webnovel

FREEDOM IN YOU (FILIPINO)

si Aiserize ay isang top student, ngunit simula nang lagi ito binubully ni lucy wala siya ibang magawa kundi mag cutting para maiwasan si lucy. pumunta si Aise sa park nung araw na yun at dun niya nakilala si hiro na nag cutting din dahil wala itong ka interest interest sa pag aaral. pero si hiro ay isa rin na top student, at sa park nag simula ang kanilang kwento.

mxxaise · Urban
Not enough ratings
25 Chs

FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

ngayon na last day ng practice at nangangatog yung tuhod ko kahit wala pa naman yung actual na laro, sana totoo sinabi nila daisy na hindi rin mga players yung ibang sumali sa badminton

"hiro~ gusto ko mag back out" saad ko habang nanginginig ang boses

"kaya mo yan, kasama mo naman ako" saad nito at tinignan ko siya

"alam ko naman yun pero" saad ko habang naluluha

"sige, si Lucy na lang kaya ipalit ko sayo?" sarcastic nitong saad

"ah hindi, kaya ko pala" saad ko at binigyan niya ako ng head pat

"mag tiwala ka kasi sa sarili mo" saad nito

di ganon kadali, sa taong may social anxiety. iniisip ko pa lang na maraming tao manonood, sumasakit na ang tiyan ko, at kinakabahan na ako

"sige, mag prapractice ako ngayon. di ako magpapahinga ngayong araw" saad ko at tatakbo na sana ako sa may net nang hilain nito ang damit ko sa likod

"wag ka masyado mag laro ngayon, baka sumakit katawan mo bukas. di ka makakalaro ng maayos" saad nito, at pano ko naman gagawin yun

"edi paano na ako bukas" naiiyak kong saad

"gusto mo, si-" putol na saad nito

"hindi! kaya ko!" pang momotivate ko sa sarili ko

ilang sandali lang ay nawawalan na naman ako ng pag asa

"Aise, sa pagkakarinig ko gusto mo mag backout?" ngiting saad ni Lucy habang papunta samin

"huh? hindi" pagmamaang maangan ko

"ano na naman ba ginagawa niya rito" bulong na saad ni hiro

"ganun ba? if ever na gusto mong mag backout pwede akong pumalit sayo" saad nito

"as if na makikipag palit ako sayo" ngising saad ko sa kanya

"yan ang gusto ko" saad ni hiro sa gilid at siniko ko ito

nagulat ako nang lumapit ito sa akin at niyakap ako

"galit ka pa rin ba dahil sa mga ginawa ko? look, I'm really sorry. i shouldn't have done that to you" saad nito habang niyayakap ako

at hindi ko maintindihan kung bakit di ako makapagsalita, at makagalaw. di ako natatakot sa kanya pero bakit ako kinakabahan ng sobra

"kung sa tingin mo, ligtas ka na. mali ka" nagulat ako ng binulungan ako nito at biglang may humatak sa akin

napalingon ako, at nakita ko si hiro

"wag mo siyang yakapin, ako lang ang pwedeng yumakap sa kanya" saad nito at bigla akong niyakap

(akala ko naman kung ano dahilan bakit niya ako hinatak)

"baliw" natatawa kong saad at sinuntok ang dibdib nito

you never failed to save me when i needed you to.

"yun lang ang masasabi ko, babalik na ako" saad nito

"sa tingin niya ba may pake tayo?" saad ni Hiro habang nakayakap pa rin sakin

"so, gusto mo ikaw lang yumayakap sakin" pang aasar ko rito

"so what if i am" saad nito at lumayo ako sa kanya.

"tumigil ka nga!" sigaw ko sa kanya at tumingin sa ibang direksyon

sobrang galing niya talagang pabilisin ang tibok ng puso ko kahit anong sitwasyon,

kung alam ko lang talaga nararamdaman mo; di ako masyadong maguguluhan sa relasyon natin

"may iba pa ba siyang sinabi sayo? narinig kong bumulong siya" saad ni hiro at umiling ako

"wala naman siyang binulong" pagsisinungaling ko

"kahit na kinakabahan ako sa badminton bukas, naeexcite ako sa ibang events" pag iiba ko ng usapan

"masaya ba event nyong yun?" tanong niya sakin

"di ko alam, ngayon lang ako pupunta sa event na 'to. saka lagi akong tumatakas sa quiz bee" saad ko habang napahawak sa tiyan ko

"bakit? sa tingin ko kaya mo naman lahat sagutin yon" saad nito

"hindi dahil sa di ako makasagot, di ako makapag focus dahil sa sobrang dami ng tao. kahit na alam ko di ako makapagsalita" saad ko

"hina naman ng loob mo" saad nito at di na ako umimik dahil totoo naman

"parang gusto ko pumunta sa arcade ngayon" saad nito

"ako ayoko" saad ko agad habang di pa siya nakakapagsalitang muli

"e sa cafe?" tanong nito

"kakakain lang natin kanina" saad ko

"kapag umalis ba ako, mamimiss mo ako?" biglang tanong nito at napatingin ako sa kanya

nakaupo ito habang nakatingin sakin, nang sandaling tanungin niya sakin yun. biglang bumagal ang paghawi sa buhok niya pati pag baba ng mga dahon sa lapag

"anong ibig mo sabihin?" tanong ko rito

"ahhaha biro lang" saad nito at sinuntok ko ang braso nito

"sa dinadami ng biro yan pa yung naisipan mong sabihin" saad ko sa kanya at tinadyakan ko ang paa nito

