina?" tanong nito sa akin at ni-sway ang kamay ko

"huh?" tanong ko rito, at tinutukoy niya ata yung pagturo sakin ni Jay

"wala" saad nito

"di ka ba magpapalit muna?" tanong nito sa akin dahil naka uniform ako

"di na, tinatamad ako bumalik sa room" saad ko at inalis ko ang kamay nito sa paghawak sakin

"nakita nga pala kanina sa mall, napadaan ako" saad ko rito at tinungkuran yung balikat niya, bali braso na lang dahil di ko abot ang balikat niya

"kanina lang? ba't hindi mo ko pinuntahan?" tanong nito sakin at tinuktukan ako

"mukha kang busy kaya di na kita tinawag" saad ko at hinawakan ko ang noo ko

"hindi naman ako busy" pagsisinungaling nito. halata namang busy sila kanina

"ang hot mo nga tignan sa suit, sayang di kita nakita ng malapitan" saad ko at umurong agad ang dila ko

bakit ko sinabi sa kanya yung dapat ako lang makakaalam!

"pakiulit nga yung sinabi mo" saad nito at nilapitan Lalo ang mukha ko

"a-ah, a-ang sabi ko. mu-mukha kang naiiinitan sa su-suot mo" nauutal kong saad at lumalayo sa kanya

"akala ko ba magprapractice sila?"

"hayaan mo na lang sila"

pag uusap ni Jay at daisy sa gilid habang pinapanood kami

"pft galing ng palusot mo. hindi halata" saad nito at biglang tumawa

dapat talaga di lumabas yun sa bibig ko e!

"oo nga pala, wala rin si Lucy kanina" pag iiba ko ng usapan

"ah, kasama siya sa naging meeting kanina. sinama siya nung papa niya, Kahit wala naman siyang ginawa" walang ka interest na interest niyang saad

"ah kaya pala" saad ko at tumango tango

"dibale kapag sa susunod na meeting, isasama kita" pagbulong nito sa tenga

"ha?!!! ano namang gagawin ko dun?!" sigaw ko sa kanya

"you know, hindi lang yun ordinaryong meeting. may sayaw din na nagaganap, at dahil wala akong magawa they made me dance with Lucy" saad nito habang parang nasusuka

"grabe, ang sama mo" saad ko rito habang umaarte na nakakatakot

"hindi sa ganon, ayoko lang makipag sayaw sa bully" saad nito ng may malamig na tono

siguro galit na galit siya sa bully kaya inutusan niyang si Lucy na wag lumapit sakin nang malaman niyang binubully ako ni Lucy

pero nakakainggit naka sayaw ni Lucy si Hiro! puchangala kung ikukumpara ako kay lucy paa lang siguro ako ni Lucy

"pero kung gusto mo, pwede naman kitang isayaw ngayon" pagbulong nito sa tenga ko at nanayo ang balahibo ko sa katawan

"tumigil ka nga kakabulong sa tenga ko!" sigaw ko rito at tumawa ito

"ayaw mo ba?" tanong nito

"no, di ako marunong sumayaw!" sigaw ko uli rito

"ako mag lelead" pamimilit nito

napatigil ako nang may lalaking papalapit samin na kamukhang kamukha ni hiro.

di siya si Tito Jelal, mas kamukha ito ni hiro at mas bata rin kay tito Jelal kaya imposibleng si tito ito. pero pogi rin siya

akala mo mga pina xerox copy lang mukha nila

"kuya ba yan ni hiro?"

"kamukhang kamukha ni hiro"

napalingon si Hiro sa tinitignan ko, at gumuhit ang gulat sa mukha niya

"pwede ko ba kayong ma interrupt?" ngiting saad nito at huminto sa harap namin

"ano naman ang ginagawa mo rito?" tanong ni hiro sa kanya habang nakataas ang isang kilay

"binibisita ko lang ang pinakamamahal kong kapatid" saad nito at di ko alam bakit ako natawa dahil siguro sa nakikita ko sa kanya si hiro

"ikaw siguro si Ice, Ice ba yun o Ace?" saad nito at lumapit sakin

"ah, aise po" saad ko at nagulat ako nang hawakan nito ang baba ko

"ang galing din ng kapatid ko pumili ng babae" saad nito at bigla akong namula na parang strawberry, at nakita ko rin na parang natataranta si hiro

"wag mo nga syang hawakan, at ano ba talagang pakay mo" tanong ni hiro at hinampas ang kamay nung kuya niya

"curios ako kung sino si Ice, pero siguro wala naman akong dapat ipag alala" ngiting saad nung kuya ni hiro

"ah ganun ba? sige alis ka na" saad ni hiro

"wait lang, onti pa lang screen time ko" saad nung kuya ni hiro

"sige, bibigyan kita ng 5 minutes pa" saad ni hiro

ano bang klaseng magkapatid to?