"aray, nakailan ka na" saad nito sakin

"di pa yan sapat noh, sira ka talaga" saad ko

nagulat ako ng abutin nito ang kamay ko, at tumayo

"gusto mo pumunta sa park?" tanong nito sakin

"tara, antagal na rin nung pumunta tayo dun" saad ko

"okay, tara" saad nito, habang hinila ako at sumama naman ako sa kanya. di ko alam bakit bigla akong sumang ayon kung san niya gusto pumunta ngayon

"teka, di na ba tayo mag prapractice?" tanong ko sa kanya

"di na, expert ka naman na" pang uuto nito

"wag mo nga ako utuin" saad ko at napahinto dahil may naamoy akong masarap

"teka, bago tayo pumunta. kakain muna ako" saad ko habang pumunta sa may nag babarbeque

"is it safe to eat?" bulong nito sa akin at napabuntong hininga ako

"mga rich kid nga naman, rich kid moments" saad ko at hinila ko naman siya

"kuya dalawang laman nga po, uhmmm tas dalawang isaw, at dalawang dugo" saad ko at binulungan na naman ako ni hiro

"hoy, wala akong sinabing kakain ako" bulong nito

"i cancel na lang pag punta sa park?" tanong ko sa kanya

"fine" maikling saad nito at tinawanan ko siya

"baliw, masarap yan. wag kang hihingi ulit pag nagustuhan mo ah" saad ko at inabot sakin ni manong yung binili ko, at sinawsaw ko yung anim na stick

"ito po yung bayad" saad ko at inabot ko sa kanya

binigay ko kay hiro yung tatlong stick, tag tatlo kami. sorry naman walang budget. nag simula na kami uli maglakad papuntang park

kinain ko yung laman habang yung isang 'to pinapanood akong kumain

"itry mo na kasi" saad ko at tinignan niya yung mga stick na hawak niya

"wag mo lang yan titigan!" sigaw ko sa kanya

nang kinain nito yung kanya, pinapanood ko naman siya sa gilid ng mata ko

"masarap nga" saad nito at nabago mood niya

"odiba diba" saad ko habang ngumunguya

"di na rin ako nagulat kung di ka kumakain ng ganito" natatawang saad ko

"sinabi kasi ni mama hindi safe kumain ng ganito" saad nito habang ngumunguya, at mukha naman nasasarapan talaga siya

pero teka nga lang. nameet ko na si Tito Jelal, at isa sa kapatid niya, di ko pa nakikita yung isa pa. pati mama niya

"pero totoo naman yun" pag sang ayon ko sa mama niya. si mama rin pinagbabawalan ako kumain ng isaw, at syempre dahil dun dumadaan yung eat ng manok (basta baliktarin niyo yung eat)

"then, bakit natin kinakain 'to" sigaw nito sa akin at tinawanan ko siya

"bakit, mas masarap pag bawal" natatawa kong saad

"anong ibig sabihin mo?" saad nito

"ah wala, wala" saad ko habang winawave ko ang kamay ko

ilang sandali pa nakarating na kami sa park

"so nostalgic" saad ko habang hinigop ang sariwang hangin

"para kang matanda nung sinabi mo yan" pang aasar nito

"grabe ka sakin" saad ko habang naglalakad papunta sa may tunnel so called bahay by hiro

"naaalala ko, tinatawag mo pa to dating bahay" natatawang saad ko

"kasi, dito ako natutulog minsan" saad nito

"seryoso ka? di ka ba nilalamig?" gulat kong saad

"syempre di lang dahil dun" saad nito at tinuktukan ako, habang pumapasok din sa bahay ko

"marami akong alaala sa park na to, kahit di ito nakatayong bahay. matatawag ko pa rin itong tahanan" saad nito at sa mga oras na 'to seryoso siya

"i like that every side of you" saad ko. at tinakpan ko ang bibig ko dahil yung hindi ko dapat masabi ng malakas ay nasabi ko

"Aise, pwede ko na ba sabihin yung kondisyon ko?" tanong nito sa akin habang di pinansin yung sinabi ko, siraulo yun ah

pero naalala ko yung paulit ulit niyang sinasabi na kondisyon dahil sumali siya sa Mr and Ms. dahil nirequest ko sa kanya yon

"sige, ano ba yun?" tanong ko sa kanya

"bigyan mo 'ko ng permission para halikan ka" saad nito at bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko

tignan ko lang ang mga mata niya, at napatingin ako sa labi niya. di ko siya sinagot at ako na mismo ang humalik sa kanya

nakapikit lang ako habang hinalikan ko siya, di ko rin alam pumasok sa isip ko kung bakit ko yun naisipan gawin.

hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako pabalik, sa mga oras na 'to para akong sasabog

"I have always love you" mahina nitong saad at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko

"mahal din kita" sagot ko pabalik, at di ko naisip na masasabi ko rin sa kanya ito

"i know that you do" saad nito at ngumisi

"kayabangan mo talaga" saad ko rito, at umalis siya sa may tunnel

"tara" saad niya at binuhat ako papaalis sa tunnel

"umuwi ka na bago pa magdilim" dagdag pa nito at tumango ako

binaba niya ako nang makaalis ako, at hinawakan niya ang mga kamay ko.

di ko rin alam kung bakit ganto ang hinantungan, dahil sobrang bilis ng mga pangyayari. pero wala na akong pake at susulitin ko ang bawat segundo na kasama ko siya

i have always love you too, My unpredictable boy ; i like everything about you, and everything that you do