"ako nga pala si Jiro, kuya ni Hiro. sa tingin mo sino mas pogi samin?" tanong nito sakin

"ikaw" di ako nag dalawang isip sakyan ang biro nito

dahil alam kong inaasar niya si Hiro

"pano ba yan hiro?" nakangising saad ni Kuya Jiro

"do you mean it?" deretsong tanong sakin ni Hiro at umiling iling ako

"napilitan lang siya" saad ni hiro at ngumisi rin

"sayo siya napilitan" pag tatalo nito

"wag na kayong mag away mag kamukha naman kayo" natatawa kong saad

"ah, Ice-"

"Aise po" saad ko habang nag awkward smile

"ah Aise, ito number ko. puntahan mo ako pag may ginawang gulo kapatid ko" saad nito at binigyan niya ako ng calling card niya

"ah sige po" saad ko

"anong sige po? mukha ba akong gumagawa ng gulo?" sigaw sakin ni hiro at tinawanan ko lang ito

"sige Ice, mauuna na ako" saad nito at tumakbo papaalis

"magkakatulad kayo" natatawang saad ko

"ang layo, ew" saad nito na parang nasusuka

"ah Mabuti pa, subukan natin maglaro na magkasama. para ma practice tayo" saad ko, at mukhang di niya ako pinapansin

"alam mo namang mas pogi ka sa lahat" saad ko at tinignan ako

ito talagang lalaking 'to, ayaw magpatalo

"Daisy, Jay tulungan nyo nga kami mag practice" saad ni hiro at tumingin ako kala Daisy at Jay. first time kong narinig si Hiro na maunang mag salita para kausapin sila

"Tara, Jay" saad ni Daisy at kinuha yung extrang raketa

"diyan ka lang sa harap, aalalayan kita sa likod" saad ni hiro at tumango ako

"laging magseserve yung lalaki, kaya wag ka na mag practice mag serve" saad ni Jay

"oo alam niya na yon" naiiritang saad ni hiro at lumingon ako sa kanya saglit at sinamaan ko siya ng tingin

bakit ba siya nagagalit kay Jay, baliw ba 'to? lala ng anger issues

nag umpisa na iserve ni Jay, at hininaan niya lang ang pag serve. at di ko agad ito nasalo, dito ako mahina sa placing na tinatawag, lagi kasi akong nakaabang sa mataas. at di ko naaalala na pwede gamitin yun ng kalaban para di ko maabot

"hiro" naiiyak kong saad

"hahaha, kaya mo yan. alerto lang" ngiting saad ni hiro at nabuhayan ako

sinerve ni hiro yung shuttlecock, at naka abang na ako baka iplacing uli.

hininaan ni Jay yung hampas at inabangan ko talaga yun, at lahat sila namangha ng mahampas ko pabalik

"nakita nyo yon, nakita nyo yon" paulit ulit kong saad. akala mo nanalo na e

"wow galing, apir" saad ni hiro at nag apir kami. at tuwang tuwa naman ako rito na parang batang maliit

"pag patuloy mo lang yon Aise" saad ni Daisy at tumango tango ako

bumalik na ako sa pwesto ko at sinerve na uli ni Jay. lagi akong nakaabang na sa baba, basta kapag nasa taas. agad ko na lang itataas yung raketa

nahampas ko na naman pabalik ang shuttlecock, at nagpatuloy lang ito nang nagpatuloy

"hiro, tinatawag ka na sa stage" pag tawag ni Lucy kay hiro, at di niya ito pinansin

"hoy, tawag ka na raw" saad ko

"wala naman na kailangan aralin dun, ba't pa ako pupunta?" tanong ni hiro habang hinahabol yung shuttlecock

"nagagalit ka pa rin ba dahil naapakan ko ang paa mo kanina nung sumasayaw tayo?" saad nito habang tumatawa ng mahinhin

"sinayaw mo si Lucy?" tanong ni Jay kay hiro at lumingon ako sa ibang direksyon at umirap

"by force" sagot naman ni hiro at lumingon ako uli ng ibang direksyon at tumawa ng palihim

"tumatawa ka ba Aise?" tanong ni Daisy sakin

"ahh pftt hindi" saad ko habang nagpipigil ng tawa. hahahha assumera ka kasi lucy, buti nga sayo

"by force? e yung paghawak mo sa bewang ko parang di sinasabing by force yun" saad niya habang dinidiinan niya ang mga salita niya

edi ikaw na hinawakan sa bewang, walang may pake

"huh? this is how I hold waist" saad ni hiro at bigla akong hinawakan sa bewang, habang pinalapit niya ako sa kanya

"hoy ano bang ginagawa mo" nahihiya kong saad at sinuntok suntok ang braso niya habang siya ay tumatawa lang

"whatever" saad nito at lumakad papaalis

"sabi ko sayo, isayaw kita ngayon e" saad nito habang tumatawa

"baliw! bahala ka sa buhay mo!" saad ko habang hawak hawak niya pa rin yung bewang ko